93

672 32 9
                                    

— | | | —

Jihoon's

— | | | —

"A-Andito si Soonyoung hyung?" hindi makapaniwalang tanong ni Seokmin saamin ni Wonwoo.

Tumango na lang kami pareho at tsaka pinakalma si Seokmin, natataranta na naman kasi siya.

"Huminahon ka, Seokmin." sabi ni Wonwoo.

"P-Paano kung— kung sabihin nya kay Joshua hyung na nandito ako? Paano kung—" natatarantang saad niya at napaupo na lang.

"Seokmin, kumalma ka okay? wag ka na lang muna magpapakita doon sa bahay. Dun ka muna sa tambayan na ginawa natin nila Wonwoo, kainin mo na lang muna yang noodles na binili mo okay?" sabi ko sa kanya kaya tumango na lang siya.

"Wag kang mag-alala, hindi malalaman ni Soonyoung na nandito ka basta ka lang aalis dun okay?" sabi naman ni Wonwoo sa kanya.

"K-Kinakabahan lang ako, baka kasi sabihin ni Hyung tapos malalaman na nila. Tapos masisira na naman lahat ng plano ko." sabi ni Seokmin na halatang kabado pa din.

Napabuntong hininga na lang kami ni Wonwoo at tsaka niyakap si Seokmin.

Nakwento nya na kasi samin yung dahilan kung bakit siya umalis. Kung bakit kailangan nya lumayo, gusto niya na din kasing mag-move on kay Joshua.

Feeling nya kasi pag nakita nya ulit to, masisira na lahat, babalik na naman feelings niya. Mas lalo lang syang mahihirapan kapag ganon.

"Sige na, Seoks. Babalik na kami muna sa bahay baka magtaka na sila Lola kasi wala pa kami ni Jihoon" sabi ni Wonwoo kaya lumakad na si Seokmin papunta dun sa sinasabi naming tambayan.

"Kung bakit kasi sinabi mo pang andito kaming dalawa eh" sabi ko sabay sinamaan ng tingin si Wonwoo.

"Pinag-usapan na natin to Jihoon diba? Sabi ko naman sayo wala akong choice kasi nacorner nila ako. Tsaka di ko rin talaga alam kung paano nalaman ni Jane na alam ko kung nasan kayo." paliwanag nya muli sa akin.

"Sorry na Ji, okay?" paghingi sa akin nibWonwoo pero di ko pa din sya pinapansin hanggang sa makarating kami sa bahay.

"buti naman at nakarating na kayo, dalian nyo na at kakain na tayo" salubong ni Lola samin kaya umupo na kami ni Wonwoo na kinukulit pa din ako na patawadin siya.

"Saan ka galing? Ba't ka biglang tumakbo?" tanong ni Soonyoung sa akin kaya napatigil si Wonwoo sa pangungulit nya tsaka tinignan si Soonyoung.

"Wala. May chineck lang ako" sagot ko tsaka umiwas ng tingin sa kanya.

"Wonwoo apo, Hindi pa ba dadating yung isa mo panh kaibigan? Kanina pa wala yun eh" biglang tanong ni Lola dahilan para magtinginan kami ni Wonwoo.

"Kaibigan? meron pa kayong kasamang iba dito?" tanong naman ni Soonyoung kaya tumayo si Wonwoo at tsaka lumapit sa Lola niya.

"La, gusto ko po ng itlog pagluto nyo po ako please" sabi niya sabay hinila pabalik sa kusina si Lola.

"Wala ka na dun." sagot ko naman sa tanong ni Soonyoung na napangiti na lang tsaka naupo sa may tapat ko.

"Sorry ha, uuwi na sana ako kaso di ako pinauwi ng Lola ni Wonwoo eh, bukas na lang daw." sabi niya kaya tumango na lang ako at di na nagsalita.

Katahimikan.

Punyetang katahimikan na ang bumalot sa buong paligid. Tunog lang ng niluluto ni lola yung naririnig ko, pati yung mga kuliglig sa labas ng bahay.

Wala naman akong balak kausapin siya, ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay si Seokmin.

Kumakain na kaya siya ngayon?

"Wala na ba talaga tayong pag-asa?" aniya Soonyoung kaya napatingin ako dito.

Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala siya nakatitig sa akin, busy kasi ako sa pag-iisip kay Seokmin, ni di ko namalayan na nakatitig pa siya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

Kala mo talaga di alam eh no, Jihoon.

"Alam mo naman tinutukoy ko, Jihoon." tanging sagot niya pero di ako sumagot at tsaka tumayo na lang.

"Pasabi na lang kila Lola, Busog pa ako." sabi ko sa kanya tsaka akmang aalis na sana ng maramdaman ko yung kamay niya a braso ko.

"Hayaan mo kong ipaliwanag ang lahat, Jihoon. Bigyan mo ako ng pagkakataon ipaliwanag sayo lahat." sabi niya.

"Wala ka naman dapat ipaliwanag. Wala ka rin naman mapapala sa pagpunta mo dito kaya, please lang layuan mo na lang ako." sabi ko naman sa kanya tsaka tinanggal yung kamay niya sa braso ko bago umalis ng tuluyan.

"Jihoon!" rinig kong sigaw niya pero hindi ako lumingon sa kanya.

Sabi ko naman kasi magmo-move on na ako eh, ayoko na ng mas lalong gumulo, pero ba't bigla ka na lang lilitaw kung kelan akala ako okay na.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Where stories live. Discover now