Chapter 20

1.9K 50 18
                                    

Chapter 20
    
   
   
   
  
"Hahaha hindi naman." sabay kaming napatingin ni mommy Madelle sa tawa ni Charity habang papalabas sila ng kusina. Bakas rin sa mukha ni Edward ang tuwa na halatang may masaya silang napag-usapan.
    
   
Hanggang sa makalapit sila sa amin dala ang mga meryenda ay hindi nawala ang ngiti sa mga labi nila... Umupo sa tapat ko si Charity habang nakagitna naman sa amin si Edward.
   
     
Seryoso lang akong nagmamasid habang nagsa-slice ng cake si Charity.
    
  
"Eto po ma'am."  aniya sabay abot ng isang slice ng cake kay mommy Madelle.
    
  
"Thank you Charity, hindi ka na dapat nag-abala pa."
    
 
"Okay lang po.." nakangiting sagot niya.
   
  
Muli siyang nag-slice ng cake tsaka ito inabot sakin. Umiling ako, "No thanks, hindi ako pwede sa sweets." direktang saad ko. Hindi naman sa hindi pwede pero kailangan kong umiwas lalo na sa kundisyon ko sa puso.
  
  
"Ahhh, okay.." binitawan na lang niya sa table ang cake na inaalok niya sakin tsaka siya umayos ng upo.
    
   
Kita ko ang pagtitig sakin ni Edward na para bang may inis dahil sa pagtanggi ko. Binalewala ko na lang ito...
     
  
Sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid bago nagsalita si mommy Madelle, "Uhh, Charity, I just want to say thank you for saving my son's life, hindi mo alam kung gaano ako kasaya na nabalik samin ng buhay ang anak ko."
     
   
Ngumiti naman si Charity, "You're welcome ma'am, it's my job to save people's lives."
  
    
Alam kong dapat rin akong magpasalamat pero hindi ko makuha kung bakit umiiral na naman ang pagiging matigas at ma-pride kong tao. Feeling ko nagkukunwari lang siyang mabait. Ugh!
    
  
"Anong pwede kong gawin para man lang makabawi sayo ija?"
   
 
Umiling siya, "Nako ma'am, you don't need to do anything. Ginawa ko yun dahil gusto ko at taos rin sa puso ko."
      
  
Talaga lang ha?
   
   
Humugot ako ng malalim na hininga tsaka nagsalita, "Matanong lang, paano mo nalaman na Edward ang pangalan ng asawa ko?"
   
  
"Because of his bracelet.." sagot niya agad. Napatingin ako sandali sa mga kamay ni Edward, soot niya nga sa kanang kamay ang bracelet na may pangalan niya na binigay ko noong 1st anniversary namin.
   
  
"Paano mo naman siya nakita nung mismong aksidente niya?" pangalawang tanong ko sa maraming tanong na gumugulo sa isip ko.
  
   
    
   
CHARITY'S POINT OF VIEW
    
        
Bigla akong kinabahan sa tanong ni Christina. Halata kasi sakanya na uusisain niya ko tungkol sa pagkupkop ko kay Edward...
    
   
Bigla kong naalala ang mga nangyari noon..... Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto, wala akong soot na kahit anong damit at tanging kumot lang ang tumatakip sa katawan ko. Napatingin ako sa tabi ko at nakita si Dominic na mahimbing na natutulog at nakayakap pa sakin.
   
 
He's not my boyfriend or what, sexmate lang ang turingan namin sa isa't isa, yun lang. Bawat umuwi ako ng Pilipinas ay nandiyan siya sa tuwing kailangan ko ng mapaglilibangan. We both like it naman lalo na't parehas kaming single. Alam kong gusto niya ako pero duh! He's not my type! Ni wala sakanya ang tipo ko sa isang lalake, masyadong mataas ang standards ko at hindi niya kayang abutin yun.
    
  
Walang gana kong inalis ang kamay niya dahilan para magising siya. Babangon na sana ako ng muli niya akong hatakin pahiga.. He immediately grab my boobs while kissing my jawline.
    
 
I don't have time for this.
    
 
"Dominic, stop." madiing saad ko tsaka padabog na inalis ang kamay niya.
   
 
Nangunot ang kilay niya, "Bakit? Don't tell me umaayaw ka ngayon sa sex?" natatawang saad niya.
  
  
I rolled my eyes, "Wala lang ako sa mood."
   
  
Sa pagkakataong yun ay nagawa kong bumangon ng hindi niya ako pinipigilan. Nagmadali kong kinuha ang mga damit kong nakakalat sa sahig tsaka ito sinoot.
    
  
"Aalis kana nga agad?" tanong ni Dominic na nakatitig sakin hanggang ngayon.
    
   
"Oo, may report pa akong ipapasa kay dad." pagsisinungaling ko. Gusto ko lang talagang umalis.
     
  
Matapos kong magbihis ay nagawa ko ring itali ang buhok ko... Sandali kong sinulyapan si Dominic, "I'll go." matipid kong saad at agad na umalis.
   
   
Hanggang sa makasakay ako ng kotse ay tsaka ko naramdaman ang pananakit ng ulo ko. Damn this! Masyado akong nalasing kagabi at hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagkahilo... Pumikit ako ng mariin tsaka napailing. Binalewala ko na lang ang hilong nararamdaman ko't sinimulang ng i-start ang makina.
    
   
Habang nasa byahe ako ay bigla ko na lang naalala ang problema ko sa States. Last week kasi ay may operasyon akong ginawa sa isang pasyente. Sobrang naging confident ako na magagawa ko ng maayos yun pero biglang pumalya hanggang sa namatay rin ang mismong pasyente. Ni-reason out ko na hindi niya ito kinaya pero pinipilit ng pamilya niya na hindi totoo ang sinasabi ko.
    
  
Sinabi ni dad na nagbabalak silang magsampa ng kaso kaya mas mabuti pang umalis muna ako sa bansang yun at umuwi ng Pilipinas.
    
     
"Here I am, wasted!" iritadong saad ko.
    
   
*bvvv! bvvv!*
    
  
Kunot noo akong napatingin sa phone ko. Inabot ko iyon at nakitang kay Dominic ang text na narecieve ko.
   
 
Text message from Dominic: Pwede ba akong pumunta sa bahay mo?
    
  
Nagawa kong pagmasdan ang text niya habang nag-iisip ng biglang, "Fuck!" napamura ako kasabay nang biglaang pagpreno ko sa kotse.
    
  
Halos manlaki ang mga mata ko nang nasaksihan ko ang isang kotseng umiwas sa sasakyan ko't dire-diretsong nahulog sa bangin.
    
  
"Oh God....what have I done?" nanginginig kong tanong sa sarili.
   
  
Lumabas ako ng kotse ko. Nangangatal ang mga tuhod kong lumapit sa bangin kung saan nahulog ang kotse. It was wrecked!
   
    
Sandali akong napatitig sa kotse nang mapansin ko ang lalake sa loob na nanghihinang lumabas ng sasakyan niya. Duguan siya. Tumingin sakin, "H-Help...me.." sambit niya hanggang sa mawalan na siya ng malay.
   
 
"Shit!" mahinang saad ko.
   
 
Napalinga-linga ako sa paligid. Hindi na rin ako nagdalawang isip pa't dahan dahan akong bumaba ng bangin para tulungang maalis ang lalake doon.
   
  
Nahirapan man akong buhatin siyapero nagawa ko pa rin. Binuhos ko ang buong lakas ko para maisakay siya sa likod ng kotse ko... Agad kong pinaandar ang kotse ko papunta sa isang ospital.
    
  
"Nurse! Tulong!" natatarantang sigaw ko.
  
  
Mabilis naman silang rumesponde at inalalayan ang lalakeng iyon pahiga sa isang stretcher. This is all my fault!
    
   
"Charity?" natigil ako sa pag-iisip ko ng tawagin ako ng mama ni Edward.
    
   
"Uhh, sorry... Actually, I was on my way home nang makita ko ang kotse niyang tumaob sa may bangin. Nabahala ako kaya agad akong tumigil para tulungan siya.. hindi ko na nagawang tumawag ng ambulansya noon dahil alam kong mauubusan lang siya ng dugo kung maghihintay kaya ako na mismo ang nagdala sakanya sa ospital." yes, I lied.
    
   
Hindi ko kayang aminin na ako ang may kasalanan kung bakit naaksidente si Edward. Ayokong makulong. Ayokong mapunta sa mabaho at masikip na prisinto... Isa pa, hindi ko naman ginustong mangyari yun kay Edward, hindi ko sinasadya. I was busy staring at my phone and didn't notice his car.
  
    
Kita ko ang pagtango ni Christina, "Gaano siya nagtagal sa ospital?"
    
  
"2 weeks.."
   
   
"Sa 2 weeks na yun, ni hindi mo man lang nakita yung mga leaflets na nakapaskil sa bawat pader, puno at poste sa Cavite? Ni hindi mo ba alam na hinahanap namin siya?"
  
   
Diretso akong tumitig sa mga mata ni Christina, "I didn't, I swear.." totoo, wala akong nakita. Isa pa, dinala ko siya sa ospital na medyo malayo sa pinangyarihan ng aksidente ni Edward. Baka hindi pa umabot ang mga leaflets doon nung mga oras na yun.
  
   
"Saan mo siya dinala kung dalawang linggo lang pala siya sa ospital?" usisa niya.
    
  
Napalunok ako. Dapat ay magtatagal pa sana si Edward sa ospital na yun. Ang kaso, napanood ko sa isang news sa States na pinapahanap na ako. Kinabahan ako that time.. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naisip si Edward, nakokonsensya pa rin ako sa nangyari sakanya lalo na't hindi pa siya gumigising sa mga panahong yun. Naaawa naman ako kung iiwan ko siya kaya nagsabi ako sa doktor na iuuwi ko na lang siya.
   
 
Akala ko ay mahihirapan pa ako dahil may mga pinasagot pa silang information papers. Dahil nga sa bracelet na soot ni Edward kaya nalaman ko ang pangalan niya. Ginawa ko na lang na apilido niya ang apilido ko at nagpakilala akong asawa niya kaya hinayaan na nila akong iuwi siya.
  
   
"Sa rest house na tinutuluyan ko sa Tagaytay." sagot ko.
  
 
"Bakit apat na buwan siyang nagtagal sayo? Hindi ka man lang ba naging aware na baka may pamilya siya? Na may mga taong naghahanap sakanya?" halata sa boses ni Christina ang pagkainis.
   
  
Hindi naman ako nagpaapekto.
  
  
"Of course I am aware, but he was in a coma for almost 2 months. Paano ko malalaman ang impormasyon tungkol sakanya kung wala siyang malay? Tapos nagising siya na wala man lang ni isang alaala, how could I even help him with that?" hindi ko na naiwasang maging sarkastiko sa mga sagot ko sakanya.
   
   
Naningkit ang mga mata niya, "So hindi mo man lang rin ba narinig sa radio, nakita sa social media o napanood sa news na hinahanap namin siya?"
   
  
Muli akong napalunok sa alaalang sumagi sa isip ko.
   
  
"Ahhhh.." I moaned as I insert his manhood into my private part.
    
  
Nakapaibabaw ako sakanya ngayon at ako mismo ang gumagalaw at nagbibigay ng mas matinding sensasyon. "Hmmm...Charity..." he moan as I moved my hips upside down. I remove my blouse and bra, exposing my boobs infront of him. Inabot niya ito tsaka niya hinawak hawakan habang patuloy ako sa pagtaas baba sa ibabaw niya.
    
   
Mas lalo kong binilisan ang paggalaw dahilan para mapaungol kaming dalawa.
   
 
"Fuck.." I said with a tired tone as we both reach the climax.
  
   
Napahiga ako sa tabi niya para makapagpahinga. Parehas kami ngayong habol habol ang sarili naming mga hininga... Sandaling katahimikan ang namagitan saming dalawa bago siya magsalita, "Wala ka bang balak na sabihin sa mga pulis ang tungkol sa lalakeng yun?"
   
  
Napairap ako, "How many times do I have to tell you Dominic, ayokong magpakita sa mga pulis lalo na't kita na rin ang mukha ko sa news. Kaya nga ako nag-rent ng ganito kamahal na rest house para makapagtago at makalayo, tapos magsasabi ka ng tungkol dyan? Para ko na ring sinuko ang sarili ko kung ginawa ko yun."
   
  
"Paano naman siya?" pagtukoy niya kay Edward na ngayon ay hindi pa rin gumigising sa pagka-comatose.
    
 
"Bahala na. Basta ang isipin mo na lang ay yung mga pinapagawa ko sayo.."
          
     
Napasinghap ako ng malalim tsaka sinagot si Christina, "Private rest house ang nirentahan ko, tagong lugar.. mahina rin ang connection kaya hindi ko magawang makinig ng radio, gumamit ng kahit anong social media o manood." pagsisinungaling kong muli tsaka napaiwas ng tingin.
    
 
Hindi ko alam kung napapaniwala ko ba sila sa mga sinasabi ko... But all I care is for myself.. Dahil alam kong pag sinabi ko lahat ng totoo, paniguradong sira na ang buhay ko. And I don't want that to happen.
   
  
 
---
   

A/N: Mahaba haba din 'tong chapter na 'to. Anong masasabi niyo kay Charity? hehehe

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon