Chapter 25

2.2K 62 28
                                    

Chapter 25
   
   
   
  
   
Sa mga sumunod na araw, nakuhang magyaya ni Mickie na magpasama sa amin ni Isabel sa pagpili ng gown niya. Sa susunod na dalawang buwan na rin ang kasal nila ni Carlo at talagang pinaghahandaan na niya ito ngayon pa lang. Gusto rin daw nilang magkaron kami ng bonding moment dahil matagal tagal na rin namin itong hindi nagagawa.
     
    
Nagdalawang isip pa nga ako nung una dahil maiiwan ko ang mag-ama ko. Pero si Edward na mismo ang nagsabi na kaya niya ang sarili niya at ang anak namin.. "Nagka-amnesia lang ako Christina, hindi ako nalumpo." natatandaan ko pang sabi niya. Nakuha ko pang mag-sorry sakanya matapos niyang sabihin yun. Pakiramdam ko kasi ay na-offend ko siya ng tanungin ko siya ng, "Kaya niyo bang maiwan muna dito Edward?" iniisip ko lang nun ang kapakanan nila ni Phin. Hindi ko naman sadyang makaramdam siya ng inis sa sinabi ko.
     
   
Ang bigat tuloy ng pakiramdam ko ngayon lalo na't umalis ako ng bahay na hindi kami ayos.
    
   
"Diba Christina?" natigil ako sa pag-iisip ko ng marinig ko ang pangalan kong binanggit ni Isabel.
    
   
"Uhhh, a-ano?" nahihiyang sambit ko.   
   
  
"Omg! You're not even listening?" saad ni Isabel tsaka napanguso.
    
 
"Sorry, medyo nag-space out lang kasi ako.. Ano ba yung pinag-uusapan niyo?" tanong ko.
     
  
Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon papunta sa isang shop na pagbibilhan ng gown ni Mickie. Siya ang nagmamaneho habang si Isabel ay nasa tabi niya at ako naman ang nasa likod.
     
   
Napasinghap si Isabel, "I was just telling her na bakit hindi na lang siya magpa-design imbis na bumili ng mga brand new gowns. Maraming trending na design sa mga bridal gowns ngayon, in fact, masasabi niya rin kung anong mga gusto niya at saan siya mas comfortable, diba?"
    
   
Tumango ako, "She's right Mickie, bakit hindi ka na lang magpa-design?" naalala ko, parehas kaming nagpa-design ng gowns ni Isabel sa iisang sikat na designer. Itong si Mickie lang ang naiiba dahil sa sariling prinsipyo niya.
     
    
"You know me girls, hindi naman ako after sa fashion. Okay na ako sa simple pero maayos." she answered.
   
  
"Haay nako Mickie, iba naman 'tong okasyon na 'to e. Kasal niyo 'to ni Carlo, ng taong mahal mo. Once lang mangyari yan sa buhay mo kaya bakit hindi ka pa mag-exert ng effort para mas maging priceless yung memory niyo."
   
   
"Alam mo Isabel, hindi naman sa gown nababase ang kasal para maging priceless ang memory namin. Nasa tao mismo yan.. What if sobrang ganda, sobrang mahal at sobrang gara ng lahat pero magkakalabuan rin naman pala in the end, edi useless lang." she has a point.
    
  
Tulad namin ni Edward, malaki rin ang ginastos namin sa kasal namin. Habang nasa college pa lang kami ay pinaghahandaan na namin lahat simula sa gown, mga bisita, simbahan, venue at iba pa. Suportado ang mga magulang namin kaya hindi naging mahirap samin iyon. Parehas naming ginusto yun dahil para samin, mas magandang i-treasure ang memory ng kasal naming dalawa kung magiging magara lahat.
    
    
Akala ko nga happy ending na para saming dalawa yun. Hindi ko alam na simula pa lang pala ng buhay naming dalawa ang lahat para unti-unting mapunta at maranasan ang ganitong kasakit at kapait na sitwasyon.
   
    
"Uhh, C-Christina.." pagtawag ni Mickie. Napatingin naman ako sakanya sa rear view mirror ng sasakyan. "Sorry.. hindi ko sadyang sabihin yun.." dagdag niya.
    
   
Ngumiti naman ako, "It's okay.. hindi mo naman kasalanan. Ako 'tong sumalo... Tama ka rin naman sa sinabi mo, hindi mahalaga kung gaano ka-enggrande ang kasal lalo na't hindi niyo alam kung anong pwedeng mangyari in the the future. Once na nagka-problema na sa relasyon, pwede ngang mabalewala at masayang lang lahat ng effort...tulad namin ni Edward ngayon, kahit na gaano ako kaganda nung araw na yun, kahit na gaano kamahal yung ginastos namin doon, wala siyang maalala ni isa." dire-diretso kong sambit.
       
    
Natahimik silang dalawa. Hindi ko alam kung anong pumasok sa sistema ko para sabihin ang lahat ng iyon. Para ko na ring pinamukha sakanila na useless lang rin ang kasal namin ni Edward.. 
   
   
Pinilit kong ngumiti pa para ipakita ang masayang Christina sakanila, "Uy, natahimik kayo? I was just telling my opinion." and also the truth..
     
   
Dinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mickie, "Hindi ka ba nasasaktan sa mga sinasabi mo Christina?"
   
   
Napahalakhak ako ng kaunti, "Ayos lang, sanay na rin naman ako."
    
   
Kita ko ang pagharap ni Isabel sakin tsaka inabot ang mga kamay ko, "You don't have to pretend Christina.. Kaya nga kami nanditong mga kaibigan mo para may masabihan at masandalan ka."
    
   
"Tsaka yung sinabi mo tungkol kay Edward na wala siyang maalala ni isa, pansamantala lang yun. Darating din yung araw na babalik sakanya lahat at siya pa mismo ang magkekwento sayo ng kasal ninyong dalawa...in detailed pa kasama ang honeymoon." ani Mickie at napatawa matapos niyang sabihin ang huling salita.
    
  
Napatawa na rin kami ni Isabel. Sinadya naming ibahin na ang usapan para hindi na lang masyadong maging madrama at baka mag-iyakan pa kami.
   
   
Ilang minuto lang rin ang lumipas at narating na rin namin ang shop na sinasabing pagbibilhan ng gown ni Mickie. Sa pagpasok pa lang namin ay agad ng may bumungad na babae tsaka yumuko.
    
  
"Good morning ma'am, how can I help you?"
   
  
Naglabas ng isang card si Mickie tsaka binasa ang isang pangalan, "Nandito ba si Dolly Sy?"
    
  
"Ahhh si sir po, opo nandito siya. Tatawagin ko lang po sandali." sagot ng babae tsaka umalis.
  
  
Sir? Dolly? Pang-babaeng pangalan yun ah?
   
   
"Pst." pagtawag ni Isabel kay Mickie. Lumapit naman ito, "Kanino mo nalaman ang tungkol kay Dolly Sy, aber?" halos pabulong na saad ni Isabel.
   
 
Nangunot ang mga kilay ni Mickie, "Sa mama ni Carlo.. siya ang nag-suggest sakin dito. Bakit?"
   
  
Nanlaki ang mga mata ni Isabel, "Gosh! Hindi mo siya kilala? Isa siya sa pinaka-sikat na designer dito sa Pilipinas Mickie!"
      
   
Napakurap-kurap si Mickie, "W-What?! A-Akala ko pa naman average lang ang pagbibilhan ko ng bridal gown...yun pala--"
  
 
"Yun pala hindi. Meaning, mahal, magarbo, elegante, maganda, nasa trend and etcetera." nakangising saad ni Isabel. "Ha! Simple pala ha?" sarkastikong aniya pa.
    
  
"E simple naman talaga ang kukunin ko e!" naaasar na sagot ni Mickie.
       
   
Napailing-iling na lang ako sakanilang dalawa. Kahit na ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin sila nagbabago. Panay pa rin ang pagbabangayan, asaran, at sagutan nila. Akala mo ay mga teenager sila na kahit kailan ay hindi magkakasundo. Hindi ko nga alam kung paano naging magkaibigan ang dalawang yan, haha!
   
   
"Hello beautiful ladies!" bati ng isang lalake sa tonong pang-babae... you know what I mean. Napatingin ako sa soot niyang polo na may nakaburdang gold na pangalan sa dibdib nitong 'Dolly Sy'.
    
  
Siya pala yun.
   
   
Napaayos sa pagtayo sina Mickie at Isabel, "Hello--" sabay nilang saad tsaka sila nagtinginan ng masama.
   
 
"Oh chill, wag niyo kong pag-agawan.. hindi tayo talo mga sis haha!" sagot nung Dolly. "By the way, sino sainyo ang fiance ng anak ni Mrs. Farrell?"
   
 
"Ako." saad ni Mickie tsaka naglahad ng kamay niya, "Mickie Dela Cruz."
   
 
Tinanggap iyon ng designer tsaka ngumiti, "Nice meeting you Ms. Mickie."
   
  
"Ahh, eto nga pala ang mga kaibigan ko...Si Isabel at si Christina."
    
  
"Hello, nice meeting you Ms. Isabel and Ms. Christina." bati niya tsaka sabay rin kami kinamayan ni Isabel. "Osya tara na mga girls, binilin sakin ni Mrs. Farrell itong si Ms. Mickie kaya kailangan ko iyong sundin." untag niya tsaka kumindat.
     
  
   
   
Pagdating namin sa isang kwarto, halos mapanganga ako sa ganda ng bawat bridal gowns na nakahilera na mukhang pagpipilian ni Mickie. Hindi mo sila matatawag na pang-karaniwang gowns dahil bawat isa ay may iba't-ibang disenyong talaga nga namang nakakamangha.
    
   
Nakita ko ang mabilis na paglapit ni Isabel sakanya tsaka bumulong, "Simple pala ha?" pang-aasar niya.
   
     
Bago pa man makasagot si Mickie ay tinawag na siya ng designer, "Simulan mo ng isukat ang unang gown Ms. Mickie." 
  
  
Nanlaki ang mga mata ni Mickie tsaka  ilang beses na napatingin sa siyam na gown pabalik kay Dolly, "Isusukat kong...lahat ng yan?"
  
  
"Yes Ms. Mickie.." malambing na pagkakasagot ng designer.
   
  
"Hehe...h-hindi ba pwedeng pumili na lang ng, isa?" nag-aalangan niya pang tanong.
   
  
"No dear... I'm a fashion designer, dapat ay makita ko kung anong gown ang pinaka-babagay sayo."
    
  
"Pagpasensyahan niyo na yan, nag-iinarte lang... alin bang gown ang una niyang susukatin?" si Isabel na mas mukhang excited sa pagsusukat ng gown ni Mickie.
    
   
Kita ko ang pag-irap ni Mickie. Tinapik ko na lang ng kaunti ang balikat niya para senyasan siyang gawin na lang niya.. Wala rin naman siyang magagawa kundi ang sumunod na lang.
    
  
Habang nagsusukat siya ay nagyaya si Isabel na bumili muna ng inumin. Sakto kasi na may Starbucks daw siyang nakita malapit sa shop. Sandali muna kaming nagpaalam kay Mickie tsaka umalis.
    
   
"Anong flavor ang sayo Christina?" tanong ni Isabel nang makapasok kmi ng Starbucks.
   
 
"Okay na ako sa vanilla." sagot kong agad.
  
 
Tumango siya, "Osige, mag-o-order lang muna ako sandali." turo niya sa counter tsaka diretsong tumungo doon.
  
  
Sumandal naman ako sa upuan tsaka kinuha ang phone ko. Sinilip ko muna ang oras tsaka naisipang i-text si Edward...Ilang beses ko pang tinype at binura ang message bago ko ito tuluyang i-send.
   
  
Text message to Edward: Kumusta na kayo dyan ni Phin? :)
   
    
Nakatitig lang ako sa phone habang hinihiling na sana ayos lang ang dating ng tanong ko kay Edward. Sinadya kong lagyan ng smiley face yun para hindi na niya ma-misinterpret. Sana hindi na siya mainis tulad ng kanina.
    
   
"Christina?" napalingon ako sa lalakeng tumawag sakin.
   
  
Nangunot ang noo kong minukaan siya bago ko mapagtanto kung sino siya, "J-Josh?"
   

"Aha, ako nga.. kumusta ka na? Mukhang nakapangasawa kana ah?" aniya nang mapatingin sa tiyan ko.
    
 
Hinawakan ko ito tsaka ngumiti, "Yeah, si Edward.."
    
 
"Really? It's been years simula nung makita ko siya, naaalala kong nagsuntukan pa kaming dalawa nun, haha! Grabe, kayo nga talaga ang nagkatuluyan in the end. Lucky man... are you with him?"
   
  
Umiling ako, "Hindi, kaibigan lang ang kasama ko."
   
 
"I see.." napatingin siya sa relo niya, "Osya, mauna na ako Christina. Napadaan lang talaga ako dito para bumili ng coffee.. it's nice to see you here." nakipag-shake hands siya, "Until we meet again." huling saad niya bago siya umalis.
  
  
Tanging ngiti na lang ang naisagot ko habang pinapanood ang paglabas niya ng Starbucks. Lilingon na sana ako sa ibang direksyon ng mahuli ng mga mata ko si Charity na nagmamadaling naglalakad kasama ang isang lalake. Nangunot ang noo kong sinundan sila ng tingin pasakay sa isang kotse.
  
  
Who's that guy?
   
    
"Christina." tawag ni Isabel. Lumingon ako sakanya, "I'm done. Buti na lang at may available flavor sila na favorite ni Mickie... let's go?" pag-aaya niya.
   
 
Tumango ako, "Tara." muli kong binalik ang mga mata ko sa kotseng sinakyan ni Charity pero wala na iyon doon.
    
   
Napailing-iling na lang ako tsaka iyon binalewala. Wala naman dapat akong pake sa babaeng yun, hindi ba?
   
    
Sa pagbalik namin kay Mickie ay nakakapang-apat pa lang siyang pagsusukat sa mga gowns. Halata sa mukha niya ang pagkainip kaya sinenyasan na lang namin na konting tiis na lang. Mabuti na lang at supportive kami nitong si Isabel kaya nag-antay talaga kami hanggang sa matapos siya.
   
   
"Grabe, Sorry talaga kung natagalan yung pagsusukat ko ha? Hindi ko rin naman inexpect na ganon pala ang mangyayari." ani Mickie na halatang nakokonsensya.
  
  
Nagtinginan pa kami ni Isabel habang natatawa ng kaunti, "Ano ka ba Mickie, ayos lang yun." sagot ko.
   
  
"Isa pa, ginusto mo yan. Ayaw mo kasing magpa-design kaya yan ang napala mo, haha!" panunuya ni Isabel.
   
 
"Whatever...tara na nga, ihahatid ko na kayo sainyo. For sure hinahanap na kayo ng mga asawa niyo." ani Mickie dahilan para sumakay na kami sa kotse niya.
   
 
Hindi namin napansin ang matagal na byahe dahil sa panay naming pagke-kwentuhan at pagtatawanan. Nakakatuwa nga dahil masasabi kong nag-enjoy talaga akong kasama sila... Nakaramdam pa nga ako ng panghihinayang ng una nila akong ihatid sa bahay.
   
 
"Next time ulit ha?" nakangusong ani Isabel pagbaba ko ng kotse.
   
  
"Sure." nakangiting sagot ko.
   
  
"Thanks sa pagsama Christina, don't forget na pumunta rin sa kasal namin, okay?" paalala ni Mickie.
  
  
"Of course I won't.." isasama ko pa si Edward para mas masaya.
   
  
"Okay, gotta go Mrs. Smith.. byeee!" sabay pa silang sumenyas sa mga kamay nila bago paandarin ni Mickie ang kotse niya.
    
   
Pinagmasdan ko munang makalayo ang sasakyan niya bago ko mapagdesisyunang pumasok na rin sa bahay.. Sa pagpihit ko pa lang ng doorknob ay tila nagtaka na ako kung bakit hindi naka-lock ang pinto.. Pero ang mas ipinagtaka ko ay nang makarinig ako ng tawa ng isang babae sa loob.
   
  
Sino yun?
    
 
Nangunot ang noo kong pumasok... Biglang bumagsak ang balikat ko kasabay ng pagbigat ng dibdib ko nang makita si Edward na masayang nakikipagtawanan kay Charity. At ang mas nakapagpabigat sa dibdib ko ay kung paano niya titigan ang babaeng 'yon. God! How could he look at her like that? I swear, that was the look he gave me..
    
   
  
---

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now