Chapter 31

2.2K 84 37
                                    

Chapter 31
  
   
   
   
   
3 weeeks later...
  
   
Nasa simbahan kami ngayon ni Edward kasama si Phin. Siya mismo ang nagyaya at hindi naman ako tumanggi. Sakto lang rin ang dating namin dahil kakasimula lang ng misa. Mabuti na lang at agad na may nakitang bakanteng upuan si Edward kaya nakaupo rin kaming agad.
    
   
"Blllllp!" kasalukuyan na namang nilalaro ni Phin ang dila niya. Nakakunot pa ang mga kilay niya habang nakatingin sa ibaba.
    
   
"Shhh Phin, be quite." ani Edward sakanya habang kandong kandong niya ito.
    
  
Hindi ko naman naiwasang mapangiti ng tingalain ni Phin ang ama niya sa mukhang nagtataka. "Ma-panatata dada?" aniya pa sabay taas ng kamay niya para hawakan ang mukha ni Edward.
     
   
"Yes, be quite, okay?" sagot ni Edward na para bang naiintindihan ang sinasabi ng anak niya.
   
   
"Bllllp!" pag-uulit niyang paglalaro sa dila niya na tila nang-aasar sa ama niya.
   
   
Kita ko ang paniningkit ng mga mata ni Edward na tumitig kay Phin tsaka niya ito pinanggigilan sa pisngi. Marahan niya lang itong kinukurot at hinahalikan. Napapatingin nga ang ibang mga taong malapit samin sa tuwing humahagikgik ang anak namin. Maingay talaga yang si Phin kahit nasaang lugar kami, manang mana sa ugali ni Edward noon.
     
  
Kung titingnan kaming tatlo, mukha kaming isang masaya at perpektong pamilya. Hindi mo aakalain na sa likod ng mga ngiti at masasaya naming mukha ay parehas pala kaming may tinatago lihim ni Edward sa isa't-isa. Ako na natatakot sabihin sakanya ang kundisyon ko sa puso at siya na hanggang ngayon ay walang sinasabi tungkol sakanila ni Charity. Minsan napapatanong rin ako, hindi naman ganito ang pinlano at pinangarap naming buhay pero bakit ito ang nangyayari samin ngayon?
   
   

"Dear brothers and sisters, lahat ng nilalang sa mundo ay mahal ng Diyos. Walang mas higit o mas kulang, lahat ay pantay-pantay sa mga mata niya.. Kung ngayon ay may problema kang dinadanas, wag mong isiping nakalimutan ka na niya, dahil ang buhay ng tao ay hindi palaging masaya." natigil ako sa pag-iisip ko at napatingin sa paring nagho-homily, "Darating talaga sa puntong madadapa ka, malulugmok at mahihirapan. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi kana babangon... lahat ng pagsubok sa buhay natin ay binibigay ng Diyos dahil alam niyang kakayanin natin ito, hindi man agad mangyayari yun, pero balang araw ngingitian mo na lang ang lahat dahil sa nagawa mo na itong malampasan. Amen?"
     
   
"Amen." sagot ng lahat.
   
  
Hindi ko alam pero saktong-sakto ang mga sinabi ni father sa sitwasyon ko ngayon. Para akong nagising sa katotohanan na hindi pa pala ito ang katapusan ng mundo para sakin. Naisip kong may pagkakataon pa kong itama lahat, kami ni Edward. Siguro masakit man ngayon pero balang araw, darating rin ako sa puntong maghihilom lahat ng sugat sa puso ko. Magagawa kong ulit na ngumiti ng walang kinikimkim na sama ng loob.
  
   
Napasulyap ako sa mag-ama ko na tahimik at seryosong nakikinig sa pari.
     
 
Siguro nga may rason kung bakit hindi mo pa sinasabi ang tungkol sainyo ni Charity, Edward. Ganon pa man, sana pag handa kana, malinawan ako sa lahat.. Kahit na masakit para sakin, tanggapin ko para sa mga anak natin.
    
   
Nang matapos ang misa ay diretso kaming lumabas ng simbahan.
    
   
"Wait for us here Christina, ako na lang ang kukuha sa kotse kasama 'tong si Phin para hindi kana maglakad ng malayo." ani Edward.
   
  
Tumango ako, "Osige, dahan dahan lang ah?"
 
 
Ngumiti siya, "Yeah."
   
  
"Bye-bye mama.." napangiti pa akong kumaway sa pagpapaalam ni Phin.
   
  
Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa mapaliko sila't mawala na sa paningin ko. Marami rin talagang mga taong nagsisimba tuwing linggo. Malayo-layo kasi ang napagparadahan ni Edward ng kotse dahil sa dami ng sasakyang naunang mag-park malapit sa simbahan.
   
 
"Aww.." mahinang daing ko nang may bumangga sakin mula sa likuran. Napalingon ako sa likod at nakita ang isang naka-itim na sumbrerong babae.
   
  
Tumingala siya, "Oww, sorry.." biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ko sa inis nang makitang si Charity pala ang bumangga sakin.
   
  
Naisip ko tuloy bigla na baka sinadya niya pa ang pagbangga sakin.
  
  
"What are you doing here?" walang gana kong tanong.
   
  
Nagtaas siya ng kilay tsaka ngumiti, "Aha, syempre nagsimba Christina. Ano naman satingin mong gagawin ko dito?" na sinusundan mo kami...I mean si Edward dito.
  
   
Hindi na lang ako sumagot. Iniwas ko na lang ang tingin ko at muling binaling ang atensyon ko sa paghihintay kina Edward.
   
  
Wala akong oras makipag-plastikan sa isang ahas.
  
 
"Ilang buwan na pala yang tiyan mo?" biglang tanong ni Charity na ngayon ay nasa tabi ko na. Kita ko pa ang pagtitig niya sa tiyan ko kaya napatingin rin ako sakanya, hindi pa halata ang pagkaumbok ng kanya.
   
  
Suminghap ako, "8 months."
    
  
"Wow. Isang buwan na lang pala at manganganak kana. Maselan na lalo ang pagbubuntis mo, buti hinahayaan ka ni Edward ng mag-isa?"
   
  
"Don't underestimate my husband, kasama ko siya pati ang panganay namin." madiin ko pang binanggit ang ilang salita.
    
  
"Really? Where is him?" natutuwang tanong niya na parang pinapamukha sakin kung gaano siya ka-excite makita si Edward.
  
 
"Kinuha niya yung kotse. He really cared for me kaya ayaw na niya akong maglakad." sagot ko tsaka ngumiti.
   
  
"Awww.. how sweet. Naalala ko tuloy noon, ganyang ganyan rin sakin si Edward, he always make me feel how much he cared for me. Dahil sakanya, naramdaman ko na masaya pa lang magkaron ng asawa...lalo na kung tulad niya. Sayang lang ang sandali ko lang na naranasan yun."
    
  
Hindi naman ako nagpaapekto sa sinabi niya, hinarap ko siya tsaka nagsalita, "Sayang nga.. siguro mabuti pa na maghanap ka na ng iba para maramdaman mo naman ulit..." sandali akong natigil tsaka siya tiningnan simula ulo hanggang paa, "Para naman hindi ka pabalik-balik sa ASAWA KO at palihim siyang inaakit."
    
  
Mapaklang napangiti si Charity, "Excuse me? Kung makapagsalita ka parang wala akong nagawa sayo ah? Baka nakakalimutan mo, ako ang dahilan kung bakit nabuhay si Edward, Christina."
   
  
"Sana nga ganon na lang ang ginawa mo Charity, pero hindi e, habang patagal ng patagal, iba na ang nagiging motibo mo... Doktor ka Charity, at babae ka rin katulad ko, sana alam mong lumugar."
   
  
"Wag kang mag-alala Christina, alam ko kung saan ako lulugar. Tulad mo, buntis rin ako.." nakangiti niyang sambit sabay hawak sa tiyan niya. Hindi ko alam kung may balak ba siyang sabihin na si Edward ang ama ng dinadala niya pero agad akong dinalaw ng kaba. Paniguradong masasaktan lang ako sa oras na pinamukha niya saking may nangyari sakanila ng asawa ko at mas lalong wala na akong magagawa.
   
   
"Masyado ka naman atang namangha na pareho tayong buntis Christina." napatawa siya ng kaunti, "Siguro dapat na tayong maging magkaibigan lalo na't marami tayong pagkakapareho."
   
  
Bumuntong hininga ako tsaka inipit ang ilang hibla ng buhok ko sa tenga, "Sorry to say Charity, pero hindi ako marunong makipagplastikan. Sapat na rin ang mga kaibigan ko kaya hindi mo na kailangang dumagdag pa."
    
  
*beeeep! beeeep!*
    
  
Sabay kaming napatingin sa kotseng bumusina sa harapan namin. Alam kong agad na yun ang kotse namin ni Edward. Bumaba siya sa kotse at diretsong lumapit sakin.
   
  
Napalingon ako sa tabi ko't nakita ang papalayong si Charity.
    
  
"Let's go.." pagyayaya ni Edward.
   
 
Tumango naman ako.
   
  
Inalalayan niya akong makasakay ng kotse bago siya sumakay. Nagawa kong sulyapan si Phin sa likod na nakaupo sa baby sit niya habang may subo-subong pacifier.
    
 
"Sino pala yung kausap mo kanina Christina?" tanong ni Edward nang simulan na niyang paandarin ang kotse.
   
 
Lumingon ako sakanya, "Si Charity." seryosong sagot ko.
   
 
Kita ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Edward. Tila naging seryoso rin siya, sandali niya akong sinulyapan tsaka napalunok, "Ahhh...a-anong sinabi niya?"
    
   
Bumuntong-hininga ako, "Tinanong niya lang kung ilang buwan na 'tong tiyan ko at sinong kasama ko."
     
  
"Y-Yun lang?" halata sa pananalita ni Edward ang kaba.
   
  
Pinilit kong kumalma, "Nabanggit niya rin ang tungkol sa pagbubuntis niya, nasabi na rin ba niya sayo yun?"
  
   
"Uhh, O-Oo.."
    
  
"I see.. kilala mo ba kung sinong ama?" hindi ko na napigilan ang sarili kong itanong ang bagay na yun.
   
     
Suminghap siya tsaka ako nilingon. Magsasalita na sana siya ng biglang...
    
  
*BEEEEEEEEP!!!*
      
   
"Edward!" sigaw ko nang lumitaw ang isang kotse sa harapan namin. Napapikit ako ng mariin sabay napahawak sa tiyan ko.
    
  
Ilang segundo bago ko naisipang imulat ang mga mata ko. Nakahinto na ang sinasakyan namin ngayon at halatang nailiko agad ni Edward ang kotse dahil sa posisyon nito.
   
   
"Oh God! Are you okay Christina?!" alalang tanong niya habang pabalik-balik na hinahawakan ang pisngi, braso at tiyan ko.
   
  
Habol-habol ko ang hininga kong napaharap sakanya. Hindi ako nakasagot agad dahil inuna kong tingnan si Phin na ngayon ay umiiyak na. Halatang nagulat rin siya sa nangyari.
   
   
"Shhh Phin, everything's okay.." pagpapatahan ko sa anak namin. Nakuha ko pang alisin ang seatbelt ko para abutin ko ng maayos si Phin.
  
  
"Ma-maaaa!" hagulgol niyang pagtawag sakin nang makuha ko siya. Pulang pula na ang pisngi at ilong niya kakaiyak. Sa pagyakap ko sakanya ay siyang pagkapit niya sakin ng mahigpit. Ramdam ko ang sobrang takot ni Phin sa nangyari.
  
  
"Shhh..it's okay Phin, it's okay.." mahinahon kong saad tsaka siya hinalikan sa noo.
    
  
Natakot ako sa totoo lang. Hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko. Sandali lang ang nangyari pero narealize ko na sa sandaling oras pa lang iyon, pwedeng mapahamak ang buhay ng isa samin...o kaming lahat rin.
    
  
Habang hinahagod ko ang likuran ni Phin ay nakuha kong lingunin si Edward. Natulala siyang nakatitig sa ibaba na parang naluluha. Napalunok ako nang makaramdam ako ng awa sakanya.
    
  
Tinaas ko ang kamay ko para abutin ang pisngi niya. Napatingin siya sakin, "I-I'm sorry.." aniya kasabay ng pagtulo ng luha sa mata niya.
   
  
Pinilit kong ngumiti kahit ramdam ko na ang mainit na likido sa gilid ng mga mata ko, "No, it's not your fault okay? See, we're safe.." saad ko para alisin sa isip niyang kasalanan niya ito. Kinuha niya ang kamay kong nasa pisngi niya tsaka niya ito hinalikan habang bumubuhos ang luha niya.
   
  
Nakaramdam ako ng lungkot sa ginawa niya dahil ramdam ko talagang na-trauma siya dahil na rin sa aksidente niya. Alam ko ring may iba pa siyang dinadalang mabigat na problema sa dibdib niya. Hindi ko man siya magawang komprontahin tungkol don pero pinangako ko na kahit gaano kahirap, handa akong intindihin at samahan siya.
      
   
  
---

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now