Chapter 43

2.1K 73 14
                                    

A/N: This chapter will be Edward's point of view. Enjoy!
       
    
Chapter 43
    
   
   
    
  
Kakatapos ko lang mamili sa mall. Bitbit ang tatlong paper bags ay diretso kong tinungo ang kotse kong nakaparada sa parking lot. Inilagay ko muna ang mga napamili ko sa likod ng sasakyan tsaka na rin ako sumakay.
    
   
Pauwi na sana ako ng oras na yun ng saktong makatanggap ako ng email tungkol sa resulta ng DNA kung saan kami nagpa-test ni Charity. Sa pagkakaalam ko, sinabi na sakin kahapon ni Charity na natanggap na niya ang mismong resulta. Sinabi niyang positive iyon. Nakuha niya pang mag-send ng picture kung saan positibo nga ang nakalagay kaya naman nadismaya ako.
   
  
Hindi lang talaga kasi ako makapaniwala na anak ko nga ang dinadala niya. Imposible.
     
    
Muli kong sinulyapan ang phone ko. hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, doon ko na mismong binuksan ang email tsaka binasa ang nakasaad doon.
   
   
Nakasaad doon lahat ng detalye. Binasa ko ng maigi ang bawat salita hanggang sa makita ko na ang pinaka-resulta ng DNA na nagsasabing, "Negative...hindi ko anak ang dinadala ni Charity.." nangingiting sabi ko sa sarili.
    
     
Parang lumuwag ang loob ko sa pagkakataong yun dahil nakumpirma ko nang hindi ko anak ang pinagbubuntis ni Charity. Mawawala na ang bigat na dinadala ko at ang problemang iniisip ko kung paano ko ito sasabihin sa mga kaibigan namin at kanya-kanya naming mga magulang.
  
   
Suminghap ako ng malalim at napatango sa sarili ko. Dapat ko na itong sabihin agad kay Christina, paniguradong matutuwa siya kapag nalaman niya ang tungkol dito.
    
   
Tama!
       
   
Imamaneho ko na sana ang sasakyan ko nang maaalala ko si Charity, nagsinungaling siya... Agad na napalitan ng galit ang ang sayang nararamdaman ko. Imbis na umuwi na ako ay iniliko ko ang sasakyan patungo sa condo ni Charity.
     
   
Ilang minuto lang ang binyahe ko nang makadating ako sa building kung saan ang condominium ni Charity. Bababa na sana ako ng kotse nang saktong makita ko ang nagmamadaling si Charity pasakay sa kotse niya habang may tinatawag sa phone.
      
   
"What's with her?" nagtatakang saad ko sa sarili ko.
    
  
Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para sundan siya sa pagkakataong iyon. Mukha kasing importante ang pupuntahan niya. Para bang balewala sakanyang buntis siya't ganon na lamang siyang nagmamadali.
   
   
Hindi ko inalis ang mga mata ko sakanya. Isang kotse lang ang agwat ko sa kotse niya para hindi niya ako mapansin.
   
  
Hanggang sa itigil niya ang sasakyan niya sa isang apartment ay tsaka siya diretsong pumasok doon. Nangunot ang noo ko sa pagtataka dahil ngayon ko lang siyang nakitang pumunta sa lugar na 'to. Naisip ko na maaaring may kakilala siya na hindi niya lang nababanggit sakin.
    
   
Hindi rin nagtagal ay nakita ko rin ang paglabas niya. Hindi maipaliwanag ang timpla ng kanyang mukha na para bang may nakakainis siyang nakita sa loob ng apartment na pinasukan niya. Kita ko pa ang padabog niyang pagsara sa pinto ng kotse niya nang makasakay siya dito sabay pagharurot niya ng mabilis paalis.
  
   
Sa sobrang pagtataka ay muli ko siyang sinundan. Pakiramdam ko talaga ay may kakaiba kay Charity. Mukhang may hindi pa ako alam dahil halatang tinatago niya ito.
    
   
Maingat ko siyang sinundan sakay ng kotse ko. Maraming tanong ang bumabagabag sa isip ko.
   
   
Hanggang sa makita kong tumigil ang sasakyan niya sa isang abandonadong gusali ay tsaka ko na rin itingil ang kotse ko hindi kalayuan sa kinaroroonan ng kanya.
   
    
Hinintay ko muna siyang bumaba doon bago ako bumaba. Palihim ko lang siyang sinusundan hanggang sa makalapit ako.
   
 
"Wait.." bulong ko sa sarili ko nang makita ang isang pamilyar na kotse.
  
 
Hindi ako pwedeng magkamali. Kay Christina ang kotseng 'to. Alam na alam ko ang kulay pati na ang plate number niya. Isa pa, hindi lang isang kotse ang dinatnan ko doon, bukod sa kotse ni Charity ay may isa pang nakaparada dito.
   
   
Napalunok ako.
    
   
Hindi ko mailarawan kung anong klaseng kaba na ang nararamdaman ko ngayon. Anong meron? Kanino ang isang kotseng 'to? Bakit nandito si Christina? Pati si Charity? Magkikita ba sila? Bakit? God!
   
  
Napapikit ako ng mariin sabay napailing. Masyado akong nalunod sa mga naiisip ko kaya naman nawala na sa paningin ko si Charity. Napalinga-linga ako ngunit hindi ko na siya nakita.
     
     
        
    
     
  
*BANG!*
     
  
   
   
    
 
 
Halos mapalundag ako sa gulat sa narinig kong iyon, "Shit!" what was that?!
    
   
si Christina!
   
  
Agad akong napatakbo papasok sa gusali. Hindi ko na alintana kung anong naghihintay sa akin sa loob. Ang iniisip ko lang ngayon ay ang asawa ko. Ang kaligtasan ng taong mahal ko.
   
   
"Christina!" pagtawag ko sa pangalan niya nang makita ko na siya.
    
    
Narinig naman niya ako kaya tumakbo na akong agad papalapit sakanya tsaka siya hinagkan, "God, what are you doing here?" nag-aalalang tanong ko sakanya. Halos lumabas na ata ang puso ko sa pag-iisip na baka ano ng nangyari sakanya matapos kong marinig ang malakas na putok kanina.
    
    
Thank God she's safe..
    
   
"Uwaaaa! Uwaaa!" gulat akong napatingin sa kargang sanggol ni Christina.
   
   
Sino siya??
    
   
"This is our second child Edward, our true son...he's alive." ani Christina na para bang narinig ang nasa isip ko.
    
   
Napangiti ako sa sinabi niya. Marahan ko pang hinawan ang bata dahil sa hindi ako makapaniwala. Totoo ba talaga ito? "Pero, p-paanong nangyari 'to?" hindi na ako nakapagpigil na magtanong.
  
   
  
   
  
*BANG!*
    
        
    
     
    
  
Naagaw ang atensyon namin ni Christina paharap kay Charity. Ngayon ko lang napagtanto na may hawak siyang baril at sakanya nanggaling ang narinig ko kanina.
      
    
Ano bang tumatakbo sa isip niya?!
   
  
"Ha! Masyado ata kayong natuwa ngayong nakita niyo na ang anak niyo ano?" aniya habang sarkastikong nakangiti samin. "Baka nakakalimutan mo Edward, dala dala ko rin sa sinapupunan ko ang dugo't laman mo." dagdag niya na ikinagalit ko.
    
   
Napatiim-bagang ako, "Stop lying, Charity." seryosong sambit ko sakanya.
   
   
Nangunot naman ang mga kilay ni Charity na para bang nagtataka. Kahit kailan talaga, ang galing niyang magkunwari. Ilang beses na niya akong nagawang papaniwalain noon sa mga ganitong pakulo niya. Pero sa pagkakataong ito, hindi na.
    
  
"You can't fool me now Charity. Alam ko na ngayon na hindi nga akin yang nasa tiyan mo." lakas-loob kong saad sakanya.
 
  
"W-What? No! Of course not! S-Sayo 'to Edward, sayo!" pagde-deny niya pa.
    
  
"I said stop lying!" sigaw ko.
   
 
"I'm not lying Edward! Alam mong anak mo 'to! Hindi ba't nagpa-DNA pa tayo't positive ang lum--"
  
  
"Positive dahil dinaya mo... akala mo ba hindi ko malalaman ang bagay na yun?"
   
   
"W-What??"
   
  
"Alam kong sayo hinatid ang letter kaya nag-suggest ako na i-email rin sakin ang result ng DNA. Negative. Hindi ko nga talaga anak yang dinadala mo... and I didn't expect na magsisinungaling ka pa rin Charity. Talagang ipapaako mo pa rin sakin ang bagay na hindi naman talaga ako ang may gawa simula pa lang." paliwanag ko.
   
   
Napakurap-kurap si Charity tsaka napahakbang ng kaunti, "E-Edward, let me explain.. I-I just did that because I love you a-and I just wanted to be with you.."
  
 
Napailing ako, "What kind of reason is that Charity? You love me kaya pagsisinungalingan mo ko? You love me kaya sisirain mo ang buhay na meron ako? You love me kaya gagawa ka ng sarili mong kwento para paniwalain ako pati na rin ang ibang tao? Ganyan ka ba talaga magmahal to the the point na nagiging desperada kana, huh?" madiing saad ko sa sobrang galit.
   
  
Alam kong nakakasakit ang mga sinabi ko pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Masyado na siyang sumosobra. Hindi na niya alam kung saan siya titigil, kung hanggang saan lang dapat ang limitasyon niya.
    
 
"D-don't say that Edward.. kilala mo ako, right? All I want is to be with you."
  
 
"Stop it Charity. I can't be with you, we can't be with each other, ilang beses ko bang dapat sabihin yun sayo? Don't you see, may asawa't mga anak na ako."
   
  
"I don't care Edward...I don't care." pagpipilit niya.
    
   
"Stop being so selfish Charity, wala kang mapapala kung magiging ganyan ka lang."
   
    
Lumunok si Charity, "You mean, hindi ka talaga mapapasakin kahit anong gawin ko?" seryoso niyang tanong.
  
   
Sandali akong natahimik sa pagkakataong yun. Mahigpit akong napahawak sa balikat si Christina tsaka sumagot kay Charity, "Yes, kahit anong gawin mo."
    
    
Kita ko ang pag-iwas ng tingin ni Charity kasabay ng pagkuyom ng panga niya, "Ha!" aniya sabay sarkastikong ngumiti paharap samin. Akala ko ay titigil na siya sa puntong yun pero hindi pa pala. Nagawa niya pa kaming pagmasdan simula ulo hanggang paa, "Kung hindi ka lang rin naman mapapasakin, pwes, hindi ko hahayaang sumaya ka kasama niya!" galit niyang sigaw kasabay ng pagtutok niya ng baril samin.
    
  
Bigla kong naramdam ang pag-akyat ng matinding kaba at takot sa sistema ko. Ayoko namang ipahalata yun kaya nagsalita pa rin ako, "Charity, don't do this." sambit ko kay Charity para daanin siya sa maayos at mahinahon na usapan.
    
     
Umiling naman si Charity, "No Edward.. hindi ko na kaya. Ayoko na ng ako lagi ang nagbibigay at nagpaparaya. Pagod na pagod na kong maging mabait sa lahat, ni hindi ko na nagagawang sundin ang sariling kaligayahan ko." saad niya kasabay ng pagkasa niya sa baril.
       
   
"C-Charity, hindi mo pwedeng gawin 'to. Maawa ka samin, maawa ka sa mga anak namin." pagmamakaawa naman ni Christina..
    
  
Ngumiwi siya, "Maawa?.. Maawa?! Sakin ba naawa kayo, ha?! Hindi diba? Hindi!! Pagmamahal lang naman ang hinihiling ko pero pinagkakait niyo pa!" pasinghal na niyang saad habang naluluha.
    
   
"Charity, isipin mo naman..hindi naman basta basta lang si Edward na pwede kong ibigay sayo. Hindi siya bagay o laruan na pwede mong hiramin at kunin lang." paglilinaw ni Christina kay Charity kahit na halata na rin sa boses niya ang takot.
    
   
Tinaas ko ang kamay ko bilang senyas na pagpapakalma sakanya, "Charity, look, hindi naman ako mawawala sayo... Pwede pa rin naman tayong magkita, magkasama.."
   
   
Napakurap-kurap siya, "R-Really?" aniya kasabay ng kaunting pagbaba ng baril na hawak niya.
    
  
Tumango ako, "Yes, w-we can still be friends, right?"
   
   
"Friends? Ha! Alam mong hindi yun ang gusto ko Edward! Higit pa dun! Tulad ng dati, bilang asawa mo, ganon ang gusto ko!" pagpupumilit niya tsaka direktang itinutok muli ang baril samin.
   
   
Napasinghap ako ng malalim. Hindi ko alam na ganito pala kahirap kausap si Charity. Hindi na niya iniisip kung anong tama sa mali. Kung anong dapat sa hindi. She's self centered. Kung anong gusto niya, yun dapat ang masusunod.
     
   
"Okay Charity, calm down.. please, ibaba mo na yung baril. Pwede naman nating pag-usapan--"
  
  
"No!" madiin niyang sigaw. "Alam kong hindi kayo makikinig sa gusto ko. Alam kong lolokohin niyo lang ako. Tatakas kayo, lalayo kayo, at maiiwan na naman akong mag-isa.. No way! No!!"
     
  
"Charity, isipin mong mabuti ang gagawin mo. Isipin mo ang mangyayari pagkatapos nito, ang sarili mo..ang kapakanan ng anak mo."
  
   
Ngumiwi siya, "Bakit? Kapag ba hindi ko tinuloy 'to, sasaya ba ako kapag makikita ko kayong masaya sa isa't-isa? You'll have your happily ever after story habang ako, forever na malungkot at nag-iisa..ganon ba?"
   
   
"Charity, hindi sa ganon--"
       
     
    
      
     
      
 
*BANG!*
   
    
    
    
     
   
Halos mapalundag ako sa gulat sa putok ng baril na iyon. Takot na takot na nakayakap si Christina sa anak namin habang nanginginig naman ang buong katawan kong napatingin pababa sa tiyan ni Charity, she's bleeding. Kita ko ang gulat niyang ekspresyon nang mapahawak siya sa tiyan niyang may tama ng baril. Para siyang isang lantang gulay na nanghina hanggang sa matumba sa semento.
   
   
"What an inconsiderate woman." dinig kong utas ng isang lalake sa likod ko.
      
    
Dahan-dahan kong nilingon iyon. Napakurap-kurap pa ako nang mapagtantong siya pala ang bumaril kay Charity dahil sa pagkakaposisyon ng hawak niyang baril sa ere. May tama rin siya ng baril sa may tagiliran niya na satingin kong kagagawan ni Charity kanina.
    
    
Ngayon ko lang siya napansin.
   
   
Nagkatinginan kami ng lalake. Hindi rin iyon nagtagal dahil agad rin siyang umiwas ng tingin. Bigla ko tuloy naalala ang mukha niya noon, pamilyar siya sakin. Natatandaan ko nung minsang madatnan ko sa dating resort na tinutuluyan namin ni Charity ang lalakeng ito. Magkaharap sila na parang may seryosong pinag-uusapan.
  
   
"Uhhh, Edward, s-si Dominic nga pala..pinsan ko." naaalala kong pagpapakilala niya sa lalakeng ito noon.
   
   
Naguguluhan man ako pero alam kong hindi ito ang oras para usisain ko ang lalakeng 'to.
    
   
"Christina, are you okay?" tanong ko sakanya sabay hawak sa magkabila niyang pisngi.
   
  
Tiningala niya ko't agad namang nagtama ang mga mata namin. Hindi siya sumagot pero halata na agad sa mga mata niya na nakakaramdam pa rin siya ng takot. Parang may kumurot sa dibdib ko dahil kinailangan pa naming mapunta sa ganitong sitwasyon.
    
  
Hindi na ako nagtanong pa't niyakap na lang siya tsaka binigyan ng halik sa ulo, "It's okay, I'm here.." saktong pagbulong ko sakanya ng mga salitang yun ay nakita ko ang paggalaw ni Charity.
   
   
Nanlaki ang mga mata ko nang itutok niyang muli ang hawak niyang baril sa direksyon namin. Tanging nagawa ko na lang nun ay ang pagpalitin ang pwesto namin ni Christina hanggang sa...
  
   
   
    
   
   
   
*BANG!*
   
  
  
  
    
  
   
  
...tamaan ako ng baril.
   
   
Parang namanhid ang buong katawan ko sa lalim ng balang tumama sa likod ko. Hindi ko maramdaman ang sakit pero ramdam ko naman ang sobrang paninikip ng dibdib ko.
   
  
"E-Edward, no, Edward.." mangiyak-ngiyak na saad ni Christina hanggang sa matumba ako.
   
   
*police car siren*
   
  
"Ibaba mo yang baril!" napalingon ako sa mga pulis na nagdatingan. at last..
   
  
"Edward, n-nandito na ang mga pulis.. h-hold on, okay?" muli kong sinulyapan si Christina na ngayon ay umiiyak na. Nakaluhod na rin siya habang hawak hawak ang kanang pisngi ko.
   
  
Pinilit kong itaas ang kamay ko para ayusin ang buhok niya. She's so beautiful even if she cries.. "Don't cry.." sambit ko sabay punas sa luha niya. Nagawa ko pang ngumiti, "I've got you, you're safe now.." halos pabulong ko ng utas sakanya.
  
  
"Yes you did...it's over." namamaos niyang saad.
   
 
Humugot ako ng malalim na hininga, "I-I love you, Christina.." nahihirapan ko nang sabi sakanya dahil sa pagbigat ng dibdib ko.
   
  
Mas lalong lumakas ang paghagulgol niya. Ramdam ko ang paulit-ulit niyang paghimas sa pisngi ko na para bang ayaw niya akong matulog, "Yeah, I know that. So please, don't die on me...s-stay with me.." dinig kong pagmamakaawa niya.
  
  
Nanlalabo na ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko pero parang nahihilo ako. Para bang sobrang bigat ng mga mata ko na gusto na nitong pumikit anumang oras.
      
   
"Edward, Edward...look at me, I'm right here, you're gonna be fine." I can't do it Christina...
  
  
Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang bawat detalye ng mukha niya. Ang magaganda niyang mga mata niya, ang matangos niyang ilong at mapupula niyang labi...God, I'm so thankful to have her. Sa huli ring pagkakataon ay dahan-dahan kong hinawakan ang mukha niya bago magdilim ang lahat sa paningin ko..
   
   
    
(Christina's point of view)
  
      
Parang nawasak ang mundo ko nang mapabitiw si Edward sakin. Kasabay rin nang pagpikit niya ay nakita ko ang pagpatak ng luha sa kaliwang mata niya, "Oh God please! No Edward...wake up!" humahagulgol ko nang saad habang niyuyugyog siya, "Please wake up, d-don't do this to me, please..Edward, please....I-I love you.. please!" sigaw ko hanggang sa yakapin ko na lang siya.
   
   
  
---

A/N: Dahil walang pasok, nagawa kong isingit ang pag-a-update for two days. Masakit man pero ito na nga siguro ang ending.... haay :(

P.S. joke lang hahaha

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now