Chapter 16

2K 60 12
                                    

Chapter 16
     
    
   
   
   
Naalimpungatan ako sa pagkakatulog ng tumama sa talukap ng mga mata ko ang sikat ng araw. Dahan dahan akong napakapa sa tabi ng hinihigaan kong kama. Nagtaka ako kung bakit parang bakante ito, nilingon ko ito at laking gulat ko na lang nang makitang wala doon si Edward.
     
   
Hindi naman panaginip ang nangyari lahat diba?
    
   
Mabilis akong napabangon habang tinatawag ang pangalan niya, "Edward?"
   
   
Sinilip ko ang bathroom pati na ang hiwalay na CR pero parehas siyang wala doon. Binabagabag na naman ang dibdib ko na para bang naulit ulit ang nararamdaman ko noong malaman kong wala siya.
   
  
Lumabas ako ng kwarto tsaka napalinga-linga. Tinungo ko ang katabing kwarto kung saan naroon si Phin at ganon na lang ang pagluwag ng dibdib ko nang makita doon si Edward. Nakahiga siya sa mahabang sofa malapit sa crib ni Phin habang natutulog.
    
  
Tahimik akong lumapit sa mag-ama.
      
   
Parehas pa ang pwesto nila sa paghiga dahilan para mapangiti ako. Sandali kong tinitigan si Phin bago ko ituon ang mga mata ko kay Edward. Tulad noon, nagawa kong pagmasdan ulit ang bawat detalye ng mukha niya. Ang mahahaba niyang pilik-mata, matangos niyang ilong at mapupula niyang labi. Mukha siyang inosenteng anghel mula sa langit.
   
  
Natutuwa ako at muli na naming kasama si Edward ngayon. Akala ko ay mapapalayo at mapapatagal pa ang paghahanap namin sakanya.
    
  
Oo nga pala, kailangan ko na pala itong ipaalam sa mga kaibigan namin lalong lalo na sa mama ni Edward.
     
   
Tahimik kong nilisan ang kwarto ni Phin at muling bumalik sa kwarto namin ni Edward. Kinuha ko agad ang phone ko tsaka unang dinial ang number ni mommy Madelle para sabihin ang magandang balita sakanya.
    
   
Ilang segundong nag-ring ang call bago niya ito sagutin, "Hello ija, napatawag ka? May problema ba?" bungad ni mommy Madelle sa kabilang linya.
     
   
"Wala naman po ma, sa katunayan, good news po ang dahilan kung bakit ako napatawag."
    
  
"Talaga? Ano naman yun ija? Teka, t-tungkol ba yan sa anak ko?"
    
   
Napangiti ako. "Opo ma, nakita na po namin siya."
    
   
"Diyos ko! Salamat!" narinig kong napahikbi na siya pag-iyak, "Nasaan siya? Kasama mo na ba siya, ha? Gusto ko siyang makausap ija." halata sa boses ni mommy Madelle ang pagiging emosyonal niya. Alam kong dahil ito sa tuwa ngayong nalaman niyang nahanap na ang nag-iisa niyang anak.
     
 
Kahit ako rin naman ay naging ganito ang emosyon nng makita ko siya kahapon. Mas umapaw lang ang lungkot at sakit dahil sa pagkalimot niya sakin.
   
   
"Kasalukuyan pa po siyang natutulog ngayon ma. Kung gusto niyo po, pumunta na lang kayo dito sa bahay para mas maayos niyo siyang makausap."
     
    
"Osige ija, mas magandang ngang sa personal ko na lang siya makausap. Satingin mo, ano bang magandang dalhin ko para sakanya?" dinig ko pa ang kaunting paghikbi niya.
    
  
Sandali ako napaisip. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay mommy Madelle lalo na't iba ang sitwasyon ngayon ni Edward. Maaaring nakalimutan niya rin kung ano ang mga paborito niya kaya hindi ko masasabi kung ano ba ang magugustuhan ni Edward.
    
  
"Kahit ano na lang po ma, alam naman po natin na hindi mapili si Edward. Isa pa, mas magandang presensya niyo ang nandito, paniguradong mas magugustuhan yun ni Edward."
    
   
"Hay nako ija, laking pasasalamat ko talaga at ikaw ang minahal niyang si Edward. Napakabuti kasi ng kalooban mo. Halos nasayo na nga lahat ng magagandang katangian. Talagang pinakita mo rin kung gaano mo kamahal ang anak ko, ni hindi ka sumuko sa paghahanap sakanya kahit gaano pa kahirap... Sana wag kang magbago ija."
   
  
Mas lalo akong napangiti sa sinabi ni mommy Madelle. Ang sarap pakinggan sa tenga na may taong nakaka-appreciate ng mga nagawa ko. Sana ganon rin si Edward, hindi man ngayon, pero sana balang araw magawa niya ulit makita ang mga ginagawa ko para sakanya.
     
   
"Hinding hindi ako po ako magbabago mommy Madelle. Basta para kay Edward, gagawin ko lahat."
      
   
"Mabuti kung ganon ija, paniguradong ganyan rin si Edward sayo... Osya, baka mapatagal pa 'tong usapan natin, tatapusin ko muna sandali 'tong sa data na ginagawa ko ija. Pupunta na lang rin ako dyan pagkatapos."
    
  
"Sige ma, take your time po. Tumawag o mag-text na lang po kayo pag papunta na kayo."
    
 
"Sige ija, salamat. See you there."
     
   
"Sige po, ingat ma. See you too." huling sambit ko bago maputol ang tawag.
     
  
Sunod kong hinanap sa phone ang number ni Isabel at Mickie, tinext ko na lang sila na pumunta ng bahay. Sinabi ko na yayain na rin nila ang iba pa naming mga kaibigan dahil may magandang balita akong sasabihin sakanila.
     
  
Nakuha pang mangulit ni Mickie sa text kung ano yun pero sinabi ko na lang na alamin na lang niya pagdating dito.
    
   
Text message from Mickie: Okay fine, be sure na good news yan ah? Kinakabahan kasi ako e.
    
   
Text message ro Mickie: Haha, oo naman. See you!
    
 
Sumuko rin naman siyang agad sa pangungulit kaya nagawa ko na ring makaligo. Hindi pa naman gaanong malaki ang tiyan ko kaya nagagawa ko pa ito ng mag-isa.
    
  
Matapos kong maligo, bumaba na ako ng kusina para maghanda ng mga makakain. Nadatnan ko doon si mama na nagluluto ng breakfast. Sinabi ko sakanya na pupunta dito ang kumare niya tsaka ang mga kaibigan ko kaya tinulungan na niya ako sa paghahanda. Nakatulong rin namin sa pagluluto ang caretaker ko kaya naging mabilis ang gawain.
    
   
Iniisip ko pa lang ang magiging ekspresyon nila pag nakita nila si Edward at paniguradong matutuwa silang lahat. Yun nga lang, iniisip ko rin ang mangyayari sa oras na malaman rin nila ang kalagayan niya. Siguro naman ay maiintindihan rin nila kapag sinabi kong nagka-amnesia siya.
       
  
Ilang sandali pa....
    
   
*tok! tok! tok!*
     
    
"Ako na po." saad ko kay mama ng ambang pupunta siya ng pinto.
   
 
"Osige anak."
    
 
Tinungo ko ang pinto tsaka ito binuksan. Bumungad sakin sina Albert at Isabel kasama ang anak nilang si Hope. Malapit lang kasi ang bahay nila sa village namin kaya nauna silang dumating.
  
  
"Dito, pasok kayo." saad ko matapos nilang makipagbeso sakin.
    
   
"Mukhang good talaga ang good news na sasabihin mo ah?" ani ni Isabel nang mapaupo sila sa sofa sa may sala.
   
  
Tumango ako nang nakangiti, "Ganon na nga.."
   
   
"Oh Isabel, Albert, etong mga cupcakes habang naghihintay kayo." biglang dating ni mama habang dala dala ang bagong bake na cupcakes. Sa likod niya ay nakasunod ang caretaker ko na may dalang juice.
     
  
"Mano po." sabay pang saad ng mag-asawa tsaka nagmano kay mama.
   
 
"Pagpalain kayo ng Diyos, kumain kayo ah?" nakangiting sambit ni mama.
   
  
"Opo tita, salamat po." sagot ni Isabel bago muling bumalis sina mama sa kusina.
    
  
Wala pa mang tatlong minuto nang sabay sabay kaming mapatingin sa taas dahil sa malakas na tawa ni Phin. "Hahaha! Da-da!" dinig pa namin na halatang may kalaro sa taas.
  
 
Si Edward...
    
    
"Teka, si Phin yun diba? Sinong kasama niya sa taas?" nagtatakang tanong ni Isabel.
     
   
"Uhhh--"
  
   
*tok! tok! tok!*
     
   
"Ako na sige." pagkusa ni Albert.
    
  
Nawala agad sa isip namin ang tungkol sa pagtawa ni Phin nang sunod na dumating sina Mickie at iba pa naming mga kaibigan. Nagbatian ang lahat samin. Nakuha pang magdala ng cake ni Lawrence na para bang pinaghandaan talaga ang tungkol sa good news na ipapaalam ko sakanila.
    
  
"Oh kumpleto na pala tayo, ano na yung good news na sasabihin mo Christina?" untag ni Mickie na para bang hindi mapakali sa kinauupuan niya.
    
  
"Tungkol ba yan sa kundisyon mo?" tanong naman ni Paul.
   
   
Umiling ako, "Hindi, mas good pa don."
    
  
"Hmmm.. tungkol sa second baby mo?" si Carlo naman.
   
 
Umiling akong muli, "Hindi rin."
   
 
"Ano ba yan, pa-intense ka pa kasi Christina e, ano ba yun?" usisa na ni Mickie na mukhang excited.
  
   
"Tungkol kay Edward." mabilis na nag-iba ang posisyon nilang lahat. Para bang naging isang prayer meeting dahil sa lapit nila sakin at pagiging seryoso nila.
     
 
"Ano?" sabay pang tanong ni Albert at Carlo.
    
    
"May balita kana sakanya?" si Lawrence.
   
  
"May totoong nakakita na ba sakanya?" si Isabel.
   
   
Hindi ako agad nakaimik sa sunod-sunod nilang mga tanong. Suminghap ako ng malalim para kumuha ng tyempo para sagutin na sila. Pero nang magsasalita na sana ako....
     
  
"Christina." seryoso at madiin na boses ang tumawag sakin mula sa itaas.
   
  
Kita ko ang sabay sabay na pagtingala ng lahat tsaka ko sunod na nakita ang gulat sa mukha nila.
   
  
"Omg!"
    
   
"Siya ba talaga yan?"
   
  
"Edward?!"
     
  
Lumingon na rin ako kay Edward na kasalukuyan ng bumababa ng hagdan habang buhat buhat si Phin. Halata sa mukha niya ang pagtataka habang isa-isang tinitingnan ang mga kaibigan namin. Tila isa siyang boss o presidente dahil sa dating niya at dahil na rin sa pagiging tahimik ng lahat.
    
   
Nang tuluyan na siyang makababa ay sunod siyang nagsalita, "Sino sila?"
    
   
  
---

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now