90

685 33 14
                                    

Tatlong buwan ang lumipas pero di pa din nila nahahanap si Jihoon ganun din si Seokmin.

Bali silang dalawa na yung hinahanap ngayon na ni isa na naman sila walang nakakaalam kung asan yung dalawa.

Maliban lang pala kay Wonwoo.

Siya kasi ang tumulong sa dalawa para makalayo ito, nalaman na din niya ang totoong dahilan kung bakit gustong lumayo ng dalawa.

Kaya mas lalo niya tuloy ginusto na tumanda mag-isa, ayaw nya daw kasing maranasan yung nangyari sa mga kaibigan niya.

"Doble doble stress ko dahil dito, lumalalim na din yung eyebags ko dahil dito, wala na akong sapat na tulog dahil dito, hindi na kami nakakalabas ni Jeonghan dahil dito, Wala na akong oras mag-ayos ng sarili ko dahil dito, Punyeta talaga to." reklamo ni Seungcheol sabay humiga sa may sofa ni Seungkwan.

Magkakasama na naman kasi silang lahat sa bahay ni Seungkwan, Nagiimbestiga na naman kasi sila at hindi pa din tumitigil sa paghahanap nila sa dalawa.

"Ganito din ba kayo nung nawala ako?"tanong ni Soonyoung kaya tumingin silamg lahat sa kanya.

"Ay di ko alam sa kanila, di kasi kita hinanap eh." sagot ni Seungcheol sabay tulog.

"Oo hyung, naalala ko nga sobrang aligaga talaga ni Jihoon hyung na hanapin ka nun eh" sagot naman ni Chan kaya napangiti na lang ito.

Miss ko na siya.

"Hanggang ngayon pa din pala hindi niyo pa nahahanap si Jihoon." sulpot ng bagong dating na si Jane kasama si Soon hye.

"Sorry kung bigla bigla kaming pumunta, Tsaka pinapasok na din kami ng Mom mo nung saktong nakasalabong namin siya" dagdag pa ni Jane na tinanguan lang ni Seungkwan.

Ngumiti naman si Soonyoung nung makita nya si Soon hye at tsaka ito nilapitan para yakapin sana kaso tinulak lang siya nito sabay irap.

"Hindi ako tumatanggap ng yakap sa mga ex ko eh, sorry." sabi nito kaya nagtawanan yung iba.

"Kailan pa kayo nakabalik? Diba galing kayo sa States?" tanong ni Jeonghan kaya tumango si Soon hye.

"Actually, ako lang pumunta ng states para magmove on." sabi ni Soon hye

"eh? di ka sumama Jane? akala ko kasama ka ni Soon hye?" takang tanong ni Jeonghan.

"Di ako nakatuloy sa States" sagot niya dahilan para mapatayo si Seungcheol at tinignan yung dalawa.

"Luh? akala ko tulog ka?" tanong ni Jeonghan.

"Bakit di ka natuloy?" tanong ni Seungcheol kay Jane na hindi man lang pinansin yung tanong ni Jeonghan kaya napasimangot ito.

"Naalala nyo nung sinabi nyo sa akin na nawawala si Jihoon? Nung sinabi nyo sakin yun hindi na nawala sa isip ko kaya, hinanap ko na din siya ng hindi pinapaalam sa inyo." paliwanag ni Jane kaya napatango na lang yung iba.

"Nahanap mo ba siya?" tanong ni Soonyoung kaya tinignan niya ito.

"Unlike you guys, Hindi ko pa din siya nahahanap." sagot nito kaya napasimangot naman yung iba dahilan para mapatawa siya.

"pero may nalaman ako" pagtutuloy nya kaya napatingin na naman sila dito.

"Anong nalaman mo?" tanong ni Wonwoo na kanina lang tahimik.

"May kilala akong alam kung nasan si Jihoon." sagot niya kaya agad na ngumiti si Soonyoung na para bang excite na excite sa narinig niya.

"Sino? Sino? Sino?" excited na tanong naman ni Mingyu.

"Yun oh, Tanong nyo dyan sa kaibigan niyo. Alam mo kung nasaan si Jihoon, diba Wonwoo?" sabi ni Jane na kasabay nun ang sabay sabay na pagtingin ng magkakaibigan kay Wonwoo na pinagpapawisan na sa kaba.

Hindi niya alam kung pano nalaman ni Jane na siya lang nakakaalam kung nasaan ito, lalo na't ingat na ingat naman siya pag bumibisita ito sa dalawa.

"Weh di nga, alam mo hyung? " di makapaniwalang tanong ni Chan.

"Alam mo Wonwoo? pero bakit di mo sinasabi sa amin?" tanong naman ni Seungcheol sa kanya pero di ito makasagot at napatingin na lang kay Jane na nakangiti lang sa kanya.

"Galing ko ba?" tanong niya dito sabay tawa pa ng mapang-asar.

"tangina naman oh?!? pinasundan siguro ako ng maarteng babae na to tsk" saad ni Wonwoo tsaka inirapan si Jane.

"Sabihin mo na kung nasan si Jihoon, Please." pakiusap ni Soonyoung sa kanya kaya napabuntong hininga na lang siya.

"Okay fine! Tangina naman kasi lagot ako kay Jihoon nito eh" sabi ni Wonwoo tsaka napagulo pa ng buhok niya.

"Tara, sumama kayo sakin kung gusto nyo makita si Jihoon." sabi pa niya ng makatayo ito.

"Anyway guys, nakabalik na si Joshua hyung from L.A" anunsyo ni Hansol kaya napatigil sa paglalakad si Wonwoo.

patay tayo dyan.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Where stories live. Discover now