68

662 38 9
                                    

"Boyfriend, sure ka na talagang sasabay ka na sa akin pabalik sa States? Okay lang sa Mum mo?" tanong ni Jane na nakatambay na naman sa unit ni Jihoon.

"Oo nga, Pang-ilang tanong mo na yan eh" sagot naman ni Jihoon habang patuloy siya sa mga ginagawa niya.

Napabuntong hininga na lang si Jane nun at tsaka nagpunta sa kusina para kumuha ng makakain.

"Gawan kita ng Ramyun, You want?" tanong ni Jane kaya tumango na lang si Jihoon.

Sa Ilang araw na pagtambay ni Jane sa unit ni Jihoon, hinahayaan niya na lang ito na gawin lahat ng gusto niya sa unit basta wag lang siyang guguluhin sa ginagawa niya.

"Boyfriend, Wala ng Ramyun sa Cabinet mo? Paano yan?" sulpot ni Jane sa gilid niya kaya tinignan niya naman ito.

"Just kidding! Here kumain ka muna bago mo tapusin lahat yan." sabi nito tsaka nilapag sa table niya yung pagkain.

Napailing na lang si Jihoon at tsaka tumabi kay Jane na busy manood ng Movie sa Phone niya kaya nakinood na lang siya.

"Jane." tawag niya dito pero di siya pinansin dahil naka-earphones ito.

"Uy! Girlfriend" tawag niya ulit kaya lumingon na ito sa kanya na nakangiti pa, kasi nga tinawag siyang Girlfriend ni Jihoon.

"Why Boyfriend?" tanong niya.

". . .Gusto mo seryosohin na lang yung Fake relationship natin?" tanong naman ni Jihoon kaya agad niyang nabitawan yung phone niya na siya namang nasalo ni Jihoon.

"Are you kidding me?" balik na tanong niya kay Jihoon kaya napangiti na lang ito at tsaka kumain.

"Answer me, Jihoon." seryosong sabi niya dito kaya tinignan naman siya ni Jihoon.

"Kung gusto mo lang naman, Hindi naman masamang magka-gusto ako sa babae diba? Tsaka di ka rin naman mahirap magustuhan." sagot ni Jihoon at tsaka kumain ulit.

Ngumisi lang si Jane nun at akmang aalis na sana pero nahabol naman siya agad ni Jihoon.

"Aalis ka na? Bakit?" tanong ni Jihoon sa kanya.

"Jihoon, I don't know why are you being like this? Akala ko ba di ka susuko?" Tanong ni Jane na halatang naiinis na dahil sa mga sinabi kanina ni Jihoon sa kanya.

"Di naman masamang sumuko diba? Tsaka wala naman ng pag-asa na maging kami, Pagod na din ako umasa." sagot niya.

"Ambilis mo talagang sumuko eh no? Ganyan din ginawa mo nung mga panahong may sakit si Soonyoung diba? Umalis ka kasi natatakot ka na hindi maging successful yung operation at sisisihin mo yung sarili mo pag nawala siya." sabi ni Jane kaya natahimik siya.

"Nagpakaduwag ka at umalis ng bansa para kalimutan silang lahat at tanging isang tao lang yung nakakausap mo, ni pamilya mo nung una walang ideya kung nasaan ka, Wala ka ding balak alamin kung kamusta na yung mga kaibigan mo, kung succesful ba talaga yung operasyon, kung kamusta na ba si Soonyoung." Dagdag pa neto at tsaka napasuntok na lang sa pader na siyang kinagulat ni Jihoon.

"Jane, Ayos ka lang—"

"Tapos habang nasa States ka, wala kang ginawa kundi uminom kahit di kaya ng katawan mo ng sobrang alak, Umiinom ka pa din kasi gusto mong makalimot, makalimutan si Soonyoung kasi iniisip mo na wala na siya, Akala mo wala na siya." Sabi pa ni Jane kaya napatingin na naman siya at dun niya lang napansin na paluha na pala ito.

"Jane—"

"Jihoon, nakita ko kung gaano ka nahirapan nung mga panahon na nasa States tayo. Kasama mo ko, Sa akin mo kinuwento lahat ng mga yun kaya nung nalaman kong boyfriend ng Kaibigan ko si Soonyoung, Hindi ko na sinabi sayo kasi alam kong masasaktan ka at ayokong makitang mas lalong masaktan ka, ayokong makitang nasasakatan yung taong gusto ko." Dagdag niya pa at tuluyan ng naluha.

"Gusto mo ko?" tanong ni Jihoon sa kanya kaya ngumisi sya tsaka pinunasan yung luha niya.

"All this time akala ko may ideya ka na may gusto ako sayo, Sa loob ng Isang taon simula nung magkasama tayo syempre hindi ko din maiiwasan na magkaroon ng feelings sayo, kahit na napakasungit mo." sagot niya sabay tawa habang patuloy pa din yung pag-agos ng luha niya.

Natahimik naman si Jihoon nun at napatitig na lang kay Jane, Wala man lang siyang ideya na may gusto ito sa kanya.

"Kaya nga pinilit kita na tawagin mo akong Girlfriend kasi kahit yun lang masaya na ako, pero alam kong mas magiging masaya ka kung makakasama mo si Soonyoung." sabi pa ni Jane at tsaka hinawakan yung mga kamay niya.

"Kaya please! Wag kang sumuko ha? Kasi di ko kakayanin na makita ka na namang masaktan. Hindi mo na rin kailangan bumalik sa States kasi ayokong pagsisihan mo habang buhay na di mo pinaglaban yung nararamdaman mo." Dagdag pa niya.

Hindi na lang sumagot si Jihoon nun at niyakap na lang si Jane ng mahigpit, Hindi niya alam kung bakit pero parang nagkusa yung sarili niya na yakapin ito ng mahigpit.

"Hindi mo rin kailangan pilitin yung sarili mo na magkagusto sa akin, Sapat na yung magkaibigan lang tayong dalawa."

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Where stories live. Discover now