CHAPTER 2

13K 137 46
                                    

ADAM POV

Cassie invited me to her sister's debut , well, we're good friends even if SSC siya, feeling ko nga may crush sakin yun eh, lagi niya kasi akong trinitreat outside the campus, syempre bawal kasi ang ligaw ligaw o loveteam sa school namin, si mommy kasi, dito pa ako pinag-aral, yun daw kasi ang gusto ni daddy kaya go nadin ako, ano pa bang magagawa ko laban sa tatay ko?

I'm Adam Matthew Maghirang, galing sa pamilyang may kaya, isang anak na walang ginawa kundi ang iparamdam sa ama niya na special siya at talented siya, na kagaya niya siya. Valedictorian nga ako nung Kinder at Elementary sa states eh, nagmigrate lang kami sa Pinas nung magfi-first year palang ako. Lagi ako nanghihingi ng atensyon kay daddy na sobrang busy, gusto ko maging proud siya sa akin at alagaan niya ako gaya ng pag-aalaga ng isang normal na ama sa kanyang anak. Nung last birthday ko nga eh grineet niya lang ako sa tawag kasi may on field job daw siya eh, kaya kami lang ni mama and some of our relatives ang nagcelebrate ng ika-17th year of existence ko in the Milky-way Galaxy.

Biglang tumunog ang doorbell ng bahay, "Son! maybe it's Leonell!" sigaw ni mama na dinig ko naman habang nasa sala siya sa baba at ako ay nasa kwarto pa, inaayos ang buhok. Yung kasambahay kasi namin ay may day-off 'pag weekend, kaya kami lang ni mama dito sa bahay, malaki nadin naman ako para kumuha pa ng personal yaya diba ? kaya si manang Tessa na siya ding yaya ko nun ay prinomote namin, from yaya, to Housemaid! medyo baliw nga kami ni mama eh at prinomote pa si yaya Tessa nun, pero syempre dinagdagan namin ang sweldo.

"Yeah mom I'm coming" Tinapos ko lang ang pag-aayos ko ng buhok saka ako bumaba. "DoI look great mom?" Tiningnan ako ni mommy from head to toe, and she smiled. "Yeah as expected son, You are like your father" Inirapan ko siya, my dad don't want to be with me, why would I even want to be like him? nag-nagwink lang si mommy, kahit anong trip ko sinasakyan niya.

Nakasuot lang ako ng White na long sleeve polo na may black vest with Necktie and then nagnerdy glass ako para naman malakas ang impact sa girls. I opened the door and saw Leonell with his Ducati, mas matangkad ako kay Leonell, mas maputi at mas may aura ata, kaya I therefore conclude that mas gwapo ako sa kanya, pero sa totoo, ang daming girls na nabibighani dito sa tropa ko, friendly kasi sa girls kaso medyo may pagkachickboy to, pero himala, inabot sila ng 6 months ni Claire Jessica Martinez na co-model ko sa Bench.

"Yo! Dude para kang babae mag-ayos, ang tagal, leggo and we have to be there in time" Nagpalatak ito habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa, disgusting brat. "Ok bro, Kunin ko lang sasakyan ko." Naglakad ako pababa at sumunod din siya, simple lang ang sasakyan ko, di ako maluho pagdating sa mga ganoong bagay, Hummer lang naman. Pinagmaneho ko si Leonell papunta sa nasabing debut venue, todo pa-pogi parin sa salamin kahit na nakaayos na, ewan ko ba.

Ilang minuto pa ay huminto muna kami sa parking ng venue, hinihintay ko si Leonell na kinuha ang kotseng nakaparking at sinundo ang girlfriend niyang maldita.  Bumaba ako sa kotse para magpahangin nang may nahagilap akong isang magandang babae na nakagown at nakatayo lang sa may entrance ng restaurant kung san ang venue ng debut at parang medyo nag-aalala, kaya nilapitan ko na.

habang papalapit ako, she noticed me, nagulat siya, namumula, so na love at first sight ba siya sa akin ? kidding. Habang papalapit na ako sa kanya, biglang sumerbato si Leonell dahilan na lumingon ako sa direksyon kung saan sila and kinawayan pa't ningitian si Claire, pagtingin ko ulet sa entrance ng restaurant, ay nawala na ang kakaibang ganda na nakita ko.

"Oh dude, let's go inside?" Nakipagbeso sakin ang noo'y kabababa lang na si Claire, "Hey Dammy!" Aniya. Pumasok na kami sa engrandeng debut na to, di ako kasama sa 18 roses o 18 candles, syempre, di si Cassie ang may debut, yung ate niya, kaya naupo nalang kaming tatlo sa may table and nag-usap patungkol sa darating na enrollment.

"Nga pala Dammy, did you receive your very good news?" Tanong ng naghihimutok na si Claire habang nakatingin sa salamin at tinitingnan ang sarili. "About what?" Aniko.

"That due to your Intelligence Quotient score, you are qualified to be in the Special Science Curriculum" Nanlaki ang mata ko, teka, paano? "Talaga Clarita ? who said it to you about that?" Pangiti-ngiti pa akong tinatapik ang kanyang balikat.

"Don't call me Clarita you demon dammy! well, my auntie" Nagkibit-balikat nalang ako, napangiti ako sa balita. "Mapapalitan mo na ang trono nung mangkukulam na Alizza na yun" that Isaw girl ? Isay yung tinawag ko sa kanya kaya Cassie keep telling me about her bestfriend na simula nung tinawag ko siyang Isay 3 years ago, Isay na ang palayaw niya, pagkatapos kasi ng class namin, lagi ko nakikita kumakain ng streetfoods yun sa labas ng campus, lalo na yung Isaw, kaya Isaw + Izza = Isay.

"Di naman mangkukulam yun , Nerd tawag dun" Nakahalukipkip nalang ako habang inaantay ang seremonya. "Well, she's still a witch based on her appearance" Napapalatak ako sa sinabi niya, hindi naman sukatan ang appearance para manghusga ng tao ah? Girls these days. "Ok, so it is then." Nasabi ko nalang para matapos na ang usapan, kasi si Claire kilala yan na di ka tatantanan hanggat di mo sasabihing tama siya, kaya nga sarap ipasali to sa debating team ko eh, parang abugado makipag-usap, may pagkamaldita at pagkaevil nga lang.

"Welcome to Casty's 18th birthday...." Daming introduction ng Master of Ceremony kaya tiningnan ko nalang ang Cellphone ko, and it's 6:32pm na, ang dali naman ng oras, kanina nakarating kami dito, 5:54pm palang ah. Sa dami ng satsat ng MC, hinanap ko yung naka-asul na gown na babaeng magandang nakita ko kanina, pero di ko mahanap, madami din kasi ang kakulay ng suot niya.

Nag-umpisa na ang 18 roses, at dun ko nahanap si miss maganda in blue gown, di ko lang siya malapitan kasi nasa kabilang sulok siya, kasama niya si Cassie, teka asan ba yun si Isay ? di ko makita ah, sabi kasi ni Cassie , isasama niya daw iyon, naawa nga ako dun kasi pinahiya siya ni Claire and ni Leonell nung JS prom namin, pero di ako nakapunta nun kasi Mom was sick that time, kaya nasa bahay lang ako.

Medyo naoffend nga ako sa ginawa nilang dalawa, pero for sure si Claire may gawa nun lahat, under si Leonell eh, at kilala si Leonell bilang friendly, naoffend ako kasi bakit kailangan pa nila manlinlang ng ibang tao para tulungan sila sa exams nun eh kung pwede ko naman sila tulungan, wala ata silang kumpyansa sakin eh, pero humingi na sila ng tawad kaya after ilang days, naging magkaibigan ulet kami.

Natapos na ang 18 roses and 18 candles and it's time to party na, lumapit sa amin si Cassie kasama yung sumungkit ng aking mga mata, bigla akong naging interesado sa babaeng yun, gusto ko kasing magkalovelife, okay lang naman yun, di naman siguro taga SHS tong babaeng maganda na to.

"Hey Leonell, Cassie, and hello handsome Adam!" Tugon ni Claire na hawak-hawak ang isang maliit na purse. May galit padin ata siya sa dalawa dahil sa tono ng boses niya, pinahiya kasi ng dalawa ang bestfriend niya.

"So where's Isay? and itong babaeng to ba ay relative mo?" natanong ako sa kagustuhan kong makilala siya, I smiled to her and I offered my hand for a shake.

"No, she's Alizza Jane Querubin!" Biglang nagsalubong ang dalawang kilay ko at lumaki ang aking mga mata sa gulat. "What?" in chorus with Claire and Leonell pa talaga. "Really ? that Witch?" Sambit pa ni Claire kaya agad ko naman itong tinapik.  "hey, Clarita, your manners"

Ang isang Nerd nagtransform into a beautiful princess? "She's not a witch anymore Claire, she's even hotter than you, sorry but we have to go" Di pa nagsalita si Claire ay agad na umalis ang dalawa.

"Claire maybe next time, don't be that jealous to all people above you." I'm smiling sarcastically. "Yeah, sana wag na ganun baby." Bigla itong sumimangot at binato ang dala-dalang salamin kay Leonell. "Che! magsama kayong dalawa!" patalbog itong umalis habang napakamot naman si Leonell sa ulo. Well, this is a usual day for them.

Di parin mawala sa isip ko ang nangyari, Miss Isaw Girl and that Miss Ganda in Blue Gown is One? grabe, nagtransform talaga siya, well baka nga gusto niya nang makatakas sa pang-aapi ng iba naming mga bully schoolmates sa campus kaya naisipan niya yun. In fact, napaka-cool ng ginawa niya and she made the right decision, maganda na, matalino pa. But wait,

I am soon to be a student of SSC, which means, classmate na kaming apat ni Claire and Cassie? sounds Good.

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now