Chapter 15

1.9K 75 9
                                    

Chapter 15
    
    
   
    
  
Huminga ako ng malalim at pinilit ang sarili kong tumayo. Nakatitig pa rin ako kay Edward habang karga karga niya si Phin. Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit. Nakalimutan niya ako, ang anak niya, ang tungkol samin, ang lahat... Iniisip ko kung saan ako mag-uumpisa para muling bumalik ang alaala niya. Alam kong magiging mahirap lalo na't iba ang unang kinilala niyang asawa.
     
   
Nangangatal ang mga tuhod kong lumapit kay Edward. Hinawakan ko ang braso niya kaya napatingin siya sakin.
     
   
"Edward.." pigil hininga kong pagtawag sakanya dahil sa pananakit ng lalamunan ko. "Umuwi na tayo.." pagyayaya ko sakanya.
    
   
Kita ko sa mukha niya ang pagkalito. Hindi ko alam kung ano bang tumatakbo sa isip niya pero sana ay sumama siya.
    
   
"Please, kailangan ka namin.." pakikiusap ko.
     
  
"Dada.." mahinang pagtawag ni Phin habang hinahawakan niya ang mukha ng ama niya. Mas lalo akong nakaramdam ng sakit dahil para bang pinipilit rin ni Phin na umuwi na si Edward samin.
     
    
Sandaling bumuntong hininga si Edward bago magsalita, "Pero... paano si Charity?" tanong niya tsaka sinulyapan ang babae.
     
   
Charity pala ang pangalan ng babaeng yan..
    
   
Hindi ako nakaimik dahil nadismaya ako sa sinabi niya. Para bang ganon siya ka-concern sa babae kapag iniwan niya ito. Halatang naging malapit sila sa isa't isa. Sa totoo lang, galit ang nararamdaman ko sa babae lalo na't bakit hindi niya nagawang isauli si Edward sakin sa loob ng apat na buwan? Bakit kailangan niyang sabihing siya ang asawa kahit hindi naman?
    
    
"I'm fine Edward.." napalingon ako sa babae sa pagsasalita niya. "Sumama kana sakanila." dagdag niya pa.
     
    
Kita ko ang pagtango ni Edward. Kailangan muna pa lang hingin ang opinyon ng babaeng yun para sumunod siya.
    
    
Huminga na lang ako malalim para magpasensya, alam kong pansamantala lang ito at darating sa puntong mababalil ulit ang dating Edward na nakilala ko, dating Edward na mahal na mahal ako higit pa sa kung ano at kung sinong tao.
    
     
"Halina't umalis na tayo." seryosong saad ni mama tsaka ako hinawakan sa kamay at hinila ng kaunti.
    
  
"Edward.." pagtawag ko sa asawa ko.
    
   
Humakbang naman siya at tahimik lang na sumunod sa amin papalabas ng Ocean Park. Kahit ako rin ay tahimik lang hanggang sa marating namin ang sasakyan. Nanlaki pa nga ang mga mata ni manong driver na halatang nagulat nang makita niya si Edward.
    
   
"U-Uuwi na po ba tayo, ma'am?" nauutal niyang tanong.
     
   
"Oo." matipid lang na sagot ni mama.
    
  
Tahimik lang ang buong byahe namin. Halos sa labas lang ng kotse nakatingin si Edward. Hindi ko rin alam kung ano bang dapat kong sabihin sakanya lalo na't halata sakanyang naninibago siya samin. Hindi tulad noon na kahit anong i-open kong topic ay agad siyang may maisasagot. Madalas pa nga na siya mismo ang nag-o-open noon o di kaya'y magke-kwento siya ng panibagong storya.
     
    
Konting tiis lang Christina, pansamantala lang ito..
      
      
Hanggang sa makarating kami ng bahay, ay parang bagong tao si Edward na palinga-linga sa paligid. Bawat sulok at gamit na ata ay nakuha na niyang pagmasdan at suriin. Hindi ko na lang siya inabala dahil naiintindihan kong wala siyang naaalala.
    
   
"Ikaw munang bahala dito anak, doon lang muna ako sa kwarto." ani mama.
   
  
Tumango ako, "Sige ma, salamat po pala."
    
  
Ngumiti na lang si mama tsaka dumiretso ng kwarto niya.
    
   
Nilapitan ko naman si Edward tsaka kinuha si Phin na hanggang ngayon ay karga-karga niya at nagawa ng makatulog sa balikat niya. Parang ibang tao lang ako sakanya na kumuha sa anak namin dahil hindi man lang niya ko nakuhang tingnan. Nagmamasid pa rin siya sa buong bahay na parang isang inspector.
     
    
Napabuntong hininga na lang ako tsaka muna siya pinabayaan. Inakyat ko na muna sa kwarto ang anak namin tsaka inihaga ito sa crib. Nanatili muna ako doon tsaka siya pinagmasdan. Habang tinititigan ko ang anak namin, biglang pumasok sa isip ko kung makukuha ba siyang maalala agad ng ama niya. Lalo na ngayong nandito siya, paniguradong panay na naman ang dikit niya kay Edward.
     
  
Muli akong napabuntong hininga bago ko lisanin ang kwarto ni Phin.
      
   
Shit!
    
  
Napamura akong bigla sa isip ko kasabay ng panlalaki ng mga mata ko nang bumungad sakin si Edward. Nakatayo lang ito sa may labas ng kwarto at seryosong nakatingin sa banda ko na parang kanina pa nandodoon.
      
  
Napalunok ako tsaka humakbang papalapit sakanya.
   
  
Magsasalita na sana ako nang maunahan niya ako, "Saan ang kwarto ko?" direktang tanong niya.
     
   
Ngumiti ako, "Dito lang sa tabi ng kwarto ni Phin, halika." sagot ko tsaka nauna naglakad sakanya.
    
  
Kita ko rin ang pagsunod niya sa likuran ko.
    
   
"Dito.." sambit ko sabay ng pagbukas ko ng pinto ng kwarto namin.
     
    
Pagpasok niya ng kwarto, pinagmasdan niya rin ang loob tulad ng ginawa niya kanina. Dahan dahan pa siyang naglalakad habang hinahawak ang ibang kagamitan sa loob ng kwarto.
     
  
Nang hawakan niya ang kabinet niya'y mabilis akong nagsalita, "Sayo yan Edward, nasa loob niyan ang ibang mga gamit at damit mo." tinanguan lang niya ako.
   
    
Hindi naalis ang mga mata ko sakanya para alalayan siya. Kahit saan siya pumunta at anong hawakan niya ay may sinasabi ako.
    
  
Nagawa ko ring magsalita ng hawakan niya ang doorknob ng paliguan, "Shower at bathtub naman ang--"
   
  
"Christina." madiing pagtawag niya dahilan para manlaki ang mga mata ko. Hindi ako nagulat dahil sa dating ng boses niya, kung hindi dahil sa pagtawag niya sakin ng 'Christina'. Nasanay kasi akong 'Gabriela' ang tawag niya at mukhang pati yun ay nakalimutan niya.
    
  
"Salamat sa pag-alalay mo pero hindi mo na kailangang sabihin lahat ng impormasyon sa kwartong ito. Kaya ko namang malaman lahat ng mag-isa." malamig niyang pagkakasabi ng hindi man lang ako tinitingnan.
    
  
Napakagat ako ng ibabang labi, "S-Sorry.." gusto ko lang namang iparamdamam sayo na nandito lang ako para samahan ka.
    
    
Dinig ko ang pagsinghap niya ng malalim, "Magpahinga kana, hindi magandang magpuyat ka lalo na't nagbubuntis ka." kahit na hindi ko ramdam ang paglalambing sa boses niya, naramdaman ko pa rin ang pagpapahalaga niya na ikinataba ng puso ko.
    
    
Ngumiti ako, "Okay.."
    
  
Tinungo ko ang sariling kabinet ko tsaka kumuha ng damit na pampalit. Maghihilamos muna ako sandali bago matulog.
    
   
Papasok na sana ako ng bathroom ng biglang, "Teka, maliligo ka?" tanong niya habang nakakunot ang mga kilay niya.
    
  
Agad pumasok sa isip kong concern na naman siya sa gagawin ko kaya hindi ko maiwasang makaramdam lalo ng tuwa.
   
  
"Uhh, hindi.. maghihilamos lang."
    
  
"Diyan?" tanong niya na parang naguguluhan.
    
  
Napakunot na rin ang mga kilay ko, "O-Oo.."
   
  
"Wala ka bang bathroom sa kwarto mo?" sandali akong napaisip sa tanong niya. Tsaka ko lang napagtanto na hindi siya concern kundi nagtataka kung bakit doon ako maghihilamos. Buong akala niya siguro ay kanya lang ang kwarto na ito.
    
   
"Actually, kwarto ko rin 'to Edward... M-Mag-asawa tayo kaya iisang kwarto na lang ang ginagamit nating dalawa." eksplika ko sakanya.
   
  
"Ahhh, ganon ba.. sige." tanging sagot niya sabay napahimas sa batok niya.
    
  
"Sige, maghihilamos na muna ako." pagpapaalam ko tsaka na pumasok sa bathroom.
    
   
Habang naghihilamos, hindi ko maiwasang isipin na para kaming bagong magkakilala. Ramdam ko ang pagiging awkward sakin ni Edward kahit ilang beses ko ng sinabi sakanyang asawa niya ako. Iniisip ko na lang rin na kailangan ko na lang siyang unawain. Dahil darating din ang panahon, magiging maayos at mababalik din ang dati sa lahat.
    
    
  
---

A/N: Sorry kung lumaktaw ng isang araw na hindi ako nag-update. Nilagnat kasi ako kahapon kaya kinailangan kong magpahinga. Sana ay maunawaan niyo po hehe.

Vote, Comment and Share. Mwaa!💞

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora