Chapter 11

2K 51 16
                                    

Chapter 11
   
   
   
   
  
Kinabukasan, matapos kunin ng client ang draft house na pinagawa niya ay nakipagkita ako sa police officer na si Chris. Nagpasama na ako kay Paul habang hinatid ko naman si Phin sa bahay nina mama't papa.
      
  
"Good morning miss." bati ni Chris pagpasok niya ng bahay. Hindi ko maitatanggi na kaboses niya talaga si Edward.
     
  
"Good morning." tugon ko.
    
  
"Uyyyy.." kantyaw nung Jay. Mabilis rin siyang napaiwas ng tingin ng mapansin niya si Paul na seryosong nakatitig sakanila.
   
  
"Ahh, si Paul nga pala, kaibigan ko." pagpapakilala ko kay Paul.
    
  
"Hello sir, I'm SPO4 Chris De Guzman." pagpapakilala naman ni Chris sa sarili niya sabay lahad ng kamay.
   
 
Inabot naman yun ni Paul, "Nice meeting you SPO4 chris De Guzman." madiin ngunit pormal na pagkakasabi ni Paul.
    
  
Hinarap ako ni Chris, "Nakausap ko na yung friend ko sa newspaper factory miss. Pwede na daw kitang samahan dun basta may dala kang picture at information na pwede nilang ilagay sa dyaryo tungkol sa asawa mo."
    
 
Tumango ako, "Oo, meron akong dala." sagot ko tsaka ipinakita yung folder.
     
   
"Okay, tara na." nakangiting aniya.
       
   
Sumakay kami sa police car kung saan si Chris ang nagmamaneho habang nasa tabi niya si Jay. Nasa likod naman kami ni Paul dahil minabuting iisang sasakyan na lang ang gamitin para mas madali at mapabilis ang pagpunta sa Mandaluyong. Doon daw kasi ang pagawaan ng dyaryo na pupuntahan namin.
    
    
Ilang oras din ang byahe nang marating namin ang pagawaan ng dyaryo. Medyo natagalan pa kami dahil sa matinding traffic. Mabuti na lang at may I.D. na si Chris sa pabrikang yun at madali na kaming nakapasok agad. Habang naglalakad, nakikita ko ang iba't ibang proseso kung paano ginagawa ang dyaryo. Mga makina mismo ang kumikilos pero may mga workers pa rin na umaalalay sa bawat piraso ng papel.
     
      
"Hey Chris!" sabay kaming napalingon sa lahat sa babaeng sumalubong samin.
     
   
Mukhang ito ang tinutukoy niyang kaibigan. Nakasalamin ang babae at nakasoot ng office attire.
     
   
"Josephine, hi." masayang bati ni Chris. "By the way, siya si Miss Christina, siya yung tinutukoy ko sayo kahapon na gustong ipadyaryo yung nawawala niyang asawa."
      
  
"Oww, hello Miss Christina. I'm Josephine Silvestre, editor in chief of this factory." pagpapakilala niya sa sarili niya sabay lahad ng kamay.
  
  
Tinanggap ko naman iyon tsaka ngumiti. "Nice meeting you."
     
  
Nagawa niya ring makipag-shake hands kay Paul bago niya kami yayain patungo sa isang office.
      
   
Pagdating na pagdating namin ng opisina niya, inasikaso niya agad ang computer sa may table niya. Nasa harapan niya ako habang nagtatanong siya sakin ng mga impormasyon tungkol kay Edward na pwedeng ilagay sa dyaryo.
     
  
"May dala ka bang picture niya miss?" tanong ni Josephine.
    
  
Tumango ako, "Yes, eto.." sagot ko tsaka inabot ang litrato ni Edward.
     
  
Mabilis siyang natapos sa pagta-type kaya agad rin itong naihatid sa editing and printing machine. Habang ginagawa ang prosesong iyon ay pinaliwanag naman sakin ni Josephine kung gaano kalaki ang babayaran ko depende sa kung ilang linggo ko gustong naka-publish sa dyaryo ang tungkol sa pagkawala ni Edward. Mabigat man sa bulsa, kakayanin ko para sa taong mahal ko.
      
    
*ring! ring! ring!*
     
    
"Excuse me." sambit ko nang mag-ring ang phone ko.
    
   
Lumayo ako ng kaunti kung saan tanaw ko pa rin ang mga kasama ko.
     
  
Napasulyap ako sa phone at nakitang si Isabel ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot. Naalala kong nagprisinta sila ni Mickie na pumunta sa mental hospital kung nasan si Penelope para i-check kung nandon pa ba siya. Naikwento ko kasi sakanila ang tungkol sa sinabi ni Chris at tulad ko, naisip rin nilang baka si Penelope ang may pakana ng matagal na pagkawala ni Edward kaya pumunta na sila doon para tingnan kung tama ba ang hinala namin.
       
   
"Hello Isabel, kumusta?" bungad ko ng masagot ko ang tawag.
    
   
"Hello Christina, wala na daw pala si Penelope dito sa mental 3 years ago.." sagot niya.
      
  
Nangunot ang noo ko. "Really? Saan na daw siya ngayon?" medyo nakaramdam ako ng kaba. Hinihiling ko na sana walang kinalaman si Penelope dito. Ayoko na ng gulo.
    
   
"Ang sabi ng doctor na nakausap namin dito, matapos niyang maging maayos ay mismong mga magulang niya ang kumuha sakanya. Nabanggit daw na dadalhin daw ulit si Penelope sa States para ipagpatuloy ang pag-aaral niya doon."
   
     
"Siguro naman, nandon pa rin siya sa States hanggang ngayon, diba?"
     
   
"Hindi kami sigurado Christina. Pero mas mabuti siguradong tawagan mo na rin yung mga magulang ni Penelope para i-make sure na wala talagang siyang kinalaman." dinig kong sagot naman ni Mickie.
    
   
Sandali akong natahimik sa sinabi niya. Hindi na kasi kami masyadong nag-uusap nina tito matapos ng nangyari sa amin noon ni Penelope. Hindi naman masama ang loob nila sakin pero mas minabuti ko na lang na umiwas para malayo na lang ulit sa gulo.
      
    
"Hello? Christina??" pagtawag ni Isabel sa kabilang linya.
     
   
"Uhh, hello.. Oo sige, ipapasuyo ko na lang kina papa na tawagan sila tito tungkol kay Penelope."
      
  
"Good, ayos na yung makasiguro tayo." seryosong saad ni Isabel.
     
   
"Tama...Nga pala, kumusta naman pala kayo dyan ni Paul?" si Mickie.
    
  
Sandali kong sinulyapan si Paul na ngayon ay kausap na si Josephine, "Eto, nasa factory na rin kami kanina pa. On going na yung paglagay sa dyaryo tungkol sa pagkawala ni Edward."
     
  
"Haaaay, sana mahanap na natin siya."
     
  
Suminghap ako, "Sana nga.."
      
    
🎶What day is it
And in what month
This clock never seemed so alive🎶
   
        
Bigla akong napatingin sa mga speaker. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa kantang 'yon. Kasalukuyan kasing pinapatugtog ang kantang ginawan ng cover ni Edward kasama ng mga kabanda niya. Alam kong sakanya ang boses na iyon. Sumikat rin kasi ang grupo nila noon dahil sa paggawa nila ng mga cover ng mga sikat na kanta.
   
   
🎶And there's you and me
And of all other people
And I don't know why
I can't keep my eyes off of you..🎶
   
     
Naaalala ko pa ring kinanta niya sakin ito nung nasa probinsya kami noon ng kaklase namin si Teodora at nung niyaya niya ako sa park. Ito pa yung mga panahong wala pa akong kamalay malay sa nararamdaman namin para sa isa't isa.
    
   
🎶I'm tripping on words
You got my head spinning
I don't know where to go from here..🎶
    
   
Kung noon na saya ang nararamdaman ko pag naririnig ang ganda ng boses niya, ngayon ay puno ng hinagpis at lungkot ang nangingibabaw sa puso ko. Hinayaan ko ang sarili kong lumuha habang patuloy na tumugtuog ang kantang nagpapaalala sa taong mahal ko. Wala akong alam na gawin sa mga oras na iyon kundi ang damhin ang kanta niya kahit na alam kong isang CD player lang iyon at hindi talaga mismong si Edward.
    
    
Nasaan ka na ba Edward?
    
   
Paulit-ulit ko itong binabanggit sa isip ko tsaka mariing napapikit dahil sa pag-agos ng mga luha ko. Tulad ng hindi ko paglimot sakanya ay hindi ko rin magawang makatas sa sakit ng pangungulila ko sakanya. Hanggang kailan ba magtatagal 'to? Gusto ko na siyang makasama pero bakit ramdam kong unti-unti siyang nilalayo samin ng mga anak ko?
     
   
"Hey Christina, are you okay?" dinig kong saad nina Isabel sa kabilang linya. Nawala sa isip kong kausap ko pa rin pala sila sa phone.
    
   
Sandali kong pinunasan ang mga basang pisngi ko.
     
 
I smiled bitterly as I answered them, "I'm fine.."
        
    
 
---

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now