Chapter 3

3K 70 6
                                    

Chapter 3
   
   
   
   
  
Kinabukasan..
    
   
  
  
      
*riiing! riiing!*
   
   
Nagising ako sa ringtone ng phone ni Edward. Napatingin ako sa labas ng bintana, umuulan at madilim pa. Bakit naman may tatawag ng ganitong oras? Tinapik ko ng kaunti si Edward para gisingin, "Edward, may tumatawag." utas ko.
    
  
"Hmm.." pilit niyang minulat ang mga mata niya sabay abot sa phone niya. Sinagot niya ito.
    
    
"Hello?" halatang inaantok pa siya sa tono ng boses niya.
    
  
Pinagmasdan ko lang siya.
    
  
"What? Really?" gulat niyang saad at mabilis na napabangon. Anong meron??
     
  
Napahilot siya ng sentido. "Oh God, okay... I'll be there after 3 hours.... yeah, bye."
    
  
Napahilamos ng mukha si Edward matapos niyang ibaba ang tawag.
   
  
Bumangon na rin ako. "Anong problema Edward?" tanong ko sabay patong ng kamay ko sa braso niya para himasin ito.
    
  
Napasinghap siya. "Biglaan daw dumating yung shareholder ng W.A  company galing States sa Cavite. Gusto daw makipagkontrata sa pakikipag-partnership nila sa kumpanya namin."
   
  
"Really? Magandang balita yun para sa company niyo, right?"
   
  
"Yes it is, ang kaso agad rin daw silang aalis kaya kailangan kong magmadali papunta doon."
    
  
"Bakit hindi na lang sila dito dumiretso?"
   
 
"They're just here para tingnan yung factory sa Cavite at mag-sign ng contract."
    
  
Napasulyap ako sa wall clock. "Hindi ba delikado sa daan Edward? Alas-kwatro pa lang ng madaling araw oh. Paniguradong madulas rin ang daan dahil sa ulan."
   
  
Ngumiti siya sabay hawak sa mga kamay ko. "Kailangan ako dun dahil ako ang CEO ng kumpanya Christina. Besides, mag-iingat rin naman ako sa byahe."
   
 
"Alam ko yun pero, wala bang ibang paraan?" masyado akong nag-aalala.
   
 
"Ako lang kasi ang may hawak ng templates at contract Christina. Hindi ko naman alam na biglaan silang pupunta kaya hindi ako nakapagbigay ng copy sa secretary ko."
   
  
Napabuntong hininga ako. "Okay... pero mag-iingat ka ha? Dahan dahan lang sa pagmamaneho at agad kang magtext pag nakadating kana doon."
    
  
Ngumiti siyang muli tsaka ako hinalikan sa noo. "Of course I will."
    
  
Ngumiti ako.
  
 
"Sige na matulog kana ulit, I'm also going to prepare myself." aniya bago tumayo tsaka dumiretso ng bathroom.
   
  
Hindi ko naman nagawang matulog. Hinanda ko na lang rin ang isosoot ni Edward pati na ang ilang mga dadalhin niya.
   
   
Hanggang sa matapos na siya sa paghahanda ay siyang pagpaalam niya rin papaalis.
     
    
"Ingat sa byahe ah? I love you." sambit kong nakangiti.
   
  
"I love you more. Uuwi rin akong agad, promise." aniya tsaka ako binigyan ng halik sa labi.
    
  
Pinagmasdan ko siyang makasakay ng kotse niya hanggang sa imaneho niya ito papaalis. Medyo malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan. Napasinghap ako ng malalim tsaka na rin pumasok ng bahay. Sinilip ko si Phin sa kwarto niya na mahimbing pa ring natutulog.
     
   
Napaupo ako sa sofa sa tabi ng crib niya. Habang pinagmamasdan ko ang anak namin, napahikab ako hanggang sa hindi ko na namalayang nakaidlip na ako.
   
    
"Uwaaaaa! Uwaaaaa!" nagising na lang akong bigla sa iyak ni Phin. Nakatayo na siya sa crib niya.
   
   
Pinuntahan ko siya para buhatin.
   
  
"Shhh.. Nandito na si mommy." pagpapatahan ko kay Phin.
    
  
"Dadaaaa..." pag-iyak niya pa rin. He's calling for his daddy.
   
  
"Tahan na baby, uuwi rin mamaya si daddy." saad ko pa habang tinatapik ng kaunti ang pwetan ni Phin.
  
  
Ilang minuto rin ang lumipas at tumigil na rin sa pag-iyak si Phin. Subo na rin kasi niya ang pacifier kaya nanahimik. Ako naman 'tong biglang naalala si Edward. Kinuha ko ang phone ko na nasa sofa rin. Alas-nuwebe na ng umaga pero wala pa rin siyang text. Imposible namang wala pa siya dun dahil dalawang oras lang ang byahe papuntang Cavite. Dapat kanina pang seven o'clock ay nandun na siya at nakapagtext na.
      
  
Hmm.. baka busy lang, diba?
  
  
Tama. Baka kausap niya pa rin hanggang ngayon yung shareholder ng W.A company. Dala niya rin ang templates niya kaya paniguradong abala siya sa pag-e-explain nito sa bagong partnert ng company nila.
   
   
Tama, hahayaan ko muna si Edward. Maya-maya rin, paniguradong magtetext na siya.
  
   
Lumabas na lang ako patungong kusina habang buhat buhat si Phin. Pakakainin ko na siya. Pati rin ako ay magbe-breakfast na.
   
     
Sa buong oras ng tanghaling yun ay naging abala ako sa anak namin. Nagawa ko siyang paliguan, laruin at patulugin ulit. Nawala na nga rin sa isip ko ang tungkol kay Edward. Masyado rin kasi akong naging panatag sa pangako niyang uuwi siyang agad pagkatapos niya sa Cavite.
     
      
   
*ding dong! ding dong!*
     
   
Edward? Bigla siyang sumagi sa isip ko. Baka siya na kasi ang kumakatok sa pinto.
   
  
"Sandali lang." saad ko habang papunta sa pintuan.
    
  
Pagbukas ko, "Hello anak." masayang bungad nina mama't papa sakin. Kita ko ang dala nilang basket na puno ng mga prutas.
   
  
"Oh ma, pa.." niyakap ko sila sabay beso, "Pasok po kayo sa loob." dagdag ko.
    
  
"Etong mga prutas anak." saad ni mama pagpasok nila ng bahay sabay abot sakin ng basket. Nagpasalamat naman ako tsaka iyon kinuha. Sandali ko iyong nilagay sa kusina tsaka binalikan ang mga magulang ko na may dala dalang tuwalya. Medyo nabasa kasi sila dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan.
    
   
"Eto pong towel." sabi ko sabay abot ng tig-isang towel sakanila.
   
  
"Salamat anak, kumusta naman pala kayo dito ni Edward?" tanong ni papa.
      
 
"Ayos naman po kami pa."
    
  
"Nasan nga pala siya?" usisa ni papa.
      
   
"Uhh, may inasikaso pong business sa Cavite."
  
  
"Magtatagal ba siya doon?"
   
  
"Hindi naman po. Nasabi niya lang na may ipapapirma siyang kontrata sa shareholder ng W.A company na magiging partner na rin ng company nila."
     
   
"Talaga? Magandang balita yun anak."
    
  
"Oo nga po pa."
   
  
"Teka, nasan nga pala ang apo namin?" si mama.
     
  
"Natutulog po sa kwarto niya ma."
    
     
Napatangu-tango na lang si mama. Nasundan pa ng ibang topic ang usapan naming tatlo. May punto pa ngang binalikan nila ang panahon kung saan bata pa daw ako na inaalagaan nila. Napakabilis nga naman ng panahon, parang kailan nga lang rin yung mga araw na hindi pa kami magkakilala ni Edward... or should I say hindi ko pa siya kilala dahil sa amnesia ko.
   
  
Mabuti na lang at napakatiyaga niya para hanapin at ipaalala lahat sa akin.
    
   
"Uwaaaaa! Uwaaaaa!" kasabay ng pag-iyak ni Phin ay ang pag-ring ng phone ko.
    
  
*riiing! riiing!*
     
  
"Sige na sagutin mo na yan, ako ng kukuha sa apo ko." sambit ni mama. Ngumiti naman ako bilang pasasalamat. Sinundan ko pa ng tingin si mama papasok ng kwarto ni Phin, nakasunod rin sakanya si papa.
    
  
Gustung-gusto talaga nilang nakikita si Phin.
     
  
Nangunot naman ang noo ko nang mapasulyap sa phone ko't makitang unknown number ang tumatawag. Hindi na rin naman ako nagdalawang isip pa't sinagot ko na ito.
  
  
"Hello?" untag ko.
   
 
"Hello ma'am, ako po si PO1 Benjamin Tuazon from Cavite Police Station, kayo po ba ang asawa ni Mr. Edward Fourt Smith?"
   
  
Napalunok ako. "A-Ako nga, bakit?"
    
  
"Wag po sana kayong mabibigla ma'am, pero... natagpuan pong wasak ang kotse ng mister niyo. Nahulog po ito sa may bangin kaya--"
     
   
"Ano?!" hindi makapaniwala kong sigaw kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. "T-Teka, si Edward, ang asawa ko, nasan siya? Anong nangyari sakanya? Ligtas ba siya?" sunud-sunod kong tanong.
    
  
Ramdam ko na ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Dinadaga na ang dibdin ko't halos manginig na rin ang buong katawan ko sa takot. Bakit kailangang mangyari 'to?
     
  
"Ikinalulungkot po naming sabihin pero hindi po namin siya nakita. May mga bakas po ng dugo pababa ng kotse kung saan hinihinalang bumaba siya dito para humingi ng tulong. Kasalukuyan pa po namin siyang hinahanap ngayon."
    
  
Napatakip na ako ng bibig ng hindi ko na mapigilang mapahikbi sa iyak. Napaluhod na rin ako dahil sa panghihina ng mga tuhod ko.
   
  
"Ma'am? Hello ma'am?" dinig kong saad ng lalake sa kabilang linya.
    
  
"Anong nangyari anak?" alalang tanong ni mama na mabilis akong pinuntahan habang buhat buhat niya si Phin. Si papa rin ay lumapit, kinuha niya ang phone sakin. Lumayo siya para siya ang kumausap.
     
   
"S-Si Edward, ma.." halos mautal-utal kong saad dahil sa pag-iyak ko. Mabilis akong tumayo tsaka dumiretso ng kwarto para kunin ang susi ng kotse ko. Pagkakuha ko doon ay dali-dali akong lumabas papuntang garahe.
    
   
"Anak sandali, saan ka pupunta?" tanong ni mama. Hindi ko napansing sumunod pala siya.
   
  
"Naaksidente si Edward ma. Kailangan niya ako doon, kailangan ako ng asawa ko." sagot ko.
  
  
"Ha?! Teka, paanong naaksidente? Saan?" naguguluhang sambit ni mama.
   
   
"Hindi ko rin alam ma, n-nawawala siya... Kailangan kong pumunta don para hanapin siya."
    
   
"Anak sandali, malakas ang ulan. Baka kung mapano ka."
    
   
"Alam ko ma, pero si Edward? Paano siya? Paniguradong may mga sugat siya dahil sa aksidente. Kailangan niyang magamot, kailangan niyang madala sa ospital ma." mangiyak-ngiyak kong sagot kay mama.
     
 
Hindi na nagawang sumagot ni mama. Sasakay na sana ako ng kotse nang marinig ko ang matigas at seryosong pagtawag ni papa sa pangalan ko, "Christina."
    
   
Napalunok ako. "Hindi ako magpapapigil pa."
    
  
"Anak, pag-isipan mo yang gagawin mo. Wag kang magpadalos-dalos. Paano kung pati sayo may mangyari? Isipin mo ang anak niyo. Anong sasabihin namin sakanya kung may nangyaring masama sayo, ha? Gusto mo bang sabihin naming hinayaan ka lang naming magpadala sa nararamdaman mo kaya hindi ka namin nagawang pigilan, ganon ba?" dahan dahan kong hinarap ang mga magulang ko kasama ang anak kong walang kamalay-malay sa nangyayari.
   
  
Nabitawan ko ang susi kasabay ng pagtakip ko ng dalawang mga kamay ko sa mukha ko. "S-Sorry po, I-I'm sorry.." hindi ko na magawang mag-isip ng maayos dahil sa nararamdaman ko.
    
  
Naramdaman ko na lang ang pagyakap ni mama at papa, "Shh, nandito lang kami ng papa mo anak." ramdam ko ang pakikipag-simpatya nila sa nararamdaman ko.
  
  
Tuluy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng mga luha ko. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko kung bakit hindi ko nagawang pigilan ang taong mahal ko. Kung sanang pinilit ko pa siya, sana hindi 'to nangyari sakanya.
    
  
  
---

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now