Chapter 4

2.3K 61 7
                                    

Chapter 4
    
   
   
   
  
Lumipas pa ang ilang oras ngunit wala pa rin kaming natatanggap na tawag kung nahanap na ba si Edward. Namumugto na ang mga mata ko pero wala pa ring balita kahit ano. Ang dami dami ng pumapasok sa isip ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko sa mga positibong pananaw pero hindi ko magawa. Hindi ko rin mabigyan ng pansin si Phin dahil sa sobrang pag-aalala ko kay Edward.
     
  
Ano ng nangyari sakanya?
    
   
*riiing! riiing!*
    
  
"Ako na anak." pagpiprisinta ni papa.
    
  
Hinayaan ko siya. Magkadikit pa ang dalawang mga kamay ko, nagdadasal na sana magandang balita ang hatid nila tungkol sa asawa ko.
  
  
"Hello, kumusta na ang paghahanap niyo kay Edward?" pagsagot ni papa sa tawag.
    
  
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang reaksyon ni papa. Kita ko ang dahan dahan niyang pagyuko at paglingon sakin sa malungkot niyang mukha. Umiling siya bilang pakahulugan na hindi pa rin nahahanap si Edward.
   
  
Mabilis kong inagaw ang phone kay papa, "Anong silbi niyo sa trabaho niyo kung hindi niyo pa rin nahahanap si Edward!" sigaw ko sa kabilang linya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Halu-halong emosyon na ang nararamdaman ko.
    
  
"Ma'am, kalma lang po--"
   
  
"Kalma? Tanga ka ba? Sinong kakalma sa ganitong sitwasyon? Nawawala ang asawa ko! Hindi lang siya basta basta o kung sino man. Naiintindihan mo ba yun, ha? Asawa ko ang nawawala, ASAWA KO!" bulalas ko sabay tapon ng phone.
   
   
"Ahhh!" muli na namang rumagasa ang luha sa mga mata ko. Halos sumabog na ata ang puso ko dahil hindi ko matanggap na nawawala si Edward matapos ng aksidente niya sa kotse. Paanong mawawala siya ng ganon? Ayokong mag-isip ng kung ano pero pinanghihinaan na ako ng loob.
    
  
"Anak, tatagan mo ang loob mo. Mahahanap rin nila si Edward." ani mama habang hinihimas ang likuran ko.
   
   
"Ma, paano ko tatatagan yung loob ko kung alam kong nasa masamang kalagayan yung asawa ko? Naaksidente siya, wasak yung kotse. Paano kung duguan siya? Paano kung nakahandusay na lang siya sa isang lugar pero wala pa ring nakakakita sakanya? P-Paano kung..."
    
  
Hindi ko na lang nagawang magsalita. Hindi ko na rin alam ang sasabihin ko. Kinakain na ako ng mga negatibong naiisip ko. Ginagawa ba talaga nila ang lahat para mahanap ang asawa ko? Kung maaari lang na makapunta akong agad roon para ako ang maghanap sakanya ay ginawa ko na.
     
    
Kasabay ng mga pagluha ko ay ang pag-iyak rin ni Phin. "Da-daaa." aniya pa. Alas-syete na ng gabi at ito ang oras kung saan nilalaro ni Edward ang anak namin. Nasanay doon si Phin kaya hinahanap na niya ngayon ang ama niya.
   
  
Nakaramdam ako ng lungkot para sa anak ko. Tumigil ako sa pag-iyak sabay ng pagtayo ko para kunin si Phin kay mama.
     
  
"Shhh, mommy's here.." sambit ko habang nagpipigil ng iyak. Nakuha ko pang halikan sa noo si Phin sabay himas sa likuran nito para patahanin siya.
     
   
"Hayaan mo anak, bukas na bukas, magpapadala tayo ng mga pulis doon para tumulong sa paghahanap sa asawa mo." sabi ni papa.
     
   
Napatango ako. "Sasama ako sa paghahanap pa."
  
  
"Kaya mo ba?"
   
 
"Kaya ko pa. Mas hindi ko naman kakayanin kung nandito lang ako sa bahay at hindi mapakaling maghintay sa balita nila. Mabuti pang sumama na lang ako para makatulong sa paghahanap sa asawa ko."
    
  
"Pero anak, malayo yun. Isa pa, malaki rin ang lugar ng Cavite, pa--"
   
 
"Ma, alam ko." pagputol ko agad sa sinasabi ni mama. "Hayaan niyo na lang akong sumama. Alam kong kailangan ako ng asawa ko kung nasan man siya ngayon. Isa pa, kung kayo rin ang nasa sitwasyon ko ngayon, sigurado namang ganon rin ang gagawin niyo.."
    
  
Hindi na nakaimik sina mama't papa sa sinabi ko. Napalunok naman ako sabay iwas ng tingin nang mapagtanto kong nakatulog na si Phin sa balikat ko.
   
   
"Ilalagay ko lang po muna sa crib itong si Phin." pagpapaalam ko.
   
 
"Sige anak, sasamahan na kita." si mama.
    
 
"Pupunta muna ako ng bahay, kukuha ako ng mga gamit namin ng mama mo para samahan ka dito." si papa.
   
  
Tumango ako. "Sige pa, mag-iingat po kayo."
    
  
"Salamat anak, babalik rin ako agad."
     
  
Pilit akong napangiti. Naalala kong ganon rin ang sinabi ni Edward kaninang umaga....pero hindi siya nakabalik.
   
  
"Sige anak, mauna kana sa kwarto ni Phin. Ihahatid ko lang si papa mo hanggang labas." untag ni mama.
    
  
Tumango na lang ako't mabilis silang tinalikuran patungo sa kwarto ni Phin. Pagpasok ko doon ay una kong binuksan ang ilaw. Sunod kong tinungo ang crib at dahan dahang nilagay doon si Phin.
     
  
Pinagmasdan ko lang ang anak namin. 
   
  
Mahimbing siyang natutulog at walang kamalay-malay sa mga nangyayari. Kahit kalmado ako, ramdam ko pa rin ang lungkot at sakit sa dibdib ko. Iniisip ko pa rin kung nasaan na si Edward sa ganitong oras at kadilim na gabi. Nag-aalala ako. Paano kung hindi na namin siya makita? Paano na si Phin? Paano na ako? Hindi ko kakayaning mabuhay ng wala si Edward..
     
   
Ramdam ko na naman ang paglandas ng luha sa kaliwang mata ko. Mabilis ko iyong pinunasan tsaka tumingala para pigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Pilit kong tinatatagan ang loob ko. Lahat ay dinadaan ko sa kalmado at positibo. Iniisip na magiging maayos rin ang lahat. Pagsubok lang 'to na malalagpasan rin naming agad.
    
   
Hinimas ko ang tiktok ng ulo ni Phin. Kita ko ang pagngiti ng mga labi niya. Sa isip ko, baka nananaginip siya tungkol kay Edward. "Mahahanap rin natin agad si dada." bulong ko.
    
  
"Anak.." napatingin ako kay mama. Nasa pintuan siya. Mukhang kanina pa siya doon at pinagmamasdan lang rin ako.
    
  
"Nakaalis na ba si papa?" tanong ko.
   
 
"Oo nak, kanina pa." sagot ni mama habang naglalakad papasok ng kwarto.
    
  
Napatango na lang ako. Umupo ako sa sofa tsaka hinilamusan ang mukha ko gamit ng dalawa kong mga kamay. Ang bigat pa rin talaga ng pakiramdam ko. Unang gabi ito na hindi ko kasamang matutulog ang asawa ko. Unang gabi ito na wala siya sa bahay.
    
  
Ang sakit.. sobrang sakit..
    
   
"Alam kong marami kang iniisip ngayon anak. Pero sana, wag ka pa ring panghinaan ng loob. Mahahanap rin natin siya agad, hindi man ngayon, pwedeng bukas o sa mga susunod na araw. Tiwala lang anak, hindi kayo papabayaan ng Diyos." sambit ni mama na halatang pinapatatag ang loob ko.
  
  
Napangiti ako ng mapakla. "Sana nga ma, sana.." ayokong kwestyunin ang Diyos pero, kung hindi niya nga talaga kami pinapabayaan, bakit kailangan pang mangyari 'to samin?
       
   
 
---

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now