Chapter 13

2.1K 63 6
                                    

Chapter 13
    
    
   
   
   
Kinabukasan, kasama kong pumunta sa cardiologist si mama. Sinama na rin namin si Phin dahil balak ko siyang ipasyal pagkatapos ng gagawing medical procedure.
   
  
Sa totoo lang, hanggang ngayon ay kabado pa rin ako. Ngayon lang kasi nangyari sa akin na magkaron ng ganitong kundisyon at sa puso pa. Muntik nga akong panghinaan ng loob nang malaman ko ang hindi normal na paglaki ng puso ko.
    
    
FLASHBACK
       
     
Agad akong dinala nina Mickie at Isabel sa ospital nang makaramdam ako ng paninikip ng dibdib ko. Buong akala ko ay normal lang ito sa nagbubuntis hanggang sa maramdaman ko na ang hirap sa paghinga ko. Pilit kong pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko pero hindi ko magawa.
    
   
"Nurse! Nurse!" sigaw ni Mickie nang maibaba nila ako ng kotse. Parehas nila akong inaalalayan dahil hindi ko na magawang makatayo ng tuwid. Para akong hinang hina na hindi ko maipaliwanag.
    
  
Mabilis na rumesponde ang mga nurse na may dala-dalang wheel bed. Pinagtulungan nila akong ihiga doon.
      
    
"Quick! Dalhin niyo siya sa E.R." hindi ko na alam kung sino-sino na ba ang mga nagsasalita. Tanging naririnig ko lang ay mga boses na tila natataranta.
   
   
Sobrang hirap na akong huminga, wala akong nagawa kundi ang pumikit hanggang sa mawalan na lang ng malay.
   
    
Sa paggising ko, nakita kong agad sina Mickie at Isabel na nakabantay sa tabi ng hinihigaan ko. Sakto rin ang pagpasok ng isang doktor na may hawak na X-ray film.
    
  
"Good evening ma'am, gising kana pala." bati nito nang makalapit sa amin. Hindi ko namalayan na ilang oras rin pala akong nawalan ng malay dito.
    
  
Ngumiti ako, "Good evening, anong nangyari sakin doc?" untag ko.
    
  
"Wag po sana kayong mabibigla ma'am pero, positive kayo sa cardiomegaly also known as abnormal enlargement of the heart. Isn't a disease, but rather a sign of another condition." anang doktor.
    
 
Nawala ang ngiti sa mga labi ko.
    
  
Nangunot ang noo ko, "Enlargement of the heart? Teka, p-paano?" naguguluhang tanong ko.
   
  
"Maybe this was developed because of a medical condition, history in your family or because of a stress on your body ma'am." sandali akong napayuko tsaka napaisip. Hindi ko naman alam kung may pinaghmanahan ba ako ng ganito sakit dahil ampon lang ako. Isa pa, wala naman akong natatandaan na meron akong problema sa puso simula noong bata pa ako. Maaaring dahil sa stress nga ito nitong mga nakaraang buwan dahil sa pagkawala ni Edward.
   
   
Tumingala ako sa doktor tsaka nagsalita, "Satingin ko, dahil ito sa stress doc. Nagkataon kasi na nagkaron kami ng family problem, nasabayan pa ng pagbubuntis ko kaya parang hindi ko nagawang makontrol ang nararamdaman ko."
    
 
"I see, karamihan rin kasi sa nagkakaron ng ganitong kundisyon ay mga tulad mo na nagdadalang tao. Pare-parehas ng cases na nase-stress sila kung saan hindi nila nakokontrol ang emosyon nila hanggang sa hindi na nila namamalayan na nagkakaron na ng abnormal condition sa puso nila. But don't worry ma'am, an enlarged heart may be treatable by correcting the cause. Treatment can include medications and medical procedures naman. Pwede rin ang surgery pero hindi namin nire-recommend yun sa mga nagbubuntis." paliwanag ng doktor.
    
   
Naramdaman ko na ang mainit na likido sa gilid ng mga mata ko. Hindi na naninikip ang dibdib ko pero ramdam ko naman ang bigat dahil sa kaba at takot sa kundisyong meron ako ngayon.
     
    
"Temporary lang naman 'tong kundisyon ng kaibigan ko, diba doc?" biglang tanong ni Mickie.
     
  
"Depending on the condition ma'am, an enlarged heart may be temporary or permanent."
    
   
Napalunok ako, "May posibilidad bang mamatay ako sa kundisyon na 'to doc?"
       
   
Sandaling natahimik ang doktor. Humugot siya ng malalim na hininga bago magsalita, "Yes ma'am. There is a possibility na malagay sa piligro ang buhay mo at pati ng batang dinadala niyo."
     
   
"Excuse me doc, we need you here." saad ng isang nurse.
   
 
"Okay, susunod ako." sagot ng doktor. "Excuse me for awhile, babalikan ko na lang po kayo." pagpapaalam ng doktor.
    
  
"Sige doc." sina Mickie at Isabel.
    
   
Sa pag-alis ng doktor ay ang tuluyan namang pagbuhos ng mga luha sa mga mata ko. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa sinabi ng doktor. Ang akala ko noon,  magagawa kong ingatan ang batang nasa sinapupunan ko, yun pala, ako pa mismo ang magpapahamak sakanya. Sobrang dismayado ako sa sarili ko.
    
   
"This is all my fault.. I'm such a big disappointment." humihikbing saad ko habang hinahampas ang dibdib ko.
       
 
"Christina hindi.." utas ni Isabel habang pinipigilan nila ako sa pananakit sa sarili ko. "Hindi mo kasalanan 'to, wala kang kasalanan.." dagdag pa niya.
   
  
"Alam naming hindi mo ginusto 'to kaya wag mong sisihin ang sarili mo." sambit naman ni Mickie habang hinihimas niya ang likod ko.
    
  
Patuloy lang ang pagragasa ng mga luha sa mga mata ko. Gusto kong paniwalain ang sarili ko sa mga sinasabi nila pero hindi ko magawa.
      
   
"Paniguradong magagalit si Edward k-kapag bumalik siya at malaman 'to. Baka kwestyunin niya ako kung bakit hindi ko nagawang i-secure ang kaligtasan ni baby.." mas lalong umapaw ang mga luha ko.
      
  
Ramdam ko naman ang unti-unting pagyakap sakin ng dalawang kaibigan ko na animo'y pinapakalma ako.
    
  
"Wag mong isipin yan Christina, alam mo namang hindi magagawang magalit sayo ni Edward sa ganyang sitwasyon mo. Mahal ka nun, paniguradong maiintindihan niya kung bakit nangyari sayo yan." si Mickie.
   
  
"She's right Christina. Isa pa, wala namang kasiguraduhan yung sinabi ng doktor. Pwede ka pang gumaling at pwede mo pang mailuwal ng ligtas si baby."
   
  
"Iniisip ko lang kasi na baka may nangyayari na palang mali sa anak ko habang nasa tiyan siya dahil sa kundisyon ko. Paano kung mailuwal ko nga siya ng ligtas pero may sakit pala siya? Paano kung dahil sa sakit na yon, mawala rin siya? Hindi ko kakayanin kung sakali mang mangyari yun.." mas lalo akong napahagulgol dahil sa mga negatibong naiisip ko.
         
   
Hinarap ako ni Isabel tsaka hinawakan sa magkabilang balikat ko, "Shhh, Christina, calm down. Tigilan mong pag-iisip ng ganyan. Kakasabi lang na hindi ka dapat magpa-stress o magpadala sa emosyon mo... Remember, lumalaki ang puso mo, hindi maaaring lumala yan lalo na't nagbubuntis ka."
    
  
Napakagat ako ng ibabang labi sa sinabi ni Isabel. Naisip kong may punto siya at ayoko ng dagdagan pa ang pagkakamaling nagawa ko. Pinilit kong pakalmahin ang sarili. Huminga ako ng malalim tsaka pinunasan ang mga basang pisngi ko.
    
   
"Yan, dapat ganyan lang Christina, laban lang. Wag kang panghihinaan ng loob. Alam namin ni Isabel na kaya mo yan, malalampasan mo rin yan." tumango ako sa sinabi ni Mickie. Tama siya, lalaban ako. Malalampasan ko ito.
    
  
"Yeah, someday, tatawanan na lang natin lahat ng 'to. Kaya please, keep fighting for the sake of your baby." tuluyan na akong nahimasmasan sa mga payo ng dalawang kaibigan ko. Nakuha ko pa silang yakapin bilang pasasalamat. Baka kung wala sila, hindi ko na alam ang gagawin ko.
    
   
END OF FLASHBACK
    
     
Matapos ng ilang medical procedure na nagawa ng cardiologist sakin ay nirekomendahan niya akong muli ng panibagong gamot. Nakita kasing hindi normal ang bilis ng pagtibok ng puso ko.
    
  
"I'll recommend you this anti-arrhythmic capsules to keep your heart beating with a normal rhythm. Drink it twice a day, morning and evening after eating your meal." aniya tsaka iniabot ang gamot sakin.
   
  
"Thanks doc." sagot ko tsaka iniabot ang eksaktong bayad kasama na rin ang bayad sa ginawang medical procedure sakin.
    
  
"Okay, no problem ma'am. Basta always remember to limit salt in your diet, eat healthy foods, monitor your blood pressure, eliminate alcohol amd caffeine and try to sleep eight hours nightly." payo niya.
   
  
"Okay doc, thanks a lot." nakangiting sambit ko.
    
   
Matapos nun ay umalis na rin kami patungo sa sasakyan. May driver na kami dahil hindi na ako pinapayagang magmaneho ni mama lalo na sa kundisyon ko.
    
    
"Tara na po?" tanong ni manong driver.
  
  
"Yes manong, go on." sagot ni mama.
    
  
Habang nasa byahe kami ay nakuha kong kausapin si Phin. Ilang beses rin akong natatawa sa tuwing sumasagot siya na parang may pinaglalaban. Manang mana talaga siya kay Edward na hindi nagpapatalo. Baby talk pa nga lang pero alam kong sa paglaki niya, magiging tulad siya ng ama niya.
    
  
"Mama chi!" ani Phin habang nakaturo sa labas ng sasakyan. Tumingin naman ako. "Pish! Pish!" pagtukoy niya sa Ocean Park na kasalukuyan naming dinadaanan.
    
  
"You want to go there?" tanong ko kay Phin. Mabilis naman siyang tumango tsaka pumalakpak.
    
  
"Manong, i-park mo muna yung kotse dito. Ipapasyal ko muna 'tong anak ko sa loob."
   
  
"Sige po ma'am." niliko ng driver ang sasakyan tsaka mabilis itong naiparada sa parking lot.
     
     
Sa pagbaba namin ng sasakyan ay siyang paglundag ni Phin na animo'y tuwang tuwa na makapunta ulit dito. Huling tanda ko na pumunta kami dito ay nung kasama pa namin si Edward. Nag-enjoy nga ang anak namin kakaturo at kakapanood sa mga iba't-ibang isda sa loob ng malalaking aquarium.
     
   
Sandali lang rin kaming nakakuha ng ticket papasok sa loob.
     
  
"Mama pish!" masayang utas ni Phin pagpasok namin ng Ocean Park. Ngumiti naman ako sakanya.
   
  
Ilang minuto rin kaming umiikot-ikot nang makaramdam ako ng kiliti sa puson ko. Naiihi ako.
     
  
"Uhh, ma, punta muna ako ng Cr." pagpapaalam ko.
   
 
"Ahh osige anak, dito lang kami ng apo ko." sagot ni mama.
   
  
Tumango na lang ako at dali-daling pumunta sa isang guard para magtanong kung saan ang restroom. Mabuti na lang at nakuha ko ng tama ang direkston kahit malayo ito.
    
   
. . .
   
   
. .
  
   
.
   
  
Matapos kong umihi ay naghugas ako ng kamay. Sandali kong hinarap ang salamin tsaka tiningnan ang repleksyon ko dito. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa sarili ko dahil sa ipinayat ko. Ayoko munang alalahanin ang lahat at baka maiyak pa ako. Inayos ko lang ng kaunti ang sarili ko atsaka na rin lumabas.
    
    
Habang naglalakad ako pabalik kina Phin at mama, nahuli ng mga mata ko ang isang lalakeng tumatakbo. Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para sundan siya. Hanggang sa tumigil siya sa isang lugar at palinga-linga na tila may hinahanap.
   
    
Bigla na lang lumakas ang tibok ng puso ko.
   
   
Kahit na nakatalikod ang lalake ay nakuha ko siyang pagmasdan. Simula sa baba pataas sa ulo niya ay parang pamilyar siya sakin.
    
   
Ikaw ba yan mahal ko?
   
   
Kaming dalawa lang ang nasa lugar na 'yon. Tahimik lang rin ang paligid at tanging paglangoy lang ng mga isda ang maririnig.
    
   
Lumapit ako ng kaunti tsaka nilakasan ang loob kong tawagin siya.
   
 
"E-Edward?"
     
    
Mukhang narinig ako ng lalakeng iyon. Sandaling gumilid ang ulo nito na para bang nakikiramdam.
    
 
"Edward, ikaw ba yan?" muli kong pagtawag sakanya.
     
   
Sa pagkakataong iyon, dahan dahan siyang lumingon. At kasabay ng pagharap niya sakin ay siyang paglagabog ng puso ko.
   
  
It's him..
   
    
  
---

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz