65

662 36 17
                                    

"Jihoon-ssi! Jihoon-ssi!!!" sigaw ni Soon hye sa labas ng unit ni Jihoon habang kinakatok ito.

Naalimpungatan naman si Jihoon ng dahil doon at agad na tumayo sa kama nya kahit na antok na antok pa din siya.

Kakatulog nya lang kasi dahil sa sobrang dami ng trabahong ginawa niya. Lalo na't malapit na
siyang bumalik sa States.

Oo, sineryoso nya na yung pagbalik nya ng states.

"Jihoon-ssi!" naluluhang sabi ni Soon hye pagkabukas ni Jihoon ng pintuan niya.

Napaayos naman sya ng sarili nya ng wala sa oras at agad na pinapasok sa loob kahit nagtataka sya kung bakit ito pumunta sa kanya.

anong meron? ba't parang naiiyak na yun?"

Takang tanong ni Jihoon sa sarili habang ikinukuha ng maiinom si Soon hye.

"Bakit ka pala napapunta dito?" tanong ni Jihoon ng maibigay nya yung juice kay Soon hye.

"Si Soonyoung oppa kasi eh, Hindi ko macontact tas wala din siya sa unit niya, Kanina lang nakausap ko yun tas pinaalala ko na may gagawin kami ngayon pero di ko na alam kung saan siya nagpunta." paliwanag ni Soon hye kay Jihoon na napapatango lang.

"Bakit? May nangyari ba? Nag-away ba kayo?" tanong ulit ni Jihoon.

"Hindi naman. Maayos naman kami nung mga nakaraang araw tapos this week lang di kami masyadong nakakapagkita kasi busy kami pareho, pero nag-uusap naman kami." sagot ni Soon hye kaya napatango ulit si Jihoon at tsaka tumayo para kunin yung phone niya.

"Tawagan ko lang sila Seungcheol hyung, baka makatulong sila sa paghahanap natin kay Soonyoung." sabi ni Jihoon kaya ngumiti na lang si Soon hye.

Hindi rin naman ito ang unang beses na nawala bigla-bigla si Soonyoung, parang nung nakaraang taon lang nangyari din to.

yung mga panahong wala pang Soon hye sa buhay ni Soonyoung.

"Maya-maya lang dadating na yung mga yun, malalapit lang naman mga bahay nun dito sa unit ko. Ligpit ko lang muna kama ko ha." pagpapaalam ni Jihoon kaya tumango na lang si Soon hye.

Pagkapasok ni Jihoon agad niyang inayos yung kama niya at tsaka tumingin muna sa salamin bago lumabas ulit pero agad siyang napabalik ng may mapansin siya.

"LUH GAGO NAKA-BOXER LANG AKO?!" gulat na saad ni Jihoon sabay napatakip pa ng bunganga niya.

Hiyang-hiya siya ng ma-realise niyang kanina pa siya lakad ng lakad na naka-boxer lang, kaya pala parang naiilang si Soon hye na tumingin sa kaniya dahil nga yun lang suot niya.

Buti na lang talaga at medyo malaki yung suot nyang damit kaya natatakpan yung ano lamnyonanyun.

"Jihoon-ssi! May nagdo-doorbell pagbuksan ko ba?" tanong ni Soon hye na kinakatok yung kwarto niya.

At dahil sa kahihiyan hindi na niya alam kung paano ito haharapin ulit.

putangina kaya pala parang nakakaramdam ako ng lamig banda sa hita ko, nakaboxer lang pala ako?!?!?

Saad ni Jihoon sa kanyang isipan habang inuuntog ang sarili sa pader ng kwarto niya.

"Jihoon-ssi??" tawag ulit ni Soon hye sa kanya kasabay ng pagkatok sa pintuan niya.

Napahinga muna siya ng malalim at tsaka unti-unting binuksan yung pintuan ng kwarto niya pero nakatago naman yung kalahati ng katawan niya dahil nga naka-boxers pa din siya.

"H-Ha? Bakit?" tanong niya dito at napapaiwas pa ng tingin.

"Pagbubuksan ko ba yung nagdo-doorbell? Kanina pa kasi nado-doorbell eh." tanong ni Soon hye sa kanya kaya napatango na lang siya at tsaka sinarado ulit yung pintuan.

Pagkasarado niya dito, agad siyang tumakbo papuntang damitan niya at tsaka kumuha ng matinong shorts at nagpalit.
Tumingin muna siya sa salamin at tsaka kinalma yung sarili dahil hiyang-hiya pa din siya sa nangyari.

Pagkakalma niya sa sarili niya lumabas na din siya sa kwarto at tsaka nagpunta sa Sala.

"Jihoon." bungad ni Soonyoung sa kanya na siyang ikinagulat naman niya.

Tumingin naman siya sa paligid nun at hinanap si Soon hye pero wala na ito.

"Asan si Soon hye? Hinahanap ka nun ah?" takang tanong ni Jihoon.

Hindi siya pinansin ni Soonyoung at bigla na lang siyang hinila para yakapin ng mahigpit.

hala gago? anong nangyayari?!?!?

"Uji." tawag ni Soonyoung sa pangalan ni Jihoon na sobrang tagal na niyang hindi narinig.

Nang bumitaw si Soonyoung sa pagkakayakap nya kay Jihoon tinitigan niya lang ito at parang walang balak magsalita.

Hindi rin naman makapagsalita si Jihoon nun dahil hindi nya alam yung sasabihin niya at tsaka hindi rin siya maka-move on nung tawagin siya ni Soonyoung ng Uji.

"Uji!" tawag ulit ni Soonyoung sa kanya kaya natauhan siya ng biglang hawakan ng mahigpit ni Soonyoung yung braso niya.

"So-Soonyoung, teka masakit—"

"Hoshi! Hoshi, tawag mo sakin diba?" pagpuputol ni Soonyoung sa sasabihin niya.

Putangina? ano bang nangyayari sa lalaking to?!?

Takang saad ni Jihoon sa kanyang isipan dahul sobrang naguguluhan na sya sa nangyayari, wala siyang ideya kung anong nangyayari kay Soonyoung.

"Soonyoung, ano bang nangyayari sayo ha? Tsaka ba't parang amoy alak ka?" tanong niya dito pero ngumisi lang ito at tsaka binitawan yung braso niya.

"Wala na ba talaga?" tanong ni Soonyoung sa kaniya na mas lalong nagpagulo sa isip niya.

"Anong wala? Anong sinasabi mo?" tanong niya pabalik kay Soonyoung.

"Kasi ako meron pa din eh, Hindi pa rin nawawala." sabi ni Soonyoung at tsaka siya tinitigan.

Puta.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon