95

688 39 27
                                    

[ 12 : 30 am ]

"putek naman di ako makatulog!" inis na saad ni Jihoon at tsaka tumayo sa may kama niya.

Mula alas-10 ng gabi hanggang alas-12 nakatitig lang sya sa may kisame di man lang siya dinalaw ng antok kahit pilitin niya matulog.

"bakit hyung?" tanong ni Seokmin na nasa tabi lang niya.

"Ba't di ka pa natutulog?" tanong ni Jihoon sa kanya pero ngumiti lang ito tsaka nag-cellphone ulit.

"Babalik na muna ako dun sa bahay, Dapat pag balik ko dito tulog ka na ha" sabi ni Jihoon kaya tumango na lang si Seokmin.

Nang makalabas si Jihoon sa tamabayan nila dali-dali na itong pumunta sa bahay ng Lola ni Wonwoo. Kinakabahan din kasi ito lalo na't gabing-gabi na tapos ang dilim pa ng paligid.

Mukha lang matapang yan, pero matatakutin din yan si Jihoon.

"Punyemas! Lock pa" inis na saad ni Jihoon nung hindi niya mabuksan yung pintuan.

Kinakabahan man siya pero wala na siyang choice kundi tumakbo papuntang garden nila Wonwoo, bukod kasi sa mas madilim sa parteng iyon, naikwento din kasi ng lola ni Wonwoo na may multo daw na nagpaparamdam sa garden nila.

"Oh lord, sana walang bumulaga sakin dito please!" bulong ni Jihoon bago tuluyang tumakbo.

"Jihoon?" rinig niyang isang tinig ng lalaki kaya napatigil sya sa pagtakbo at unti-unting lumingon.

"Jihoo-"

"AACCCCCCKKKK!!! WAG MO KO LALAPITAN HAHAMPAS KO SAYO TONG VASE SA TABI KO!!" sigaw niya habang naka-cross pa yung daliri at nakapikit pa talaga.

"luh inaano kita?" sabi nito kaya napadilat si Jihoon.

"Putangina mo, Kwon Soonyoung" isang malutong na mura ang tanging nasabi ni Jihoon ng makita nya kung sino iyon.

Tumawa lang ng malakas si Soonyoung na napaupo pa dahil sa kakatawa.

"sige tawa pa, mawalan ka sana ng hininga hayop ka" sabi pa ni Jihoon kaya napatigil ito.

"Ayoko nga, baka umiyak ka pa pag namatay ako." sabi naman ni Soonyoung.

Napasimangot naman lalo si Jihoon dahil sa sinabi niya.

"As if namang iiyakan talaga kita, bakit sino ka ba sa buhay ko?" sambit niya dahilan para mawala yung ngiti ni Soonyoung.

tangina, ang sakit ha

"sabi ko nga" tanging nasabi ni Soonyoung tsaka tumawa ng peke.

Napairap na lang si Jihoon nun at tsaka akmang bubuksan yung pinto papasok sa loob kaso nakalock din to.

"Ba't nakalock to?" tanong ni Jihoon kay Soonyoung.

"Nalock ko eh, kaya ayun hindi din ako makapasok" sagot niya.

"ay tanga"

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon