Chapter 14

2K 86 17
                                    

Chapter 14
   
  
  
   
  

Chapter 14                

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

    
    
It's him..
    
    
Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko nang makurpima kong si Edward nga ang lalakeng nasa harapan ko. Buong akala ko'y mapagkakamalan ko lang siya tulad ng maling akala ko sa ibang tao. Akala ko aasa lang ulit ako. Akala ko mabibigo na naman ako. Pero hindi, siya nga mismo ang nasa harapan ko ngayon. Ang taong mahal ko na matagal ko ng hinahanap.
    
   
Mas lalo kong naramdaman ang paghuhumarentado ng puso ko nang makita ko ang paghakbang niya papalapit sa kinaroroonan ko. Tanging pagtitig lang sakanya ang nagagawa ko. Gusto ko mang tumakbo sakanya at salubungin siya ng mahigpit na yakap pero parang hindi pa rin nagsi-sink ng maayos sakin na siya na mismo ang nasa harapan ko. Para akong natameme at hindi pa rin makapaniwala.
     
    
Panaginip ba 'to? Kung oo man, just please... don't wake me up.
    
   
Halu-halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon. Ramdam ko na rin ang mainit na likido sa gilid ng mga mata ko. Siya naman 'tong diretso lang ang titig sakin. Tila ba naninibago ako dahil walang emosyon ang mukha niya. Blanko lang ito.
     
   

          "Edward

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


     
   
"Edward.." impit kong tawag sakanya. Muli kong naalala ang lahat ng dinanas ko sa paghahanap ko sakanya. Marami ring tanong ang bumabagabag sakin ngunit ang pinaka-umaangat sa lahat ay ang tanong na, "Bakit ngayon ka lang dumating?"
    
  
Hanggang sa makalapit siya sakin ay nanatili siyang walang imik. Nakatitig pa rin siya sakin na para bang ngayon niya lang ako nakita. Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman niya dahil hindi ko rin magawang basahin ang ekspresyon ng mukha niya.
     
    
Humugot ako ng malalim na hininga tsaka nagsalita, "I-Ikaw nga.." hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya. Yakap na kanina ko pa gustong gawin. Yakap na matagal ko ng hinihiling.
    
   
Kung alam mo lang Edward, namiss kita ng sobra...
    
  
Mas hinigpitan ko ang pagyakap sakanya at humihiling na sana'y gantihan niya rin ako ng yakap.
    
  
Ilang segundong ako lang ang nakayakap sakanya habang nababalot kami ng matinding katahimikan. Pero nakaramdam lang ako ng pagkabigo kasabay ng tuluyang pagpatak ng mga luha ko nang hawakan niya ang mga braso ko para humiwalay sa pagkakayakap ko sakanya.
    
  
"Sino ka?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bigla kong naramdaman ang panghihina ng mga tuhod ko kasabay ng pagkawasak ng puso ko.
    
   
Hindi niya ako kilala??
   
  
"Bakit alam mo ang pangalan ko?" sunod niya pang tanong na mas lalong nagbigay ng kirot sa dibdib ko.
   
   
Napalunok ako, nanginginig ang mga kamay kong humawak sa pisngi niya, "E-Edward, ako 'to, si Gabriela... hindi mo ba ako natatandaan?" humihikbing saad ko sakanya.
    
  
Suminghap siya, "Hindi kita kilala.." sambit niya kasabay ng pag-alis niya ng mga kamay ko sa pisngi niya.
    
  
Napailing-iling ako, "Edward h-hindi.. wag kang magbiro ng ganyan, ako 'to, si Gabriela, a-ang asawa mo.." mautal-utal kong saad sakanya dahil sa pag-iyak ko.
      
    
"Asawa?" halata sakanya ang pagkagulat. Ni hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang reaksyon niya, bakit kung umasta siya ay parang wala siyang alam tungkol sakin? tungkol samin?
    
  
Nasasaktan ako...
    
    
"Edward.." kita ko ang mabilis na paglingon ni Edward sa boses ng babaeng tumawag sakanya.
    
  
Sunod rin akong napatingin at ganon na lamang ang pagtataka ko nang makita ang isang hindi pamilyar na babaeng papalapit saming dalawa. Nakamaikling dress ito, blonde ang buhok at maputi. Mas maganda rin ang hubog ng katawan niya kumpara sakin na may baby bump na ang tiyan.
    
   
"Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala.." anang babae na para bang naglalambing kay Edward. Pinalupot niya pa ang kamay niya sa braso nito na para bang wala ako sa harapan nila.
    
  
Gusto kong mainis at manakit sa pagkakataong yun pero pinigilan ko ang sarili ko.
    
  
Kunot noong tumingin sakin ang babae, "Who is she Edward?" tanong niya tsaka ako tiningnan simula ulo hanggang paa.
    
   
Suminghap ako ng malalim sabay punas ng luha sa mga mata ko. Lakas loob akong sumagot, "Ikaw, sino ka?" matalim ang pagkakasabi ko nito.
    
 
Nagtaas ng isang kilay ang babae, "Excuse me?"
   
  
Napatawa ako ng mapakla, ang lakas mg loob ng babaeng 'to na magtaray, ni hindi niya naman kilala kung sino ang nasa harapan niya.
   
 
Lumapit ako ng kaunti, "Ako si Christina Gabriela Amadeous SMITH." diniinan ko pa ang pagkakasabi ng huling apilido ko. "At ako lang naman ang asawa ng lalakeng inaakbayan mo." matapang kong dugtong sa sinabi ko.
   
  
Kita ko ang panlalaki ng mga mata ng babae. Halatang hindi rin siya makapaniwala na asawa ako ni Edward. Ako rin man ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Mas lalong dumami ang mga tanong sa isip ko. Naguguluhan na ako!
   
   
Ilang beses na napatingin ang babae sakin pabalik kay Edward. Hindi na ako nagdalawang isip na agawin ang asawa ko, "Hindi ko alam kung sino ka at paano siya napunta sayo pero babawiin ko na siya ngayon." madiing utas ko sabay hablot ko sa kamay ni Edward papalapit sakin.
     
  
"Teka teka.." sambit ni Edward at parehas na kumalas sa pagkakahawak namin ng babae sakanya. "Sino bang nagsasabi sainyo ng totoo? Sino ba talaga ang asawa ko?"
    
  
"What?!" gulat kong bulalas sakanila.
   
  
Ramdam ko agad ang pag-init ng dugo  sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Gusto ko siyang sugurin at sabunutan. Gusto kong sabihin lahat ng mura at masasakit na salita sakanya pero iniisip ko lang ang kapakanan ng batang dinadala ko.
    
  
Napalunok akong muli, "Naniwala ka dyan Edward? Ha! Ano bang nangyayari sayo?" ramdam ko na naman ang sakit ng lalamunan ko dahil sa pagpipigil ng iyak ko. "Ako ang asawa mo, ako ang TOTOONG ASAWA MO! May mga anak pa nga tayo Edward, hindi mo na ba matandaan, ha?"
    
   
Napaiwas siya ng tingin. Halatang naguguluhan siya.
    
  
Hinarap ko naman ang babae tsaka ko siya itinulak ng kaunti, "Ikaw, ano bang ginawa't pinagsasabi mo sa asawa ko, ha? Ano? Sabihin mo.." hindi siya umimik. Ni hindi niya ako magawang tingnan. Muli ko siyang tinulak, "Magsalita ka!" napasigaw na ako sa galit.
   
 
"Ano ba miss--"
   
  
"Miss?! Ano bang nangyayari sayo Edward?! Ilang beses ko ng sinabi sayo na asawa mo ako!" bulalas ko kasabay ng muling pagragasa ng mga luha sa mata ko. "Asawa..mo..." para akong nanghinang napaluhod habang humihikbi sa sakit.
    
  
"Christina, anak!" dinig kong tawag ni mama mula sa likod. Naramdaman ko agad ang pagyakap niya.
   
  
"Dada.." nilingon ko si Phin na mabilis na naglakad patungo sa ama niya. Niyakap niya ang paa ni Edward kasabay ng pagtaas niya ng kamay na halatang nagpapakarga.
   
  
"Jusko po!" hindi makapaniwalang utas ni mama nang makita niya si Edward.
    
  
Napakagat ako ng ibabang labi tsaka sinulyapan si Edward. Nakatitig lang siya kay Phin na parang hindi alam ang gagawin. Akala ko ay hahayaan niya lang ang anak namin hanggang sa yumuko siya't buhatin na si Phin.
    
   
"Ikaw siguro ang anak ko, kamukha kita.." namamanghang saad niya.
    
  
"Sandali, anong sinasabi mo Edward? Anak mo naman talaga yan!" ani mama na parang galit sa boses niya.
    
   
"Paumanhin po." pagsingit ng babae. "Nagka-amnesia siya. He lost his memory because of a car accident." dugtong ng babae dahilan para makaramdam ako ng awa para sa asawa ko.
    
   
I'm sorry Edward...
       
      
   
---

A/N: Okay, so umiyak ako sa part na 'to kahit ako ang nagsulat hahaha. Next time na lang ulit ang update guys! Help me na padamihin ang reads, votes and comments. Mwaaa!

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Where stories live. Discover now