CHAPTER 38

11 1 1
                                    

ADAM POV

Ang Ganda talaga ng boses niya, kaya siya pinili ko, nahihiya lang siya pero sa totoo lang, ganda ng boses nitong Yame ko.

Stay focus, try to play games with her Adam, try it. Ngumiti lang ako habang pinapakinggan ang angelic voice niya. Natapos ang 5 songs at nagpahinga muna siya kasama yung banda.

“Napanis laway ko dun ah!” agad siya niyakap ni Cassie na palakpak ng palakpak kanina pa, humabol siya dito nang malaman niyang pinakakanta namin si Isay, dami nga tao kanina eh pinapanood ang banda. Baka nga kapag wala si Paolo mamaya, si Isay nalang pakakantahin namin, sure win na!

Pumunta kaming lima ni Lisanna, Leonell, Cassie and si Yame ko sa Cafeteria at kumain muna kami ng snack, 7pm magstastart pero by 6pm dapat andito na kami kaya nang sumapit ang 5pm, agad kaming umuwi, as usual hinatid ko ang tatlo, ubos pera ko sa gasolina nito. Nakarating na ako sa bahay at pumunta daw ng Malaysia ang daddy, kaya si mom, manang Thessa and Kesha nalang natira dito, agad kong sinabi sa kanila about the battle of the bands na gaganapin mamaya at kailangan din nandoon ako kasi nga ako ang SSG president, kaya nagluto ng maaga si manang at si mommy saka kumain kami ng maaga.

“Mom, Can I come to the concert?” nagulat ako sa tanong ni Kesha, okay lang naman pero for sure ma o-out of place lang siya dun eh, kaya dapat di na. “Wag na baby, for sure mabobored ka lang."

Sabi ko naman habang kinakain yung Bacon. “Nahh, hindi kuya, promise!” she raised her hand.

“Well, ask mom” kumain lang ako ng kumain at pumayag naman si Mommy, kaya nang matapos kaming kumain ay agad akong nagbihis at pati nadin si Kesha, few minutes after, pumunta na kami sa Savior’s high, kailangan din maaga umuwi kasi nga dala ko si baby sister ko.

“Kuya , are you the one to perform?” tanong ni Kesha habang pinagmamasdan akong nagmamaneho. “Hindi Baby, I’m the president kaya I have to be there.”

Ngumiti lang ako kay Kesha na kumuha naman ng snacks sa fridge ko. Nakarating na kami sa Campus around 6pm and dumeretso kami ni Kesha sa SSG office kung san napagkasunduan naming magkita.

“Dude, did you see Paolo and Richard already?” tanong ni Leonell habang natataranta na sinalubong kami, nakita niya si Kesha kaya binuhat niya ito at ningitian.

“Bakit ? wala pa ba sila jan?” Tumingin tingin ako sa loob ng SSG room at wala talaga ang dalawang magkagalit na yun. “Wala! Asan na kaya sila? pano to ngayon?!” Tarantang sigaw ni Lisanna, nakita ko na din si Isay na nililinisan ang guitar na gagamitin.

“Sure ba kayo? Nako 1 hour left and magstastart na tayo, yung iba asan?” pumasok ako sa loob kasama si Kesha at Leonell at kinuha ko yung papers para sa list of bands.

“Nasa stage na sila, inaayos ang appearance and wirings” Sabi naman ni Isay habang ngumingiti sa akin, ganda ng kasintahan ko. Umupo lang ako sa table ko at nagbasa ng list ng mga bandang sasali, “Wattpad University, Golden Minds University, Quellin University, Eastford high, Savior’s High, Eastern Academy, Al...” bigla akong napahinto sa pagbukas ng pinto, at nakita ko na naman ang karumaldumal na mukha ng taga Quellin na yan. Bakit ba pasok ng pasok yang walang kwentang lalakeng yan dito?

“Kali!” Agad namang lumapit si Asiy sa kanya at nagshakehands pa sila, lumapit si Kali kay Isay at hinawakan ang kamay nito, gusto ko pumalag kaya nabitawan ko yung papel pero he just shaked it and I know naman na mahal ako ni Isay.  Tumayo nalang ako at lalabas na sana ng bigla niya akong tinawag.

“Hey Dude! Adam.” Inabot niya ang kamay niya sa akin na parang makikipagshake hands but I rejected it.

“We’re not friends.” Agad akong umalis but he held my arms. “Wait dude, where's the matter? gusto ko lang naman pirmahan yung application namin.”

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now