CHAPTER 6

7.2K 61 26
                                    

ADAM POV

Ginising ako ni Leonell kanina, kailangan daw magpractice para sa Basketball, ngayon daw kasi pipiliin ang new captain ball ng Varsity, kaya kung di ako ang mapipili, si Leonell na yun. Kami lang namang dalawa ang magagaling eh. Buti nga't ginising ako, kasi wala talaga akong kaalam alam, kung nagkataon, siya na Captain.

Andito na ako sa school ngayon, nagprapractice lang muna, warm up lang, nagshooting kami nina Leonell, Harold, Eugine, and Kimpoy. Kamusta na kaya si Isay? Pero ba't ba siya agad iniisip ko, di tuloy ako makashoot ng maayos. "Nako di mo na ako mahahabol nito Adam, di ka nga makashoot eh" nakabehlat lang si Leonell sakin.

"Eh tara running na, baka ikaw di makahabol sakin" Tinapik ko ang balikat niya sabay kumaripas ng takbo, sumunod naman ang apat saka may isang myembro pang sumama din, tumakbo lang ako habang nakatingin sa kanila ng parang may biglang sumabog na atom sa katawan ko. "Ouch!". Nabangga ko si Isay? natumba siya nun at nagulat siya, nasaktan ko ata siya.

"oh Is..." Di pa man ako nakapagtapos ng pagsalita ay may tumulak sa 'kin kaya habang nakadapa paharap si Isay sakin ay nadapa nadin ako paharap sa kanya nasubsob ako sa kinahihigaan niya, nagtinginan ng mata sa mata, biglang huninto ang oras ko, nakulong niya ako sa mga nakakabighani niyang mata.

"psst.." Sus, okay na sana ng tinulak ako ng tropa ko eh, sinira pa moment namin, edi di na tuloy okay. Tumingin lang ako kay Leonell nang nakasimangot. Ngumiti siya sa amin saka dumating sina Kimpoy.

"Bahala ka, may nakakitang teacher oh!" Tinuro niya ang kinaroroonan ng guro gamit nguso niya at pagtingin namin dalawa ni Isay, meron nga kaya dali dali kaming tumayo at pinulot ang mga natapon na papel ni Isay, para patay malisya, as what we've said, bawal relationships sa school na to eh.

Pero parang may spark of electricity akong nafeel kanina nung nagkamoment ang dalawang mata namin, parang nagkaenergize ang buong atom ko sa katawan. Biglang humiyaw ang isa sa mga sabi tropa ko, umirap lang ako at bumalik na ang tingin ko sa dilag. "Oh ba't ang aga mo ngayon Isay?" tanong ko nalang habang pinapagpag niya yung soot niyang jeans habang ako naman ay inaayos ang damit ko.

"Ah, eh, kailangan ko kasi tingnan kung maayos ang itsura ng Campus, proclaimation mo ngayon"

Tama nga pala, Iproproclaim ako ngayon. "Tama nga pala, si Leonell di na ba to kasali sa COMELEC ? inactive no?" patawa kong sabi, medyo ngumiti naman siya. "Eh minsan maaga yan pero minsan, magkasabay kayo eh"

Shy type pa to si Isay, naalala ko di pala ako nagjersey kanina, kaya tiningnan ko sa Bag ang Jersey kong Blue at binigay ko sa kanya, sabi kasi ni Cassie gusto niya to eh.

"Ah kaya pala di sinoot!" Sabi ni Kimpoy habang tinapik ang braso ko. "Oo nga, Damooves" Pahabol pa ni Harold kaya inangat ko ang kamao ko at natahimik na sila.

"P-para san to?" Sabi ni Isay na nagulat naman sa pagkakabigay ko, saka ko inangat ang kanang kamay ko sa ulo at ngumiti na nakapikit. "Remembrance, gusto mo yan diba".

Nagdadalawang isip pa siyang tanggapin ang pag-abot ko. "Nako, wag ka maniwala kay asiy, okay lang naman."

Inabot niya sa akin ang jersey kaya hinawakan ko ang kamay niya at tumingin sa mga mata niya. "Okay lang, gusto ko din ibigay yan kasi,"

Ang ganda ng mga mata niya, matangos din pala ilong ng babaeng to, saka nakakaattract siya, di ko namalayan napapigil na pala ako sa pagsasalita kaya siniko ako ni Leonell. "Ah kasi gusto kita pasalamatan dahil... dahil panalo ako sa SSG"

Napahalukipkip nalang ako. "Nako, tao naman ang bumoto nun kaya di mo kailangan pasalamatan ako." Tama din naman siya, ah basta magkarason lang ako okay na yun.

"Ah basta, gusto ko sayo na to, okay ? sige alis na muna kami, kailangan ko lang magbihis, ambaho ko na eh" Inamoy amoy ko pa ang kili kili ko saka ako tumakbo, at dahil parang na starstruck pa si Leonell sa ganda ni Isay, bumalik ako't hinila siya sa jersey niya.

Sumunod si Leonell at ang apat sakin sa shower room, naligo na muna ako, 30 minutes nalang magstastart na ang open ceremony ng campus eh

"Nako pare, inlove ka kay Isay no? tameme ka kanina eh" Sabi ni Leonell habang pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalya, ako naman ay nagbibihis na ng polo shirt, next week pa naman ang uniforms namin kaya okay lang.  Nauna na ang apat na kateam namin kaya kami nalang dalawa ang andito.

"Ano ka ba, alangan naman makipag-usap pa tayo ng matagal kay Isay eh baka malate tayo, gusto mo ba mabaho pag pasok ng room? di ka bebenta sa chix nyan" Tinitigan ko ang suot niyang damit.

"Weh, gumagawa kapa ng lusot, aminin mo na kasi." Ang engot naman ng lalakeng to, well, attracted ako kay Isay sa ganda at bait niya pero di ibig sabihin nun nahulog na agad ako, lumabas na ako at di siya hinintay. "Bahala ka nga jan, una na ako, iproproclaim pa ako eh."

Sabi ko habang iniwan siyang nagdadamit pa. Kailangan ko kasi maging maaga, haharapin ko pa ang Principal at Vice Principal ng campus before ang open Ceremony kung san gaganapin din ang Proclaimation ceremony. Naglakad ako papuntang school ground oval, habang nasa hallway pa ako, nakita ko si Claire na may hawak hawak na kamay ng lalake, di ko makilala pero nung tinanggal ang shades, classmate pa ni Leonell, nako, this is war.

Lumapit ako kay Claire at di pa ako nakapagsalita, nagsalita na siya. "Oops oops oops, alam ko na sasabihin mo, makikipaghiwalay na ako kay Leonell mamaya, medyo di nadin kasi kami nag-uusap, saka simula ng pasukan, busy na siya sa basketball at sa dance nila, kaya etong si Lance na Writer na ang bago kong syota, sana maging happy ka Dammy."

Ang daming sinabi at paliwanag, nabadtrip lang ako at nagwalk out, 'tong babaeng to, grabe, medyo may pagkamalandi. Sinigawan niya lang ako, "Hey, okay bahala ka" pero di na ako tumingin sa kanya at nagpatuloy papuntang School grounds.

Medyo madami nang nakalinya na mga students by section at nag-usap nadin kami ng Principal at vice principal about sa obligations ko bilang SSG president kanina, last school year ko pa prinesent yung platforms ko for school , kaya may 2 months pa mag-isip ang mga 1st year to 3rd year students nun, in short, mga freshmen lang ngayon ang di nakaboto.

Nasa gilid na ako ni Isay kasama ang ibang proclaimed representatives ng each year, at andito din si Leonell sa likod ko na todo pacute pa, sarap sabihin sa kanya yung nakita ko kanina eh, pero ayoko pangunahan si Claire, baka madamay pa ako.

Nagsimula na ang open flag Ceremony at kinanta namin ang pambansang awit, panatang makabayan, panunumpa, SHS oath saka nag open ng Proclaimation ceremony.

"And now, we present to you the SSG officers for the school year 2014!" Sabi ni Ms.Fullido habang nasa may stage na kami. Isa isang tinawag ang mga representatives and isa isa silang shinake hands ng mga SSG COMELEC, Principal, Vice Principal at mga Scouts.

"And our new elected president, the Science Wizard and the Boy who have qualified to be on the SSC with his genuine mind, Mr.Adam Matthew Maghirang" Lumapit na ako sa gitna at sinaluduhan ako ng mga BSP and GSP, and I started my speech.

"Students, teachers, and faculties, Good day, as what Ive said last march, I will be going to continue the right platforms for our school! starting next week, we will be having our wash day every wednesday for the preparation of your uniforms, then we will bring the wireless fidelity around the campus area, we will also have our retreat ceremony for all the graduating students and lastly, we will bring education at it's best!" Nagpalakpakan ang lahat, pati na ang mga faculty members at ang principal saka ako nakipagshake hands sa lahat ng COMELEC members, pati sa faculty, nung pagdating ko sa COMELEC chairwoman, bigla na naman akong naexcite lalo na nung hinawakan ko ang kamay niya, ang ganda niya lang kasi eh. nakakahugis puso sa mata.

"C-congratulations mr.President" Nginitian niya ako. "Youre welcome!"

Sabi ko'ng nakangiti sa kanya, bigla nang tumugtog ang Drum and Lyre band.

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now