Chapter 7

2K 53 8
                                    

Chapter 7
     
   
   
  
  
Nagising na lang ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Puro kulay puti ang nasa paligid. Saktong pagbangon ko ay ang mabilis na paglapit sakin ng mga kaibigan ko.
    
   
"Oh teka, dahan dahan lang." pag-alalay ni Paul para makaupo ako ng maayos.
    
  
"Kumusta ng pakiramdam mo Christina?" tanong naman ni Lawrence.
      
  
"Uhh, ayos na.. nasan nga pala tayo?"
     
  
"Nandito tayo ngayon sa ospital Christina. Dinala ka namin dito matapos mong himatayin kanina." si Isabel ang sumagot.
      
   
Oo nga pala, natandaan kong nawalan ako ng malay matapos kong magsuka.
    
  
*tok! tok! tok!*
   
   
Napatingin kaming lahat sa pinto. Si Carlo ang malapit doon kaya siya ang nagbukas nito. "Kayo po pala doc." aniya nang sumalubong ang isang doktor.
    
  
"Gising na pala ang pasyente." saad ng doktor habang papalapit sa amin.
  
 
"Ahh opo doc, kumusta po? Wala naman po siyang sakit kaya siya hinimatay diba?" usisa ni Mickie.
    
  
Kinabahan naman ako. Hindi ko naman kasi masasabing may sakit ako. Kanina ko lang talaga naramdaman ang kakaibang pagod at pagkahilo. Siguro dahil lang 'to sa stress at araw-araw naming pagpunta sa Cavite.
    
  
"Wag po kayong mag-alala. Wala pong sakit ang pasyente. Sa katunayan, ang panunuka at pagkahilo niya ay mga symptoms na nagsasabing nagdadalang tao siya." anang doktor na ikinagulat ko.
     
   
Sabay sabay na nagtinginan ang mga kaibigan ko sakin. Lahat sila ay mukhang hindi makapaniwala. Kahit ako, hindi ko alam na buntis pala ako sa pagkakataong ito. Hindi ko inaasahan na makakabuo ulit kami ni Edward ng panibagong anak.
    
  
"Buntis siya doc?" paniniguro pa ni Mickie.
    
  
"Opo." humarap sakin ang doktor. "Congratulations ma'am." nakangiting sambit niya tsaka ako kinamayan.
   
  
"Thank you doc.."
    
  
"Sino po sakanila ang ama?" biglang tanong ng doktor dahilan para matahimik ang lahat. Sandali pa kaming nagkatinginan nina Isabel at Mickie bago ako sumagot.
    
  
"Wala po.." nawawala siya..
      
  
"Ahhhh, pasensya na po. Sige, maiwan ko muna kayo. May aasikasuhin rin muna akong ibang pasyente... Congratulations po ulit ma'am." huling saad ng doktor bago niya lisanin ang kwarto.
   
   
Napayuko naman ako tsaka hinawakan ang tiyan ko. Magkakaron na ng kapatid si Phin. Siguro kung nandito lang si Edward, paniguradong matutuwa yun lalo na't gusto niyang masundan ang panganay namin. Siguro tulad noon, baka naglulundag ulit siya sa balitang magkakaron ulit kami ng anak.
   
   
"Okay ka lang ba Christina?" naramdaman ko ang paghaplos ng kamay ni Isabel sa likuran ko.
   
  
Tumingala ako sakanya, "Okay lang, masaya kasi magkakaron na kami ng pangalawang anak ni Edward.." sandali akong natigil para lumunok. Ramdam ko na naman kasi ang masakit na pagbara ng lalamunan ko dahil sa pagpipigil ko ng iyak. "Pero siguro, mas magiging masaya ako kung nandito siya." pinilit kong ngumiti.
   
   
Naramdaman ko naman ang pagtabi nina Isabel at Mickie sa magkabilang bahagi ng kamang hinihigaan ko. Parehas nila akong niyakap. "Hayaan mo Christina, makikita rin natin siya. Pag nangyari yun, agad mong ipaalam yang tungkol sa pinagdadala mo, paniguradong matutuwa yun." ani Mickie na halatang pinapagaan ang loob ko.
    
    
Matapos nun, nagawa na rin naming umalis ng ospital at umuwi. Naghiwa-hiwalay na rin kaming magkakaibigan matapos nila akong maihatid sa bahay. Sinalubong nga akong agad ng magulang ko pati na ng mama ni Edward. Nakarating din pala sakanila ang nangyari sa akin. Ipinaliwanag ko naman ito tsaka na rin binaggit ang tungkol sa pagdadalang tao ko. Syempre, tuwang tuwa sila. Nakuha pang magbiro ni papa na talagang lolo't lola na sila.
     
   
"Sige po ma, pa, mommy Madelle, pasok po muna ako ng kwarto ng makapagpahinga ako." pagpapaalam ko.
   
  
"Osige ija, kailangan mo nga talaga yan para makabawi ka ng lakas." ani mommy Madelle.
    
 
"Oo nga anak, kami na rin munang bahala kay Phin." utas naman ni mama.
    
  
"Basta anak, magsabi ka lang kung may kailangan ka ah? Nandito lang kami sa baba." si papa.
   
  
"Sige po, salamat." saad ko bago lisanin ang living room. Umakyat akong agad patungong kwarto.
    
    
Tulad pa rin nitong nakaraang linggo, katahimikan pa rin ang sumalubong sa akin. Walang Edward na nagpapasaya o nanlalambing man lang. Nagawa ko pang ilibot ang paningin ko sa kwarto pero puro alaala lang niya ang tumatakbo sa isip ko. He never leaves my mind but yet I cannot touch him or feel him.
    
  
Napabuntong hininga akong umupo sa kama. Sa tabi nito ay isang table na pinaglalagyan ng lampshade at isang picture frame kung saan magkasama kami ni Edward at masayang nakangiti.
      
   
Kinuha ko iyon at dahan dahang hinawakan ang parte ng litrato kung nasaan si Edward. "Nasan ka na ba asawa ko?" garalgal na ang boses ko. Alam kong anumang oras ay maiiyak na naman ako dahil sa lungkot, pangungulila at sakit na nararamdaman ko.
     
  
"Buntis ulit ako, masusundan na si Phin, diba ito ang gusto mo?" pilit akong ngumiti sa litrato pero luha lang ang namuo sa mga mata ko. Luha na dahan dahan tumulo at pumatak sa litrato. All the pain comes rushing back again.
    
   
Napahikbi na ako.
    
  
"U-Umuwi kana please.. kailangan kita, kailangan ka namin ng mga anak mo.." mas lalo akong napahagulgol sa iyak. Alam kong walang sasagot na Edward sakin pero umaasa akong makakarating man lang sakanya ang sakit at paghihinagpis ko sa pagkawala niya.
   
    
Missing him is the hardest thing I've got to deal with everyday...
    
    
Alam kong dapat akong magpakatatag pero nakakapagod rin pala. It hurts when you go through something that kills you inside but you have to act like it doesn't affect you at all. Yung tipong iisipin kong magiging maayos rin ang lahat. Tipong nagagawa kong ngumiti sa labas kahit pagkukunwari lang iyon para takpan ang sakit sa loob. Tipong sinasabi ko sa sarili kong okay lang ako kahit hinang hina na ako.
    
   
Damn.. Do I deserve all of this?
    
  
Sa loob ng pitong taon, nasanay akong nandyan siya. Nasanay akong may Edward na nag-aalaga, sumusuporta at nagpapahalaga. Pero sa isang iglap, nagbago ang lahat. Nawala ang lahat. It scares me na baka hindi na siya bumalik. Na baka hindi ko na siya makita. Na baka... hindi ko na nga siya makasama.
    
  
Pero ayokong sumuko.
   
  
I keep waiting for him, na baka isang araw umuwi na lang siya. Na baka isang araw magulat na lang ako na nasa harapan ko na pala siya.
      
  
Ang sakit rin palang umaasa kasi bawat gabing matutulog ako't mapapanaginipan ko siya, bigla na lang akong gigising at mare-realize na ako lang palang mag-isa. And this is the hardest thing in my life, not being with someone I used to be all the time. I miss him so bad, yung bawat halik at pagyakap niya. Yung mga matatamis at nakakakilig niyang salita. Miss na miss ko na lahat ng sakanya.
   
  
Napahiga na lang ako sa kama ng mas lalo kong maramdaman ang sakit sa dibdib ko. It's like a huge hole has been punched through my chest. Pilit kong sinisiksik ang sarili ko sa kama para lang hindi nila marinig ang paghagulgol ko.
    
  
Napapikit ako ng mariin. "Edward.." pagtawag ko sa pangalan niya habang patuloy na bumubuhos ang mga luha ko. "I need you, please come back... please.."
      
   
  
---

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now