Chapter 39

2.2K 70 25
                                    

Chapter 39
        
       
   
    
  
Natulala akong napatitig sa phone ko.
    
    
"Buhay pa siya.....at hawak ko siya. Kung gusto mo pa siyang makita, sabihin mo lang."
    
   
Parang sirang plakang paulit-ulit na naglaro sa isip ko ang sinabi ng estrangherong tumawag sakin. Naguguluhan ako sa puntong yun. Maraming tanong ang biglang bumagabag sa isip ko. Unang-una, sino siya? bakit niya nagawang sabihin ang tungkol sa bagay na yun? Isa pa, totoo ba ang sinasabi niya? Dapat ko ba siyang paniwalaan?
   
  
Hinatid mismo sakin ng mga nurse ang anak ko. Iniuwi namin siya. Sa limang araw niyang nakaburol sa bahay ay nakabantay lang ako sa kabaong na pinaglalagyan niya. Hanggang sa araw ng libing niya, nandun ako at nakita kong inilibing siya. Kaya imposible ang sinasabi ng kung sino mang lalake na yun.
    
   
*tok! tok! tok!*
   
   
"Christina.." ani Edward sa labas kasabay ng pagbukas niya ng pinto. "Nasa baba na si Paul, nilalaro niya si Phin." dagdag niya.
   
   
Napatango ako, "Okay, pakisabi na bababa na rin ko."
   
  
Ngumiti siya, "Sige." tsaka niya isinara ang pinto at umalis.
   
  
Parang natulala ako sa pinto nang may mapansin ako. Sumariwa sa alaala ko ang lahat ng mga nangyari simula nang magka-amnesia si Edward. Noon, talagang mailap siya sakin. Todo iwas siya sa tuwing napapalapit ako sakanya. Masasabi ko nga na talagang nawala ang Edward na nagmahal sakin noon dahil sa malamig niyang pakikitungo sakin. Palagi rin akong nakakaramdam ng sakit sa mga salita at kilos niya.
    
  
Pero ngayon, parang paunti-unti ay nagbabago na siya. Na-realize ko na nitong mga nakaraang linggo ay palagi siyang nasa tabi ko. Hindi ko man siya pinapansin pero patuloy pa rin siya sa pag-asikaso sakin. Bawat makita niyang umiiyak ako ay siyang agad niyang paglapit at pagyakap sakin. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa paghihinagpis ko sa pagkamatay ng anak namin pero hindi ko ramdam na nag-iisa ako dahil kay Edward.
       
    
Gumuhit ang ngiti sa labi ko.
    
 
Naisip ko na ring bumaba na dahil naghihintay na si Paul. Almost 3 months ko rin siyang hindi nakita at alam kong may pagbabago na naman sa kulay ng buhok niya. Nasabi niya sakin noon na nahiligan niya daw ang papalit-palit ng kulay ng buhok dahil sa mga korean boy groups. Na-inspire daw siya kaya sinubukan niya hanggang sa magustuhan niya.
   
    
Nang makababa na ako ng hagdan ay napansin ko si Edward na kandong si Phin. Sa isang couch naman ay naroon si Paul. Agad kong napansin ang bagong kulay ng buhok niya na ash gray. Bumagay ito sakanya at aakalain mong iba ang nationality niya.
   
    
"Ayan na pala si Christina." ani Edward nang makita niya ako.
     
  
Napalingon naman si Paul sakin kasabay ng pagtayo niya, "Christina!" masayang sambit niya sa pangalan ko.
  
 
"Maiwan muna namin kayo ni Phin, paliliguan ko muna siya." pagpapaalam ni Edward.
   
 
"Ahh, sige.." sagot ko tsaka na rin siya umalis habang buhat-buhat si Phin.
   
 
Sa paglapit kokay Paul ay siyang pagsalubong niya sakin ng yakap. Kahit ilang taon na ang lumipas, wala pa ring pinagbago saming dalawa. Pareho pa rin kaming sabik sa isa't-isa bilang magkaibigan. Kahit na nagkaron ng hindi namin pagkakaunawaan noon dahil sa ibang nararamdman niya para sakin ay unti-unti rin naman iyong nagbago at bumalik ulit sa dati.
    
  
Namamangha nga ako kay Paul dahil hindi niya nakukuhang maging makasarili para maging masaya. Mas pipiliin niyang magparaya kahit na masaktan siya basta hindi lang siya ang makasakit sa iba.
  
    
"I'm sorry kung ngayon lang ako nakadalaw sayo.. Naikwento sakin nina Mickie lahat ng nangyari at sobrang nakonsensya ako dahil wala man ako dito nung mga panahong yun." malungkot niyang saad.
  
   
Ngumiti ako, "Ayos lang Paul, naiintindihan ko naman yung sitwasyon mo bilang isang business man."
    
  
Napailing siyang natawa ng kaunti, "Actually, I don't consider myself as a business man. Panay lang kasi ang libot ko sa iba't-ibang bansa dahil sa mga meetings sa mga ibang shareholders ng company."
   
   
"Ganyan talaga, mas napalago mo ang negosyo niyo kaya tinatangkilik na rin ng ibang lahi ang kumpanya niyo." puri ko sakanya.
   
 
"Psh. You're making me flattered babe." aniya na kunwaring kinikilig sabay napatawa.
   
   
Natawa rin naman ako ng bigkasin niya ang nakahiligan niyang pagtawag ng "babe" sakin noong mga college pa lang kami. Haaay, those memories...
   
   
"Maupo nga tayo." nangingiting saad ko.
   
 
"Haha yeah right." pagsang-ayon niya. Nang makaupo kami ay nagsalita siyang muli, "So, kumusta ka?"
  
    
Ngumiti ako, "Okay lang naman.."
    
    
Napatango siya, "Let me rephrase that, ano ng nararamdaman mo ngayon?"
   
  
Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya. Eto na naman kasi yung pakiramdam na parang bumagal ang puso ko dahil sa lungkot, paghihinagpis, at sakit.
    
  
"Honestly, masakit pa rin..lalo na kapag gigising ako at mapapahawak sa tiyan ko, naaalala ko lahat.." napalunok ako, "Alam mo ba Paul, akala ko magagawa ko siyang ingatan. Akala ko magiging perpekto na akong ina para sa mga anak ko...pero, hindi pala. Mali pala ako sa akala ko. Kasi na-realize ko na kulang pa rin pala lahat. Namatay ang pangalawang baby namin at nagawa ko pang balewalain ang panganay namin."
   
   
Napakagat ako ng ibabang labi para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo anumang oras. Nagawa ko pang timingala at huminga ng malalim para maalis ang pananakit ng lalamunan ko.
    
  
"No Christina, naging reaponsable kang ina sakanila. Siguro talagang may plano lang ang Diyos kung bakit nangyari ang lahat ng 'to."
     
   
"Ano naman yun Paul? Is it his plan na mawala ang baby ko para magkaron kami ng happy ending? Is it his plan na masaktan ako ng sobra-sobra at paulit-ulit?"
     
  
"Of course not Christina.. those challenges are part of our lives." kaunti siyang lumapit sakin tsaka hinawakan ang kamay ko, "Alam kong wala ako sa sitwasyon mo para sabihin ang mga bagay na 'to, pero sana, wag mong aalisin ang Christina na nakilala ko, ang Christina na matatag at patuloy na lumalaban." saad niyang nakangiti na halatang pinapalakas ang loob ko.
  
  
Napakurap-kurap ako, ramdam ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Agad kong pinunasan iyon at napatawa, "Grabe, pinapaiyak mo naman ako e." utas ko pa tsaka ngumuso.
 
  
Ilang oras pang nagtagal si Paul sa bahay kaya marami pa kaming napagkwentuhan. Sa trabaho niya, buhay niya palipat-lipat sa ibang lugar at iba pa.
    
     
Bandang hapon na rin nang mapagdesisyunan na niyang umuwi dahil umano sa may dinner date sila ng pamilya niya sa isang restaurant. Matapos ko siyang ihatid sa labas ay diretso akong umakyat patungo sa kwarto.
    
  
Napabuntong-hininga ako kasabay ng paghilot ko ng kaunti sa batok ko.
   
   
Saktong napasulyap ako sa table kung saan nakapatong ang phone ko. Muli kong naalala ang pagtawag ng estrangherong lalake kanina. Kinuha ko ang phone ko't pumunta sa may balkonahe. Pinakatitigan ko ang unknown number na iyon habang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko kung dapat ko ba siyang paniwalaan.
  
  
Sa dating ng pananalita niya ay halatang seryoso siya, pero paano ko masasabing totoo nga ang sinasabi niya? Maaaring intensyon lang ng lalakeng yun na lokohin ako. May posibilidad rin na tulad noon, baka katulad lang siya ng mga lalakeng muntik ng pagtangkaan ang buhay ko.
   
   
"Christina.." biglang naputol ang mga naiisip ko nang marinig ko si Edward mula sa likuran ko. Hinarap ko siya, "Tara, kumain na tayo." pagyayaya niya.
   
 
"Mamaya na lang ako." matipid kong sagot tsaka siya muling tinalikuran.
  
 
Hindi ko na rin naman siya ulit narinig na nagsalita pagkatapos nun. Akala ko ay umalis na siya pababa ng kusina at nauna ng kumain pero, "Sige, sasamahan na muna kita dito." saad niya na ngayon ay nasa tabi ko na.
    
   
Sandali ko siyang sinulyapan. Nakatitig lang siya sa malayo na para bang pinagmamasdan ang mga maliliit na ilaw ng bawat bahay sa malayo. Iniwas ko rin naman ang tingin ko at inilipat ito sa ibang direksyon.
  
  
Ngayon ay tila nagbago ang tumatakbo sa isip ko. Bakit nandito siya? Gusto kong tanungin yun sakanya dahil nakakapanibago lang talaga. Hindi ko alam pero imbis na matuwa ako ay parang wala lang sakin na sinasamahan niya ako ngayon sa pagtanaw mula dito sa balkonaheng kinatatayuan namin.
    
   
"Ang sarap ng hangin no?" maya-mayang sambit niya.
   
  
"Uhh, yeah.." mahinang sagot ko.
    
   
"Halatang marami kayong napag-usapan ni Paul ano?" aniya pa. Wala namang halong pagka-sarkastiko sa boses niya kaya muli akong sumagot.
  
 
"Oo.."
  
  
Narinig ko ang malalim niyang paghinga, "Pwede bang tayo naman ang mag-usap ngayon, Christina?" ramdam ko sa boses niya ang pagiging seryoso dito.
    
  
Ganon pa man, hindi ko siya nilingon pero nakuha ko pa ring sumagot, "Tungkol naman saan?"
    
   
"Tungkol satin.."
     
   
I know what he means by this..
   
  
Suminghap ako, "Tungkol ba talaga satin, o tungkol sainyo ni Charity?" direktang saad ko sakanya.
    
   
Hindi siya agad nakapagsalita sa sinabi ko. Naisip ko na maaaring tama nga ako na gusto niyang pag-usapan ang tungkol sakanila ni Charity....ang tungkol sa baby nila ni Charity. Ngayon pa lang na iniisip ko na tungkol nga doon ang sasabihin niya ay nakakaramdam na ako ng sakit. Paano pa kaya pag mismong marinig ko na ito mula sakanya? Paniguradong hindi lang sakit ang mararamdaman ko, kundi pagkawala na rin ng isang parte sa sarili ko na hindi na kailanman maaayos pa.
    
  
"Christina I....I'm sorry.. hindi ko sinasadyang mangyari ang bagay na 'to..at mas lalong hindi ko ginusto na sirain ang pamilya natin." paghingi niya ng tawad.
   
    
Alam ko naman yun.. kaya nga hindi ko makuhang magalit dahil alam kong nalason lang ang utak mo nung babaeng yun. Alam kong napaniwala ka niyang siya ang asawa mo kaya nagpadala ka rin sa tukso.
   
 
"Ayos lang..." dahan-dahan kong iniharap ang katawan ko sakanya kasama ng mga mata ko, "Wala na rin naman tayong magagawa dahil nandyan na, nangyari na.. Kahit ilang beses ka pang mag-sorry, hindi na mababalik sa dati ang lahat. Hindi naman ito tulad ng mga fairytale o fiction stories na napapanood natin sa mga palabas. We're in the reality Edward, all we have to do is to accept the fact na magkakaron kayo ng anak ni Charity...that's why I decided to give up, to let you go.." dire-diretsong saad ko habang pinipigal ang luhang nagbabadya sa gilid ng mga mata ko.
   
   
Nabigla rin ako sa mga nasabi ko pero ayos lang, yun rin naman ang nararamdaman ko ngayon. Pagod na pagod na ako.
    
   
"No Christina, no--"
  
  
"Yes Edward, tanggapin mo na lang. Dahil ako, alam ko sa sarili kong tanggap ko na siya na yung bago mo, tanggap ko na marami na talagang nagbago... at tanggap ko na hindi. na. AKO. yung. laman. ng. PUSO. mo.." parang dinurog ko ang sariling puso ko sa mga sinabi ko.
 
 
Pero wala e, yun ang totoo.
  
  
Napayuko ako kasabay ng paglandas ng luha sa mga mata ko. Akala ko noon, paunti-unti ay matatanggap ko na ito. I tried so hard to get better, to get over this, to forget it all and move on. Pinilit kong isipin na isang maliit na problema lang ito. And I thought I was getting to the point where I could say "Mas okay na ako ngayon." but right now I couldn't feel any worse.
   
 
Masakit? Oo, kasi eto kaming dalawa, magkaharap pero hindi na tulad ng dati. Mas masakit? Yung hindi na nga kami tulad ng dati dahil may mga nagbago na. At pinaka masakit? Yung wala na talaga akong magagawa, yung gusto kong lumaban kaso wala e. Talo ako.
   
  
Marahan kong pinunasan ang magkabilang pisngi ko kahit na patuloy na umaagos ang mga luha ko. Hindi ko na siya nagawang linungin dahil mabilis ko siyang tinalikuran. I'm leaving.. Hahakbang na sana ako papalayo nang maramdaman ko ang agad niyang pagyakap sakin mula sa likuran.
  
 
"Christina, please..." pagmamakaawa niyang bigla.
   
 
Napapikit ako ng mariin, mas lalong bumuhos ang mga luha ko, "E-Edward.." humihikbi kong saad.
   
  
"Please don't give up on me...p-please don't.." pakiusap niya kasabay ng paghigpit ng yakap niya. "Maybe I don't remember everything about you,about us...but everytime I look at you, everytime I'm with you, I can feel it..a-and I know that I'm home Christina, you're my home.." naramdaman ko ang pagbaon niya ng mukha niya sa gilid ng leeg ko, I can feel his tears, his sadness, his pain, "Yes... marami akong pagkukulang sayo, but I just wanna say sorry for all the things that I've done, for being a selfish person, for being so stubborn and for every other reasons I've hurt you. I know my apologies can't do anything pero gusto ko lang malaman mo na kaya kong magbago, Christina.. E-Even though we are in this kind of situation, I will not be tired of showing how much important are you in my life. Hindi si Charity ang kailangan ko, ikaw Christina, ikaw... mahal na mahal kita, kahit alam kong hindi na ganon kabuo yung pagmamahal mo sakin, I will do everything just to make you stay with me at para maiparamdam sayo that you are worth it.." halos mamaos na ang boses niya sa kakasabi ng ilang salita.
   
  
Hindi ako nakaimik. Pareho lang kaming humahagulgol na parang mga bata sa kakaiyak. Pareho naming mahal ang isa't-isa pero pareho rin kaming nasasaktan sa isa't-isa.
      
  
Napakagat ako sa ibabang labi ko at unti-unting kumalas sa pagkakayakap niya. Hindi pa rin siya nagpaawat at pinigilan akong muli sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko, "Please Christina...don't. don't give up on me, on us.."
   
  
Napakurap-kurap ako kasabay ng paglunok ko. Dahan-dahan ko siyang hinarap at sumalubong naman sakin ang mga mata niyang lumuluha. Sandali ko siyang tinitigan bago ilagay ang isang kamay ko sa kanang pisngi niya, "I won't.."
      
   
  
---
A/N: Report, Quiz, and Assignments. Sorry dahil hindi ko nagawang tapusin this June ang story. Talagang marami na kasi akong ginagawa, Architecture student po ako kaya busy na talaga :<

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now