51

751 39 25
                                    

"Oppa!" tawag ni Soon hye kay Soonyoung na nakatulala lang sa may harap ng T.V.

"oh? bakit may problema ba?" tanong ni Soonyoung dito kaya agad syang umiling at tsaka humiga sa hita ni Soonyoung.

"Alam mo ba hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala na malapit na tayo ikasal." Kinikilig na saad ni Soon hye.

Ngumiti lang si Soonyoung at tsaka hinawakan yung kamay nito.

"Soon hye"

"uhm?"

"Paano kung one day biglang dumating yung taong kinukwento ko sayo dati?" tanong ni Soonyoung kaya napakunot yung noo ng dalaga.

"Sino? Yung first love mo?" tanong nya kaya tumango naman si Soonyoung sabay tumawa.

"bakit? dumating na ba? pakilala mo naman sakin please~" pangungulit nito kay Soonyoung.

"Gusto mo talagang makilala first love ko?" tanong niya.

"Oo naman! Ang swerte nya kasi siya yung first love mo, pero malas nya din kasi ako na mahal mo" sagot ni Soon hye tsaka umupo bago yumakap ng mahigpit kay Soonyoung.

Tumawa lang si Soonyoung dahil sa ginawa ng Dalaga.
Kahit siya din naman hindi makapaniwala na ikakasal na siya sa babaeng mahal niya.

Parang nung isang araw lang kasi umiiyak pa siya dahil sa biglang pag-iwan ni Jihoon sa kanya.

Isang taon.
Isang taon nya din inantay na bumalik si Jihoon.
Bawat pag bukas ng pintuan ng kwarto nya nung nasa ospital pa siya, umaasa siyang si Jihoon yung lilitaw dun.
Tatlong buwan.
Tatlong buwan matapos ang operayon niya.
Tatlong buwan syang umasa na bibisita ulit si Jihoon sa kanya, pero matapos ang tatlong na buwan na yun, walang Jihoon.
Walang Jihoon na bumisita sa kanya.

Walang nakakaalam kung nasan siya, kung saan siya nagpunta.
Kahit pamilya niya di alam kung nasaan siya.

Sa loob ng Isang taon, nag-intay sya na babalik si Jihoon.
Kahit na sila na ni Soon hye ng mga panahong yun, umaasa pa din sya na makikita nyang muli si Jihoon.

"Kamusta na kaya siya?"
"Kumakain kaya siya ng madami?"
"Baka nagpupuyat na naman yun ng sobra."
"Baka mamaya ang payat na nun masyado"

Iilan lang yan sa mga tanong ni Soonyoung sa bawat araw na naalala nya si Jihoon.
Gusto nyang puntahan ito, pero paano? lalo na't wala man lang siyang ideya kung nasan ito.

Pasalamat na nga lang siya at nakilala niya si Soon hye.

Si Soon hye na unang babaeng minahal nya ng sobra.
well, except sa Mama, Lola at Noona niya syempre.

Mabilis silang nagkapalagayan ng loob dahil halos lahat ng gusto ni Soonyoung, Gusto din ni Soon Hye.

Masaya silang lahat para kay Soonyoung kasi finally hindi na siya umiiyak hindi kagaya nung dati na bawat pupunta sila para bisitahin ito, kung hindi nakatulala sa may bintana, nagkukulong sa kwarto.

Laking pasasalamat lang talaga nila kay Soon hye kasi natiis niya ang ugali ni Soonyoung, kaya di na rin nakapagtataka na kasalan na ang abot ng relasyon nila.

"Seryoso ka ba dyan sa desisyon mo, Soonyoung? Hindi ba't parang ang aga naman para ikasal kayo?"

Naalala niyang tanong ni Seungcheol sa kanya.
Well, tama naman kasi ito.
Ilang buwan pa lang ba sila magkasama? anim? pito? walo? walong buwan pa lang ata silang nagsasama pero wala eh

"Mahal ko siya hyung, kaya seryoso ako sa desisyon ko." Sagot niya sa tanong ni Seungcheol.

Mahal niya si Soon hye at ganun din Si Soon hye sa kanya, mahal nya din ito.

"Soonyoung oppa!" tawag ni Soon hye sa kanya kaya tinignan nya ito.

"Kung one day magkasama kami nung first love mo, Sino pipiliin mo sa aming dalawa?" seryosong tanong ni Soon hye sa kanya kaya nawala yung mga ngiti sa labi ni Soonyoung.

"You know what, naniniwala kasi ako sa First love never dies kaya ayun, curious lang ako." dagdag pa ni Soon hye.

Hindi naman naka-imik si Soonyoung, nakatitig lang sya sa mga mata ng dalaga.

Hindi niya alam isasagot eh.
Hindi niya alam kasi hanggang ngayon ngayon nalilito sya kung meron pa.

"Hirap ba? Sige, wag mo na lang sagutin. Ayoko din naman marinig eh" sabi ni Soon hye tsaka isinandal yung ulo nya balikat ni Soonyoung.

"If dumating yung day na ma-realise mong lahat yung tunay na nararamdaman mo, sabihin mo sakin lahat ha? wag kang titigil kahit na makita mo akong umiiyak." aniya Soon hye habang nakapikit ang mga mata niya.

"Kahit alam mong masasaktan ako, sabihin mo pa rin sakin ha? pero sana as soon as possible ma-realise mo na lahat, ayoko kasing sa mismong kasal pa natin mo pa ma-sureness yang feelings mo sa First love mo" dagdag pa niya sabay tawa.

"Soon hye. . ."

"Mahal kita Soonyoung kaya gusto kong masaya ka, alam kong masaya ka sakin pero alam ko ding mas masaya ka kung sino talaga yung mahal mo."

"Handa ako tanggapin lahat kasi mahal kita, kaya kong tanggapin lahat ng sakit kasi mahal kita kaya sana alamin mo na talaga kung sino yung tunay na tinitibok nyang puso mo." sabi pa ni Soon hye at tsaka tinignan ni Soonyoung.

"Bleh! Akala mo umiiyak ako no? Sorry ka pero hinde" sabi nya sabay tawa.

Pero alam ni Soonyoung na peke yun, alam nyang nasasaktan ito.
Kahit siya din naman nasasaktan.

"Mahal kita okay? Mahal na mahal." sabi ni Soonyoung sabay hila kay Soon hye at tsaka hinalikan ito sa noo bago yakapin.

"Kung dumating man yung araw na yun, Hinding-hindi ko mapapatawad sarili ko kasi sinaktan ko yung kagaya mo." dagdag pa niya ni Soonyoung.

"Mahal kita Soon hye, Tandaan mo yan."

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon