Chapter 38

2.3K 76 21
                                    

A/N: Back to Christina's point of view na tayo :)
      
    
Chapter 38
    
    
   
   
 
Bigla akong napabalikwas sa pagkakatulog ko dahil sa isang masamang panaginip. Napalinga-linga ako sa paligid dahil inakala kong totoo ang nangyari. Napabangon ako't habol habol pa ang hininga kong napasapo sa dibdib ko. Nilingon ko si Edward sa tabi ko at mahimbing pa rin naman siyang natutulog. Tumayo na ako't tumungo naman sa kabilang kwarto at nakita ding natutulog si Phin sa crib niya. Nakuha ko pang hawakan ang pulso niya para siguraduhing humihinga nga siya.
    
   
Thank God, he's still breathing..
     
  
Nakahinga ako ng maluwag sa pagkakataong yun. Masyado akong nadala sa masamang panaginip ko. Naalala ko, tahimik lang umano kami nina Edward at Phin sa bahay ng bigla na lang may malakas na putok ng baril na umalingawngaw sa paligid. Sa sobrang gulat ko sa panaginip kong yun ay napapikit ako ng mariin. Sa pagdilat ko, wala na sina Edward at Phin sa tabi ko. Napalinga-linga ako't ilang beses silang tinawag. Tatayo na sana ako para hanapin sila nang maramdamam ko ang kung anong mainit na likido sa kamay ko. Nang sulyapan ko ito ay laking gulat ko na lang nang makitang puno na ito ng dugo. Halos manlumo ako't mapasigaw hanggang sa magising na ako.
   
   
Ganon na lang ang kaba kong napatingin kay Edward tsaka dali-daling tumakbo kay Phin para i-check kung ayos lang sila. Dama ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Inakala ko talagang totoo iyon. Mabuti na lang pala at isa lang pala yung panaginip. Baka ikamatay ko na kung sakali mang mangyari nga ang bagay na yun.
   
  
Ngayon ay mas lalo kong napagtanto na mas hindi ko kakayanin kung mawala pa ang isa sa mga mahal ko. Kailangan pa palang may mapanaginipan akong ganong senaryo bago ako magising sa katotohanan. Masyado akong nagpalugmok sa pagkawala ng pangalawang anak namin. Hindi ko lang kasi lubos maisip na hahantong sa ganon na mawawala siya. Sinisi ko talaga ang sarili ko dahil hindi ako naging responsableng ina para sakanya.
   
   
Araw-araw, gabi-gabi, wala akong ginawa kundi ang matulog at umiyak. Madalas ay pumupunta pa ako sa kwarto na dapat sana ay paglalagyan niya kung nabubuhay siya. Palagi kong inaamoy at hinahagkan ang telang isinoot sakanya nang isinilang ko siya. Iniisip ko na totoong yakap yakap ko siya. Halos naging hangin nga ang lahat sakin dahil walang oras na hindi siya nawala sa isip ko. Ni hindi ko na magawang makakain ng maayos dahil wala akong gana at sa isip ko, gusto ko na ring mamatay.
    
    
Masyado akong nagsarili sa emosyon ko. Hindi ko alam na sa ginagawa ko, marami na rin pa lang naaapektuhan.
     
   
Napaupo ako sa sofa sa tabi ng crib ni Phin at marahang hinimas ang ulo niya. Hindi ko mapigilang maging emosyonal sa pagkakataong yun. Sobrang nakaramdam ako ng awa dahil napabayaan ko siya. Ilang beses ko siyang narinig na tumawag ng "Mama" pero binalewala ko lang.
    
   
"I'm sorry anak.." mahinang sambit ko para hindi siya magising.
   
   
Agad kong pinunasan ang takas na luhang pumatak sa kaliwang mata ko. Patuloy lang ako sa paghimas sa uluhan ni Phin hanggang sa mapansin ko ang unti-unting pag-angat ng labi niya. He smiled. Napangiti rin ako. Mukhang maganda ang panaginip niya at ganito na lang siyang napapangiti habang natutulog.
     
    
Ilang minuto rin akong tahimik na pinagmamasdan si Phin bago siya magising. Sa pagmulat niya ng mga mata, "Hiiiii!" masayang bungad ko sakanya.
   
    
"Ma-ma.." saad niya kasabay nang pagguhit ng ngiti sa labi niya. Natuwa nga ako nang mabilis siyang bumangon at tumayo ng tuwid sa crib niya. Kinuha ko naman siyang agad para buhatin.
   
 
Hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang anak ko na nakangiti ring nakatitig sakin. Nakuha niya pang hawakan ang mukha ko na para bang ngayon niya lang ulit ako nakita.
   
    
"Miss me?" tanong ko pa sakanya. Hindi siya sumagot, kinurap-kurap niya lang ang mga mata niya sakin na parang nagbi-beautiful eyes. "Nagpapa-cute na naman ang Phin ko!" natatawang saad ko kasabay nang paghalik ko sakanya sa pisngi at leeg sa panggigigil.
   
   
Na-miss ko lang talaga siya..
   
    
Matagal tagal rin akong nasa kwarto habang nakikipaglaro sakanya bago ko maisipang bumaba para mapakain ko na siya.
   
  
Nasa may huling baitang pa lang ako ng hagdan pero amoy na amoy ko na ang bango ng omelette sa kusina. Naisip ko agad na ang katulong ang nagluluto. Alam ko kasing siya na lang ang natira dito bukod samin ni Edward at ni Phin. Last week pa nang magpaalam si mama sakin na kailangan niya munang samahan si papa sa pagpapatakbo ng negosyo.
     
  
Hanggang sa makaabot ako sa kusina, hindi ko inaasahan na si Edward pala ang nandoon. Natulala akong napatitig sa likuran niya habang pinagmamasdan siya sa paglipat ng omelette sa isang plato. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkamangha dahil ngayon ko lang ulit siyang nakitang nagluto simula nang magka-amnesia siya.
   
    
"Dada!" sigaw ni Phin dahilan para maagaw ang atensyon ni Edward.
   
  
Agad na nagtama ang mga mata namin sa isa't-isa. Parang bumagal ang oras sa puntong yun. Hindi ko lang nararamdaman ang malakas na tibok ng puso ko kundi naririnig ko rin ito. Nakakapanibago. Nitong nakaraang linggo kasi, hindi ko talaga siya nakuhang tingnan kahit sandali man lang. Ni hindi ko rin siya pinapansin dahil ayoko talaga. Hindi naman ako galit sakanya pero nasasaktan talaga ako sa tuwing maaalala ko na may anak siya kay Charity.
   
  
Alam kong nakakainis talaga lahat ng mga pinagsasabi ng babaeng yun pero hindi ko maipagkakaila na tama siya. Hindi na nga siya mawawala sa buhay ni Edward dahil magiging responsibilidad na niya ang magiging anak nila. At sa madaling salita rin, hindi na lang kami ni Phin ang priority niya dahil may kahati na kami.
    
   
Mabilis kong iniwas ang tingin ko kay Edward sa mga naaalala ko. Talagang sariwa pa lahat sakin.
   
    
"Uhh, sakto, halos kakatapos ko lang magluto..kain kana." nakangiting saad niya.
   
  
Tumango lang ako tsaka umupo. Kandong kandong ko si Phin, halata sakanyang gutom na siya dahil pilit niyang inaabot ang hotdog sa lamesa. "Wait lang Phin.." utas ko tsaka inabot ang kanin at ulam. Isang kamay lang ang gamit ko kaya medyo mabagal at nahihirapan ako.
    
  
"Kunin ko muna siya." ani Edward.
   
  
Sandali ko siyang sinulyapan tsaka tumango. Pagkakuha niya kay Phin ay binalik kong muli ang atensyon ko sa paghahanda ng pagpipira-piraso ng hotdog.
     
   
"atchog, atchog.." paulit-ulit na sabi ni Phin. Nilingon ko siya at halos matawa ako nang makita kung paanong nakapokus ang mga mata niya direkta sa hotdogs.
  
  
"Oh, eto na." nakangiting utas ko matapos kong pira-pirasuhin ang hotdog.
   
  
Umupo naman si Edward sa tapat ko tsaka niya ini-upo si Phin sa kanang hita niya. "Here's the airplane Phin, say ahh!" saad ko habang kunwaring nililipad ang kutsara na parang isang eroplano.
   
   
Napangisi ako sa wagas na pagnganga ni Phin nang isubo ko na sakanya ang pagkain, "Very good." sambit ko tsaka naman siya napapalakpak.
  
  
Mga limang beses ko na ring nasusubuan si Phin nang mapansin kong kanina pa pala nakatitig sakin si Edward. His smiling yet my heart still beats so fast.
   
 
Napakurap-kurap akong nag-ayos ng upo, "Gusto mo na bang kumain?" tanong ko. Baka kasi kanina pa pala siya nagugutom. Kaya ko namang ako na lang ang magpakain kay Phin.
  
  
"Susubuan mo rin ba ko?" tanong niya.
   
  
"H-Ha?" hindi ako nakasagot ng maayos. Parang natameme ako sa tanong niya't tanging pagtitig lang sakanya ang nagawa ko.
    
  
Bigla siyang napakurap sabay iling, "Uhh, I-I mean sabay na lang tayo pagtapos nating pakainin si Phin." sagot niya tsaka napaiwas ng tingin.
  
  
"Ahhh.." napatango-tango na lang ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko't kunwaring binasa ito para magpigil ng tawa.
    
   
Ilang sandali rin nang matapos kong masubuan si Phin at nabusog na rin siya. Kinuha ni Edward ang baby chair ni Phin at tinabi iyon malapit samin tsaka niya ini-upo ang anak namin doon. Binigay niya rin ang paborito niyang laruan para may paglilibangan siya habang kumakain naman kami.
   
  
"Here." nabigla ako nang si Edward na ang naglagay ng kanin at omelette sa plato ko.
      
   
"Thanks.." sagot ko.
   
 
Hindi na rin ako nagpaligoy-ligoy pa't sumubo na rin ng pagkain. Habang ngumunguya ay lasang lasa ko ang sarap ng omelette na niluto niya. Just wow. Kaparehong-kapareho nito ang recipe na niluluto niya rin noon.
   
  
"Masarap ba?" tanong niya. Napansin kong wala pang laman ang plato niya at mukhang pinagmamasdan niya na naman ako kanina pa.
   
  
Sandali akong ngumuya tsaka lumunok bago tumango, "Oo.." sobrang sarap..
  
 
"Buti naman kung ganon, medyo naaalala ko kasi yung recipe kaya sinubukan ko.." paliwanag niya.
   
  
Napangiti lang ako ng kaunti.
    
    
Mabuti pa yun ay nagawa mong maalala. Ako kaya, kailan mo maaalala Edward?
   
     
Hanggang sa matapos kami. Pareho naming niligpit lahat ng pinagkainan namin. Piniligan niya pa nga ako nung una pero nag-insist ako na tutulong ako. Gusto kong kumilos ngayon. Gusto kong bumawi sa lahat ng araw na wala akong ginawa kundi magkulong at magmukmok sa kwarto.
    
   
"Nga pala Christina, tumawag si Paul kagabi. Kauuwi lang daw niya ng States nung Tuesday. Nasabi niya rin na bibisita daw siya ngayon dito." sabi ni Edward.
    
  
"Talaga? Ano daw oras?" tanong ko.
    
  
"Wala siyang sinabing exact time. Basta ang alam ko, umaga." sagot niya.
     
  
Oh no! Hindi pa ako nakakaligo!
   
  
"Ahh, osige, aakyat muna ko sa taas para maligo. Ikaw munang bahala kay Phin." pagpapaalam ko.
   
  
Tumango siya, "Okay." at ngumiti.
  
   
Sandali rin akong ngumiti tsaka na siya tinalikuran papaakyat ng kwarto. Halos magmadali rin ako sa pagkuha ng tuwalya diretso sa bathroom. Nakakahiya naman kasi kung haharap ako sa bestfriend ko na halatang bagong gising.
   
    
Matapos ng ilang oras, natapos na rin ako sa paliligo. Pinupunasan ko pa ng isa pang towel ang buhok habang papalabas nang sakto ring tumunog ang phone ko. Tinungo kong agad yun tsaka ito tiningnan.
      
  
Unknown number calling..
    
    
Nangunot ang noo kong pinagmasdan ang numero. Nagtaka ako kung sino ito pero naisip ko rin na baka maaaring si Paul pala ito. Palagi kasing bago ang number na ginagamit niya sa tuwing uuwi siya ng Pilipinas. Ewan ko ba kung bakit hindi na lang niya itabi ang isang number para yun na lang rin ang gamitin niya sa susunod nang hindi siya papalit-palit.
   
  
"Hell--"
   
  
"Mrs. Christina Gabriela Amadeous, tama ba?" nanindig ang mga balahibo ko sa malalim na boses ng isang lalakeng sumagot sa kabilang linya.
   
   
Hindi siya si Paul....Sino siya? Bakit kilala niya ako?
    
  
"S-Sino 'to?" tanong ko.
   
  
"Hindi mo na kailangang malaman kung sino ako. Tumawag ako dahil may gusto lang akong sabihin sayo." aniya.
  
   
Napalunok ako. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Inisip ko na maaaring isa lang 'to sa mga kaibigan ko na nagbibiro o iba pang tao na nanti-trip lang.
   
  
Humugot ako ng malalim na hininga bago sumagot, "Ano yun?"
    
   
"Gusto mo pa bang makita ang anak mo?" parang bumagsak ang puso ko sa pagkakataong yun. Is he referring to--
   
   
"A-Anong ibig mong sabihin? Kasama ko sa bahay ang anak ko." lakas-loob kong sagot. Iba ang kutob ko na hindi si Phin ang tinutukoy niya. Hindi ko alam pero yun ang pakiramdam ko.
   
  
Narinig ko ang pagtawa niya, "Alam mong hindi yang anak mo dyan ang tinutukoy ko."
     
    
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano bang gustong iparating ng taong 'to. Naguguluhan ako lalo na't tinatanong niya kung gusto ko pa bang makita ang isa kong anak gayong patay na siya apat na linggo na ang nakakalipas.
       
     
"Buhay pa siya.....at hawak ko siya. Kung gusto mo pa siyang makita, sabihin mo lang." huling sambit ng lalake bago niya patayin ang tawag.
    
    
  
---
   
   
A/N: Sorry if kaka-update ko lang. Busy na kasi talaga ako sa college life, sunud-sunod na school works na kaya hindi ko masingit ang pag-update. Pero don't worry, tatapusin ko pa rin 'to within this month.
  
  
Vote and Comment!💜

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now