Chapter 44

2.4K 78 16
                                    

A/N: Christina's point of view na ulit, hehe.
  
Chapter 44
    
    
   
   
   
4 years later...
    
    
"Okay, the show will be airing in 5, 4, 3, 2 and 1, action!"
   
  
"Good morning everyone! Nandito na naman tayo sa Morning Talk kung saan may panibago na naman tayong pag-uusapan." masiglang pagsisimula ng host na si Winnie, "Ngayong araw na ito ay ipapakilala ko sainyo ang makakasama natin. Isa siya sa mga sikat na architect sa bansa natin ngayon. Lahat ng mga gawa niya ay sinasabing may malalalim na pinanghuhugutan... hindi ko na patatagalin dahil alam kong tulad ko, gusto niyo na ring malaman ang sikreto niya. Let's all welcome, Architect Christina Gabriela Amadeous-Smith!" pagpapakilala niya sakin kasabay ng sabay sabay na pagpalakpak ng mga tao sa show.
   
 
"Hello, Good morning." bati ko nang makaupo ako sa couch sa tabi ng host. "Thank you for inviting me here." dagdag ko.
  
  
"Good morning too Architect, thank you for also accepting our invitation. It is a privilege for us to have you as our guest in this show." aniya tsaka nakipag-shake hands sakin.
 
 
Tumango ako.
   
 
"Ngayong nandito kana Architect Smith, gusto kong i-congratulate ka sa pagiging successful mo as an Architect. Talagang malayo na ang narating mo sa industriyang ito. Hindi lang ako ang namamangha sa mga gawa mo kundi pati na rin ang mga manonood natin ngayon... Maaari mo bang i-share samin kung ano ang dinanas mo bago maabot lahat ng ito?"
    
  
Ngumiti ako, "First of all, thank you for admiring me for what I am right now. Sa totoo lang, hindi rin naging madali sakin para mapunta sa kinalalagyan ko ngayon, marami akong problema at pagsubok na dinaanan at kailangang lampasan." sandali akong natigil nang maalala ko ang pinagdaanan ko noon. Limang taon akong nag-aaral sa college, nang maka-graduate ay kinailangan ko pa ng dalawang taon na experience bago makadating sa paghahanda sa kalahating taon board exam.
    
      
"Sa buhay kasi ng tao, kung may gusto kang maabot, hindi mo iyon makukuha agad sa madalian. Tulad ko, naranasan ko rin ang matinding hirap. May mga gabi na hindi na ako natutulog para lang matapos ang mga plates ko. Mga umagang hindi na ako nag-aagahan dahil sa pagmamadaling makapasok ng klase...at may mga oras rin na nakakalimutan ko na ang sarili ko dahil mas inuuna ko pa ang pagpapasa ng project bago mag-deadline. Minsan, naiisip ko ng sumuko na lang. Pero bigla ko ring naisip yung dahilan kung bakit ako nandito, kung bakit ako lumalaban... Mahirap sa totoo lang, pero kinaya ko. Kasi that's what I want, at gusto kong ma-achieve yun." paliwanag ko.
  
  
"Wow.. ibang klase rin pala ang determinasyon mo. Marami ngang nagsasabi na mahirap ang kursong yan pero kinaya mo pa rin... Satingin mo, ano ang maaari mong maipayo sa mga tao, lalong lalo na sa mga taong gustong maging katulad mo?"
   
  
"Ang maipapayo ko lang ay ang patuloy nilang pagkatiwalaan ang sarili na. Palagi nilang isipin na kung anong kaya ng iba ay kaya rin nila. Maipapayo ko rin na magandang hindi nila isubsob ang sarili nila sa isang bagay lang. I mean, haluan nila dapat ng saya, enjoyment kumbaga. Kasi kung palagi kang seryoso at nakatoon lang sa iisang bagay, baka mapagod ka hanggang sa magsawa ka. Easyhan mo lang tulad nga ng sinasabi ng ilang mga kabataan ngayon." nakangiti pa ring sambit ko.
     
   
"Magandang advice nga yan Architect Smith..." sagot ng host.
   
  
Nagtuluy-tuloy pa ang usapan namin tungkol sa propesyon ko. Dahil show ito na ipinapalabas sa T.V. ay may pagkakataon na sandaling ititigil ang usapan para sa commercial.
    
 
"At muli tayong nagbabalik sa Morning Talk!" masayang anang host kasabay ng palakpan ng mga manonood dito sa show. "Kasama pa rin natin ngayon si Architect Smith." pagtukoy niya sakin.
    
  
Ngumiti naman ako.
   
  
"Architect, nabanggit mo samin kanina na ang college life ang isa sa mahirap mong dinanas habang papunta ka sa destinasyon mo ngayon. Bukod doon, may mas nahirap ka pa bang naranasan sa buhay mo?" seryosong tanong niya kahit nakangiti siya.
    
  
Sandali akong napaisip bago ako tumango, "Yes, meron...nung mawala yung asawa ko." direkta kong sagot kahit na parang may tumusok sa puso ko.
    
   
"Ayos lang ba sayong pag-usapan ang tungkol doon?"
     
  
"Ahh, oo..ilang taon na rin naman ang lumipas simula ng mangyari yun." sagot ko. Pero kahit na matagal na nga ang pangyayaring iyon. Hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng bigat sa dibdib pag naaalala ko lahat.
       
    
"Anong hirap ang dinanas mo Architect? I mean, anong pakiramdam mo nung mawala ang asawa mo sayo?" pag-uusisa niya.
   
   
Suminghap ako, "Masakit. Sobrang sakit... Wala akong ganang kumain, walang ganang kumilos, bawat oras nakatulala ako habang iniisip siya.. Gabi-gabi umiiyak ako hanggang sa paggising ko, ganon ulit... Hindi ko lang talaga matanggap yung nangyari, para na rin kasi siyang isang parte sa katawan ko... kaya pakiramdam ko talaga noon, patay na rin ako." eksplika ko at pinilit na ngumiti.
      
   
"Mahirap nga talagang mawala na lang bigla ang taong mahal mo lalo na't kung isa siya sa mga inspirasyon mo. Sa kabila ng lahat ng nangyari sayo, paano ka ulit bumangon?" tanong niya.
          
   
"Para sa mga anak namin.. na-realize ko kasi na kung ipagpapatuloy kong ganon na lang ako, baka hindi lang ama ang mawala sakanila kundi pati na rin ako, bilang ina nila."
   
     
Kita ko ang pagtango ng host, "Nakaka-amaze nga naman talaga ang kwento mo. Hindi ko inaasahan na marami akong matutunan sayo Architect Smith. Sobrang tatag mo na kung ikukumpara sa iba, susuko na talaga sila sa puntong yun..." napangiti na lang ako bilang papasalamat sa mga papuri niya, "Thank you again for having you here in our show." pasasalamat niya tsaka iniabot sakin ang isang bouquet of flowers.
    
 
Tumango ako tsaka rin nagpasalamat habang hindi pa rin inaalis ang ngiti sa labi ko.
   
   
"Wag kayong aalis dahil Morning Talk will be back again para sa isang masayang activity na gagawin nina Mike, Julie, Gerome at Sharah!" anang host bago muling magkaron ng commercial sa telebisyon.
   
   
Tumayo na rin ako bitbit ang bouquet. Muli akong kinamayan ng host na si Winnie pati na rin ng ibang mga staffs ng show nila.
    
  
"Next time ulit Architect!" nakangiting saad ng isang cameraman sakin.
   
  
Natawa naman ako, "Yeah sure."
   
 
Tumungo na ako sa dressing room para mag-ayos at kunin ang mga gamit ko. Inalalayan pa ako ni Suzie na isa sa mga direktor ng show. Siya mismo ang nag-contact sakin at nag-invite bilang maging guest ngayon.
  
  
"Maiwan na muna kita Architect, mag-e-air na ulit kasi ang show within 2 minutes." pagpapaalam niya.
   
  
Tumango naman ako, "Oh, oo sige, salamat sa paghatid." sagot ko.
   
  
"Okay, thank you again!" masayang saad niya bago umalis.
   
 
Saktong paglabas niya ay tsaka naman ako humugot ng malalim na hininga nang maalala ko ang usapan kanina. Mabuti na lang at nagawa kong pigilan ang pagiging emosyonal ko. Kung sigurong sinariwa ko pa ang lahat ng mga pangyayari noon ay baka naluha na naman ako ng wala sa oras.
     
   
Napabuntong-hininga na lang ulit ako. Kinalkal ko na lang ang bag ko para hanapin ang phone ko. Ite-text ko na ang driver namin para magpasundo sakanya.
    
  
*tok! tok! tok!*
    
   
Natigil ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang pagkatok sa pinto. Tapos na ang guesting ko diba?
   
  
"Sandali lang.." tatayo na sana ako para buksan iyon pero kasabay nang paglingon ko ay ang pagbukas ng pinto.
    
   
Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko siyang nakasoot pa ng black suit habang bitbit ang isang bouquet of roses. Hindi ko kasi inaasahan na siya ang makikita ko, akala ko ay may biglaang meeting sa kumpanya nila kaya hindi siya makakapunta dito ngayon.
   
  
"Hello, my Gabriela.." nakangiting bati niya nang makalapit siya sakin, "For you." pag-abot niya sa bouquet.
     
    
"Y-You're here.." hindi makapaniwala kong saad.
   
 
Natawa naman siya ng kaunti, "Actually, kanina pa ako nandito. Pinanood ko nga yung guesting mo e.. Natuwa nga ako tungkol doon sa sinabi mo sa pagkawala ko noon, feeling ko kasi namatay na ako." natatawang sabi niya.
    
   
Ngumuso naman ako, "Psh. hindi mo naman kasi alam yung pakiramdam." kunwaring pagtatampo ko sakanya.
    
  
"H-Ha? Hindi naman sa ganon.. Alam kong mahirap syempre. Nakakakilig lang bilang lalake dahil pakiramdam mo, wala kana ring buhay kung wala ako." aniya habang nakangisi.
   
  
"Pssh.." napailing na lang ako habang nagpipigil ng tawa, "Tara na nga.." pagyayaya ko sakanya.
  
  
"All right." sagot niya tsaka binitbit ang bag ko pati na ang isang bouquet na bigay ng mga staff sa Morning Talk show.
      
  
Talagang pinabitbit niya lang sakin yung bigay niya e no...pero okay lang hehe.
    
  
Nang makadating kami sa kotse niya ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto. Umikot rin siya't sumunod sa pagsakay sa driver seat.
   
 
"Nagugutom ka na ba? Gusto mo muna bang kumain tayo sa isang restaurant?" tanong niya.
   
  
Umiling ako, "Hindi na, umuwi na lang tayo. Na-miss ko na rin kasi agad yong si Phin at Vinson." sagot ko.
   
  
Tumango siyang nakangiti, "Okay, let's go." aniya tsaka sinimulang imaneho ang kotse.
    
   
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang bawat gusaling nadadaanan namin. Para rin nga akong bata dahil nagawa ko pang bilangin sa isip ko ang ilang punong nakikita ko.
  
 
1...2...3...4...5...6...7...8...9... Aww!
  
 
Bigla akong napahaplos sa tiyan ko nang makaramdam ako ng sakit. Huminga ako ng malalim para kumalma. Pero wala pa mang ilang minuto nang, "Ahhh!" indahin ko na ang tiyan ko sa lalong pag-sakit nito.
    
   
"What's wrong Gabriela?" nag-aalalang tanong niya habang sinusulyapan ako.
   
  
Napalunok ako nang mas tumindi ang kirot pababa sa may puson ko, "M-Manganganak na ata ako Edward.." sagot ko tsaka napakapit ng mahigpit sa may inuupuan ko.
    
  
"Really? Oh God, hold on!" natataranta niyang saad tsaka mabilis na iniliko ang kotse.
      
  
Baby, please, kumapit ka lang..
   
  
"Edward, faster, eeeer!!" pag-ungol ko sa matinding sakit.
   
   
  
---

A/N: Don't forget to vote and comment!💜

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now