Chapter 21

1.9K 55 20
                                    

A/N: Christina's point of view na ulit tayo hehe.
   
   
Chapter 21
     
    
  
   
   
Napatiim bagang ako sa mga sagot ni Charity. Pakiramdam ko ay hindi siya nagsasabi ng totoo, para bang may tinatago siya.
    
  
Suminghap ako, "Huling tanong, bakit ka nagkunwaring asawa ng asawa ko?"
    
  
Kita ko ang pagtitinginan nila ni Edward bago niya ako sagutin, "Hindi ko naman gustong gawin yun, pero nang magising siya, una niyang hinahanap ang asawa niya... tinanong ko siya kung ano bang pangalan nito pero sinagot niyang wala siyang maalala, wala kahit ano. Sinubukan ko pa siyang tanungin ng kahit ano pero wala, madalas pang sumasakit ang ulo niya kapag pinipilit ko siyang umalala... lagi niyang sinasabi na may babae siyang napapanaginipan, after that, he keeps asking me kung sino yun... Paulit-ulit niyang tinatanong at paulit-ulit rin na sumasakit ang ulo niya. Dahil doktor ako, alam kong masama yun dahil baka lalo siyang hindi makaalala, hindi na rin ako nakatiis na nakikita siyang nagkakaganon kaya sinabi kong ako ang asawa niya." paliwanag ni Charity.
     
    
Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko sa mga narinig ko. Dapat ba akong matuwa o maawa kay Edward dahil ako ang una niyang hinahanap? Na ako ang madalas niyang mapanaginipan? Na kahit wala siyang maalala ay ako na asawa niya ang bukambibig niya?
     
   
Hindi ko na nagawang magsalita pagkatapos nun. Si mommy Madelle na lang ang nakipag-usap kay Charity. Alam kong nagkakatuwaan sila at nagkekwetuhan pa tungkol kay Edward pero hindi ko na sila gaanong naiintindihan. Masyado akong pre-occupied sa mga naiisip ko.
     
 
Napatunayan ko lang kasi na talagang mahal ako ni Edward. Wala man ako ngayon sa mga alaala niya pero alam kong may lugar pa rin ako sa puso niya.
     
   
Hanggang sa makauwi kami ay dala-dala ko pa rin sa isip ko ang lahat. Para bang mas nabuhayan ako at nabigyan ng pag-asang ipaalala kay Edward ang lahat...Tinungo kong agad ang kwarto namin at kinuha ang iPod na naglalaman ng maraming pictures naming dalawa. Bawat litrato ay memoryado ko pa kung saan at anong ganap doon. Handa akong ikwento kay Edward lahat ng iyon kung kinakailangan.
     
    
Napangiti ako nang mabuksan ko ang album sa iPod, isa isa kong ini-swipe ang mga pictures. For sure, this will help him to remember everything we have been together..
    
  
Sa pagharap ko sa pinto ay muntik na akong mapalundag sa gulat nang makitang nakatayo doon si Edward. Madalas rin akong nagugulat sa biglang pagsulpot niya nung mga college kami pero hindi ko pa rin magawang masanay..
  
  
"Nagulat naman ako sayo.." saad ko tsaka humugot ng malalim na hininga. Ngumiti ako, "Nga pala, may mga ipapakita ako--"
   
 
"Bakit ganon ka umasta kay Charity?" biglang putol niya sa sinasabi ko.
  
 
Pinilit kong hindi mawala ang ngiti sa labi ko kahit deep inside, nakaramdam ako ng pagkadismaya.
    
    
Charity na naman.
      
  
"A-Anong ibig mong sabihin Edward?" tanong ko.
     
  
"The way you asked her, para kang nag-iimbestiga sa isang kriminal. Halatang-halata ko yun sa dating ng pananalita mo Christina." madiin niya pang binaggit ang ilang mga salita.
  
 
Dahan-dahang nawala ang ngiti sa labi ko kasabay ng pag-iling ko sakanya, "No Edward, I was just asking her.. I have the right to do that dahil naguguluhan ako lalo na't asawa kita, hindi niya dapat maramdaman yun."
   
  
"Yes you made her feel that, Christina." sa pagkakataong yun ay tumaas ang boses niya. Nilabas niya pa ang phone niya tsaka iniharap sakin kahit hindi ko naman makita kung anong tinutukoy niya doon, "Sinabi niya mismo sakin na na-offend siya sa mga tanong mo sakanya.. I don't get you, bakit hindi ka na lang magpasalamat sa ginawa niya sakin? Kung hindi dahil sakanya, baka wala na ako dito." dagdag niya.
    
   
Parang nawasak ang puso ko lalo na sa sinabi niyang "I don't get you". Parang pinamukha niya sakin na ako ang may mali at ako ang masama. Para niya ring pinaramdam na ibang tao ako sakanya na mahirap intindihin.
    
   
Natapos doon ang pag-uusap namin dahil sa agad niya ring pag-alis.
    
   
Naiwan akong mag-isa at tila nanghihinang napaupo sa kama. Tulala akong napatitig sa isang direksyon habang ramdam ko ang kung anong tumutusok sa puso ko... Sobrang sakit pala na hindi ka magawang makilala ng taong mahal mo. Kung siguro hindi siya nagkaron ng Amnesia ay hinding hindi niya masasabi ang ganong mga salita sakin. Pinapahalagahan ako ng Edward na nakilala ko, iniingatan niya lahat ng sasabihin at gagawin niya para lang hindi ako masaktan.
    
   
Ganon pa rin naman siya hanggang ngayon pero sa iba niya ginagawa.
   
  
Tuluyan ko nang naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi pala madaling lumaban sa isang relasyon na alam mong ikaw lang ang lumalaban... Napakagat ako ng ibabang labi ko tsaka tumitig sa iPod na saktong nakatigil sa isang picture namin ni Edward kung saan bakas sa mga mukha namin ang saya. Naalala kong nasa Paris kami sa picture na iyon at doon kami nag-celebrate ng New year... Pumatak ang luha ko sa iPod dahil naisip kong ako lang pala ang tanging nakaalala nito.
    
     
Bumuhos lalo ang mga luha sa mga mata ko. Nilapag ko sa kama ang iPod at hindi sadyang malipat ang picture. Sandali akong napatingin doon at nakita ang larawan namin ni Edward noong nasa probinsya kami ni Teodora. Muli tuloy nanumbalik ang isa sa mga alaalang sinabi niya sa akin doon na hindi ko malilimutan.
     
  
"Don't you remember Gabriela? I'm your childhood friend. You said you'd always be there..you promised that you'll come back but you didn't." madiin niyang sabi. Galit. Alam kong galit siya. "But..I looked for you, searched for you..in crowds, passing cars, empty fields..everywhere... Then I found you.. As I first saw you, I knew it was you Gabriela.. while looking at your eyes, you just see me as a stranger...and it fucking hurts." alam kong tinutukoy niya ang una naming pagkikita nung enrollment. Pero totoo namang hindi ko siya kilala noon.
   
  
Napakurap-kurap ako tsaka nagpunas ng luha. Naisip kong parang bumaligtad ang sitwasyon samin ngayon at siya naman ang hindi makaalala sakin ngayon. Naisip ko na ginawa niya rin ang lahat noon para lang mahanap niya ako... at nang mahanap na niya na ako, hindi siya sumukong suyuin ako  at ipaalala ang lahat kahit ilang beses ko siyang sungitan at itaboy.
   
  
Sa puntong yun, napagtanto kong hindi ako dapat panghinaan ng loob. Kung nagawa niyang magtiis noon, dapat ay kaya ko rin itong gawin sakanya ngayon. Nung mga bata pa lang kami, nangako ako sakanyang sasamahan ko siya, na nandito lang ako at hindi ko siya iiwan... Patutunayan ko sakanya na hindi ko siya bibiguin, even if he see's me as a stranger, I will also prove how much I love him.
   
  
 
---

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now