Chapter 22

1.9K 52 17
                                    

Chapter 22
    
      
   
   
  
Sa mga sumunod pang araw, mas lalo akong nag-effort para mapalapit ang loob ko kay Edward. Sinusubukan ko lahat ng makakaya ko para maipakita sakanya kung sino ako na nakilala at minahal niya. Ayokong idaan sa mga pictures at sa kung anong bagay ang lahat para makaalala siya.
    
  
I don't want to force him.
   
    
Sabi kasi ng kakilalang doctor ni mommy Madelle na nag-check kay Edward kahapon, nagkaron ng damage sa utak niya. Hindi magandang pilitin siya na umalala dahil baka maging sanhi pa yun na lalong hindi na niya maalala ang lahat. We just have to give him some time, and sooner or later, his memories will come back again.
   
    
At naniniwala naman ako na mangyayari nga yon balang araw.
    
   
Nakuha kong ngumiti habang nakaharap sa salamin. Nag-ayos kasi ako ng kaunti dahil gusto kong maging presentable kahit papaano sa mga mata ni Edward.
   
   
"Okay, pwede na." saad ko sa sarili ko.
   
  
Naisipan ko ng lumabas ng kwarto para tumungo sa kusina. Plano ko kasing ipagluto ng breakfast si Edward. Alam kong mailap pa rin siya sakin dahil sa sunud-sunod na apat na araw na gigising ako at makikitang hindi ko siya katabi. Babangon ako agad at diretsong pupunta sa kwarto ni Phin dahil alam kong doon ko siya dadatnan. Hindi ko alam kung maaga ba siyang nagigising at lilipat na lang sa kabilang kwarto o talagang ayaw niya lang akong katabi.
   
   
Napabuntong hininga na lang ako tsaka iyon binalewala. Ayokong simulan ang umagang ito na sakit na naman ang nararamdaman ko.
    
   
Binuksan ko ang refrigerator at tumingin ng pepwede kong lutuin. Nakita ko ang isang pack ng bacon kaya yun ang kinuha ko. Hinanda ko ang kawali tsaka pinrito ang mga bacon kasabay ng pagsasaing ng kanin. Nagluto na rin ako ng ilang hotdog at omelette para meron siyang pagpipilian... Sakto rin na may gatas sa ref kaya kinuha ko na rin iyon para ihanda sa agahan.
    
  
Nang matapos ako sa pagluluto ay sunod kong nilagay lahat ng pagkain sa lamesa. Feel na feel ko ang pagiging house wife dahil ngayon ko lang ulit ito nagawa na nandito si Edward. Inayos ko pa ang pagkakalagay ng bawat plato para mas maging maaliwalas itong tingnan.
   
  
Napasinghap ako tsaka nameywang matapos kong maghanda ng breakfast. Nakakapagod pero ayos lang, ginawa ko naman ito para sa taong mahal ko... Napangiti pa kong tumitig sa lamesa dahil nagawa ko lahat ng tama. Mabuti na lang at meron akong dalawa mama na nagturo sakin sa ganitong bagay. Si mama at si mommy Madelle.
     
    
"Mama!" bigla akong napaharap sa likod ko't nakita agad si Edward habang buhat buhat si Phin. Parehas pa silang nakaputing T-shirt, pati ang buhok nila ay parehas ang pagkakagulo. Magkamukhang-magkamukha nga ang mag-ama.
   
  
Lalong lumaki ang ngiti sa labi ko't lumapit sakanila. Kinuha ko si Phin tsaka nagsalita, "Sakto ang dating mo Edward, halos kakatapos ko lang maghanda. Breakfast kana."
  
  
Sandali niyang sinulyapan ang mga nakahapag sa lamesa bago niya ibalik ang titig niya sakin, "Did you prepared all of this by yourself?"
   
  
Tumango ako, "Oo, kagabi ko pa pinlanong gumising ng maaga para maipagluto kita.. kain kana." nakangiti pa rin ako.
   
  
Hindi naman na siya nagsalita pa at umupo na rin. Nilagay ko naman sa baby chair si Phin para igawa siya ng cereals. Matapos nun ay sinubuan ko naman siya para makakain na rin.
    
   
Habang pinapakain ko ang anak namin ay hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan si Edward na kumukuha ng bawat pagkaing niluto ko. Nakakatuwa lang na hindi pa rin siya pihikan sa pagkain.
  
  
"Christina." madiing pagtawag niya na ikinagulat ko. Hindi ko napansin na napatulala na ako sakanya.
 
 
"Uhh, b-bakit?" tanong ko.
     
   
"Kumain ka na ba?" pormal niyang pagtatanong.
 
  
"Ahhhh, hindi pa..hehe."
   
  
Tumango siya. Akala ko ay wala na siyang sasabihin nang makita kong tinapik niya ang katabing upuan niya. "Dito, sabayan mo na ko."
   
  
Ilang beses akong napakurap habang nakatitig sakanya. Hindi ko alam kung mapapangiti ba ako dahil sa paghuhumarentado ng puso ko. Para kasi akong isang teenager na muling nakaramdam ng kilig. Hindi naman rin na ako nagdalawang isip pa at kumuha na rin ng plato tsaka siya tinabihan sa hapag-kainan.
   
  
Ang sarap lang sa feeling na nagawa niya akong yayain ulit ng ganito tulad noon. Wala mang halong lambing sa boses niya pero kahit papaano ay nakaramdam ako ng tuwa.
   
  
Naging tahimihik na ulit ang pagitan saming dalawa nang magsimula na kaming kumain. Tuluy-tuloy lang sa pagsubo si Edward habang ako naman ay paunti-unti dahil sa paminsang-minsang pagsilip ko sakanya.
   
 
Nang makita kong sumubo siya sa omelette ay hindi ko na naiwasang magsalita, "Masarap ba?"
     
  
Lumingon siya sakin. Sandali niyang tinapos ang pagnguya niya tsaka tumango, "Yeah, it's good, I like it."
   
 
Muli akong napangiti. Pakiramdam ko ay namumula na ang mga pisngi ko sa mga oras na 'to. Hindi ako nabigo na magiging maganda ang simula ng araw ko ngayon.
   
  
"Sa totoo lang, ikaw ang nagturo sakin niyang recipe na yan.. You told me that it was your favorite kaya inaral ko ng mabuti." sambit ko.
    
  
Napatango-tango na lang siya.
    
  
Parehas naming tinuloy ang pagkain namin.. Hinihiling ko nga na sana ay magtuluy-tuloy na ang ganitong senaryo hanggang sa bumalik na ulit ang dati. Nakaka-miss na rin kasi kahit papaano ang nakasanayan naming ginagawa. Tipong hindi lang ako ang nakangiti kundi pati na rin siya.
    
   
Biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapansing nakatitig na pala sakin si Edward. Ni hindi ko na nagawang masubo ang kutsarang dapat sana ay isusubo ko, "M-May problema ba?" tanong ko. Nagawa ko pang punasan ang gilid ng bibig ko sa pag-aakalang may dumi ito.
   
  
Umiling siya tsaka napaiwas ng tingin. Uminom siya ng gatas tsaka pinagpatuloy ang pagkain.. Napakibit-balikat na lang ako. Siguro ay trip niya lang akong tingnan. Pwede ring nagandahan siya sakin dahil sa ayos ko ngayon, diba?
   
  
*tok! tok! tok!*
  
  
Sabay kaming napatingin sa may sala kung saan ang pinaka-main door ng bahay bago kami magkatinginan sa isa't-isa ni Edward, "Who's that?" tanong niya.
   
 
Nagkibit-balikat ako.
   
 
"Titingnan ko muna." pagpapaalam ko tsaka tumayo patungo doon.
    
  
*tok! tok! tok!*
     
  
"Christina?" dinig ko ang pamilyar na boses na nanggagaling sa labas habang papalapit ako.
   
 
Nang buksan ko ito, "Oh, hi Chris, ikaw pala." masayang bati ko sakanya. Tulad pa rin noon, nakahiligan niya na talagang magsoot ng itim na shirt kapares ng itim ring jeans.
  
 
"Ako nga." sagot niya at napatawa ng kaunti.
  
   
"Napadalaw ka?" tanong ko.
   
  
"Ahhh, nagtataka lang kasi ako kung bakit hindi kana tumatawag tungkol sa paghahanap sa asawa mo. Wala na bang kumo-contact sayo?"
   
 
Napatapik ako sa noo, "Oo nga pala, hindi kita nasabihan!"
  
 
"Sabi ko na nga ba, haha! So ano, saan ang next place na may balitang nakakita sakanya?"
    
  
"Actually, wala ng next place Chris... nandito na kasi siya mismo sa bahay namin, nakita ko na siya." nakangiting sagot ko sakanya.
  
 
Napakurap-kurap siya, "Talaga?" halatang hindi siya makapaniwala.
   
 
Tumango ako, "Oo, halika, ipapakilala kita sakanya." pagyayaya ko.
   
  
"O-Osige.. sasabihan ko lang muna si Jay." aniya at mabilis na tumakbo papalabas ng gate.
   
   
Ngiting ngiti naman akong tumalikod nang bumungad na namang bigla sa harapan ko si Edward. Mabilis na naglaho ang ngiti sa labi ko nang mapansin ko ang walang gana niyang mga titig sakin.
    
  
"Edwa--" para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko nang bigla na lang niya akong talikuran at mabilis na dumiretso papaakyat ng kwarto. Malakas pa ang pagkakalabog ng pinto dahilan para mapapikit ako ng mariin.
   
  
What's happening? Is he mad?
    
 
"Ano yun?" sakto naman ang pagdating ni Chris na mukhang narinig ang malakas na pagsara ng pinto.
   
  
Pinilit kong ngumiti, "Hangin lang.." pagsisinungaling ko.
   
   
Muli kong hinarap ang kwartong pinasukan ni Edward. Hindi ko alam kung ano bang meron at bigla na lang nanging ganito ang asta niya. Maayos naman siya kanina ah? Kinakausap niya pa nga ako ng mahinahon.. Nakapagtataka tuloy kung bakit biglang nagbago ang mood niya. Mukha siyang galit...pero bakit?
     
   
 
---

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now