Chapter 35

2.2K 68 23
                                    

Chapter 35
     
    
    
   
   
Kinabukasan ng hapon, doon pa lang pinayagan na makalabas ng ospital si Christina. Matapos ng masakit na pangyayari kagabi ay wala siyang ibang ginawa kundi ang matulog at umiyak. Halos ayaw na nga niyang bitawan ang sanggol kagabi kung hindi ko lang siya dinaan sa maayos na usapan. Sinabi ko na kailangan na niyang bitawan si baby dahil magpapahinga na siya. Inisip ko na lang na kunwaring buhay pa ang anak namin kahit patay na talaga ito. Masakit rin sa parte ko na mawalan ng anak lalo na't iniisip ko pa lang noon na madadagdagan na ang batang lalaruin ko sa bahay. Ni hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na masilayan siya ng sandali habang nabubuhay siya.
    
    
Habang nasa byahe kami, tahimik lang at tulalang nakatitig sa labas si Christina. Kapag kinakausap ko siya ay hindi niya ako sinasagot o nililingon man lang. Alam kong masakit pa rin talaga sakanya hanggang ngayon ang nangyari. Hindi ko nga alam kung anong magiging reaksyon niya sa oras na makita niyang nakaburol na sa bahay si baby. Inasikaso na kasi ng mama niya kaninang umaga ang lahat.
     
     
Nang makauwi kami, inalalayan ko sa pagbaba ng kotse si Christina. Hinayaan niya lang ako pero hindi tulad noon, hindi siya ngumiti o nagpasalamat. Wala talaga siyang kibo.
     
  
Hanggang makapasok kami ng bahay, muli na namang naluluha ang mga mata niya nang makita ang maliit na kabao na pinaglalagyan ng anak namin. Dahan dahan siyang lumapit doon tsaka hinawakan ang salamin.
   
   
Ilang sandali niyang tinitigan iyon bago siya mapahikbi. Para siyang nanghihinang napaluhod habang nakahawak pa sa kabaong. "T-This is all..my fault. "
           
    
Lumapit naman ako't niyakap siya mula sa likuran. "Christina no, hindi mo ginusto ang nangyari kaya wala kang kasalanan." saad ko.
    
   
"AAko dapat ang namatay, Edward.. a-ako dapat.."
         
   
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sakanya, "No Christina, don't say that.."
   
  
Hindi na niya nakuhang sumagot. Tanging pag-iyak na lang ang narinig ko matapos ng sinabi ko. Yakap yakap ko pa rin siya at damang-dama ko ang  paghihinagpis niya sa bawat hagulgol niya. Kung maaari ko lang ngang ibsan ang sakit at lungkot na nararamdaman niya ay ginawa ko na. 
     
     
Ni hindi ko rin matanggap na sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ng anak namin kahit alam ko namang hindi niya talaga kasalanan. Simula pa lang, nakita ko na kung paano niya inaalagaan ang baby habang nasa tiyan niya pa ito. Bawat sinasamahan ko siya sa pagpapa-check up ay tinatanong niya kung kumusta ito, kung healthy ba at walang problema. Nakita ko sa bawat kilos niya ang pagiging responsableng ina kaya alam kong hindi dahil sakanya kung bakit nawala ang bata.
   
   
Hindi man malinaw sakin ang dahilan, pero alam kong may rason ang lahat kung bakit nangyari 'to. Masakit man sa parte ko pero wala akong magagawa kundi tanggapin na lang na wala na talaga siya. Iisipin ko na lang na nasa magandang lugar na siya kung saan puro saya at hindi niya mararamdaman ang lungkot at sakit.
   
    
Sa sumunod na araw, dumating na sa bahay ang mga kaibigan namin para makiramay. Lahat sila ay nakasoot ng kulay puting damit at nagdadalamhati rin sa pagkawala ng anak namin.
         
   
"Condolence bro." ani Albert sabay tapik sa balikat ko.
   
  
Condolence Edward.." si Mickie.
   
  
"Condolence.." sabay sabay pang saad ng iba.
    
  
Tumango lang ako tsaka ngumiti bilang sagot.
   
  
"Kawawa naman si Christina.." halata sa boses ni Isabel ang lungkot habang pinagmamasdan si Christina sa tapat ng kabaong na nakaupo at tulalang nakatitig sa ibaba.
        
  
"Hindi niya pa rin tanggap yung nangyari sa anak namin. Ni hindi ko siya magawang makausap ng maayos simula pa kahapon." sagot ko.
    
   
"Hindi naman natin siya masisisi. Talagang nasaktan siya lalo na't dala-dala niya sa walong buwan yung bata." utas ni Mickie.
    
  
"Tama ka. Nakakalungkot lang na nawala lang yung baby ng ganon ganon lang." si Lawrence.
     
   
"Bakit ba namatay yung baby Edward? Anong nangyari?" tanong ni Carlo.
   
  
"Masyado kasing napaaga yung paglabas niya. Sabi ng doktor, kulang daw sa timbang yung baby at hindi daw niya kinayang tumagal kaya pumanaw agad." paliwanag ko.
    
  
Napatango-tango sila.
    
  
Nangunot naman ang kilay ni Isabel, "Teka, diba dapat sa second week pa manganganak si Christina?"
   
  
"Oo, pero.." natigilan akong agad ng maalala kong nakipagkita nga pala siya kay Charity bago niya isilang ang pangalawang anak namin. Bigla akong napatanong sa sarili ko na maaaring may nangyari sa pagitan nilang dalawa kaya napaaga sa panganganak si Christina.
   
  
"Pero?" sabay pang sambit ni Isabel at Mickie.
  
 
"Pero biglaan na lang siyang sinugod sa delivery room dahil sabi ng doktor na manganganak na siya." sagot ko. Gusto ko sanang sabihin ang tungkol sa pakikipagkita niya kay Charity pero wala naman akong sapat na pruweba na maaaring may kinalaman nga doon si Charity.
        
    
Ayokong manisi pero sa pagkakataong yun, tila napuno ng tanong ang utak ko. Kung ano bang sinabi ni Charity kay Christina nang magkita sila, ano pang napag-usapan nila at kung may ginawa ba si Charity kay Christina.
          
      
"Sige bro, mauna na kami, pinabantay lang kasi namin si Hope sa kapatid ko." pagpapaalam nina Albert at Isabel matapos ng ilang oras.
     
 
"Osige bro, salamat. Mag-iingat kayo." untag ko.
   
  
Maya-maya lang, "Edward, alis na rin kami. May aasikasuhin pa daw kasi 'tong si Carlo sa negosyo." pagpapaalam na rin nina Mickie.
   
  
"Osige, ayos lang. Salamat sainyo." saad ko.
   
 
"Sige bro, babalik na lang kami bukas." sagot ni Carlo.
  
  
"Sabay na rin ako sakanila Edward, condolence ulit." si Lawrence.
   
 
Hinatid ko sila papalabas ng gate hanggang sa makasakay sila ng kotse nila't makaalis.
   
  
Pagbalik ko sa loob, ganon pa rin si Christina sa pwesto niya. Tahimik at tulala. Ni hindi niya rin nagawang makipag-usap sa mga kaibigan namin. Kahit na ganon, tinabihan pa rin nina Mickie at Isabel si Christina at sinabihan na magpakatatag siya tsaka nila siya niyakap. Mabuti na lang at naiintindihan nila si Christina. Tulad ko, kahit na ilang beses niya akong binabalewala, iintindihin ko pa rin siya at sasamahan tulad ng ginawa niya noong ako ang nambabalewala sakanya.
    
        
   
---

A/N: Sorry talaga kung ngayon lang ulit nakapag-update. Medyo hectic na schedule ko tsaka marami ng pinapagawa sa school kaya hindi ko maisingit :( Pero tatapusin ko pa rin 'tong story within this month. Hehe :)

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now