Chapter 27

2.1K 77 27
                                    

Chapter 27





It's just temporary, maybe not now but someday, his memories will be back..


Ilang beses ko na itong sinasabi sa sarili ko. Ilang tao na rin ang nagpapalakas ng loob ko sa salitang "pansamantala lang ang lahat" pero wala pa ring nagbabago. I feel like I'm waiting for something that isn't going to happen. Pakiramdam ko nga ay pinaglalaruan na ako ng karma, habang tumatagal kasi ay lalo kong nararamdaman ang sakit.... Sakit sa unti-unting paglayo sakin ng taong pinakamamahal ko, si Edward.


Matapos ng nangyaring pagsasagutan namin noong nakaraang dalawang buwan ay tila mas naging mailap ang loob niya sakin. Hindi na niya ako gaanong kinakausap, pati ang lapitan ako ay para bang mahirap na para sakanya. Para na lang kaming mga estrangherong napipilitang manirahan sa iisang bahay dahil sa responsibilidad namin bilang mga magulang. Naisip ko nga na baka talagang hindi na kayang maibalik ni Edward ang dating ugali niya. Kung sakali mang bumalik ang mga alaala niya, satingin ko ay hanggang doon na lang yun...hanggang alaala na lang.


Pero mahal ko siya, at alam kong minahal niya rin ako. He was gentle while he cared, but all of a sudden, everything has changed because of his accident. He stopped caring... he crushed me, and I know that it won't ever be the same.. Nakakatawa ngang isipin na kahit nasaktan na niya ako ng ilang beses sa mga salita at kilos niya, nandito pa rin ako. Umaasa pa rin na magbabago ang lahat, na magiging maayos pa rin ang lahat.


Noong nawawala siya, kahit saan ako tumingin ay nakikita ko siya. Pero ngayong nandito na siya, naging kabaligtaran naman, ni hindi ko na rin siya magawang maramdaman.


Ganito pala ang pakiramdam ng ikaw lang ang nagmamahal at nagsasakripisyo sa isang relasyon. Puno ng sakit at lungkot ang mararamdaman mo. Sa gabi ay palihim kang umiiyak, sandali kang titigil kapag nakatulog ka pero sa paggising mo ulit sa umaga, muli mong maaalala lahat, mararamdaman ang sakit at mapapaluhang muli.


"Ayan Ms. Christina, ang ganda mo na lalo!" saad ng make up artist na nag-ayos sakin.


Sinulyapan ko ang sarili ko sa repleksyon ng salamin. Hindi ko maitatangging nagandahan rin ako sa ayos niya sa akin. Hindi ganon kakapal ang make up pero masasabi kong mas nabigyan ng highlight ang bawat feature ng mukha ko. Ang mahaba kong buhok ay tinali niya rin na talagang bumagay sa theme ng kasal

 Ang mahaba kong buhok ay tinali niya rin na talagang bumagay sa theme ng kasal

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Thank you." nakangiting saad ko.


"You're welcome Ms. Christina." sagot nito bago iligpit ang mga gamit niya.


Nasa Borawan Beach kami sa may Pagbilao, Quezon ngayon. Kasalukuyan ng naghahanda ang lahat dahil maya-maya lang ay magsisimula na ang seremonya ng kasal.


Nasa iisang kwarto lang rin kami ni Isabel. Kasalukuyan pa siyang inaayos kaya nanatili na muna ako sa kinauupuan ko... Habang nakatitig ako sa salamanin ay naalala kong dala ko pala ang jewelry box ko sa bag. Kinuha ko iyon tsaka binuksan, una kong nakita ang kwintas na may pendant na moon, ito ang pinapahalagahan ko sa lahat.


"Moon symbolizes that you're the only one for me.. Even there are so many stars that shines so bright, I will still choose the one who makes my life worth living..." napangiti ako sa alaalang iyon. Binigay ni Edward ang kwintas na ito nung unang monthsary pa lang namin bilang mag-nobyo't nobya. Nakakahiya nga't nagawa kong makalimutan ang araw na yun, dinaig niya pa ako pero hindi niya nakuhang magalit.


Ramdam na ramdam ko talaga noon kung gaano niya ako kamahal.


Agad kong pinunasan ang takas na luhang pumatak sa kanang mata ko. Masyado na naman akong nadadala ng emosyon ko. Sayang naman kung masisira ang make up na inayos sa akin.


*tok! tok! tok!*


"Girls?" napatingin ako sa pinto, bumukas ito at nakita ko si Albert na nakaayos na. Ngumiti siya sakin kaya napangiti rin ako pabalik. Sumenyas siya na lalapitan niya si Isabel kaya tumango ako.


Akala ko nung una ay siya lang ang mag-isa pero nakita kong bigla ang pagsulpot ni Edward sa likod niya.


Dahan-dahang nawala ang ngiti sa labi ko habang nakatitig siya sakin. Tulad ni Albert, nakaayos rin siya. Hanggang ngayon, namamangha pa rin ako sa angkin niyang kakisigan. Kahit ano talaga ay bumabagay sakanya. Gusto ko siyang purihin sa mga oras na 'to pero hindi ko magawa dahil alam kong mababalewala lang rin ako. Ni hindi ko rin alam kung ano bang tumatakbo sa isip niya habang nakatingin siya sakin.


Ako na mismo ang pumutol sa pagtititigan naming iyon. Muli na naman kasing bumabalik lahat ng mga alaala namin at alam kong maluluha lang ako pag sinariwa ko pa itong lalo. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa kwintas na kanina ko pa dapat isosoot.


Kahit na alam kong mahihirapan ako ay kusa kong inilalagay ito sa leeg ko. Shit! Kailan pa 'to naging mahirap sootin? Halos gusto ko nang magmura dahil ngawit na ngawit na ako at hindi ko pa rin ito mailagay ng maayos.


"Let me.." hindi ko nagawang makakibo sa biglang pagpunta ni Edward sa likod ko. Nakuha pa niyang mahawakan ang kamay ko at agad ko namang iniwas iyon.


Habang pinagmamasdan ko siya sa salamin, gusto kong sabihin na yun ang kwintas na binigay niya sakin noong bago pa lang kami. Ang kwintas na yun ang sumisimbolo ng tunay at totoong pagmamahal niya sakin. Pero sa kabila ng kagustuhan kong sabihin lahat ng 'yon sakanya, mas pinili ko na lang na manahimik.


Hindi niya rin naman kasi maaalala kahit banggitin ko ang tungkol doon.


"There." saad niya habang nakangiti ng kaunti nang mailagay niya ang necklace.


Nagawa kong hawakan ang kwintas tsaka ito sinulyapan, "Thanks."


"Omg Christina, you're so beautiful!" untag ni Isabel na halatang natapos ng ayusan. Nakatayo na siya sa likod ko habang nakaakbay sakanya si Albert.


Napangiti ako, "Ikaw rin naman."


Natawa siya ng kaunti, "Hindi naman masyado.."


Kita ko ang pangungunot ng kilay ni Albert na humarap sakanya, "Anong hindi masyado? Sobrang ganda mo kaya."


How sweet... Ganyan rin sana si Edward---Haaaay... stop Christina, sinasaktan mo lang ang sarili mo.


"Psh. Ikaw talaga!" ani Isabel sabay hampas ng kaunti sa braso ni Albert.


Napailing-iling na natawa si Albert. "Seryoso ako dun.." napasulyap siya kay Edward, nahalata niya siguro ang pagiging tahimik nito, "By the way, kailangan na pala nating lumabas. 10 minutes na lang at magsisimula na ang kasal."


"Oh, let's go." ani Isabel.


Napatango ako.


Kita ko ang mabilis na pag-alalay ni Edward sakin sa pagtayo. Hindi siya nakatingin sakin pero napatingin ako sakanya. Wala siyang sinasabi pero ramdam kong sinisigaw ng puso ko ang pangalan niya.


Simpleng bagay lang yung ginawa niya pero malaking kasiyahan na ang naidulot nito sa puso ko. Siguro ganon talaga, pag namimiss mo ang taong minahal mo noon, kahit maliit na bagay lang na ginawa niya ay masaya kana.


Hanggang sa makarating kami sa mismong venue ng kasal ay nadatnan na namin doon ang maraming bisita. Hapon na, ito ang oras na naisip nina Mickie at Carlo kasabay ng paglubog ng araw. Magaling rin ang napili nilang wedding planner dahil naging elegante ang ayos ng paligid. Pasok lahat sa theme ng kasal ang bawat kulay at disenyo.


Sandali kong nilibot ang paningin ko at nabatchawan ko si Edward na nasa gilid sa may mismong harap. Humingi kasi ng pabor itong si Carlo na kung maaari ay siya ang kumanta tulad nung hiling niya noong hindi pa nangyayari ang aksidente sakanya. Mabuti na nga lang at hindi tumanggi si Edward.


*bell rings*


Naagaw ang lahat ng atensyon ng mga bisita pati na ako sa pagtunog ng isang bell hudyat na magsisimula na ang kasal. Lahat ay napaayos sa pagtayo kasabay ng pagtugtog ng piano sa tabi ni Edward.


I know this song....I really know this song..


"Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous
I couldn't speak.." halos manindig ang mga balahibo ko ng muli kong marinig ang boses niya. Ang tagal ko rin kasing hindi naririnig na kumanta si Edward.


Imbis na kay Mickie tuloy ang tingin ko ay hindi ko naiwasang lingunin ang direksyon ni Edward.. Halos lumundag nga ang puso ko papalabas ng magtama ang mga mata naming dalawa. He's also staring at me. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba pero sakin talaga nakatutok ang atensyon niya habang binibigkas ang bawat lyrics ng kanta.


"What we have is timeless
My love is endless
And with this ring I say to the world
You're my every reason
You're all that I believe in
With all my heart I mean every word.."


Tila napako ang mga mata ko sakanya. Kumakanta siya tulad noon kung paano niya ito kinanta noong nasa pageant ako. He's not smiling yet I can feel from his eyes that there is something that he wants to tell me.


I hope he remembers me. I hope he see something that reminds him about me. And I hope, he can feel the love from the memories we created together.


"So as long as I live I'll love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight.."


You know you really love someone, when you don't hate them for breaking your heart.


Ganon na ganon mismo ang nararamdaman ko para kay Edward. Na kahit ilang beses na madurog ang puso ko, alam kong siya pa rin, alam kong babalik at babalik pa rin ako sakanya dahil mahal ko siya. Hindi sa nagpapakamartir ako pero dahil sa pagmamahal na binuhos niya rin sakin noong mga panahong siya lang ang kumakapit sa relasyon naming dalawa.


"You look so beautiful in white, tonight.."


I smiled.


Maybe this time, ako naman...ako naman ang susuyo para mahalin niya ulit ako.



---

A/N: Sorry kung late ng nag-update. Buhay estudyante na naman po kasi ako kaya nagiging busy na. But still, tatapusin ko pa rin 'to. *wink*

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now