26

822 40 0
                                    

Boo Seungkwan
Active now

Seungkwan: Wonwoo hyung.

Wonu: hmm?

Seungkwan: sure ba kayong andun talaga si Hoshi hyung?
Seen

Seungkwan: kasi parang ang imposibleng mangyari nung ganun.

Seungkwan: hindi ko maisip na sa tagal nating paghahanap sa kanya, nasa ospital lang pala siya.

Seungkwan: nagpapagaling.

Wonu is typing. . .

Wonu: kahit ako di ko din naisip na nasa ospital sya.

Wonu: ngayon ko nga lang din nalaman na may sakit yun e, kasi di naman talaga halata sa kanya.
Seen

Wonu: pero ganun talaga eh, di na natin mababago yung mga pangyayari.

Seungkwan is typing. . .

Seungkwan: Si hyung? alam na ba nya?

Seungkwan: I mean si Jihoon hyung.

Wonu: actually, naghihinala na sya nung una palang, pero di kami naniwala ni hansol kasi iniisip namin na imposible talaga.

Wonu: pero yun pala tama lahat ng hinala niya.

Seungkwan: hays

Wonu is typing. . .

Wonu: balak naming puntahan si Soonyoung, mamayang gabi.

Wonu: gusto mo sumama?
Seen

Seungkwan: Sige hyung.

Seungkwan: sasabihan ko na din sila Jeonghan hyung para makasama sila.

Wonu: sige, salamat kwan ha?

—— ||| ——

"Jihoon." tawag ni Wonwoo sa nakatulalang si Jihoon.

Matapos kasing ibalita ni Hansol sa kanya na tama yung mga hinala niya, hindi nya lubos maisip kung ano ba talagang ginagawa ni Soonyoung doon sa ospital.

Iniisip nya na sana nagkaroon lang ng minor injury ito kaya nasa ospital, iniisip nya na nagkasakit lang ng hindi malala si Soonyoung kaya andun.

pero bakit naman niya itatago samin yun, kung hindi malala.

saad niya sa isip nya at tsaka napa-iling na lang dahil ayaw nyang mag-isip ng masama.

"Jihoon!" tawag ulit ni Wonwoo sa kanya kaya napatingin na ito.

"ha? may sinasabi ka ba?" tanong nya dito.

Napabuntong hininga na lang si Wonwoo nun at tsaka pumunta sa may kusina para magluto ng pagkain nila.

Naiintindihan naman kasi niya si Jihoon, alam niyang alalang-alala ito kay Soonyoung.

Simula highschool palang magkaibigan na sila at hindi mapaghiwalay, supportive sa kagustuhan ng bawat isa, kaya nga hindi nakaamin si Soonyoung e, kasi supportive sya sa lovelife ng BESTFRIEND niya.

"Kumain na muna tayo, bago pumunta dun. atlease man lang, may laman sikmura natin." aniya Wonwoo.

"Ayoko kumain, mauuna na ako dun." sagot ni Jihoon at akmang lalabas na sana ng unit nila pero agad syang hinarang ni Wonwoo.

"Hindi kakain ka sa ayaw at sa gusto mo."

sumimangot lang si Jihoon nun at agad na napasapo sa noo niya.

"Hindi ko kayang maupo lang dito at kumain."

"Wonwoo, may sakit si Soonyoung! Hindi ko man lang alam kung nakakakain sya ng maayos na pagkain eh, kung nakakakain pa sya ng mga paborito niya."

"Tapos ako dito kakain lang? uupo lang? aba kingina lang?! anong klase akong kaibigan diba?!!" saad ni Jihoon.

"Jihoon, naiintindihan kita. Naiintindihan ka namin" kalmadong saad ni Wonwoo.

"kaibigan din namin si Soonyoung, nag-aalala din kami sa kalagayan niya, pero sana maisip mo kung anong magiging reaksyon ni Soonyoung pag nalaman niyang nagkaka-ganito tayo nung malaman lang natin na may sakit sya."

"Umayos ka naman, Jihoon." dagdag niya pa.

Galit na galit si Jihoon sa sarili niya, iniisip niya yung mga panahong kasama niya si Soonyoung tapos di man lang nya alam na may sakit sya, di man lang nya nahalata na pinahihirapan na pala sya ng sakit niya.

"Tangina. Tangina bakit kasi di ko nahalata?!" inis na saad niya at nasuntok na lang sa pader.

"Kumalma ka Jihoon, okay?"

"Kumain na muna tayo tas pumunta na tayo doon okay? alam kong nag-aalala ka kay Soonyoung. naiintindihan kita" pagpapakalma ni Wonwoo sa kanya.

—— ||| ——

"hyung? gising ka pa?" tanong ni Seokmin sa nakahigang si Soonyoung.

"hmmm. . " sagot neto.

"nasabi kasi sakin ni Wonwoo hyung, bibista daw sila ngayon sayo, kaya sinisigurado ka lang na gising ka pa."

bumangon naman si Soonyoung nun at tsaka binuksan yung drawer nya para kunin yung lip balm na nakalagay dun.

"pangit ng labi ko e hehehehe" sabi niya tsaka naglagay sa labi niya.

Ngumiti lang si Seokmin nun at tsaka tumango habang nakatitig sa hyung niyang halatang nanghihina na.

"Hyung."

"hmm?"

"sure ka bang ready ka ng sabihin sa kanila?" tanong niya kaya napatigil si Soonyoung sa ginagawa niya.

"sure ka bang kakayanin nila pag nalaman nila yung sakit mo?" dagdag pa ni Seokmin kaya napaisip si Soonyoung sa nga tanong niya.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kwartong yun tanging pagtunog lang ng umaandar na orasan ang maririnig pati ang makina sa gilid.

"hyung?" tawag ni Seokmin sa kanya kaya tinignan niya ito sabay binigyan ng matamis na ngiti.

"Siguro. Siguro kakayanin nila." sagot niya.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon