39

783 34 0
                                    

"Kamusta ka na?" tanong ni Seungcheol kay Jihoon na kasalukuyan nyang kasama.

Tahimik lang ito na nakaupo sa gilid at mahahalatang kagagaling lang sa pag-iyak, dahil sa pamumula ng mga mata nito.

". . . Siguro, nasabi na sayo lahat ni Doyoon no?" tanong ni Seungcheol sabay ngisi.

Matagal nya na din gustong sabihin kay Jihoon ng lahat kaso nahihiya sya kasi alam naman nya na hindi sya mapapatawad neto, pero kasi mahal naman nya talaga si Jihoon eh, kaya nga gusto nya sana magbalikan sila kaso imposible na talaga.

"Jihoon, sorry sa lahat ha? sorry sa mga ginawa kong panloloko sayo. Alam kong hindi mo ko mapapatawad sa ngayon pero sana dumating yung araw na mapatawad mo ko." aniya seungcheol kaya tumingin si Jihoon sa kanya.

"Alam mo bang mahal na mahal ka niya?" tanong ni Jihoon.

Tumingin naman si Seungcheol sa kanya at tsaka tumango.

"Alam ko na dati pa, nung tayo pa nahahalata ko na sa kanya pero di ko lang sinasabi kasi ayokong maging awkward kami sa isa't-isa." sagot nya.

"Ayaw maging awkward pero nilandi." bulong ni Jihoon na nagpatawa sa kanilang dalawa.

Napailing nalang sila pareho at tsaka sabay na tumingin sa langit, naalala kasi nila yung mga panahong sila pa mahilig silang tumingin sa langit para pag masdan yung mga bituin.

"kamusta na pala si soonyoung? balita ko si Doyoon na yung donor nya." tanong ni seungcheol kaya nawala yung mga ngiti sa labi ni jihoon.

"hindi nya alam." maiksing sagot nito.

"ang alin?"

"Hindi nya alam na si Hyung yung donor nya."

"hyooooong!!! may donor ka na??? yeheeeeeey!!!" tuwang-tuwa na sambit ni Seungkwan sabay niyakap ang hyung nyang hindi makapaniwala sa binalita ng doctor niya.

"sa wakas, after ng ilang taon na paghihintay may donor na din ako!!!" aniya Soonyoung na naiiyak pa sa tuwa.

Lahat sila masaya para kay Soonyoung lalo na't may posibilidad ng humaba pa yung buhay nya at makakasama pa nila ito ng matagal.

"Sino pala donor ko doc?" tanong ni Soonyoung kaya agad na tumalikod si Wonwoo kay Soonyoung para sabihan yung doctor na wag ipaalam na si Doyoon yung donor nya.

Sinabihan kasi sila ni Jihoon na wag sabihin kay Soonyoung na si Doyoon yung donor niya dahil alam nyang tatanggi ito.

Nung malaman pa nga lang ni Soonyoung na namatay si Doyoon iyak na sya ng iyak at nagkulong pa sa kwarto nya paano pa pag nalaman nyang si Doyoon yung donor niya.

"H-Hindi alam ni Soonyoung?!!" tanong ni Seungcheol sa kanya kaya tumango na lang si Jihoon bilang sagot.

"Kilala mo si Soonyoung, pag nalaman nya yun tatatanggihan nya na." sabi ni Jihoon.

"pero kelangan nya pa din malaman yung totoo, Ji"

"Malalaman nya naman, hindi lang ngayon yung tamang oras para sabihin."

Napabuntong hininga na lang si Seungcheol at tsaka umiling-iling, wala na siyang magagawa dahil yun yung gustong mangyari ni jihoon.

Kinakabahan man sya sa posibleng mangyari pag nalaman na ni Soonyoung yun, wala pa rin syang magagawa.

"Wag mo ng alalahanin si Soonyoung, alam ko ginagawa ko." aniya Jihoon.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Where stories live. Discover now