Chapter 42

2K 68 9
                                    

Chapter 42
   
    
   
   
  
Halos dalawangpung minuto rin ang binyahe ko nang makadating ako sa lugar na pagkikitaan namin ng estrangherong lalakeng may hawak umano sa anak ko. Hindi nga ako sigurado kung tama ba ang nasundan ko sa google map dahil dinala ako nito sa isang abandonadong gusali. Halos nasa labing-limang palapag rin ang gusali. Mataas at maganda sana pero nabayaan na dahil sa dumi at sira-sirang estruktura nito.
   
  
  
Nagawa ko pa ring bumaba ng kotse at luminga-linga sa paligid. Wala akong makitang ni isang tao malapit sa gusaling ito dahil malawak na bakanteng lote ang nasa magkabilang gilid nito. Wala ring gaanong sasakyan na dumadaan kaya napakatahimik talaga ng lugar.
  
   
Napalunok ako.
     
 
Dama ko ang matinding kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko pero may kung ano pa ring tumulak sakin na ipagpatuloy ito.
   
    
Nagsimula akong humakbang papasok sa gusaling iyon. Mahigpit akong napahawak sa bag ko habang nililibot ang paningin ko sa loob. Iniisip ko kasi na maaaring naririto na ang lalakeng kikitain ko. Bigla ring pumasok sa utak na maaaring hindi lang siya ang nandito dahil baka may mga kasama pa siya.
   
  
Naaalala ko na naman tuloy ang kaparehong pangyayari noong nawawala si Edward. Nakuha kong magtiwala sa ibang tao dahil inakala kong totoo ang sinasabi niya. Nagawa ko ng mailagay sa peligro ang buhay ko at ito na naman ako't tinataya muli ang buhay ko sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan.
   
  
Ilang minuto rin akong naglalakad ng paunti-unti bago ko maisipang tawagan ang estrangherong lalake. Suminghap ako ng malalim ng i-dial ko ang number niya. Tinapat ko ito sa tenga ko't narinig ko naman ang agad niyang pagsagot.
   
  
"I'm already here.." direkta kong saad. "Nasan ka?" dugtong ko.
   
  
Hindi ko siya narinig na sumagot. Akala ko ay pinatay niya ang tawag pero sadyang tahimik lang ang nasa kabilang linya.
  
 
Nangunot ang mga kilay ko, "Hello?" sambit ko. Imbis na sumagot siya ay narinig ko lang ang pagbuntong-hininga niya. Hindi ko alam kung ano bang balak niya't hindi siya nagsasalita. Kung nakikipaglokohan man siya, pwes wala akong oras sa ganon dahil seryosong bagay ang pinunta ko dito.
    
  
"Naririnig mo ba ko?" may pagkairita na sa tono ng pananalita ko.
      
   
Ilang segundo pa ang nagtagal na wala pa rin akong narinig sa kabilang linya kaya naman muli akong nagtanong, "For the last time, where are you?" madiin kong untag sakanya.
        
      
"At your back." sagot niya kasabay ng pag-end ng tawag.
    
   
Matapos niyang sabihin iyon ay sumunod kong narinig ang iyak ng isang sanggol sa likuran ko. Bigla  kong naramdaman ang malakas at mabagal na pagtibok ng puso ko habang unti-unting iniikot ang katawan ko paharap sa likod.
   
   
"Uwaaaa! Uwaaaa!"
     
  
Bumungad sakin ang isang lalakeng nakasoot ng sweatshirt na itim at maong na pantalon hindi kalayuan sa kinatatayuan ko habang buhat-buhat niya ang isang baby. Parang pamilyar sakin ang lalake ngunit hindi ko lang matandaan kung kailan at saan ko siya nakita.
     
   
Hindi ko naman rin siya gaanong pinansin dahil mas natuon ang atensyon ko sa batang hawak niya.
    
  
Nang magsimula siyang humakbang papalapit sakin ay tila mas naramdaman ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Parang naestatwa ako sa pagkakataong yun hanggang sa makalapit siya sa harapan ko bitbit ang bata.
    
  
"Here's your son.." mahinang sambit niya sakto lang para marinig ko.
  
  
Napakurap-kurap pa akong napasulyap sakanya pabalik sa sanggol. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ito sakanya. Saktong tumigil rin sa pag-iyak ang bata nang makarga ko na siya sa bisig ko.
   
  
Oh God...
        
    
Nagsimulang pumatak ang mga luha sa mga mata ko habang pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. Hindi ko alam kung tama ba 'tong iniisip ko pero mukhang pamilyar siya sakin kaya ganito na lang siyang kumalma sa pagtulog. Hindi maipaliwanag na saya ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon, para bang isa na sa pinakamasayang pangyayari sa buhay kong makasama ulit ang anak ko na inakala kong nawala na sakin ng tuluyan.
   
  
Marahan ko pang hinaplos ang pisngi niya't napapangiti dahil sa nakikita ko. Tulad ni Phin, kamukhang kamukha niya rin si Edward. Masasabi kong siya nga talaga ang anak namin.
    
   
"Pakiusap, ilayo mo na siya Christina..l-lumayo na kayo kasama ng asawa mo, kayo ng pamilya niyo." bigla akong natigilan sa sinabi ng lalakeng nasa harapan ko.
  
   
Nangunot ang kilay ko, "H-Ha?"
   
  
Hindi ko maintindihan. Siya mismo 'tong kumuha sa anak ko pero bakit parang nagbibigay siya ngayon ng babala? Para bang sinasabi niya na malalagay sa panganib ang buhay namin kung hindi kami lalayo.
   
   
Kita ko ang paglunok niya. Halata sakanya na may ibig sabihin siya sa sinasabi niya dahil sa asta niya. Pinagpapawisan siya na para bang kinakabahan. "Alam kong hindi mo ako maiintindihan kahit anong sabihin ko.. Totoong mali ako sa nagawa kong 'to. Alam kong malaking kasalanan 'to at handa akong tanggapin lahat ng kaparusahan na kaakibat ng nagawa ko sayo at sa pamilya mo... Pero nakikiusap ako, hanggat may oras pa, lumayo na kayo.."
  
  
Napailing ako, "H-Hindi ko maintidihan? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.
  
 
"Mahirap ipaliwanag...pero sa maniwala ka't sa hindi, hindi ko ginustong kunin ang anak mo."
    
   
"Kung hindi mo ginusto, bakit mo ginawa?"
 
   
Humugot siya ng malalim na hininga, "Dahil...dahil napag-utusan lang ako Christina.."
  
  
Mas lalong nangunot ang noo ko, "N-Napag-utusan? Nino??" usisa ko.
  
  
Ramdam ko ang mabilis na pagtakbo ng puso ko. Sa totoo lang, natatakot ako ngayon sa sinasabi ng lalakeng ito. Wala akong matandaan na may matindi akong nakaaway para gawin sakin ng kung sino man ang bagay na 'to. Pero kung umasta ang lalakeng ito ay parang buhay ang sisingilin sakin sa oras na hindi ako makinig sa sinasabi niya.
  
   
Umiwas siya ng tingin tsaka umiling, "Patawad...pero hindi ko pwedeng sabihin. Mahalaga siya sa buhay ko. Dibale nang ako na lang ang ipakulong niyo, wag lang siya..." sagot niya na para bang may halong lungkot sa tono ng boses niya.
 
 
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Imbis na galit ang maramdaman ko sa taong 'to ay awa ang umaapaw sa damdamin ko. Nabanggit niya na inutusan lang siyang gawin ang kunin ang anak ko. Kung titingnan ay halata ngang ganon ka-importante ang taong sinasabi niyang nag-utos sakanya. Mas gugustunin niyang siya ang magsakripisyo sa kasalanan ng iba kesa sa isuko ang nasabing nag-utos umano sakanya.
  
   
"Sige na, umalis kana dito. Umuwi kana sainyo. Sabihin mo sa asawa mo ang lahat. Pangako, hindi ako tatakas, handa akong harapin ang kaso ko sa pagdukot sa anak ninyo." dagdag niya na para bang minamadali ako sa pag-alis.
    
   
"Pero sino muna yung--"
       
      
     
    
    
    
*BANG!*
    
    
    
       
     
   
Isang malakas na putok ng baril ang gumulat samin. Pero ang mas ikinagulat ko ay nang makita ang lalake sa harapan ko na napahawak sakanyang tiyan na ngayon ay may dugo na hanggang sa mapatumba siya.
     
  
"O my God!" halos mangiyak-ngiyak kong saad.
   
  
"Hello there, Christina." mabilis akong binalot ng kaba nang marinig ko ang boses na iyon.
    
   
Dahan-dahan ko iyong nilingon at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita si, "C-Charity?" siya nga..
    
        
Pero anong ginagawa niya dito?
     
    
Napalunok ako. Hindi naman dapat ako makakaramdam ng takot ngayon sakanya, pero dahil sa hawak niyang baril, iba na ang tumatakbo sa isip ko. Halata namang siya ang bumaril sa lalakeng nakahandusay na ngayon.
   
  
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang sumulpot dito at kung bakit ginawa niya yun. Mas lalo tuloy akong naguluhan sa mga nangyayari dahil bigla kong naisip na maaaring may konektado siya sa lalakeng ito at maaari ring siya ang may pakana ng lahat ng ito. 
     
     
Hindi ko tuloy alam kung kakayanin ko ba siyang tapatan sa pagkakataong 'to lalo na't may baril siya. Ayoko namang magpadalos-dalos dahil maaaring pati ang baby ko ay madamay. Kaya niyang pumatay... at sa oras na manlaban ako, maaaring iputok niya rin ang baril na iyon hindi lang sakin kundi pari sa anak ko.
     
   
"Christina!" mabilis akong napalingon sa pamilyar na boses na iyon.
    
    
"Edward.." mahinang sambit ko sa pangalan niya.
    
   
Mabilis siyang tumakbo papalapit sakin tsaka ako hinagkan, "God, what are you doing here?" naramdaman ko ang pag-aalala sa tono ng boses niya. Gusto kong maiyak sa mga oras na yun dahil naramdaman kong ligtas na ako ngayong dumating siya.
    
    
Nagtataka man ako kung paano niyang nalaman na nandito ako pero nagpapasalamat pa rin ako dahil nandito na siya.
    
   
"Uwaaaa! Uwaaa!" kita ko ang gulat na reaksyon ni Edward nang mapaharap sa karga kong baby. Nakuha niya pa akong lingunin na para bang nagtatanong kung sino ang hawak kong sanggol.
    
   
"This is our second child Edward, our true son...he's alive." sambit ko.
    
   
Unti-unting umukit ang ngiti sa labi niya habang pinagmamasdan ang anak namin. Nagawa niya pang himasin ang uluhan nito pati na ang kanang pisngi ni baby.
   
   
"Pero, p-paanong nangyari 'to?" tanong niya na halatang hindi pa rin makapaniwala.
  
   
  
   
  
*BANG!*
    
        
    
     
    
  
Sabay kaming napalingon kay Charity nang magpaputok siya. Kita ko pa ang pagbaba niya ng baril mula sa itaas habang nakatitig samin ng masama. Nawala sa isip ko na nandidito pa nga pala siya.
    
      
"Ha! Masyado ata kayong natuwa ngayong nakita niyo na ang anak niyo ano?" aniya habang sarkastikong nakangiti. "Baka nakakalimutan mo Edward, dala dala ko rin sa sinapupunan ko ang dugo't laman mo." madiin niya pang dugtong na ikinasakit ng damdamin ko.
    
   
Matagal ko na 'tong alam pero hindi pa rin ako masanay-sanay sa tuwing naaalala ko ang tungkol sakanila at sa magiging anak nila.
    
  
"Stop lying, Charity." seryosong sambit ni Edward.
   
   
Nangunot naman ang mga kilay ni Charity na para bang nagtataka sa sinabi ni Edward. Kahit ako man ay nagtataka rin sa sinabi niya.
    
  
"You can't fool me now Charity. Alam ko na ngayon na hindi nga akin yang nasa tiyan mo." sagot ni Edward para manlaki ang mga mata ko.
  
  
Is it true?!
   
 
"W-What? No! Of course not! S-Sayo 'to Edward, sayo!"
    
  
"I said stop lying!" pasigaw nang utas ni Edward.
   
 
"I'm not lying Edward! Alam mong anak mo 'to! Hindi ba't nagpa-DNA pa tayo't positive ang lum--"
  
  
"Positive dahil dinaya mo... akala mo ba hindi ko malalaman ang bagay na yun?"
   
   
"W-What??" hindi makapaniwalang saad ni Charity.
   
  
"Alam kong sayo hinatid ang letter kaya nag-suggest ako na i-email rin sakin ang result ng DNA. Negative. Hindi ko nga talaga anak yang dinadala mo... and I didn't expect na magsisinungaling ka pa rin Charity. Talagang ipapaako mo pa rin sakin ang bagay na hindi naman talaga ako ang may gawa simula pa lang." eksplika ni Edward.
   
   
Napakurap-kurap si Charity tsaka napahakbang ng kaunti, "E-Edward, let me explain.. I-I just did that because I love you a-and I just wanted to be with you.."
  
 
"What kind of reason is that Charity? You love me kaya pagsisinungalingan mo ko? You love me kaya sisirain mo ang buhay na meron ako? You love me kaya gagawa ka ng sarili mong kwento para paniwalain ako pati na rin ang ibang tao? Ganyan ka ba talaga magmahal to the the point na nagiging desperada kana, huh?" ani Edward na halatang hindi na nakapagpigil ng galit sa sarili niya.
   
  
Halata sa mga mata ni Charity na parang naluluha siya. Hindi ko naman masisisi si Edward kung masasabi niya ang mga bagay na yun dahil mas matindi ang dinanas niya sa panloloko ni Charity. Muntik ko na ngang sukuan noon si Edward dahil sa nawawalan na ako ng lakas ng loob na ipaglaban siya lalo na't inakala ko talagang magkakaron sila ng anak.
    
    
"D-don't say that Edward.. kilala mo ako, right? All I want is to be with you."
  
 
"Stop it Charity. I can't be with you, we can't be with each other, ilang beses ko bang dapat sabihin yun sayo? Don't you see, may asawa't mga anak na ako."
   
  
"I don't care Edward...I don't care." baliw na ata ang isang 'to.
   

"Stop being so selfish Charity, wala kang mapapala kung magiging ganyan ka lang." madiing sabi ni Edward.
   
    
Lumunok si Charity, "You mean, hindi ka talaga mapapasakin kahit anong gawin ko?" seryoso niyang tanong.
  
   
Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Edward sa balikat ko dahilan para mapatingin ako sakanya, "Yes, kahit anong gawin mo." direktang sagot niya.
    
     
  
---

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now