Chapter 1

5.2K 103 20
                                    

Chapter 1
    
   
   
   
  
Pitong taon na rin ang nagdaan at marami na ring nangyari sa aming dalawa ni Edward. Matapos naming maka-graduate ay siyang mabilis naming pagpapakasal. Nakakatuwa ngang isipin na biniyayaan kaming agad ng anak na lalake.
    
  
Pinangalanan namin siyang Phineas.
Kahit na mahirap ang siyam na buwan na pagbubuntis ko, nandyan naman lagi si Edward para samahan at suportahan ako. Palagi siyang nasa tabi ko sa tuwing may kailangan ako. Daig niya pa nga ako kung mataranta kapag nakakaramdam ako ng pananakit sa katawan ko. Mabuti na lang at kumakalma rin siya sa tuwing mapapatawag siya sa mama niya at sasabihing normal lang iyon sa nagbubuntis.
    
   
Hanggang sa maipanganak ko si Phineas, nasa tabi ko pa rin si Edward. Tuwang tuwa kaming dalawa nang mailuwal ko ang anak namin ng malusog at normal.
    
   
Sa pag-aalaga rin ay kasama ko si Edward. Palitan kami sa pagpapainom ng gatas sakanya sa tuwing magigising siya ng madaling araw. Iyakin rin si Phineas pero daig pa ako ni Edward sa tuwing pinapatahan siya. Kakausapin niya lang ito at tatahan na. Mukhang mas nasanay ang anak namin sa boses ng daddy niya. Okay lang rin naman sakin dahil natutuwa akong nakikitang magkasama ang mag-ama ko.
    
   

"Here's the train Phin, chu chu!" ani Edward habang pinapakain ang anim na buwan naming anak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Here's the train Phin, chu chu!" ani Edward habang pinapakain ang anim na buwan naming anak.
  
  
"Bllllp, tata!" sagot ni baby habang dumidila pa. Nangingiti pa siyang nakaharap sa daddy niya kaya mas napapangiti na rin si Edward.
    
  
Kahit ako..
   
   
Sa paglaki ni Phineas ay siyang pagiging malapit niya ng husto kay Edward. Una rin niyang nabanggit ang salitang Dada kesa sa mama. Malapit rin sa akin ang anak naming si Phin pero mas matatawag siyang "Daddy's boy". Bawat magawa rin ni Phin ay siyang panay na pagmamalaki ni Edward sa mga kaibigan niya. Proud daddy ika nga.
   
  
Kahit na may anak na kami ni Edward ay hindi pa rin siya nagbabago ng pagtrato sakin. Ganon pa rin siya kalambing tulad noon. Napaka-responsable niyang asawa at ama kaya naman wala na kong mahihiling pa. Ang swerte ko sakanya dahil hindi siya nabigong tuparin ang mga pinapangako niya noon pa man.
   
   

"Anong iniisip ng asawa ko?" paglalambing ni Edward

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Anong iniisip ng asawa ko?" paglalambing ni Edward. Mukhang napansin niya ang pagiging tulala ko.
   
  
Ngumiti ako.
  
  
"I just realized how lucky I am to have you in my life." sagot ko.
      
   
"Pft.." pagpipigil niya ng tawa.
    
  
Nangunot ang noo ko. "A-Anong nakakatawa?" tanong ko.
    
  
"Wala namang nakakatawa. Kinilig lang kasi ako." aniya sabay pisil sa pisngi ko.
    
  
"Psh... Teka, tulog na ba si Phin?" pag-iiba ko ng usapan.
   
  
"Yep, bakit? May gusto ka bang gawin nating dalawa?" saad niya sabay taas baba ng mga kilay niya.
     
 
"Huh?"
   
 
Ngumisi siya sabay lapit sakin. "You know what I mean, darling."
   
 
"Ano naman?"
    
 
"Na sundan na natin si Phin."
   
  
Hinampas ko siya ng kaunti sa braso. "Anong sundan? 1 year old pa lang kaya si Phin."
  
 
Ngumuso siya. "And so?"
    
  
Napakagat ako ng labi sa pagpipigil ng tawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga nagbabago si Edward sa kapilyuhan niya.
   
   
"Pag-iisipan ko." sambit ko sabay tapik ng kaunti sa kanang pisngi niya.
    
  
Mas humaba ang pag-pout ng nguso niya.
  
  
"Bilisan mong mag-isip, okay? Pasalamat ka't mahal kita."
     
  
"Salamaaaat." paglalambing ko tsaka siya binigyan ng sandaling halik sa labi.
   
  
Napangiti siya.
    
 
"Date tayo?" pagyayaya niya.
   
  
"E si Phin?" tanong ko.
    
  
Sasagot na sana si Edward ng biglang, "Uwaaaaaaa!" pag-iyak ni Phin habang papalabas ng kwarto niya. Isang taon pa lang siya pero nagagawa na niyang makababa sa crib niya.
   
 
Haaay, ang cute talaga ng anak namin!
    
   
Naglalakad ito ng paunti-unti habang nakastretch ang mga kamay niya na animo'y gusto kaming abutin ng daddy niya.
      
  
"Oo na, sasama kana." ani Edward kay Phin tsaka ito sinalubong para buhatin.
    
   
Natigil siya sa pag-iyak.
     
  
"Hilig mo talagang magpaawa ano?" sabi ni Edward kay Phin habang pinipisil ang magkabilang pisngi nito. Ngumingiti naman si Phin.
  
  
"Mana lang naman sayo." saad ko.
     
  
Nagmake-face na lang si Edward tsaka nilaro-laro si Phin. Ako naman 'tong tumayo na sa kinauupuan ko.
   
   
"Maghahanda lang ako, after ko ikaw naman." pagpapaalam ko.
 

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon