Chapter 19

1.7K 44 24
                                    

Chapter 19
     
     
    
   
   
Kinabukasan, sumama ako kay mommy Madelle at Edward sa pagpunta sa condo ng babaeng nagngangalang Charity.
     
   
Simula sa bahay ay nakaramdam na ako ng lungkot sa nakikita ko kay Edward. Gumising siya ng maaga para makapaghanda. Talagang nag-ayos pa siya para mas magmukhang presentable. Bakas rin sa mukha niya ang saya at pagka-excite na pupuntahan namin ang babaeng iyon.
      
   
Iniintindi ko na lang dahil alam kong hindi biro ang kalagayan ni Edward na may Amnesia. Tanging ang Charity lang na yun ang naaalala niya dahil siya ang nakasanayan na kasama niya sa apat na buwan... Nakakatawa ngang isipin na natalbugan pa ang mahigit pitong taon naming pagsasama ni Edward. Hinihiling ko na lang talaga na sana balang araw, magbago ang ihip ng hangin at bumalik ang dating Edward na nakilala ko.
        
     
Nakuha ko siyang sulyapan sa harapan ng kotse na katabi ng driver. Tinuturo niya kasi ang daan patungo sa building ng condominium ng babae. Naisip kong bigla, kung dito sila sa syudad nanirahan, bakit hindi nagawa ng Charity na yun na tawagan ako para isauli sakin si Edward? Imposibleng hindi niya nakita sa TV ang pananawagan ko tungkol sa asawa ko. Isa pa, ang dami ring leaflets na nakapaskil sa mga poste, nandun ang contact number ko at malinaw na itsura ni Edward, imposibleng hindi niya nakita ang isa sa mga yun.
    
    
Dibale, siguradong tatadtarin ko ng maraming tanong ang babaeng yun pag nagkita kami mamaya.
     
   
Nang marating na namin ang condo ay dali daling bumaba ng kotse si Edward. Imbis na alalayan niya ako sa pagbaba ay nakatitig lang siya sa mismong pasukan ng building.
     
   
"Dahan dahan lang ija." ani mommy Madelle sakin na siya ngayong nag-aalalay sakin.
   
  
"Thank you ma." pasasalamat ko.
       
    
Ngumiti siya tsaka bumulong, "Pagpasensyahan mo na si Edward ha?" mukhang nahalata rin ni mommy Madelle ang hindi pag-asikaso sakin ni Edward.
    
 
Tumango ako, "Naiintindihan ko po yun ma.. alam ko namang panandalian rin naman 'to." diba?
    
  
"Hayaan mo, kahit na wala pa siyang maaalala tungkol sayo, kakausapin ko siya na itrato ka ng maayos. Lalo na ngayong nagbubuntis ka, kailangan mo siya para alalayan ka rin."
      
  
Tumango na lang ako tsaka ngumiti.
     
  
"Tara na?" pag-aaya ni mommy Madelle.
   
  
"Sige po." sagot ko.
   
  
Kahit na nakukuha kong ngumiti ay mayrong pa ring parte sa puso ko na nakakaramdam ng kirot at sakit. Bumabalik kasi ang mga alaala namin noon ni Edward. Noong nagbubuntis ako sa panganay namin, palagi siyang nasa tabi ko para alalayan at samahan ako sa kahit anong gawin ko. Ramdam na ramdam ko ang pagpapahalaga niya sakin at kay Phin na ipinagbubuntis ko pa lang noon. I feel safe because of his tender love and care.
       
   
Kaya kung ikukumpara ang noon sa ngayon, malaki talaga ang pagkakaiba ng dalawa.
    
     
Hanggang sa marating namin ang 5th floor kung saan ang condo ni Charity ay halata kay Edward na iba ang iniintindi niya. Nauuna siya saming maglakad na para bang hindi makapaghintay na makita ang babaeng yun. Kasabay ko naman sa paglalakad si mommy Madelle habang nakahawak siya sa braso ko bilang pag-alalay.
   
   
*tok! tok! tok!*
   
   
"Charity?" pagtawag ni Edward matapos niyang katukin ang pinto. Nasa tabi naman kami at nakaabang lang.
     
    
Ilang sandali pa nang bumukas rin ang pinto at bumungad ang masayang si Charity, "Edward!" aniya pa at mabilis na napayakap sa asawa ko. Kita ko ang pagdausdos ng mga kamay ni Edward sa likod niya bilang pagganti sa yakap nito.
      
   
Wow. Parang wala kami dito ah?
     
  
Bumuntong hininga ako. Sinadya kong lakasan iyon dahilan para maagaw ang atensyon ng dalawa.
     
   
Napahiwalay agad si Charity sa pagkakayakap niya kay Edward, "M-May kasama ka pala.." saad niya ng hindi makatingin sakin ng direkta.
    
  
Ngumiti ako ng mapakla. Iba ang pakiramdam ko sa babaeng 'to.
    
    
"Ahhh oo, sorry kung hindi ko na nasabi sayo... By the way, siya ang mama ko." pagpapakilala niya kay mommy Madelle.
   
  
Ngumuti naman si Charity tsaka nakipag-shake hands sa mama ni Edward, "Hello po, I'm Charity Alonzo, nice meeting you po ma'am."
      
   
"Nice meeting you too Charity." nakangiting sambit ni mommy Madelle.
     
    
"And this is Christina...my..wife." nag-aalangan pang sabi ni Edward.
   
 
Halata kay Charity ang pagiging awkward niya sakin. "Uhh, hi Christina..." sabay lahad niya ng kamay, "Nice meeting you.." tss. don't me.
   
   
Plastic akong ngumiti, "Nice meeting you too, Charity." madiin ko pang binanggit ang pangalan niya. Sandali ko lang na tinanggap ang kamay niya kaya tila naiwan sa ere ang kanya. Alam kong ramdam niya ang ibang pakikitungo ko sakanya. Sadyang pinaparamdam ko talaga ito para malaman niya kung sinong makakalaban niya sa oras na may balak siyang agawin si Edward.
    
   
"Ahm.. tara, pumasok na tayo sa loob." alok niya.
     
    
Sumunod naman kaming tatlo sa loob. Pinaupo niya kami sa mga couch. "Kukunin ko po muna sandali yung inihanda kong meryenda." pagpapaalam niya kay mommy Madelle.
    
   
"Osige."
     
    
"I'll help." paghabol ni Edward tsaka tumayo agad.
    
  
"Huh? Uhh, o-osige.." sambit ni Charity na sandali pang napasulyap sakin bago sila umalis.
    
   
Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa makapunta na sila ng kusina. Nakatitig lang ako sa direksyong iyon na para bang naghihintay sa paglabas nila... Nakakainis lang rin dahil kung anu-anong pumapasok sa isip ko lalo na't hindi ko sila maaninag sa kinauupuan ko. Paano kung may pinag-uusapan na pala silang plano? Paano kung may kung ano na silang ginagawa? Paano kung--
   
  
"Ija." naputol ang pag-iisip ko nang tawagin ako ni mommy Madelle. Nilingon ko siya. "Ayos ka lang?" alalang tanong niya.
    
   
Suminghap ako ng malalim, "Ayos lang po."
   
   
"May bumabagabag ba sayo?"
    
      
Sandali akong napayuko tsaka muling nilingon si mommy Madelle, "Napansin ko lang po kasi na mukhang napalapit na talaga si Edward sa Charity na yun... samantalang sakin, parang ang layo layo ng loob niya."
    
  
Hinagod niya ang likod ko, "Nako ija, wag mong isipin yan. Siguro ay ganyan lang siya dahil nagpapasalamat siya sa pagligtas ni Charity sakanya. Isa pa, ikaw ang asawa ni Edward, hinding hindi lalayo ang loob niya sayo lalo na't mahal na mahal ka niya."
    
   
Ngumiti ako, "Alam ko naman po yun ma, hindi ko lang talaga maiwasang pansinin yung pagkakaiba ng pagtrato niya sakin at sa iba.."
     
    
Hinawakan niya ang mga kamay kong nakapatong sa hita ko, "Don't worry, kakausapin ko siya tungkol dyan."
    
 
"Nako ma, wag na po.. hindi naman ako nagagalit. Tsaka naiintindihan ko naman na dahil lang sa Amnesia ni Edward kaya siya ganyan. Kaya ko naman pong magtiis hanggang sa maaalala niya ulit ang lahat."
    
     
Napatango si mommy Madelle tsaka napangiti, "Sige ija, kung yan ang gusto mo. Basta magsabi ka lang kung kailangan mo ng tulong ah?"
    
    
Tumango ako, "Opo ma, salamat."
  
  
   
---

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon