entry #1

796 36 0
                                    

Soonyoung's journal

19th January, 20xx

Hello!
First time ko gumawa ng ganito kaya di ko alam kung ano isusulat ko hehehehehe
uhm siguro ilalagay ko na lang dito yung tungkol sa sakit ko.

May Leukemia kasi ako tas ayon sa doctor lumalala na daw siya kaya kailangan ko ng donor para maumpisahan na akong operahan.

Ilang taon na din ko nag-iintay ng donor para sakin pero wala pa din talaga Hahahaha.
Iilan lang din sa mga kaibigan ko ang nakaka-alam tungkol sa sakit ko, ayoko kasing mag-alala sila sakin.

Lalo na yung Bestfriend kong si Lee Jihoon.
Ayokong malaman niya kasi alam kong malulungkot lang siya at ayokong mangyari yun, tsaka ayokong maalala nya pa yung nangyari sa Papa niya.

Parehas kasi kami ng sakit ng daddy niya kaso huli na nung nalaman nila kaya hindi agad siya naoperehan, yun yung unang beses ko siyang nakita na sobrang lungkot na minsan nagugulat na lang ako umiiyak na pala siya.

Napapaisip nga ako dati eh, iniisip ko na ganun din ba magiging reaksyon niya pag-nawala na ako. Iiyak din ba siya ng ganun? Hahaha ewan ko ba andami kong iniisip na dapat wag kong isipin, pero yung kaibigan kong yun, kahit na masungit yun tignan napaka-bait nun.

Ang galing din gumawa ng kanta, kaya nga hanga talaga ako dun eh, swerte ko kasi kaibigan ko siya hehehe

Ano kayang magiging reaksyon nya no? pag nalaman niyang may sakit akong matagal ko ng tinatago.

Kwon Hoshi.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Where stories live. Discover now