Chapter 40

2.6K 69 33
                                    

Chapter 40
   
    
    
     
   
Kinabukasan, niyaya ko si Edward na dalawin namin ang puntod ng namatay naming anak. Sinama na rin namin si Phin dahil walang magbabantay sakanya. Pinag-day off kasi ni Edward yung maid kaya tulad ng dati, kaming tatlo na lang ulit sa bahay.
     
     
Naka-crossed arms lang ako habang nakayukong nakatitig sa puntod ng anak ko. Tahimik lang ako dahil sa isip ko, kinakausap ko siya.
    
      
Kumusta kana anak? Alam mo ba, miss na miss ka na ni mama. Hanggang ngayon, nalulungkot pa rin ako sa tuwing naaalala kong wala ka na. Umasa kasi ako na sa pagsilang mo, maaalagaan kita, mahahagkan kita sa bisig ko't maipaparamdam sayo kung gano kita kamahal. Kaso anak, alam ko rin namang imposible ng mangyari yun dahil wala kana... at alam kong may kasalanan ako dahil napabayaan lang kita.
     
    
"Ma-ma!" pagtawag ni Phin.
       
   
Mabilis kong pinunasan ang likidong lumandas sa pisngi ko tsaka ko siya nilingon. Ngumiti ako nang ipakita niya ang bote ng gatas niyang wala ng laman.
   
   
"You want more?" tanong ko.
     
   
Ginalaw naman niya ng isang beses ang ulo niya pataas bilang tugon.
    
    
"Alright." nakangiting saad ko. Nilingon ko ang bag na nakasukbit sa kaliwang balikat ni Edward. Naroon kasi ang mga gamit ni Phin, "Edward, pakisuyo naman yung powder milk ni Phin diyan sa bag." sambit ko sakanya. Kinuha ko rin sakanya si Phin para makakilos siya ng maayos.
   
  
"Uhh Christina, wala dito yung gatas niya." aniya habang kinakalkal ang bag, "Mukhang nandun sa isang container na dala natin sa kotse.. check ko na lang dun." dagdag niya pa.
  
  
"Ahh, osige. Wag kang magmamadali ah?" paalala ko. Medyo may kalayuan kasi ang napag-park niya ng kotse dahil may patakaran na sa sementeryo na hindi na maaaring ipasok ang mga sasakyan. Hindi naman niya kailangangan magmadali dahil hindi naman tulad ng ibang baby si Phin na mainipin.
   
  
Ngumiti si Edward tsaka tumango, "Okay."
     
  
Pinagmasdan ko siyang maglakad hanggang sa makalayo na siya. Sakto naman nang maramdaman ko ang biglang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa ng shoulder bag ko. Medyo nahirapan pa akong kunin yun dahil buhat ko sa kabilang kamay si Phin.
    
    
Text message from Unknown number: I'm telling you, hindi mo anak yang nakalibing dyan. He's alive.
    
   
Nanindig ang mga balahibo ko sa buong katawan. Ito rin yung parehas na numero na tumawag sakin kahapon. At ngayon, satingin ko ay sinundan niya ako dito't pinagmamasdan ako ng palihim. Napalunok akong lumingon sa isang direksyon para tingnan kung may tao bang kakaiba ang kinikilos nila. Imposible naman na yung mag-asawa sa pang-limang puntod ang nasa likod nito dahil matanda na sila at mukhang hindi nila magagawang manloko. Nilipat ko ang paningin ko sa ibang direksyon, nagawa ko pang suriin ang bawat puno kung bang nagtatago siya sa isa sa mga yun.
   
  
Pero wala..
   
   
"Christina.." halos mapalundag ako sa gulat nang marinig ko ang malalim na boses na tumawag sakin sa likuran.
 
  
Napasapo ako sa dibdib ko't lumunok.
    
 
Hinarap ko siya, "C-Chris.." ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Sobrang kinabahan ako. Akala ko siya ang lalakeng may ari ng unknown number.
    
  
"S-Sorry, nagulat ata kitang masyado.."
      
  
"No, it's okay.." saad ko tsaka huminga ng malalim. Sandali pa akong napasulyap sa paligid tsaka napahilot ng sentido.
   
  
"Ayos ka lang ba? Bakit parang namumutla ka ata?" usisa ni Chris.
    
 
"Uhh, w-wala 'to. Ayos lang ako." sagot ko tsaka ngumiti.
  
  
Napatango siya, "Sabi mo e.. Teka, kayo lang ng anak mo?" tanong niyang muli.
   
 
Umiling ako, "Hindi, kasama ko si Edward. May kinuha lang siya sa kotse kaya wala siya dito." sagot ko.
   
  
"I see. "
   
  
"Ikaw pala, buti nandito ka?" balik kong tanong sakanya.
    
  
"Ahhh, dinalaw ko kasi yung puntod ng mama ko. Birthday niya ngayon kaya eto, bumisita ako. Baka kasi magtampo at multuhin ako." aniya habang natatawang binanggit ang huling pangungusap.
     
  
"Oh? Happy birthday sakanya." pabati ko sa mama niya.
   
   
Ngumiti siya, "Thanks."
    
  
Nagngitian kaming dalawa. Napatingin siya sa puntod ng namatay kong anak, "Vinson Verner A. Smith...cool name, huh?" aniya.
    
   
Ngumiti lang ako.
  
  
"Ma-ma.." ani Phin na pilit na inaabot ang phone na hawak ko. Kita kong nakabukas pa ang message dito kaya naalala kong muli ang sinabi ng lalakeng estranghero tungkol sa pangalawang anak ko na buhay pa ito.
  
  
Humugot ako ng malalim na hininga, "Chris.." pagtawag ko sakanya tsaka ko siya hinarap.
   
 
"Hmm?"
      
  
"Satingin mo, pwede pa bang ipa-DNA ang isang bangkay?" tanong ko.
        
  
"Yes, of course.." nangunot ang mga kilay niya, "Bakit mo natanong?" imbis na sagutin ko siya ay iniwas ko lang ang tingin ko papunta sa puntod ng anak ko. Hindi ko alam kung tama ba 'tong naiisip ko. "May balak ka bang ipa-DNA ang bangkay niya?" sunod na tanong ni Chris.
  
 
Sinulyapan ko siya, "O-Oo.."
   
 
Sa totoo lang, nakokonsensya ako sa sinabi ko. Para kasing binabastos ko ang pumanaw kong anak ko lalo na't mukhang pinaghihinalaan ko na hindi ko siya dugo't laman. Pero, gusto ko lang talagang makasiguro kung totoo ba ang sinasabi ng lalakeng yun. Wala rin namang masama kung susubukan ko lalo na't ayoko rin namang may pagsisisihan ako sa huli.
        
   
"Bakit? I mean, is there something wrong?" naguguluhan niyang tanong.
   
     
Suminghap ako at sandaling sinulyapan ang phone ko, "Hindi ko alam Chris... yesterday, someone called me. Sabi niya na hindi ko anak ang inilibing namin, na buhay pa ang totoong anak ko at hawak niya ito." paliwanag ko.
   
  
"Teka, baka naman nanloloko lang yung taong yun?"
   
  
"Sana nga ganon na lang e. Pero yung dating ng pananalita niya, parang seryoso siya. Alam niya rin ang buong pangalan ko Chris...a-at bago ka dumating dito, nakatanggap ako ng text galing sakanya...at ramdam kong nasa paligid lang siya, nagmamasid." kabado pang sambit ko sakanya.
   
  
Nanlaki ang mga mata ni Chris na napatingin sa paligid. Mukhang naalarma rin siya sa mga sinabi ko.
    
  
"Alam na ba ito ng asawa mo?" sa pagkakataong yun ay mas naging seryoso siya sa dating ng pananalita niya.
   
 
Umiling ako, "Hindi..hindi pa. Ayoko muna sanang ipaalam lalo na't baka iba ang isipin niya."
   
 
Napatango siya, "Sige, ganito na lang. Kung gusto mo, ako na lang ang aasikaso sa paghuhukay ng puntod nitong anak mo. Tapos, kukuha ako ng konting sample sa bangkay niya....at isang hair strand na rin sayo para madiretso ko na sa pagpapa-DNA."
  
  
"Really?" parang nakaramdam ako ng tuwa ng tumango si Chris bilang tugon. Ayoko na rin namang tumanggi pa kaya, "Okay, thank you Chris.. I promise, babayaran kita dito--"
      
  
"No need Christina, tulong ko na lang rin naman 'to lalo na't tumaas ang posisyon ko sa pagpupulis dahil sa case noon sa paghahanap sa asawa mo."
  
 
"Wow, c-congratulations!"
   
  
"Hehe, thank you.. So, ako na ang bahala okay? Kukuha muna ako ng permit at bukas na bukas, magpapasama ako sa iba para maghukay dito." pagtukoy niya sa puntod ng anak ko.
   

Tumango ako, "Okay sige, balitaan mo na lang ako ah?"
   
  
"I will...nga pala, yung hair stand mo..." medyo nag-aalangan niya pang utas.
   
 
"Uhh, oo, eto.." sagot ko agad tsaka kumuha ng isang piraso ng hair strand ss buhok ko. Iniabot ko ito at siya namang pagkuha dito't paglagay sa wallet niya.
  
 
"Sensya na, wala akong lalagyanan kaya sa wallet ko muna nilagay." natatawang saad niya.
  
 
Napailing-iling ako, "Ayos lang." nangingiting sambit ko.
   
 
"Christina.." parehong naagaw ang atensyon namin ni Chris sa pagtawag ni Edward sa likod ko. Nilingon ko siya at nakita kong hawak na niya ang container na lalagyan ng powder milk ni Phin. Nahalata ko rin sa mukha niya ang pagtataka.
  
  
"Uhh, Edward.." lumapit siya. "Si Chris nga pala--"
  
 
"Yeah, I know him." seryosong sambit niya.
  
 
"Uhh, napadaan lang talaga ako dito. Saktong nakita ko si Christina kaya lumapit ako para batiin siya." ani Chris.
     
  
Suminghap si Edward tsaka tumango. Ngumiti siya ng kaunti, "Yeah, it's okay." napahimas siya ng batok, "Thank you nga pala sa pagtulong sa asawa ko para hanapin ako nung panahong nawawala ako. Naikwento niya na sakin lahat kaya nalinawan ako kung paano ka niya nakilala...at sorry kung napag-isipan man kita ng masama." napakurap-kurap ako sa paghingi ni Edward ng tawad.
     
 
Ngayon lang kasi sila halos nagkausap ng maayos dahil sa ibang pakikitungo noon ni Edward sakanya.
   
 
"Uhh, ayos lang yun bro. Wala naman sakin yun, isa pa, naiintindihan ko rin naman yung kalagayan mo kaya wala akong dapat ikagalit."
    
  
"Salamat." ani Edward tsaka iniabot ang kamay niya sa tapat ni Chris. Tinanggap naman yun ni Chris tsaka sila nag-shake hands.
  
 
"No problem. Nice meeting you Mr. Smith." ani Chris na medyo natatawa pa nang sabihin ang huling pangungusap.
  
 
Napailing na nangingiti si Edward, "Nice meeting you too."
   
   
Napangiti na lang rin ako habang pinagmamasdan silang nag-uusap na ng maayos. Ramdam ko lalo ngayon ang pagbabago ni Edward. Ang paunti-unting pagbabalik ng dating siya. Sana nga tuluy-tuloy na ito....at sana pag nalaman niya ang tungkol sa pagpapa-DNA ko sa bangkay ng anak namin, maintindihan niya rin ako.
  
  
  
---
A/N: Dahil dalawa ang birthday celebrant sa mga active readers ng story na ito, dalawang chapter rin ang in-update ko.
  
Greetings to STORYTELLER_IS_ME and loveparkjimin13, HAPPY HAPPY BIRTHDAY! 🎉💓

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now