Chapter 33

2.7K 100 91
                                    

A/N: So hello everyone, eto na ang pinakahihintay niyo (o ng iba lang hehe). Ang point of view ni Edward Fourth Smith. Enjoy!
    
    
Chapter 33
    
    
   
     
    
Apat na buwan na rin simula nang makabalik ako ulit dito sa totoong pamilya ko. I felt unfamiliar that time lalo na't wala talaga akong maalala. Inakala ko nga noon na baka hindi ko kayang mag-adjust lalo na't nasanay ako sa dalawang buwan na si Charity ang kasama ko.
    
  
I can still remember when I woke up from a comatose and Charity is the first person I saw sitting beside me. Hindi ko alam pero pumasok sa isip ko noon na may asawa ako pero hindi ko matandaan kung sino at anong itsura. Bawat gabi ay madalas ko ring mapanaginipan ang isang babae, hindi ko nakikita ang mukha niya pero alam kong masaya ako kapag kasama siya. Kapag pinipilit ko namang tandaan ang kakaunting detalye sakanya ay sumusumpong naman ang sakit ng ulo ko. Palagi kong kinukulit si Charity hanggang sa sagutin na lang niya ako na siya ang asawa ko.
   
    
Kinwento niya sa akin kung saan daw kami unang nagkakilala, kung paano kami nagsimula hanggang sa ikasal kami sa simbahan. Aaminin ko na naniwala ako. Masyado akong nagtiwala sakanya dahil sa wala akong ideya sa pagkatao ko.
    
   
Naging malapit kami ni Charity sa isa't-isa. I really treated her as my wife. Naisip ko rin nung mga oras na yun na bilang ganti sa pag-aalaga niya sakin sa pagka-comatose ko ng dalawang buwan ay ako naman ang mag-aalaga sakanya. Palagi talaga kaming magkasama noon dahil nakatira kami sa isang tagong rest house. Kung saan sa labas ay dagat lang ang nakikita ko, mga huni ng ibon at pagpaspas ng alon lang ang naririnig ko, at bukod sa sariwang hangin ay si Charity lang ang taong nararamdaman ko.
    
   
Habang lumilipas rin ang mga araw, paunti-unti akong ginugulo ng bawat detalye ng mga nakaraan ko. Hindi ko naman makuhang maintindihan dahil magulo at paputol-putol ang mga senaryo. Hanggang sa isang gabi, napanaginipan ko ang lugar na puno ng mga lamang-dagat, maganda at tila nasa isang malaking aquarium sila na dinadayo ng mga turista. Sinabi ko agad yun kay Charity pagkagising ko at agad naman niyang nakuha ang lugar na tinutukoy ko, ang Ocean Park.
    
     
Nagyaya akong pumunta sa lugar na yun at pumayag siya. Habang nasa byahe ay nakuha na niyang magpa-reserve ng condominium para saming dalawa malapit sa Ocean Park. Gabi na ng makadating kami ng Manila, at saktong gabing rin yun ay may nangyari saming dalawa. After that, I felt something that isn't good. I don't know pero pakiramdam ko parang may mali, nakokonsensya ako na hindi ko alam kung bakit.
     
     
Kinabukasan, pumunta na rin kami ng Ocean Park. Nakaramdam ako ng saya habang lumilibot kami ni Charity. Alam kong may masayang alaala ako dito pero hindi ko lang alam ang buong detalye. Dahil na rin sa pagtataka, naglakad lakad pa ako hanggang maiwan ko na si Charity.
    
  
Nang mapadpad ako sa isang parte ng lugar ng Ocean Park, ay may kirot akong naramdaman sa puso ko. Parang nangungulila ako sa kung ano o sino, pakiramdam ko talaga ay may kulang pa rin sakin, sa pagkatao ko.
    
     
"Mama there.." it's a kid.
    
  
Napasapo ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng sakit sa alaalang yun. Imbis na tigilan ko ay pinipilit ko pa ring alalahanin lahat, tumakbo ako, nagpalinga-linga na bakasali ay madagdagan pa ang alaala ko.
    
  
"E-Edward?" I'm not familiar with her voice but it made me stop. "Edward, ikaw ba yan?" I faced her, and as I saw her, I remember the girl I always saw in my dreams.
   
    
Siya ba yun?
    
 
Lumapit ako. And it feels weird because my heart is pumping so loud. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o iba pa. Hanggang sa makalapit ako, I managed to ask her, "Sino ka?"
   
   
Doon na nga nagsimula lahat, na malaman ko ang totoo sa pagkatao ko. Gulong-gulo ako sa puntong yun dahil all this time, naniwala ako kay Charity. Pero hindi ko siya kinwestyon, hindi rin ako nagalit sakanya, inisip ko na ginawa niya lang yun para sa ikabubuti ko.
    
    
Nang maisama na ako ni Christina sa bahay ay tanging si Phin lang na anak namin ang madalas kong pinapansin. Nakakalungkot nga na pati siya ay hindi ko magawang maalala, kahit ang mama ko, mga kaibigan namin, kahit sino wala. Tahimik lang ako dahil hindi ko talaga alam kung sinong pakikisamahan ko kahit na si Christina na totoong asawa ko.
       
      
Hindi ko kayang makinig sa mga kwento niya dahil ang tanging lumalabas sa alaala ko ay ang sakit na naramdaman ko sakanya. Naglalasing  ako pero hindi ko alam kung bakit. Masyadong magulo. Hindi ako naiinis o nagagalit sakanya, malayo lang ang loob ko dahil nasanay ako kay Charity.
   
   
Kahit na pinapakita ko kay Christina ang pagkawalan ko ng interes ay siya pa rin 'tong patuloy na sumusuyo sakin. Isang umaga ay nagising akong may ginawa siyang breakfast.  Nakaramdam ako ng tuwa sa loob ko pero hindi ko pinahalata. Narealize ko rin sa puntong yun na dapat hindi ko siya binabalewa. Sinabi ko sakanyang nagustuhan ko ang niluto niya para ipakitang naa-appreciate ko ang ginawa niya.
        
   
Yun na sana ang simula para mapalapit ako sakanya pero biglang nagbago ang pakiramdam ko nang may makita akong lalake dumalaw sakanya. Nagalit ako sa totoo lang, pero sandali lang yun dahil naisip kong baka kaibigan niya lang pala.
    
     
One day, habang nasa byahe kami ni Christina papuntang OB/GYN ay panay ang kwento niya sa mga bagay na nagawa namin na hindi ko naman magawang maalala. Pinipilit kong makasagot, makitawa at makisama sakanya pero alam kong kulang.
     
   
"I-I'm sorry kung hindi kita magawang sagutin ng maayos sa mga kwento mo.. I'm sorry kung hindi ko kayang sumabay sa bawat tawa mo.. and I'm really, really sorry kung bakit ganito ako." paghingi ko ng tawad.
     
     
Naiinis ako sa sarili ko, sobrang naiinis ako pero siya, "It's okay Edward, naiintindihan ko." nakuha niya pa rin akong intindihin na naging dahilan para mas lalong gumaan ang loob ko sakanya.
    
   
Matapos niyang magpa-check up ng araw na yun ay nakuha naming pumunta sa mall. Nagyaya si Christina para mamili ng mga pagkaing satingin ko ay pinaglilihian niya. Nakalimot lang ako pero hindi naman ako bagong panganak sa mundo para hindi malaman na normal sa babaeng nagbubuntis ang maghanap ng marami at kakaibang pagkain.
     
   
Ngayon yung fireworks display sa labas ng Ocean Park diba?" kita ko ang paglingon ni Christina sa dalawang taong kasabay namin sa paglalakad.
      
     
Napatingin rin ako.
     
     
"Oo nga pala, gusto mong pumunta?" tanong ng lalake sa babae.
     
    
"Oo naman!" masayang sagot ng babae.
     
     
Umiwas ng tingin sabay napanguso si Christina. Hindi ko alam kung ano bang tumatakbo sa isip niya. Sa tingin ko naman, maaaring gusto niya ring manood ng fireworks.
    
    
"Do you want to go too?" tanong ko sakanya.
    
    
"S-S-Saan?" nauutal niyang sambit.
         
      
Natawa pa ako ng kaunti, she's so cute, "Fireworks display, maybe?" sagot ko.
     
    
She bit her lower lip as she nodded in response, "O-Of course, I do!"
     
     
Sa madaling salita, pumunta nga kami sa fireworks display. Halata sakanyang excited siyang makita ang mga makukulay na paputok sa kalangitan. Abot tenga pa ang mga ngiti niya habang pinapanood na ang fireworks display. I don't know if this was just her favorite or maybe it has a memorable memory that she treasures a lot.
        
     
"Ang ganda.." narinig kong sabi niya habang itinataas ang kamay niya.
     
   
Like you Christina, you're also beautiful..
         
     
Gusto ko mang sabihin ang mga salitang yun pero wala akong lakas ng loob. Hindi ko alam kung romantic ba ako noon at baka isipin niyang ang weird ko na ngayon kung sasabihin ko yun.
     
   
Bigla akong napatingin sakanya nang hawakan niya ang kamay ko't ipatong ito sa dibdib ko, "Hindi mo man ako naaalala diyan sa isip mo, pero alam kong dito sa puso mo... nararamdaman mo pa rin ako."
     
    
Naging maayos ang pagitan saming dalawa ni Christina. Tuluy-tuloy na sana pero...
     
   
"She's with someone Edward.." ani Charity na ngayon ay nasa harapan ko na. Nagulat nga ako sa biglang pagdalaw niya. Una ay nangamusta siya hanggang sa mapunta kay Christina.
    
   
"Baka nagkamali ka lang ng nakita mo Charity." imposible kasi ang sinasabi niya. Nagpaalam si Christina kasama ang mga kaibigan niya.
   
  
"Come on Edward, believe me. Kitang-kita ko pa sa dalawang mata ko."
   
   
"Maybe it's just her friend or someone she knows.." pagtatanggol ko pa.
    
   
"I don't know Edward. Iba kasi ang dating ng pagtititigan nilang dalawa. They're too close to each other while talking, and there smiles? It's indescribable."
    
       
Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi ni Charity. Nagawa kong maniwala kaya nakaramdam ako ng pagkadimaya at galit. Christina lied to me. She's cheating on me.
     
   
Ilang oras lang din nun ay umuwi na si Christina. Halata sakanya ang pagkagulat nang makita niya si Charity. Inisip ko sa pagkakataong yun na maaaring kinakabahan na siya dahil nabuking siya sa pagsisinungaling niya.
    
   
Hanggang sa umalis si Charity ay doon naman kami nag-usap ni Christina. Usap na napunta sa sagutan at komprontahan.
    
   
Napatiim-bagang ako, "Sana nga ganon na lang Christina, sana.."
    
   
Nangunot ang kilay niya sa pagtataka, "A-Anong ibig mong sabihin, Edward?" 
   
   
"Wag ka ng mag-maangmaangan pa Christina, alam kong ginagamit mo lang na dahilan ang mga kaibigan mo para makipagkita sa lalake mo." hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko sa galit. 
    
  
"A-Ano? Edward..anong sinasabi mo? Hindi ko magagawa sayo yun." hahawakan niya sana ang kamay ko pero mabilis kong iniwas ito papalayo.
  
    
"Don't you dare lie to me, Christina. Nakita ka mismo ni Charity--"
     
   
"Charity?!" naputol ang sinasabi ko sa pagsigaw niya. Ipinaliwanag niya ang lahat, kung sino ang lalakeng nakita ni Charity, ano ang ugnayan nila, paano sila nagkita at anong pinag-usapan nila.
     
    
Nakonsensya ako sa totoo lang pero nakuha ko pa ring ipagtanggol si Charity, "She's just concern, Christina." damn!
    
   
Tuluy-tuloy lang ang sagutan namin hanggang dumating sa puntong masabi ko na lang na, "Baka nga may posibilidad na, hindi pa ako ang ama ng dinadala mo--"
     
      
*SLAP!*
    
    
Nasama patagilid ang ulo ko sa malakas niyang pagsampal sa pisngi ko. Para akong naestatwa sa kinatatayuan kong yun habang naririnig ang mga sinasabi niya kasabay ng paghikbi niya. Gusto kong bawiin sa mga oras na yun lahat ng sinabi ko, gusto kong humingi ng tawad pero...alam kong wala na ring magagawa yun, nasabi ko na, nangyari na...nasaktan ko na siya.
    
    
Matapos ng pangyayaring yun, parang mas nawalan ako ng lakas ng loob na lapitan na siya. Everything I say and everything I do comes out all wrong. Ayoko na siyang masaktan. Nakakagago lang na asawa niya ako pero ginagawa ko sakanya ang ganitong mga bagay. I hate myself for being like this. I tried to change, I tried to bring back the things they used to see about me, I really do, but.. I just keep messing up.
     
     
Hanggang sa imbitahan kami sa kasal nila ni Mickie at Carlo ay ako ang hiningan nila ng pabor para kumanta sa mahalagang okasyon ng buhay nila. Aaminin ko na habang kumakanta ako nun ay nakatitig lang ako kay Christina. May kaunting alaala sa isip ko kung saan pareho kaming nasa isang stage, nakangiti kami habang hawak hawak ko ang kamay niya.
    
    
Naaalala ko rin kahit papaano na nakasoot rin siya ng puting gown, she's so beautiful...until now. She also got such a good heart. She really does. But, it's just been broken... by me.
    
  
That night, gusto ko siyang kausapin. Gusto kong subukang mapalit sakanya pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Ilang beses kong pinag-isipan ang bagay na yun hanggang sa dumating yung pagkakataon na tunugtog ang isang pamilyar na kanta sakin.
    
   
Walang anu-ano'y tumayo ako't nilahad ang kamay ko sakanya para yayain siyang sumayaw. Akala ko pa nga ay tatanggi siya dahil hindi siya nakasagot agad.
     
     
Habang sumasayaw kami ay nakatitig lang ako sakanya. Pinapakita kong kalmado ako pero sa loob ko, parang may tambol na dumadamba sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
      
   
"I want to grow old with you
I want to die lying in your arms
I want to grow old with you
I want to be looking in your eyes
I want to be there for you, sharing everything you do
I want to grow old with you.." I did that on purpose. Sinadya kong sumabay sa kanta dahil alam ko at malinaw sa sarili ko na siya ang gusto kong makasama hanggang pagtanda.
  
    
Natigil kami sa pagsasayaw nang magsalita ang emcee. Bumalik kami sa table namin ni Christina. Sakto at napasilip ako sa phone ko't nakatanggap ng text mula kay Charity.
     
    
Text message from Charity: Can we talk? Nasa labas lang ako ng hall kung nasaan ka.
   
   
Nagulat akong nandito rin siya. Oo at nabanggit ko sakanya ang pagpunta namin dito pero hindi ko sinabing sumunod siya. Nagpaalam ako sa mga kasama namin na mag-c-CR lang muna ako. Paglabas ko ng hall ay bumungad nga doon si Charity. Agad ko siyang nilapitan at hinila sa papalayo sa hall patungo sa tahimik at medyo tagong lugar.
   
  
"What are you doing here Charity?" tanong ko.
     
  
"I-I just missed you Edward. Aren't you happy that I'm here?"
  
 
Suminghap ako, "Charity, I told you. Stop following me.. baka kung anong isipin ni Christina kapag nakita ka niya."
   
  
"Christina na naman? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na niloloko ka lang niya. Bakit hindi na lang ulit ako ang piliin mo Edward? Mahal naman kita ah, diba alam mo yun?"
   
   
"Charity please, you have to stop this.. baka nadala ka lang sa pagsasama natin--"
    
 
"No!" sigaw niya dahilan para matigil ako sa sinasabi ko. "Believe me, I-I'm telling the truth.." dagdag niya pa.
   
  
"Look Charity, that's not possible,  alam mong may asawa na ako." diniretso ko na siya.
    
     
Lumapit si Charity tsaka hinawakan ang mga kamay ko, "No Edward.. don't you remember? tinuring mo rin akong asawa mo diba, you told me that you also love me like how much I love you.."
   
  
Napailing ako, "Charity, don't get it wrong.. inakala ko lang na asawa kita dahil yun ang sinabi mo. Pinaniwala mo ko na nagkakilala na tayo noon pa, you make your own story and even told me na kinasal tayo sa ibang bansa."
     
    
"I just did that dahil ayokong nahihirapan ka. Ayokong pinipilit mong alalahanin lahat kahit alam mong hindi mo pa kaya... Mahal kita Edward kaya ko lang nagawa lahat ng yun." alam ko..
    
  
"Charity, please, stop this.. hindi pwede 'to lalo na't may pamilya na ako. You see, I have Christina, my wife. Buntis siya at nagi-guilty ako kung ipagpapatuloy pa natin 'to." isa pa, paunti-unti ko na ulit nararamdaman ang pagmamahal ko sakanya.
     
   
Napaiyak na siya, "Paano naman ako Edward? B-Buntis rin ako...a-at ikaw ang ama. Hahayaan mo na lang ba kami ng magiging anak mo?"
   
  
Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. Imposibleng mabuntis siya dahil nakita ko pa siyang nagka-period pagkatapos ng isang linggo ng may mabgyari samin.
    
   
"That's not true Charity.. you're joking, right?" utas ko.
    
  
"Totoong sinasabi ko Edward! Imposibleng sa ibang lalake 'to dahil sayo lang ako nakipag-siping Edward, sayo lang.." hindi ako naka-imik, "Kung gusto mo, ipa-DNA pa natin para maniwala ka lang." determinado niyang sambit.
    
   
Pumayag ako. Sobrang nalugmok ako sa pagkakataong yun dahil oras na maging positive ang DNA, malaking gulo ang idudulot nito sa pamilya ko.
    
    
Hindi ko nagawang sabihin kay Christina dahil natatakot ako. Natatakot ako na masasaktan siya, na baka anong sabihin niya hanggang sa paalisin na lang niya ako sa buhay nila ni Phin. Natatakot akong mangyari lahat ng yun lalo na ngayong paunti-unti ng bumabalik ang mga alaala ko.
    
   
Nang lumipas ang ilang araw ay nagawa kong samahan si Charity sa doktor para pareho kaming magpa-test ng DNA sa baby na nasa tiyan niya. Matapos rin ng araw na yun ay hinatid ko siya sa mismong condo niya tsaka na umuwi samin.
   
    
*ring! ring! ring!*
   
   
Natigil ako sa mga alaala kong yun sa pagtunog ng phone ko sa kabilang kwarto. Sandali ko munang sinilip si Phin na mahimbing na natutulog sa crib niya. Tumayo na ako't pumunta sa kabilang kwarto kung saan nakita kong wala si Christina. Inisip ko na baka nasa CR lang siya kaya hindi ako kinabahan. Kinuha ko ang phone ko tsaka sinagot ito,
   
  
"Hello?"
   
  
"Hello sir, is this Mr. Edward Fourth Smith, husband of Mrs. Christina Gabriela Smith?"
      
  
Nangunot ang noo ko, "Yes, who's this?"
   
  
"I'm one of the employees here at Makati Medical Center, sinugod po ang asawa niyo dito and she needs you right now, as soon as possible." Shit!
    
  
Hindi ko na nagawang sumagot sa kaba at takot na naramdaman ko.  I hope this was just a prank. Binuksan ko ang pinto ng CR at bathroom pero wala nga doon si Christina. Bumaba rin akong agad, tiningnan ko siya sa sala, kusina at iba pang kwarto pero wala talaga siya. Sinilip kong muli ang phone ko at nakita ang isang open message ni Charity na nagsasabing, "Meet me here at Blackbird, Makati Restaurant. I have something to tell you. I'll wait♥" 
   
   
Shit!!
    
   
Mukhang si Christina ang nakipagkita kay Charity kaya umalis siya ng bahay ng hindi pinapaalam sakin!
      
  
"Oh Edward, anong problema?" tanong sakin ng mama ni Christina.
   
  
"S-Si Christina po, sinugod daw siya sa ospital."
  
  
"Ano?! P-Paano? Nasa taas pa lang siya kanina ah?!" gulat na sambit ni tita.
   
  
"Y-Yun nga rin po ang alam ko pero, h-hindi ko alam na umalis pala siya.." nauutal kong sagot sa taranta.
      
   
"Diyos ko ang anak ko! Saan daw ospital?"
  
 
"S-Sa Makati Medical Center daw po."
   
 
"Oh tara na!"
    
    
Agad kaming sumakay sa kotse patungo sa ospital. Pinaubaya muna ni tita si Phin sa katulong na nasa bahay kung sakaling magising siya. Habang ako ay pinagpapawisan na ng malagkit habang nagmamaneho. Halos lumipad na nga ang sinasakyan namin sa pagmamadali ko mapuntahan lang agad si Christina.
   
  
Sobrang kinakabahan ako na baka kung anong mangyari sakanila ng anak namin na dinadala niya. Sana lang wala, sana...
    
  
Pagdating namin ng ospital ay nagmadaling bumaba si tita at naunang pumasok sa loob habang naiwan ako't ipinaparada pa ang kotse. Shit! Shit!! Ilang beses na akong nagmumura hanggang sa makasunod na rin ako sa loob. Hindi ko na naabutan si tita kaya nagtanong ako sa information area.
    
  
"Ahhh, kayo po pala ang mister. Kasalukuyan po siya ngayong nasa emergency room--" hindi ko na pinatapos ang sinasabi ng babae at agad akong tumakbo papunta sa sinasabi niya.
     
      
Iba-ibang mukha ang sumalubong sakin pagpasok ko ng emergency room. Napalinga-linga ako sa paligid sa pag-asang makikita ko agad si Christina. Tumakbo ako sa bawat kurtina tsaka iyon hinawi para hanapin siya.
    
 
God! Nasan ka Christina..
        
    
Patuloy lang ako sa paghahagilap sakanya hanggang sa marinig ko ang boses ng isang lalake na sa tingin ko ay isang doktor, "Her vital signs are decreasing!"
    
  
Parang may tumulak sakin na pumunta doon. Naglakad ako. Saktong pagsilip ko ay nakita ko doon si tita na umiiyak na at si Christina, na nakapikit at nire-revive.
    
  
"Clear!" unti-unti ko nang naramdaman ang pananakit ng lalamunan ko.
    
   
Para akong nasa isang bangungot habang pinagmamasdan ang babaeng umintindi at nagpahalaga sakin na nag-aagaw buhay na ngayon. Ramdam ko na rin ang unti-unting pagbigat ng dibdib ko habang naririnig ang tunog ng heartbeat monitor niya na pabagal ng pabagal.
    
   
"The patient is still not responding, clear!"
    
   
God Christina! Wake up! Please wake up! Your son still needs you, and also me! Don't die! Don't die! Please open your eyes Christina, Don't do this to me...I love you...please..
   
   

 
  
"Time of death, 10:24--"
    
  
"No! Hindi pa siya patay!" sigaw ko tsaka tinabig ang mga nakapalibot na nurse na inaalis ang mga kung anong nakakabit kay Christina.
   
 
Lumapit ako sakanya sa pag-asang didilat siya't titingin sakin kasabay ng pagngiti niya. "Christina, please wake up.." pero hindi siya nagising. Nukhang huli na nga ang lahat dahil tumigil na sa pagtibok ang puso niya, "N-No... this can't be, no..." pumatak na ang mga luhang kanina pa nagbabadya sa mga mata. Napaluhod na lang ako sa gilid ni Christina tsaka hinawakan ang kamay niya.
    
   
    
   
    
    
    
    

Don't do this to me...
   
     
    
   
    
    
       
    
     
   

    
    
     
     
      
    

Don't leave me...
      
       
     
    
    
    
    
      
   

Mas lalong bumuhos ang mga luha ko nang hindi ko na maramdaman ang kahit anong pagresponde niya. Nothing has made me sadder and broken than imagining myself living without her. Hindi ko kayang tanggapin na wala na siya. Ni hindi man lang ako nakabawi sakanya. Hindi ko pa naparamdam sakanya kung gaano siya ka-espesyal, at ni hindi ko man lang din nasabi kung gaano ko siya kamahal.
    
     
Binaon ko ang mukha ko sa kamay niya. Nagdadasal na sana hindi nangyayari 'to. Na sana bigyan pa ako ng pagkakataon na makasama pa siyang ulit...please.
     
    
   
"Edward.."
  
    
   

(MUST WATCH THIS VIDEO)
  
---
   
A/N: So first of all, mahaba na nga 'tong chapter na 'to dahil obviously 3,500+ words ang nagamit ko. Second, ako mismo gumawa ng video para kahit papano makita niyo yung scenes na "parang" totoo. And third, sana lang wag akong pangunahan ng "IBA" sa pag-a-update kasi merong "IBANG" comments na nakaka-offend talaga. Parang pinaparamdam na hindi worth it yung bawat chapter na nagagawa ko sa bawat araw. Friend, may buhay rin ako kaya hindi lang 'to ang ginagawa ko. Hindi rin madaling type ka ng type kasi nag-iisip ka ng scenes at dialogue sa story. Just be thankful na nakakapag-update pa ako every day. Kaya kung sobrang impatient ka, get lost. I don't need you here. :)

At sa "IBANG" comments na rumerespeto at patuloy na sumusuporta, salamat. Nawawala yung sakit na nabibigay ng "IBANG" comments sa mga comments niyo. Mwaaa!💜

P.S. Hindi pa tapos ang storyang ito hehe

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now