CHAPTER 37

2.1K 20 3
                                    

ALIZZA POV

A week after mr.Demeter argued to us about our relationship, matibay parin kami ni Adam na hinarap ang hamon ng relasyon namin, naging sekreto pa rin ang relasyon namin pero madalas na kaming lumabas at madalas na siyang dumalaw sa bahay namin, di siya nagbago, mas pinaigting niya pa pagsasamahan namin at lalo kong naramdaman ang totoong pagmamahal niya. Lunch na ngayon at nasa may school grounds kami dahil may concert ngayon, every september kasi, may school activities ang all universities in our district, and one of that is the battle of the bands, kalahok ang school namin sa patimpalak na iyon pero wala pa kaming bandang irerepresent para mamayang gabi, kaya nakipagmeet ako kina Adam and Leonell, at sa iba pang SSG officers para aksyonan itong bagay na ito.

"Bakit ba kasi puro tayo mind power, ayan nalimutan natin yung talents." Sabi ni Leonell habang hinahawakan yung bola at pinagtotoss ito na para bang volleyball. "Eh ikaw nga SPA tol eh, dapat nakahanap kana ng band." Agad namang naghimutok si Leonell sa sinabi ni Adam, tama nga naman eh, siya SPA at nasa Special Program in the Arts Curriculum ang lahat ng talented, umupo nalang kaming walo na pabilog at nagstart na magdiscuss, wala nga siguro kaming pasok mamayang hapon dahil na nga sa event para mamayang gabi.

"Eh pano, yung guitarist at singer ng SPA ay magkagalit, tapos yung ibang singer pa, for sure di compatible sa piece na kakantahin mamaya." Sabi naman ni Leonell habang inikot ikot na ang bola sa kanyang hintuturo.

"Well, paano yan? Maybe we'll try to approach them." Kinuha ko sa bag ko yung 'to-do list' notebook ko at agad akong inakbayan ni Adam.

"Tama ka nga miss Vice, dapat natin silang kausapin" nanlaki lang ang mata ko at gayun nadin si Leonell, napansin ito ni Adam kaya agad naman siyang bumitaw, nakalimot ata tong lalakeng to.

"Paano?" tanong nung nakababatang officer, well paano nga ba mapaayos yun? Tinanong namin kay Leonell kung san makikita ang dalawa at agad naman naming pinuntahan upang kausapin.

"Dude sige na pre, ayaw mo nun? madaming chikabebs mamaya, buti nalang tayo ulet sponsor this year." Inakbayan ni Leonell yung sinasabing guitarist ng group band sana ng SPA kaso agad lang itong lumingon sa gilid at nagcross arms, "Ayoko nga eh, baka malunok pa nung singer yung microphone pag ako napuno dun." Lumapit si Adam at inakbayan naman yung lalaki.

"Richard, pre, ako nalang gugulpi nun pag tapos na ang presentation niyo." Aba , gangster pala tong si Adam? lumaki ang mata ko at tumingin sa kanya, bigla naman siyang ngumiti saka inupakan ni Leonell ng mahina, "Gago ka talaga tol." Bigla naman ngumiti yung Richard at tumingin kay Adam.

"Promise yan pre ha?" biglang nagthumbs up si Adam. One to go!

Naglakad na kami papunta dun sa singer pero siyempre iniwan namin yung guitarist dahil nga di sila bati at baka magsuntukan pa, kami pa mapagalitan.

Nadatnan namin sa stadium yung singer na nagngangalang Paolo kuno, nakatambay lang kasama yung mga kaibigan niya, agad naman kaming lumapit at inalayan pa ng pagkain kasi nga hilig siya nun kaya chubby.

"Hey Paolo! come here!" agad lumapit si Leonell at pinakiusapan si Paolo, di na kami lumapit, sila nalang ni Adam, inakbayan nila pareho, may chemistry talaga sila eh, kami kaya ni Adam? let's assume na legal ang relations dito sa savior, may chemistry kaya kami sa mata ng students dito? mabuti nalang at matiisin ako at lagi akong may presence of mind para di makalimutan na bawal kami magpakita ng sweetness inside this school.

Few minutes negotiating with that Paolo, biglang lumapit samin ang dalawa na nakangiti, so alam na to, yung kakantahin ng representative namin for the live band is 5 songs, Ehu girl, Genuine Love, Iris, We can't stop and yung favorite song ko pa na pwede ding maging theme song namin ni Adam, First Love by Boyz II men. Dumeretso na kami sa Band room para kunin ang mga gamit and prinepare patungong SSG.

Nakarating na kami sa SSG room at sinet-up namin ang instruments, okay na ang drummer at Pianist, si Paolo at Richard nalang kulang, so binalikan ulet nung 2nd year high school na representative ang dalawa, few minutes after matapos ang set-up, bumalik naman yung 2nd year representative pero si Richard lang dala, which is the guitarist.

"Where's the singer?" ani Adam.

"Wala po mr.President." then Adam touched his head then he smile.

"Good job padin, sige ikaw muna, ahmm.." lumingon lingon siya na parang may hinahanap then huminto ang tingin ni Adam sa akin.

"Ikaw na muna kumanta sa ngayon Isay." Nagulat ako and then he grabbed me.

"Sige na Isay, singer ka naman eh, galing mo kaya, saka bagay naman sayo ang mga kantang to kasi di naman to rock" then he winked. Umupo nalang ako dun sa bangko na may mic stand at may kasamang lyrics book, nagstart na sa pagplupluck yung si Richard and the beat goes on, kaya kumanta nalang din ako, favorite ko din yung Ehu Girl eh.

Ewan ko lang at anong nakain ko't napapayag ako ni Adam ng ganun ganun lang, hindi naman ako kumakanta at mahiyain talaga ako kasi di naman ganun kaganda boses ko, pero dahil nga siguro inlove ako sa kanya, kaya ko naachieve yun.

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now