Chapter 24

2.1K 58 19
                                    

Chapter 24
     
      
    
    
  
Kinabukasan, nagising ako ng maaga dahil sa gutom. Nagke-crave na naman ako sa tuna with ketchup. Alam kong ang weird ng lasa non pero ito talaga ang hinahanap ng sikmura ko. Ganito nga talaga pag nagbubuntis.
   
  
Napatingin ako sa tabi ko at nakita doon si Edward. Mahimbing pa rin siyang natutulog. Ilang araw ko na rin siyang nakikita sa paggising ko na nasa tabi ko siya, nakakatuwa syempre. Alam ko kasi na nakukuha na niyang mag-adjust sakin kahit papaano.
    
    
Naisipan ko ng bumangon para pumunta ng kusina. Nagbukas ako ng delatang tuna tsaka ito nilagyan ng ketchup... Habang kumakain ay naisipan kong magluto ulit ng almusal. Minsan ko na lang kasing nagagawa ito dahil nag-hire sina mama ng kasambahay na tutulong sa mga gawaing bahay. Hindi naman na ako umangal dahil ayoko rin namang i-asa lahat kay mama. Isa pa, hindi na rin ako pwedeng kumilos ng sobra-sobra lalo na't lumalaki na ang tiyan. At alam kong mas magiging maselan ang pagbubuntis ko kapag kabuwanan ko na.
    
     
Kalahating oras din ang tinagal ko sa kusina sa paghahanda ng agahan. Tinakpan ko muna ang lahat ng naluto ko dahil wala pa namang kakain.
   
     
Tinungo ko ang sala at pagod na napaupo sa isang couch. Suminghap ako ng malalim tsaka hinawakan ang tiyan ko. Muli kong naalala lahat ng sinabi ng doctor kahapon sa pagpapacheck-up ko. Hindi ko naiwasang mapangiti.
   
    
Hindi na tuloy ako makapaghintay sa paglabas ng pangalawang anak namin. Kahit na ano man ang kasarian niya basta malusog ko lang rin siyang maisisilang tulad ng kay Phin ay ayos na ako. Kahit na nasa tiyan pa lang siya, iniisip ko na ang kinabukasan niya.
    
    
Dahil isang ina na rin ako ngayon, ayokong maranasan ng mga anak ko kung anong naramdaman ko noon na ulilain ng sarili kong mga magulang. Ayokong maramdaman nila na masaktan ng paulit-ulit sa mga maling tao. At ayoko rin na sila mismo ang mananakit tulad ng nagawa ko noon dahil lang sa paghihiganti. Gusto ko na lumaki sila ng kuya niya na alam ang salitang respeto at pagmamahal.
  
   
Palalakihin ko sila ng maayos at alam kong makakasama ko si Edward para matupad yon.
    
  
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para makapagpahinga ng may bigla na lang kumatok.
    
  
*tok! tok! tok!*
    
  
Nangunot ang noo ko. Sino namang tao ang kakatakot sa bahay ng ganitong kaagang oras?
   
   
Tumayo ako papunta sa pinto tsaka nagtanong, "Sino yan?"
    
   
"Christina, si Chris 'to. May ibibigay lang sana ako." sagot niya mula sa labas.
  
  
Binuksan ko ang pinto, "Hello Chris, sorry kung hindi kita pinagbuksan agad. Akala ko kasi kung sino." bungad ko.
    
  
Ngumiti siya, "Ayos lang, dumaan lang talaga ako dito para ibalik 'tong mga information papers tungkol sa asawa mo. Wala ng nawawala, nahanap na, case closed." aniya na medyo natatawa.
   
   
Natawa rin ako tsaka napailing, "Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan sa tulong na nagawa mo...pero thank you talaga, sobrang na-appreciate ko lahat ng ginawa mo."
    
   
"You're welcome Christina. As I've said, trabaho namin 'to. At responsibilidad namin na magampanan ng maayos ang pagtulong sa mga tao."
   
       
Tumango ako, "Okay sir, as you've said."
   
  
Napatawa siya ng kaunti, "Okay, kailangan ko na ring umalis... It's an honour for me to serve you, see you next time, miss." sabay saludo niya pa bago niya ako tinalikuran. Pinagmasdan ko lang siyang naglakad papunta sa kotse niya hanggang imaneho niya ito papaalis.
   
   
Napangiti akong napatingin sa envelope. Hindi rin biro ang ginawa niyang pagtulong sakin dahil bawat araw, iba-ibang lugar ang pinupuntahan niya para lang ikumpirma ang bawat taong kumo-contact sakin na nakita na umano nila si Edward. Hindi siya umangal, kahit kailan. Kaya masasabi kong deserve niya talagang maging chief ng PNP balang araw.
   
   
It's also an honour for me to have him as a friend.
       
      
Sinara ko na ang pinto tsaka na pumasok ng bahay. Saktong pagtingala ko sa itaas ay nakita kong nakatanghod sa may terrace si Edward sakin. Halatang bagong gising siya kaya ngumiti ako, "Good morning Edward. Nag-ready na ako ng breakfast, kung gusto mo pwede ka--"
   
  
"Ayoko. Wala akong gana." madiin niyang sagot tsaka pumasok muli ng kwarto.
    
   
Ilang segundo rin akong napatulala dahil sa pagtataka. Ang sungit na naman kasi ng pagkakasagot niya. Ni hindi man lang niya ako hinintay na magsalita at agad na siyang umalis. Ano kayang problema? Maayos naman kami kahapon ah? Siguro ay hindi lang maganda ang gising niya.
     
   
Hahakbang na sana ako nang bigla na lang akong makaramdam ng paninikip ng dibdib ko. Parang nanghina ang mga tuhod kong napaluhod sa sahig habang hinahabol ang hininga ko...Ang hirap huminga. Para bang may kung anong pumipisil sa puso ko.
    
  
Napapikit ako ng mariin.
  
   
Ganitong ganito rin ang naramdaman ko noong sinugod ako nina Isabel sa ospital. Nag-panic rin ako nun kaya mas lalo akong nahirapan sa paghinga... Humawak ako sa dibdib ko tsaka pilit na pinakalma ang sarili ko. Naalala ko ang payo ng doktor sa akin na mag-inhale-exhale ako kung sakaling sumpungin ako.
  
 
Kaya ko 'to..
      
   
      
  
Inhale...
       
   
   
   
Exhale...
      
   
   
  
Inhale...
   
    
  
  
Exhale...
   
   
     
    
"Haa...haaaa.." nakatitig lang ako sa sahig habang paulit-ulit na ginagawa ang pag-enhale at exhale.
    
    
Sa kabutihang palad naman ay unti-unti kong naramdaman ang pag-aliwalas ng paghinga ko. Ilang minuto lang ang tinagal non pero kakaiba sa pakiramdam. Parang sandaling nanlamig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko nawala lahat ng lakas ko. Parang pagod na pagod ako sa dating ng paghinga ko.
   
  
Mabuti na lang at hindi ako nakita ni Edward sa ganong sitwasyon. Hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag sakanya kung paano ako nagkaron ng kundisyon sa puso. Ayokong makaramdam siya ng awa. Ayokong dahil dito kaya siya mapipilitang mapalapit sakin at alagaan pa akong lalo. Ayokong maging sensitibo siya sakin at isiping responsibilidad niya ko lalo na sa kundisyon ko. Sapat na sakin 'tong pag-aaruga niya dahil buntis ako, hindi na kailangan pang madagdagan ang pasaning dala niya. Baka kapag nalaman niya pa ang tungkol sa puso ko ay mag-isip na siya ng kung anu-ano at ayoko namang makaapekto pa ito sa pag-alala niya ng mga memorya niya.
       
    
"Jusmiyo Christina! Anong nangyari sayo?!" alalang bigkas ni mama na agad na tumungo sakin para alalayan akong makatayo.
   
  
"W-Wala naman po ma, nahulog kasi 'tong envelope kaya pinulot ko." pagsisinungaling ko.
   
  
"Jusko, akala ko kung napano ka na... sana hinayaan mo na lang yan, alam mo namang hindi na pepwede sayo ang pagkilos ng sobra."
   
  
"Hindi naman sobra yun ma, lumuhod lang naman po ako e."
   
  
"Kahit na anak, paano kung naalanganin ka at nauna yang tiyan mo? Nako anak, pinapaalalahan kita, ingatan mo yang sarili mo lalo na't may dinadala kang buhay sa tiyan mo."
   
  
"Opo ma, alam ko naman po yun. Sorry at pinag-alala ko kayo."
  
  
Suminghap siya, "Ayos lang anak, hindi naman ako nagagalit... Nga pala, bakit ang aga mong nagising?"
    
  
"Uhh, dinalaw po kasi ako ng gutom kaya bumaba ako para kumain. Nagluto na rin ako ng almusal, baka gusto mo na ring kumain ma."
   
  
"Osige, ikaw talaga... teka, si Edward? tulog pa ba siya?" tanong ni mama habang sabay kaming naglalakad patungo sa dining area.
 
  
"Nagising po siya kanina, inalok ko siyang kumain na pero wala daw siyang gana... siguro inaantok pa kaya bumalik ulit ng kwarto."
   
 
Napatango-tango si mama. Sandali kaming natahimik bago siya muling magsalita. Nakaupo na siya ngayon habang kumukuha ng pagkain sa mesa.
   
 
"Satingin mo anak, makakaalala pa kaya siya?" tanong ni mama sa seryosong tono ng boses niya.
   
  
Bumuntong-hininga ako tsaka ngumiti, "Oo naman ma.. diba sinabi rin ng doktor na malaki ang posibilidad na bumalik ang mga alaala niya basta bigyan lang daw natin siya ng panahon."
  
 
"Kung sabagay...pero gaano naman katagal? Baka makuha ng lumaki ng mga anak ninyo pero ni isang memorya tungkol sayo, wala pa rin siyang maalala."
    
    
Sandali akong napayuko't napaisip sa sinabi ni mama. Nakakalungkot mang isipin na maaaring mangyari yun pero, "Ayos lang ma, kakayanin ko pa ring magtiis.. Susubukan ko pa ring ipaalala lahat sakanya sa pamamagitan ng pagpunta namin sa mga lugar na madalas naming puntahan, paggawa ng mga bagay na nakasanayan naming gawin... at pagsabi sakanya ng mga salitang nakahiligan naming sabihin." tumingala ako paharap kay mama tsaka ngumiti, "I'll try my best ma.. whatever it takes just for him to remember me." and for him to feel again how much he loves me..
  
   
  
---

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now