10.5 ; memories with hoshi

1K 55 6
                                    

+++ ||| +++
flashbacks
+++|||+++

"Good morning, Ji." bati ni Hoshi sa kagigising lang na si Jihoon.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Jihoon na mukhang hindi naalala yung pag-aya niya kay hoshi na matulog sa unit niya.

"Huh? Ah. . . binibisita ka hehe di ka pa pala nagbabago ng passcode mo" pagsisinungaling neto.

Alam niya kasing kahit sabihin niya yung totoo, hindi maniniwala si Jihoon.

"Kapapalit ko lang kagabi paano mo nalaman passcode ko?" nakakunot noo'ng tanong ni Jihoon.

"ahmm. . . ano kasi ahmm. . nakita ko kagabi. . Oo tama nakita ko kagabi hehe" pagdadahilan ni Hoshi na ngayo'y pinagpapawisan na sa kaba.

Baka mamaya mahampas pa siya ng kung ano ni Jihoon eh, mahirap na.

"W-Wag ka na nga tanong ng tanong. . ku-kumain kana lang dyan. . . " utos ni Hoshi at tsaka hinila si Jihoon paupo.

". . . Di ka talaga marunong mag-sinungaling eh no" natatawang sambit ni Jihoon tsaka napahawak sa braso ni Soonyoung.

"maupo kana dyan at sumabay na mag-almusal saken, ikaw nagluto neto diba?" dagdag pa niya.

—— ||| ——

"Alam mo ba hyung, gigil kaya si Jihoon hyung sayo kagabi HAHAHAHAHHAHA" salubong ni Seungkwan kila Jihoon na kakapasok lang ng room nila.

Galing no? wala man lang Good Morning.

"Tapos sabi pa niya---"

"Tumagil ka dyan Seungkwan, kung ayaw mong masaktan." pananakot ni Jihoon sa nakababata.

"Sabihin mo sakin lahat ng nangyari kagabi ha?"  bulong ni Hoshi kay Seungkwan na agad  namang tumango.

"Sige lang, pagtulungan nyo pa akong dalawa, makakabawi din ako leche kayo" sabi ni Jihoon kaya natawa na lang ang dalawa.

cute niya talaga.

"BEB!!!!" sigaw ng tumatakbong si Seungcheol sabay akbay sa boyfriend nya.

"Ba't ang aga mo pumasok? pumunta pa naman ako sa unit mo." sabi pa nya sabay tingin pa kay Soonyoung na naka-ngiti lang sa kanilang dalawa.

bagay talaga silang dalawa.

"kasabay ko kasi si Soons kaya maaga na kami pumasok."  sabi ni Jihoon kaya tumango na lang itong si Seungcheol at tsaka ito nginitian.

"una na tayo hyung, nilalanggam na ako sa dalawang to eh" sabi ni Seungkwan tsaka hinila si Hoshi na wala ng nagawa dahil masyadong malakas humila itong si Kwan.

"kamusta na pala kayo ni hansol?" tanong ni Hoshi dito dahilan para mapatigil sya sa paglalakad.

"a-anong ka-kamusta? syempre ano. . ayos naman. . ano pa ba?" utal-utal na sagot ni Seungkwan sa kanyang hyung.

"ayos nga ba talaga? eh ba't naluluha ka?" nakangising tanong neto kaya napaiwas agad ng tingin si Seungkwan at tsaka pinunasan yung mga mata nya.

"ayos nga lang k-kami. ."

"Alam kong hindi kwan, sabihin mo sakin yung totoo. Nag-away kayo no?" tanong ulit ni hoshi kaya napaluha na ng tuluyan si Seungkwan.

iyakin talaga, tsk.

"eh kasi naman hyung eh. . di ko naman alam na mao-offend sya. . dun sa s-sinabi ko tapos bigla-bigla na lang nya ako iniwan." pagkukwento nya na may kasabay pang pag-hikbi.

tinapik-tapik na lang ni Soonyoung ang likod ng nakababata habang umiling-iling dahil sa kwento neto.

manhid mo kasi, Kwan.

"wag mo kasing mabanggit-banggit yung pangalan ng ex nya, alam mo namang motto in life nun past is past." sabi ni hoshi.

Tumingin lang sa kanya saglit si Seungkwan nun tapos umiyak na naman ulit.

"mag-usap kayo ng masinsinan, hindi yung iiyak-iyak ka ngayon kung di pa kita tatanungin, di mo pa sasabihin." dagdag pa ni Hoshi kaya napatango na lang si Seungkwan.

"Salamat hyung ha? ikaw lang talaga nakakausap ko ng ganito. Wag mo kong iiwan ha?" saad ni Seungkwan na nginitian lang ni Hoshi.

Sorry, Seungkwan.
Sorry kung di ko magagawa yan.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]On viuen les histories. Descobreix ara