06

1.1K 60 43
                                    

"Jihoon, salamat at pinagbigyan mo ako" sabi ni Seungcheol habang nakangiting nakatingin kay Jihoon na kanyang ex-boyfriend.

saket naman nun;;

"Ano bang pag-uusapan natin?" walang emosyong tanong ni Jihoon sa nakakatanda at di man lang nag-abalang tignan ito.

". . . Jihoon . . . "

"Gusto kong magbalikan tayo . . ." sabi ni Seungcheol kaya napa-nganga na lang si Jihoon sa sinabi niya.

Hindi nya akalain na sasabihin ni Seungcheol yun sa kanya na para bang wala siyang kasalanang nagawa sa kaniya, na para bang nakalimutan na niya lahat ng pasakit na ginawa niya.

tangina niya ba?

"Teka? Ano? gusto mo makipagbalikan sakin? Huh"

"Hibang ka na ba o talagang sinasaktan mo lang lalo sarili mo?" tanong ni Jihoon kay Seungcheol na naka-yuko na ngayon.

"I know, marami akong kasalanan sayo. Sobrang dami kong kasalanan sayo. . ."

"Oo, gago na ako kung gago pero nagmahal lang naman ako" sabi ni Seungcheol saka tumingin sa mga mata ni Jihoon.

Napangisi naman si Jihoon nun at napabuntong hininga na lang siya at pinipigilang wag tumulo yung luha niya.

nasasaktan kasi siya eh, sobrang nasasaktan. Kasi hanggang ngayon hindi parin niya maiitatanggi sa sarili niya na kahit papaano mahal niya pa din si Seungcheol.

"Ah? Kaya pala ganon-ganon mo na lang ako iniwan kasi NAGMAHAL ka ng IBA?! Tangina ba?" inis na sa sabi ni Jihoon na kulang na lang sumigaw siya sa sobrang bigat ng nararamdaman niya.

"I'm sorry, Ji . . ." tanging nasabi ni Cheol kay Jihoon na napagulo na lang ng buhok niya.

Gusto kitang saktan, Gusto kitang sapakin, Gusto kong iparamdam sayo yung sakit na nararamdaman ko, PERO TANGINA BAKIT HINDI KO KAYA?!?!

"Ji, I'm really sorry! Sana mapatawad mo na ako. . . kaya ako nandito para humingi ng pangatlong pagkakataon para mabago ko lahat ng pagkakamali ko." saad neto at para bang handa ng lumuhod sa harap ni Jihoon.

"WOW HYUNG? WOW!!! Pangatlong pagkakataon pa nais ah?!! HA HA HAsarcastic na sabi ni Jihoon dahil talagang hindi sya makapaniwala sa mga sinasabi ni Seungcheol sa kanya ngayon.

"Hyung, Second chance is enough. PANGATLONG  BESES mo na sinasabi sakin na di mo ako sasaktan pero ano to? ANO TAWAG MO DITO SA GINAGAWA MO HYUNG HA?!" sigaw ni Jihoon at di na napigilang lumuha dahil sa nararamdan niya.

Tumalikod siya kay Seungcheol at pasimpleng pinunasan yung luhang tumulo mula sa mga mata niya.

"I'm sorry. . . . I'm really sorry for everything, Ji."

"pero sana pagbigyan mo ako na maitama lahat ng pagka--" napatigil si Seungcheol sa pagsasalita nya ng bigla syang sapakin ni Jihoon sa mukha.

Para yan sa lahat ng pananakita mo sakin gago ka! KULANG PA YAN EH!! KULANG PA YAN SA LAHAT NG PANG-GAGAGO MO AT PANLOLOKO MO SAKIN! KINGINA KA!!

"Sorry ah? Kusang gumalaw kamao ko eh." sarcastic na saad neto kay Seungcheol na nakahawak pa din sa pisngi nyang sinapak ni Jihoon.

#WagGagalitinSiJihoon #sMOLbUtTerRibLe

"Okay lang, Ji. . . tatanggapin ko lahat ng suntok mo, kung yun lang yung paraan para mapatawad mo ko" saad ni Seungcheol kaya napangisi na naman si Jihoon at napasapo sa mukha niya.

"Actually kulang pa yan eh, KULANG PA YUNG SUNTOK NA BIBIGAY KO SAYO SA MGA GINAWA MO SAKIN! kaya please lang . . . tigilan mo na ako. . . tapos na tayo." sabi ni Jihoon at tsaka umalis.

Habang naglalakad pabalik di na napigilan ni Jihoon yung luha niyang kanina pa gustong kumawala mula sa mga mata niya.

Akala niya ayos na siya eh, akala niya lang pala.

[ INCOMING CALL ]
Unknown
ACCEPT | DECLINE

"He--"

"Ji.."

"S-Soonyoung...."

"Sorry kung kailan kailangan mo ako. . . . tsaka naman ako wala. . . . sa tabi mo."

"Nasaan--"

[ CALL DISCONNECTED ]

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon