; Special chap #003 ;

833 22 13
                                    

"Anong gusto mong kainin, hmm?" tanong ni Soonyoung habang nagda-drive. Tumingin naman si Jihoon sa kanya at napakibit balikat na lang.

"mahal, okay ka lang ba?" tanong na naman ni Soonyoung sa kanya pero hindi ito sumagot at nag-cellphone lang.

Napabuntong hininga na lang si Soonyoung at hinawakan ang kamay ng kanyang nobyo, dahilan para mapatingin ito sa kanya at ngumiti.

"Mahal, if may probema ka you can talk to me okay? pwede mo sabihin sa akin lahat. Ayokong sinasarili mo lang yan." sabi ni Soonyoung na hindi man lang tumitingin kay Jihoon na napatigil sa pagce-cellphone.

"what do you mean?" tanong niya.

"Alam ko namang may problema ka eh, ayaw mo lang sabihin sa akin pero sana maging open ka. Boyfriend mo ako at handa akong makinig sa lahat ng problema mo." sabi pa ni Soonyoung at tsaka itinigil yung kotse niya.

Ramdam niya na may bumabagabag sa isipan nito. Simula pa lang ng makabalik si Seokmin, ramdam niya na parang may mali sa mga kinikilos nito. Hindi niya nga lang matanong dahil ayaw naman niyang maging dahilan pa iyon ng pag-aaway nilang dalawa.

"Baka may sasabihin ka sa akin? sabihin mo na." sabi niya kay Jihoon na nakatitig lang sa kanya.

"Namiss kita." aniya Jihoon at tsaka ngumiti pa sa harap ng nobyo. Habang si Soonyoung naman napaiwas lang ng tingin at tsaka ini-start yung kotse.

Nang makarating sila sa Restaurant kung saan sila kakain, nag-paiwan muna saglit si Jihoon sa loob ng kotse. Hindi na nagtanong pa ulit nun si Soonyoung at pumasok na lang sa loob ng Resto.

Hangga't maari iniiwasan ni Soonyoung na mainis si Jihoon, siguro dahil sa takot na lang niya na iwan siya ulit nito. Kahit alam naman niyang mahal siya ni Jihoon, hindi pa din niya maiwasan na hindi matakot na magkahiwalay pa ulit silang dalawa.

"Soons." Tawag ni Jihoon ng makarating na siya sa pwesto nilang dalawa at naupo sa tapat nito. Ngumiti na lang siya dito at tsaka tinawag ang waiter para makapag-order na silang dalawa.

Matapos nun, tanging ingay na lamang ng musika ang naririnig dahil sa katahimikan nilang dalawa. Hindi niya alam kung bakit siya natatakot kausapin ito, siguro dahil nararamdaman niyang wala sa mood si Jihoon.

"Bakit tahimik ka?" Tanong ni Jihoon sa kanya kaya napatingin siya dito.

"Wala lang." maiksing sagot niya dito dahilan para mapatango na lang si Jihoon at tumingin sa mga tao sa paligid.

"B-Bakit nga pala nag-paiwan sa kotse kanina?" Tanong niya kay Jihoon na napabaling agad sa kanya ang tingin nito.

Hindi sumagot si Jihoon bagkus ay tumayo ito at lumapit sa isang staff ng Restaurant. Matapos nun ay nakita na lang ni Soonyoung na palapit na ang dalawa sa may piano, at naupo sa may harap si Jihoon na siyang ikinagulat ni Soonyoung.

"Anong ginagawa niya? Bakit andun siya sa harap?" takang tanong ni Soonyoung sa kanyng sarili.

Hindi man niya maintindihan kung anong nangyayari pero nakisabay na lamang siya sa palakpakan ng mga tao ng magpakilala si Jihoon sa harap ng madaming tao. Nagtataka siya kung bakit ito nasa harap habang nakatitig sa kaniya, tila wala siyang naririnig at nararamdaman niya na lang yung mga tinginan ng tao sa paligid niya.

"This is for you, Love." saad ni Jihoon bago magsimula sa pagtugtog ng piano at pagkanta.

Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya, Kung matutuwa ba siya o maiiyak. Kung kikiligin ba siya o hindi. Hindi niya alam kung anong ire-react niya habang nakikinig at nanonood sa nobyo. Kilala niya si Jihoon, hindi siya gagawa ng ganito kung walang dahilan. Kung ano-ano na iniisip niya kung ano bang meron ngayong araw para gawin ito ni Jihoon sa kaniya.

Hindi pa naman nila monthsary or anniversary or 100 days.
Hindi rin naman niya birthday at mas lalong hindi birthday ni Jihoon.

Wala namang espesyal sa araw na ito, pero bakit kailangan gawin ni Jihoon to? Bakit kailangan siyang katahan ni Jihoon? Ano ba talagang dahilan?

Sobrang dami ng pumapasok sa isip ni Soonyoung, hindi na nga siya nakakapag-concentrate sa pakikinig eh. Nakatitig lang siya sa kanya nobyo.

"Hoy, Soonyoung." Natauhan na lamang siya ng marinig na naman niya ang pagtawag ni Jihoon sa kaniya.

Sa pagkakataong ito, nasa harapan niya na ito na hindi man lang niya napansin dahil sa lalim ng iniisip niya.

"Bakit ginawa mo yun? Ano bang meron ngayon? Hindi naman natin motmot or ano, Hindi mo din birthday ngayon. Ano bang espesyal ang meron ngayon?" Sunod-sunod na tanong niya dito.

Natawa at napailing na lang si Jihoon at tsaka hinawakan ang kamay niya.

"Merong espesyal ngayon." sagot ni Jihoon na nagpakunot ng noo ni Soonyoung.

"Ikaw." habol nito.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon