Chapter 12

1.9K 79 9
                                    

Chapter 12
    
  
   
  
   
Nagdaan ang ilan pang mga araw, linggo at buwan ngunit nanataling blanko ang paghahanap namin kay Edward.
      
     
Halos nagawa na namin lahat ng paraan para lang mahanap siya. Ginawan ng maraming leaflets, pina-dyaryo, nag-post sa social media, pina-announce na rin sa radio at nakuha pang ipa-televise sa telebisyon. Maraming oras na kaming ginugol. Malaking pera na rin ang winaldas namin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin siya makita.
   
   
Nakumpirma ko na rin noon na wala talagang kinalaman si Penelope. Sa katunayan, nagulat rin daw siya ng malaman ang pagkawala ni Edward.
    
    
May mga pagkakataon rin na may mga tumatawag sa telepono, sinasabing nakita na daw nila si Edward. Ilang beses kaming nagpaniwala sa mga ganon pero sa tuwing pupuntahan namin ang lugar, nanloloko lang sila o di kaya'y napagkakamalan lang nilang si Edward ang ibang tao.
    
    
Hindi ko alam kung panghihinaan na ba ako ng loob kakahanap sa asawa ko. Ni hindi ko alam kung saang lugar pa ba namin siya hahagilapin. Halos mabaliw na rin nga ako dahil palaging siya ang naaalala ko kahit saan ako mapatingin. Madalas ring napagkakamalan ko ang ibang tao na si Edward kapag kahawig nila ito o di kaya'y kaboses man lang. Sa bawat pagtulog ko rin, palaging siya ang nasa panaginip ko. Sa paggising ko naman, umaasa akong nandiyan na siya sa tabi ko. Kahit anong gawin ko, hindi ko talaga maiwasang mangulila sa taong mahal ko.
    
   
Napapikit ako ng mariin sa mainit na likidong dumaloy mula sa mga mata ko. Dahan dahan ko itong pinunasan pero ramdam ko pa rin ang sakit.
        
   
I can always wipe the tears that falls down through my eyes, but I can never wipe the tears in my heart.
        
     
Apat na buwan na ang lumipas at nag-uumpisa na ring lumaki ang tiyan ko. Dahil sa pagbubuntis ko, naging limitado na ang pagpunta ko ng ibang lugar para tumulong sa paghahanap sa asawa ko. Pinayuhan kasi ako ng doktor na hindi ako dapat magpagod lalo na't maselan ang pagbubuntis ko ngayon. Dahil sa pagiging stress ko, nagkaroon ng enlargement sa puso ko. Nakita ring mahina ang kapit ni baby kaya kailangan kong maging maingat sa bawat kilos ko.
    
    
Dahil sa kalagayan ko, tumira na muna si mama sa bahay para samahan ako. Si papa ang naiwan sa bahay nila at paminsan-minsan na dumadalaw dito. Nag-hire rin sila ng caretaker na aalalay sakin sa tuwing may kailangan ako o di kaya'y pag aalis rin si mama. Inisip ko agad ang kapakanan ni baby kaya hindi na rin ako tumanggi pa.
     
  
Nakakapanlumo ngang isipin na sunud-sunod ang pagdating ng pagsubok sa buhay ko. Minsan napapatanong na lang ako sa sarili ko kung kakayanin ko bang lahat ng ito.
     
    
*ring! ring! ring!*
    
   
Natigil ako sa pagkatulala nang mag-ring ang phone ko. Inabot ko ito at nakitang si Chris ang tumatawag.
    
   
"Hello Chris, kumusta?" bungad ko nang masagot ang tawag niya.
   
  
"Sorry Christina pero, negative na naman dito sa Cebu. Hindi si Edward ang nakita namin dito, napagkamalan lang pala dahil sa soot niya."
        
    
Pumikit ako tsaka huminga ng malalim, "Ayos lang, maybe this is not the time para makita ko siya." sagot ko na lang kahit na nakaramdam ako ng disappointment.
    
   
"Hayaan mo, pupuntahan pa namin ang ibang lugar kung saan sinasabi ng iba na nakita nila si Edward. Babalitaan na lang ulit kita."
    
   
"Sige Chris, salamat. Mag-iingat kayo."
    
  
"Sige, ikaw rin." huling saad niya bago niya patayin ang tawag.
    
   
Laking pasasalamat ko dahil nakilala ko ang tulad ni Chris na hindi rin napapagod na tumulong sakin sa paghahanap kay Edward. Hindi ko na nga namalayan na naging kaibigan ko na siya sa pagsama sakin sa iba't-ibang lugar. Hindi na lang ako nakakasama ngayon dahil sa kundisyon ko.
    
  
"Mama.." napatingin akong agad kay Phin na naglalakad papasok ng kwarto. Mas naging matulin na ang paglalakad niya kumpara noon. Sa likod niya ay nakasunod si mama.
     
   
"Come here." nakangiting sambit ko kay Phin. Nang makalapit siya ay kinuha ko siyang agad tsaka kinandong. "Who's this?" pagtukoy ko sa litrato ni Edward.
    
   
"Dada." aniya tsaka pumalakpak.
      
   
"Very good talaga ang apo ko." natutuwang saad ni mama.
    
  
Kahit na wala si Edward, hindi ako nagkulang sa araw araw na pag-kwento ko kay Phin at sa batang nasa sinapupunan ko ang tungkol sa ama nila. Mabuti na lang at hanggang ngayon ay nagagawa pa ring kilalanin ni Phin si Edward sa tuwing nakikita niya ang larawan nito.
   
  
"Uminom ka na ba ng gamot mo anak?" tanong ni mama.
    
  
Tumango ako, "Oo ma, kanina pa."
    
  
"Bukas nga pala yung schedule mo sa doktor, kaya mo ba?"
     
  
Muli akong tumango, "Kakayanin ko po para sa mga anak ko." at para na rin kay Edward..
      
   
"Wag kang mag-alala anak, magiging okay ka rin. Basta wag kang masyadong magpapa-stress ha? Kumain ka rin ng mabuti para agad kang gumaling."
    
    
Ngumiti lang ako sa sinabi ni mama.
    
    
Napatingin ako sa nakaumbok kong tiyan ng bigla kong maalala ang isang seryosong bagay na gusto kong sabihin sakanila matagal pa simula noong nalaman namin ang tungkol sa paglaki ng puso ko.
    
  
"Ma, may gusto sana akong sabihin." untag ko.
   
  
Lumapit naman si mama tsaka umupo sa tabi ko, "Ano yun anak?"
     
  
"Kapag dumating na ang panahon na manganak na ako at kinakailangan niyong pumili, please, piliin niyo si baby."
    
  
"Ano ka ba naman Christina, wag ka ngang magbiro ng ganyan." ani mama na pinipilit ang sarili niyang matawa.
    
   
"Ma, seryoso ako. Alam niyo naman nina papa na hindi biro 'tong sitwasyon ko diba? Marami na akong mga napapanood at nababalitaan na namamatay sa kalagitnaan ng panganganak nila dahil sa parehas na kundisyon ko."
       
    
"Pero anak, sila yun. Hinding hinding mangyayari sayo ang tulad ng nangyari sakanila lalo na't gagawin natin ang lahat para gumaling ka."
   
  
"Alam ko yun ma, pero hindi rin imposible na matulad ako sakanila." sandali akong natigil para hawakan ang kamay ni mama, "Kaya please ma, kung sakali mang dumating sa punto na kailangan niyong pumili, piliin niyo ang anak ko. Gusto kong siya ang mabuhay, marami na akong naranasan sa mundong 'to at ayokong ipagkait sakanya kung gaano kasarap na mabuhay kasama kayo." paliwanag ko.
   
   
Napaiwas ng tingin si mama. Hindi siya nakaimik at tila nag-iisip ng isasagot niya.
   
   
"Ma please, ipangako niyong si baby ang pipiliin niyo." pakiusap ko.
    
  
Kita ko ang paghugot ni mama ng malalim na hininga, "Kung yan ang gusto mo anak, pangako.."
    
  
Napangiti ako sa isinagot ni mama. Alam kong nakakatakot na maaaring magkatotoo ngang mawala ako sa oras na iluwal ko si baby. Pero kahit papaano, napanatag ang loob ko lalo na't alam kong hindi ako bibiguin ni mama sa hiling ko. Kahit na dumating na si Edward, ganon rin ang hihilingin ko sakanya.
    
   
  
---

Don't forget to like and comment para mas ma-inspire at ganahan ako sa pagsusulat. Mwaaaa! 💜

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Där berättelser lever. Upptäck nu