Chapter 30

2.3K 76 46
                                    

Chapter 30
      
   
   
  
  
Matapos ng gabing yun ay umuwi na rin kami kinabukasan. Nakuha kong ngumiti sa harapan ng lahat at magpanggap na ayos lang ako. Napansin nga ng iba ang pamumugto ng mga mata ko pero nag-reason out lang ako na dahil lang iyon sa kakahikab ko. Ayaw pa ngang maniwala nina Mickie at Isabel nung una, pero dahil sa ayoko talagang sabihin ang totoo, pinilit kong magsinungaling. I haven't spoken to anyone about how broken I am. Yun rin naman ang gusto ko, mas maganda na lang na manatili akong tahimik, because words... can't express everything.
   
  
Habang nasa byahe ay tahimik lang kami ni Edward. Siya ang nagmamaneho habang nakatitig lang ako sa labas ng kotse. Bawat punong madaanan ay nakukuha kong tingnan isa-isa. Sariwa pa rin sa alaala ko lahat ng mga narinig kong pag-uusap nila ni Charity kagabi. Buntis siya, si Edward ang ama. Nakakapanlumo lang na sa kabila ng pinangako namin sa harap ng altar ay mangyayari ang ganito sa relasyon namin.
  
  
Pero bakit? Naging sobrang sama ko ba sa nagawa kong paghihiganti noon kaya binabalik sakin lahat ngayon? Do I really deserve to feel all this pain?
    
  
Alam kong magkakaron pa rin kami ng problema kahit na mag-asawa na kami ni Edward pero hindi ko naman inaasahan na ganito pala kabigat na problema ang darating. Ni hindi ko inisip na magkakaron siya ng kabit dahil mahal niya ako. Pero ngayon? nangyari na nga at magkakaron pa sila ng anak.
   
   
Nakakainis lang dahil kahit na galit na galit ako ay wala akong nagawa. Nananahimik lang ako na parang ako pa 'tong dapat lumugar sakanila ni Charity. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Iniisip ko na kung hahayaan ko na lang sila, paano naman kaming totoong pamilya ni Edward? Ayokong lalaki ang mga anak ko na kukutyain sila ng ibang tao dahil sa ang ama nila ay may kabit. At ayoko rin na kailangan kilalanin ng mga anak namin ang anak nila ni Charity bilang kapatid nila. Ano na lang ang isasagot ko sakanila kung sakali mang magtanong sila tungkol don? Na hindi alam ng ama nila ang ginagawa niya? Na hindi niya sadyang makipag-puta sa iba? Bullshit!
    
   
"Christina.." napakurap-kurap ako sa biglang pagtawag sakin ni Edward.
   
  
Hindi ako sumagot o lumingon man lang sakanya. Wala akong balak. Pumikit na lang ako't nagkunwaring tulog.
   
  
Hindi na rin siya nagsalita. Tanging pagbuntong hininga na lang niya ang narinig ko. Naramdaman ko naman ang pagbara ng lalamunan ko. Nagbabanta na naman ang pagluha ko pero pinigilan ko ito.
   
  
Hindi ko nagawang imulat ang mga mata ko sa mga oras na yun. Natatakot ako na baka makita ako ni Edward at bigla niyang ituloy ang sasabihin niya. Malaki ang posibilidad na tungkol sakanila ni Charity ang babanggitin niya. Alam kong dapat nga kaming mag-usap pero hindi pa ako handa. Ayokong marinig ang kahit ano dahil alam kong maiiyak na naman ako. Wasak na wasak na ako, at ayokong hindi ko na kayanin ang lahat kapag si Edward na mismo ang nagsalita tungkol don.
    
   
Nagising na lang ako nang makauwi na kami. Saktong pagbukas ko ng mga mata ko ay ipinaparada na ni Edward ang kotse sa garahe. Nakakairita lang na sa paggising ko ring yun ay muling nanumbalik lahat ng nangyari kagabi. Agad akong lumabas ng kotse bitbit ang bag ko.
   
  
Kita ko sa peripheral view ko ang sunod na paglabas ni Edward. Sandali siyang may kinuha sa likod ng kotse at mabilis na tumakbo para makahabol sakin.
    
  
"Ako na.." alok niya para buhatin ang bag ko.
  
  
"Kaya ko." walang gana kong sagot ng hindi siya nililingon.
   
  
Nauna akong naglakad papasok ng bahay. Agad na bumukas ang pinto at bumungad si mama habang buhat buhat si Phin. Ngumiti ako ng wagas. Ayokong ipahalata kay mama ang lungkot at sakit na nararamdaman ko sa loob.
   
 
"Hello ma." bati ko tsaka nakipagbeso sakanya. Tiningnan ko agad si Phin na may subo-subong pacifier. Itinaas niya ang mga kamay niya sakin pakahulugan na gusto niyang lumipat sakin. Binitawan ko naman ang bag ko't binuhat siya.
   
  
"Na-miss ko 'tong anak ko." sambit ko tsaka hinalikan sa pisngi si Phin.
    
  
"Kumusta naman ang kasal ng kaibigan niyo?" nakangiting tanong ni mama.
   
  

Tears in my Heart (Book 2 of TROABHG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon