Chapter 10

2.1K 53 10
                                    

Chapter 10





Napasinghap ako ng malalim bago magsalita. "Kung posible man ang sinasabi mo, anong gagawin ko? Paano ko siya hahanapin? Saan ako magsisimula?" sunud-sunod kong tanong.


"Hmm.." sandaling napahawak ang lalake sa baba niya na tila nag-iisip. "Kung gusto mo, pwede kitang tulungan sa kaibigan ko para mailagay sa dyaryo ang tungkol sa pagkawala sa asawa mo. Marami ang pwedeng makakita nun, kaya lang, kakailanganin mo ng malaking pera doon miss." aniya.


"Ayos lang, kahit magkano basta mahanap ko lang ang asawa ko."


Napatango-tango ang lalake, "Sige--"


"Chris!" biglang singit ng isang lalakeng naka-unipormeng pulis. "Kanina ka pa namin hinahanap don. Ano bang pinagkakaabalahan mooow--" natigil siya sa sinasabi niya nang mapatingin siya sakin. "Oww, hello miss."


Ngumiti lang ako.


"Siya yung muntik ng mabiktima nung limang suspek kanina, iniinterview ko lang ngayon." mabilis na sambit ng lalakeng kanina ko pa kausap.


"Ahhhh oo, ikaw nga yun miss, paano ka nga ba muntik mabiktima nung mga suspek na yun?"


"Uhh, na-contact kasi nila ako dun sa telephone number na nakalagay sa mga leaflets."


"Leaflets? Anong meron sa--"


"Magtigil ka nga Jay, natanong ko na siya tungkol dyan kaya wag mo ng inuulit pa." pagputol ng lalakeng nagngangalang Chris sa kasama niya.


"Malay ko ba, sorry naman."


Napailing-iling na lang si Chris tsaka kinuha ang wallet sa bulsa niya. "Etong calling card ko miss, tawagan mo lang ako kung kailan ka available para masamahan kita."


Kinuha ko naman iyon, "Sige, salamat."


"Teka bro, available? samahan? Saan? Ang bilis naman ata?" usisa ng pulis na nagngangalang Jay.


"Anong pinagsasabi mo? Sasamahan ko lang siya sa paghahanap sa asawa niya." medyo iritadong sagot nitong si Chris.


"Sige, ahm, mauna na kami ng anak ko. Malayo pa kasi ang uuwian namin."


"Saan ba kayo nakatira miss?" tanong nung Jay.


"Uhh, sa manila.."


"Teka, malayo yun ah? hatid na namin kayo." alok naman nung Chris.


"Uhh, hindi na, may sasakyan rin naman ako kaya ayos lang.."


"Nako miss, hindi papayag itong si Chris na hindi lalo na't siya ang head ng police station namin. Para sakanya, responsibilidad naming mga pulis na ligtas hanggang pag-uwi ang mga taong dapat na protektahan--Aray!" mabilis na binatukan ni Chris ang kasama niya.


Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa niya. Medyo malakas rin kasi ang pagkakabatok niya kaya muntik pang matumba yung Jay.


"Dami mong sinasabi." seryosong saad nung Chris. Humarap siya sakin at ngumiti, "Tara na miss."


"Uhh, s-sige.." hindi na ako nakatanggi pa.


Sa mabilis na salita, sinamahan nga nila ako pabalik ng Manila. Sakay ng kotse ko, nakasunod naman ang dalawa sa likod sakay ng police car nila. Silang dalawa lang ang naghatid dahil inasikaso ng ibang kasamahan nila ang mga suspek.


Malipas ng tatlong oras, nakauwi na rin ako ng bahay, nadatnan kong agad sina mama at papa na nakaabang sa may pinto. Paglabas ko ng kotse, agad na lumapit sakin ang mga magulang ko.


"Anak, saan ba kayo galing? Bakit iniwan mong bukas itong pinto ng bahay niyo? Akala namin may nangyari ng masama sainyo ni Phin.. ni hindi rin namin ma-contact ng papa mo ang number mo." alalang saad ni mama habang iniinspeksyon ang buong katawan ko kung may nangyari bang masama.


"Sorry po..." sagot ko matapos kong kunin si Phin sa kotse.


"Teka, bakit may mga pulis kang kasama anak? Anong nangyari?" usisa naman ni papa.


Napasulyap ako sa dalawang pulis na kakababa lang rin ng police car nila.


"Uhhh kase po, n-naloko ako ng limang lalake. Nagpanggap sila na nakita na nila si Edward...a-akala ko totoo kaya naniwala ako. Yun pala, may balak silang perahan at pagsamantalahan ako.."


"Ano?! Mga walang hiya sila! A-Ayos ka lang ba ha anak? May masakit na sayo ha?" halos mangiyak-ngiyak na saad ni mama habang palipat-lipat ang mga kamay niya sa braso at pisngi ko.


"Nasan na yung mga siraulong yun ha? Dapat ay pagbayaran nilang ginawa nila sayo!" galit na saad naman ni papa.


"Pa, okay na.. naligtas na po ako ng mga pulis. Sa katunayan, napatay po nila yung tatlo habang nasa kulungan naman na yung dalawa."


Mukha namang mabilis na nahimasmasan si papa sa sinabi ko. Nilapitan naman ni mama ang dalawang pulis.


"Thanks for saving my daughter, malaking bagay talaga samin ng papa niya na umuwi siyang buo at ligtas." pasasalamat ni mama sa dalawa. Hanggang ngayon, alam kong nandyan pa rin ang takot nina mama at papa na mawala ako tulad ng pagkawala ni ate Sofia, ang totoo nilang anak.


"Wala po yun, serbisyo naming magligtas ng buhay ng mga tao ma'am." sagot nung Chris.


"Baka gusto niyo munang pumasok sa loob, malapit na rin ang oras ng hapunan. Pwede ko muna kayong ipagluto ng makakain bago kayo bumalik ng Cavite." alok ni mama.


"Sige p--"


Mabilis na tinakpan ni Chris ng kamay niya ang bibig ni Jay, "Nako salamat na lang po, kailangan na rin naming umalis para makabalik kaming agad sa police station. May duty pa rin po kasi kami ma'am."


"Ahh ganon ba, Osige, mag-iingat na lang kayo sa byahe ah? Maraming salamat ulit."


"Sige po ma'am. Una na po kami." pagpapaalam nung si Chris bago sila sumakay ng kotse. Nakita ko pang bumubulong yung kasama niya na para bang nanghihinayang sa pagkain.


Hanggang sa magdilim, dala dala ko pa rin sa isip ko ang mga nangyari. Hindi ko alam na maaari pa lang malagay sa peligro ang buhay ko dahil lang sa paghahanap sa asawa ko. Muntik pang madamay ang mga anak ko dahil sa padalos dalos kong desisyon. Mabuti na lang talaga at mabilis na rumesponde ang mga pulis at nagawa nila akong iligtas.


Ilang oras ding nagtagal sina mama't papa sa bahay bago rin sila umalis. Halos ayaw na ngang umalis ni mama dahil sa nerbyos pero nagawa ko lang siyang kumbinsihin na hindi na ako uulit at kaya ko na ang sarili ko.


Matapos nun, inasikaso ko na si Phin sa pagtulog niya. Sunod ay tinungo ko ang kwarto namin ni Edward para makaligo. Ramdam ko na ang antok at pagod pero kailangan kong gisingin ang sarili ko dahil tatapusin ko pa ang draft na ipapasa ko sa client ko bukas. Konting polish na lang rin naman ang gagawin ko para mas maging maayos itong tingnan.


Makalipas ng ilang oras..


Kasalukuyan ko ng tinatapos ang ilang designs sa draft house na nagawa ko. Hindi ko magawang makapag-concentrate ng mabuti dahil sa naalala ko na naman ang mga sinabi ng pulis na nakausap kanina.


Paano nga kaya kung wala pala sa Cavite si Edward?


Mahigit isang buwan na rin kaming nagtatanong-tanong sa mga tao dun, marami na rin kaming napaskil na mga leaflets sa bawat pader at puno pero wala pa ring nangyayari. Saan naman kaya siya napunta? Imposible namang magtatago si Edward dahil alam kong mahal niya ko't hindi niya magagawa samin yun ng anak niya.


Napabuntong hininga akong bigla sa naalala kong sinabi nung pulis na si Chris, "Sinabi ko bang siya lang ang pwedeng lumayo miss? Come to think of it, paano kung may nakakita sakanya nung naaksidente siya, then tinulungan siya pero sa iba at malayong lugar.."


What if may nakakita nga sakanya tsaka siya tinulungan? Ang nakapagtataka lang, bakit hindi pa rin siya sinasauli samin hanggang ngayon? Ayokong isiping maaaring si Penelope ang may pakana ng mga nangyayari dahil malabong magawa niya yun lalo na't nasa mental siya. Imposible.



---

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now