08

1.1K 58 0
                                    

"Osige na aalis na ang maganda mong Noona, ingat ka dito bebe boi ha?!" sabi ni Jaerim sa kapatid nyang bagong gising lang.

"Buti naman at aalis kana tsk" sabi naman ni Jihoon na halatang-halata sa boses nya na bagong gising lang siya.

Ang gulo pa nga ng buhok eh.

"Sus! as if namang di mo ako mamimiss" pang-aasar neto sa kapatid nyang nakabusangot na ang mukha kaya natawa na lang siya at tsaka lalong ginulo buhok niya.

". . . wag mo ng iisipin yung gago mong ex ha? tawagan mo lang si noona kung kailangan mo ako, lilipad ako mula busan papunta dito sa seoul" sabi ni Jaerim sabay ngiti sa kapatid nya.

bigla tuloy naalala ni jihoon yung nangyari kagabi.

"KINIKILIG TALAGA AKO KASI TINAWAG NA AKONG NOONA ULIT NI JIHOONS KO YIEEEEE" kinikilig na saad ni Jaerim sabay hampas pa kay Seungkwan na nakatingin lang dito.

"Noona? 10 minutes na nakakalipas simula ng sabihin ni Jihoon hyung yun sayo, di ka parin nakaka-move on?" taas kilay pang tanong ni Seungkwan dito.

"OPKORS! Tagal na kayang di ako tinatawag ni jihoons ng Noona, lykkk duuuuuh nakakamis kaya" sagot neto sabay flips hair pa.

taray ng lola mo.

"Kamusta na kaya pag-uusap nila ni cheol hyung?" biglang tanong ni hansol kaya nawala na yung mga ngiti na nasa labi ni Jaerim.

Bigla na naman siyang nag-alala kay jihoon na baka mamaya umiiyak na naman ito, which is hindi naman malabong mangyari.

"SUSUNDAN KO NA SILA, NAIINIP NA AKO!!" sabi ni Jaerim at tsaka at akmang aalis na sana kaso biglang nagbukas yung pinto at iniluwa neto ang matamlay na si Jihoon na halatang kagagaling lang sa pag-iyak dahil namumula parin yung mata ay ilong neto.

"tangina talaga ng seungcheol na yun" bulong na saad ni jaerim ng makita nya ang kalagayan ng kapatid niya.

Gusto niyang sugurin to ngayon at bigyan ng suntok sa mukha pero mukhang di nya magagawa yun dahil kailangan siya ng kapatid niya.

Kailangan siya ni Jihoon ngayon.

"hyung anong--"

"ayos lang yan jihoon, umiyak ka lang." sabi ni jaerim tsaka ito niyakap.

Di na pumalag si Jihoon nun at hinayaan niya na lang yung sarili niya umiyak.

"Sige na, aalis na talaga ako" sabi ni Jaerim at tsaka lumabas sa unit ni Jihoon.

"Jaerim. . . n-noona. . ." nahihiya pang tawag ni Jihoon sa kapatid niya na agad namang lumingon.

"Bakit?" tanong niya.

"Sa-Salamat. . . Salamat kasi sinamahan mo ako kagabi . ."  sabi neto sabay yuko dahil sa hiyang naramdaman niya.

"Wala yun, basta ha? tawagan mo lang ako sa tuwing may problema ka, handang makinig ang ate" paalala muli ni Jaerim kaya napatango na lang itong si Jihoon at tsaka nagpaalam na.

pagkasakay na pagkasakay ni Jaerim sa elevator, napangiti agad siya ng paglawak-lawak dahil sa sobrang tuwa na nararamdaman niya.

"DAPAT PALA PINANG-GIGILAN KO MUNA SI JIHOON HNGGG!!!" saad pa neto sabay hawak sa tiyan niya.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Where stories live. Discover now