Chapter 32

2.3K 76 30
                                    

Chapter 32
     
    
      
    
   
Ilang araw ang lumipas at nagawa na lang naming kalimutan ni Edward ang nangyari. Si Phin lang ang hindi dahil sa tuwing nakikita niya ang kotse ay umiiyak siya. Kapag sasakay rin kami doon kasama siya ay nasa kandungan ko siya para maging kalmado.
     
    
Naisip ko nga na kahit isang taon pa lang si Phin ay nagawa na niyang tandaan ang pangyayaring yun, siguro dala na rin ng takot kaya tumatak sa isip niya. Kung sabagay, masasabi ko ring magaling siya sa pagtanda ng mga bagay-bagay tulad ng sa ama niya. Kahit na apat na buwan na nawala si Edward, ni isang araw ay hindi niya nakalimutang banggitin ang "Dada", palagi niya talaga itong hinahanap. Madalas ay umiiyak pa siya sa paggising niya at gagawin ko kung anong nakasanayang gawin sakanya ni Edward para kahit papaano'y maibsan ang pangungulila niya.
     
    
Mabuti na lang at hindi na kailangang maramdaman ni Phin ang bagay na yun dahil nandito na si Edward. Tulad ngayon, nandon sila sa kabilang kwarto habang naglalaro. Dinig na dinig ko pa ang nakakatuwang tawa ni Phin na halatang nag-e-enjoy sa bonding nila ni Edward.
   
   
Habang ako naman, nagtutupi ng ilang mga damit na kagagaling lang sa sampayan. Sa katunayan, kanina pa nga ako hindi mapakali sa bahay. Gustung-gusto kong may nagliligpit at naglilinis. Kahit na tapos ng ayusan ng kasambahay namin ang ilang gamit ay kakalikutin ko ulit ito para ayusin.
      
   
Napansin nga ako ni mama at sabi niyang normal lang ito lalo na kapag malapit na akong manganak, ramdam daw kasi ng katawan kong may bagong magiging bahagi ng pamilya kaya natutulak ako na maghanda sa pagsilang niya.
    
    
Napangiti ako. Yumuko ako para tumingin sa tiyan ko't himasin ito, "Ilang araw na lang anak, ilang araw na lang at lalabas kana." matapos kong sabihin yun ay naramdam ko ang pagsipa niya sa loob ng tiyan. Mas lalo kong ikinatuwa iyon ng ulitin niya pa ang pagsipa ng apat na beses.
    
   
Mukhang sabik na sabik na ang pangalawang anak namin sa paglabas niya.
   
  
"Konting tiis na lang anak." untag ko.
   
  
*bvvvv! bvvvv!*
   
  
Nalipat ang atensyon ko sa pag-vibrate ng cellphone ni Edward. Nasa table lang ito sa tabi ng kamang inuupuan ko kaya narinig ko. Hindi ko naiwasang silipin iyon at nakitang pangalan ni Charity ay pinanggalingan ng text.
    
  
Dahil sa inis, kinuha ko ang phone tsaka binuksan ang message.
   
   
Text message from Charity: Meet me here at Blackbird, Makati Restaurant. I have something to tell you. I'll wait♥
    
   
Mabilis kong naramdaman ang pag-init ng dugo ko sa nabasa ko. Gusto niyang makipagkita sa ASAWA KO. Pautos pa ang pagkakasabi nun! At may nalalaman pa siyang heart emoticon! Akala ko ba alam niya kung saan siya lulugar?
  
  
Ugh! Ang kapal talaga ng mukha niya!
   
  
Hindi na ako nag-isip pa't nagdesisyong agad na ako ang pupunta doon at makikipagkita sakanya. Wala akong pake kahit magdidilim na! That snake is getting into my nerves! Ubos na ubos na ang pasensya ko! Ayokong dumating sa puntong kahit lumaki na ang mga anak ko ay nanlalandi pa rin siya. Alam kong hindi siya titigil hanggat hindi napapasakanya si Edward.... and I will never let that happen!
   
   
Dahil nakaligo na rin ako ay nakuha ko na lang na magpalit ng damit. Sinoot ko ang isa sa pinakamahal na damit ko tsaka rin nag-ayos. Kahit buntis ako, gusto kong ipamukha sakanya kung sinong kinakalaban niya. Na kahit kailan, hindi niya magiging ka-level ang isang tulad ko.
   
  
Oo at isa siyang propesyonal na doktor, pero kung umasta siya, para siyang isang taong galing sa basurahan. Nuknukan ng baho ang ugali niya at basta-basta na lang niyang kinakalat ang kalandian niya.
      
    
Suminghap ako ng malalim.
    
  
Mag-isa kong nilisan ang bahay patungo sa restaurant na sinasabi ni Charity. Iniwan kong tulog si Edward kasama si Phin na natutulog rin sa crib niya. Hindi ko pinaalam kahit kanino ang pag-alis ko. Alam kong pipigilan lang nila ako pero sa puntong 'to, ayoko. Gusto kong ako mismo ang haharap sa taong humahadlang sa relasyon namin ni Edward.
  
  
Naging malakas rin ang pakiramdam ko na nilason niya ang utak ni Edward noon tungkol kay Josh na ibang lalake ko siya. Naisip ko na kung sinabi niya yon sa maayos na paraan, hindi ako paghihinalaan ng kung ano ni Edward.
    
  
Letche!
    
     
Halos madilim na sa labas nang marating ko ang restaurant. Agad kobg ipinarada ang kotse ko sa parking area. Pagpasok ko sa loob ay may sumalubong agad na isang waiter, "Good evening ma'am, have you reserved for a table?" aniya.
   
  
"No, but I'll meet someone." sagot ko tsaka ngumiti.
  
  
"Okay ma'am, enjoy." saad ng waiter tsaka umalis.
    
  
Pangatlong beses ko nang nakapunta sa restaurant na 'to at masasabi kong mamahalin talaga ang mga pagkain dito. Worth it naman dahil masarap at maganda ang atmosphere. Pero ganon pa man, hindi yun ang pinunta ko dito. Nilibot ko ang paningin ko sa loob hanggang sa... There she is! Nakasoot siya ng itim na dress na kabaligtaran ng kulay sa white dress na soot ko.
    
  
Nag-igting ang panga ko kasabay nang paglakad ko papunta sakanya. Hindi niya pa ako napapansin hanggang sa mapalingon siya sa direksyon ko't makalapit na ako sakanya.
      
   
"Hi Charity." I greeted her with a sarcastic smile as I sit in the chair infront of her.
   
 
Nanlaki ang mga mata niyang napatitig sakin. Mukha talagang nagulat siya sa presensya ko. Napatayo siya, nakangiti lang ako nakatingin sakanya pababa ng tiyan niya. Halata na ang kaunting umbok dito. She really is pregnant, "What are you doing here?" nagtatakang tanong niya.
   
   
"Oww sorry, I know that you're expecting for my husband right now instead of me.. but don't worry, we'll have a good time talking to each other." sambit ko sa tonong nang-aasar.
    
   
"Hindi ikaw ang gusto kong makausap Christina."
  
   
"Wala akong pakealam sa gusto mo Charity. May patext-text ka pang nalalaman kasama ng malanding emoticon mo. Akala ko bang marunong kang lumugar?"
     
   
Dahan-dahan siyang umupo ng hindi inaalis ang mga titig niya sakin, "So ano, kaya ka nandito para sumbatan ako sa mga kadramahan mo, ha Christina?"
    
  
"Hindi kadramahan ang tawag dito, Charity. Pinapaalalahan lang kita na ang lalakeng pinagsisiksikan mo ng sarili mo ay may ASAWA'T MGA ANAK na. Pwedeng-pwede kang makulong kung ipagpapatuloy mo yang ginagawa mo."
   
  
Ngumisi siya, "Ha! Satingin mo masisindak ako sa mga sinasabi mo? Wala kang laban Christina, buntis ako, at ang ama?......ang ASAWA MO." madiin niya pang binanggit ang huling dalawang salita.
    
   
Sandali akong natahimik sa sinabi niya. Aaminin kong nakaramdam ako ng matinding kirot sa puso ko. Mas masakit pala sa pakiramdam pag mismong sinabi na sa harapan ko ang bagay na kinatatakutan ko. Gusto kong umiyak sa pagkakataong yun at magwala sa galit. Pero sa halip na gawin ko yun, pinakita ko ang matapang at pagiging delikadesa ko.
    
  
Ngumiti ako, "E ano ngayon?"
    
  
Napanganga siya, "Wow. Ganyan lang ang sasabihin mo? Hindi ba dapat magulat ka, umiyak, maglupasay at magmakaawa sakin? Hahaha!"
   
  
Mas lalo kong nilakihan ang ngiti ko, "Baliw ka ba? Why would I even do that? Sakin siya kasal. Ako ang asawa. Sakin siya may sinumpaan. At kahit anong gawin Charity, hinding-hindi mapapasayo si Edward dahil ako ang MAHAL niya." 
   
   
Kita ko ang inis sa ekspresyon niya. Halatang hindi niya inasahan na ganon ang mga sasabihin ko. Kung satingin niyang tulad ako ng ibang babae na magugulat, iiyak at magmamakaawa sa harapan niya, pwes HINDI. Alam kong nasa tama ako, at dapat lang na ipaglaban ko kung ano ang akin!
        
    
Lumunok siya, "Oo, ikaw nga ang legal na asawa. Nasayo nga ang puso ni Edward. Pero tandaan mo Christina, minsan na rin akong minahal ng asawa mo, dahil dun kaya dala-dala ko na rin ang dugo at laman niya sa sinapupunan ko."
   
  
"Ilusyunada." madiin kong saad sa inis.
   
  
"Tanggapin mo na lang na nagawa kang pagtaksilan ng asawa mo Christina--"
    
  
"Yun ay dahil pinikot mo siya! Sinamantala mo ang pagkakataon na wala siyang maaalala kaya pinaniwala mong ikaw ang asawa niya." pagputol ko sa sinasabi niya.
    
    
"At naniwala siya. Nagpadala siya sa lahat ng sinabi ko kaya ngayon, magkakaanak na rin kami... at dahil dito, magiging kaagaw mo na ako sakanya...habang-buhay." wagas siyang ngumiti na para bang nasisiyahan siya sa mga sinasabi niya.
    
   
Humugot ako ng malalim na hininga.
   
  
Calm down Christina, hindi ka magpapatalo sa babaeng yan!
   
   
Sumandal ako sa kinauupuan ko tsaka humalukipkip, "Okay lang, hanggang agaw lang naman ang kaya mo e. Kasi simula't sapul, isa ka lang sa malaking pagkakamali niya na kahit kailan ay hindi magiging tama kahit sa mata ng Diyos. Ako ang mahal kaya ako ang pinakasalan, kaya kahit anong gawin mo, akin lang ang asawa ko." inayos ko ang dress ko tsaka tumayo, "At kahit ilang beses mo siyang pikutin, ako pa rin ang pipiliin niya....till death do us part." pang-aasar kong habol bago siya talikuran.
   
  
Hindi pa man ako nakakalayo ay nakaramdam na lang ako ng kamay na humila sakin at mabilis na nakatanggap ng masakit na sampal. Napahawak ako sa pisngi kong napuruhan at nakita ang galit na galit na mukha ni Charity. Hindi rin naman ako nakapagpigil at gumanti rin ako ng malakas na sampal sakanya.
   
    
"Walang hiya ka!" sigaw niya na ambang gaganti ulit ng sampal na agad kong napigilan.
    
   
Alam kong pinagtitinginan na kami ngayon ng mga tao sa eskandalong ginagawa namin. Hindi ko naman kayang tumigil dahil ayaw magpapigil ni Charity. Parehas naming hawak ang braso ng isa't-isa at pilit niya ring hinahablot ang buhok ko.
    
   
"T-Tama na Charity!" ni hindi man lang niya inisip ang kalagayan namin na pareho kaming buntis at maaaring maapektuhan ang mga anak namin.
   
   
"Ma'am!" pagtawag ng ilang mga lalake para maagaw ang atensyon ko. Hindi ko alam na susunggabin ni Charity ang pagkakataong yun para itulak ako dahilan para mawalan ako ng balanse at bigla na lang matumba.
    
   
"Ahhh!" daing ko sa malakas kong pagkakabagsak. Mabilis na lumapit ang ilang waiter at mga customer para tulungan ako.
    
   
Napahawak ako sa balakang ko nang makaramdam ako ng pagkirot dito. Ilang beses ko na itong nararamdaman nitong nakaraang araw pero mas matindi ngayon. Ni hindi ko magawang makatayo dahil para akong nanghina dahil sa pagkakabagsak ko.
   
   
"Jusko! Dinudugo siya!" sigaw ng isang umaalalay sakin sa pagtayo.
   
  
Dinalaw ako ng takot nang mapayuko ako't makitang may dugo ngang tumutulo sa pagitan ng mga hita ko. Pakiramdam ko ay nabasag na rin ang patubigan ko sa loob. Manganganak na ata ako.. Hinawakan ko ang tiyan ko habang kinakausap sa isip ko ang anak ko na nasa sinapupunan ko.
   
  
Kumapit ka lang anak, kumapit ka lang...
    
    
"Dalhin niyo siya sa ospital!"
   
 
"Tumawag kayo ng ambulansya!"
        
    
Nagkakagulo na sa loob ng restaurant. Halos lahat ng tao ay nasa akin ang atensyon. Bakas sa mukha nila ang kaba sa kung anong pwedeng mangyari sakin. Nawala na sa isip ko ang tungkol kay Charity. Tanging iniisip ko lang ngayon ang kalagayan ng baby ko. Naiiyak na rin ako habang paunti-unti kong nararamdaman ang pagsakit ng tiyan at puso ko. Nakisabay rin ang paninikip ng dibdib ko na nagpahirap sakin sa paghinga ng maayos.
   
   
Oh God, please help me...help us.
    
    
Ilang sandali pa at may dumating na rin na ambulansya. Maraming nagtulungan para maihiga ako sa isang stretcher at maisakay sa loob. Kita ko sa magkabilang gilid ko ang tatlong nurse habang inilalagay ang oxygen mask sa bibig ko.
    
   
"Ma'am hold on, okay?" anang isang nurse sakin.
   
 
Tumango lang ako habang habol habol ang hininga ko. Pinipilit kong imulat ang mga mata ko sa kabila ng hirap sa bawat pagbigat ng dibdib ko.
    
     
I can't close my eyes... I can't give up...
    
    
Nang makaabot kami sa ospital ay mas lalo kong naramdaman ang panghihina ko. Nakita ko ang paglapit ng isang doktor tsaka may tinutok sa mga mata ko. Nilagay niya rin ang dalawang daliri niya sa pulso ko.
   
  
"Bring her to delivery room!" bulalas niya na parang biglang nag-panick.
     
    
Agad na sinunod ng mga nurse na tumutulak sa stretcher na hinihigaan ko ang utos ng doktor.
    
  
Manganganak na nga ako.
    
  
Hindi ko na maramdaman ang katawan ko. Parang naging manhid ang bawat parte ng katawan ko pero pinipilit ko pa ring magising. Nanlalabo na rin ang mga mata ko habang tinitingnan ang bawat LED lights sa ceiling ng ospital na nadadaan namin.
     
    
     
    
   
Edward....
    
    
   
   
     
    
Edward....
   
   
     
  
   
Hanggang sa maidala nga nila ako sa delivery room, iisa-isangmay kinabit sa balat at daliri ko. Hindi ko na gaanong napansin ang iba nilang ginawa dahil na rin sa sitwasyon ko.
    
     
"The contraction started!" dinig kong saad ng babaeng doktor na nasa pang-ibaba ko habang hawak hawak ang magkabilang binti ko.
    
   
"Okay, all you have to do is to push ma'am.." utos ng doktor.
   
   
"Breath in, and breath out." sinunod ko ang sinabi niya. Kahit na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko ay pinilit kong huminga ng malalim.
    
   
I can do this...
           
       
"Good, now push."
    
   
Napapikit ako ng mariin, "Ahhhhhhhhh!" matinding sakit ang naramdaman ko sa pagkakataong yun nang maramdaman ko na ang unti-unting paglabas ni baby.
    
   
"Harder ma'am, harder!" sambit ng doktor.
    
     
"Ahhhhhhhhhhh!" pag-iri ko pa.
   
    
Pinagpapawisan na ako sa sobrang sakit at hirap ng sitwasyon ko ngayon. Naranasan ko na ring manganak noon kay Phin pero nasa tabi ko si Edward para hawakan ang kamay ko't samahan ako.
   
  
I'm sorry kung wala dito ang daddy mo para samahan tayo, anak.
    
   
"Come on, harder, push!"
     
    
"Ahhhhhhhhhhhh!" ramdam ko na ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Walang alam ang mga doktor dito sa kundisyon ko sa puso. Gusto ko ng lumabas agad si baby dahil anumang oras ay maaaring hindi ko na kayanin ang pag-iri.
     
     
"It's coming ma'am, it's coming! one more time!" utos pa ng doktor.
   
   
Napakapit ako ng mahigpit sa bed sheet sabay buong lakas na napa-iri, "AAAHHHHH!!!"
     
    
"Uwaaaaaa! Uwaaaaaa!" hingal na hingal akong napahiga ng maayos nang mailabas ko na si baby at marinig ang iyak niya.
    
    
"Congratulations ma'am, it's a boy!" untag ng doktor.
     
   
Napangiti ako nang makita kong itinaas niya ang sanggol. Another boy. Another son. Another angel in our life.
  
    
"Uwaaaaaa! Uwaaaaa!" please grow up like your dad. He has a good heart.
    
    
Habang pinagmamasdan ko ang anak ko ay siyang dahan-dahang pagbagal ng tibok ng puso ko. Gusto kong bumangon para man lang mahawakan siya ngunit nanghihina na ako. Tila nauubusan na rin ako ng hininga. Unti-unting nanlabo ang lahat ng nakikita ko, tanging tumatak na lang sa isip ko ay ang mga sigaw sa loob at pabagal na pabagal na tunog ng makina bago magdilim ang paningin ko.
    
    
   
---

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now