46

767 36 0
                                    

[ 1 year later . . . ]





"uy jeonghan? kelan mo ba ako sasagutin ha? jeonghan hmmm?? hmmm??" pangungulit ni Seungcheol kay Jeonghan na kasalukuyang asa unit niya.

"Seungcheol, kaya ka ba nandito para kulitin na naman ako tungkol dyan? Diba sinabi ko naman—"

"alam ko namang di ka pa ready pero kasi natatakot ako na baka maagaw ka pa ng iba sakin" sabi ni Seungcheol sabay nguso pa.

Napatawa na lang si Jeonghan at napailing dahil sa inasal ni Seungcheol.

"JEONGHAN HYONG!!! BUKSAN MO TONG PINTO MO!!! ALAM KONG TINATAGO MO SI SEUNGCHEOL DYAN SA LOOB!!!" Sigaw ni Seungkwan sa labas kaya agad na tumayo si Seungcheol at pinagbuksan ito.

"Sinasabi ko na nga ba at magkasama kayo eh hehe" sabi niya sabay takbo papasok sa loob.

"Hi hyung!" bati ni Chan na kasama ni Seungkwan.

"Hi Seungcheol Hyung!" bati din ni Mingyu na kasama nila Seungkwan at Chan.

"Ba't anong meron? ba't andito kayo nagpuntahan sa unit ko?" tanong ni Jeonghan kaya nagtinginan yung tatlo kay Seungcheol.

"Anong meron, cheol?" tanong niya dito.

"Sasagutin ko tanong mo, basta sagutin mo din yung matagal ko ng tinanong sayo" sagot niya sabay kindat kay Jeonghan kaya napasimangot ito.

"Joke lang, ito naman di mabiro" aniya Seungcheol sabay tawa.

"Ano ba kasing meron?"  tanong ni Jeonghan ulit kaya ngumiti si Seungcheol at tsaka naupo.

"Jihoon." maiksing sagot ni Seungcheol dahilan para magtinginan lahat sa kanya.

Uminom muna ito ng kape at tsaka umayos ng upo.

"I finally found Jihoon." sabi niya ulit kaya nagsi-ngitian naman silang lahat.

Isang taon din ang nakalipas nung biglang nawala si Jihoon na parang bula, matapos kasi ang operasyon ni Soonyoung hindi na ulit ito nagpakita.

Ni-isa sa kanila walang nakakaalam kung saan ito nagpunta, kahit yung Kapatid ni Jihoon, hindi alam kung saan ito nagpunta at tanging si Seungcheol lang ang hindi sumuko sa paghahanap dito.

"So, Nasaan sya ngayon? pwede ba natin sya puntahan?" tanong ni Mingyu.

"Unfortunately, Hindi." sagot ni Seungcheol sabay inom na naman ng kape.

"So, Nasaan nga si Jihoon?" tanong naman ni Jeonghan.

"States."

"STATES?! ISANG TAON SIYANG NASA STATES?!?" gulat na tanong ni Seungkwan na nahagis pa yung chichirya na kinakain niya.

"well, alam nyo naman siguro na last week lang galing ako sa states diba?" tanong ni Cheol kaya nagsitanguan naman sila na parang bata.

"The real reason kung bakit ako nagpunta sa States last week is because of him, nakipag-kita ako sa kanya." paliwanag ni Seungcheol.

"He's doing well in States naman ganun pa din yung itsura naging mas maputi nga lang kasi sabi niya di naman sya mahilig lumabas ng bahay, Yung trabaho niya sa bahay nya din ginagawa." dagdag pa nya kaya tumango sila sabay ngumiti.

"Sana pwede natin siya bisitahin no?" sabi ni Seungkwan.

"Teka, Hyung? wala ba siyang balak bumalik dito sa Seoul?" tanong ni Chan kaya tumango si Seungcheol.

"Tinry ko siyang pilitin na bumalik dito sa Seoul, pero ayaw nya na talaga bumalik di ko din alam kung anong rason." paliwanag niya.

"eh alam nya na ba yung tungkol kay Soonyoung?" tanong ni Jeonghan kaya napabuntong hininga si Seungcheol at umiling.

"Tinry ko sabihin sa kanya yung about kay Soons but yeah he's avoiding my questions about Soons." sagot ni Seungcheol.

"anyway, mauuna na ako sa inyo ha? may appointment pa kasi ako sa partnership ng company namin nila Papa, I have to go guys. Sabay na tayo mag-dinner mamaya, Jeonghan okay?" pagpapaalam ni Seungcheol sabay humalik sa noo ni Jeonghan kaya binato sila ni Seungkwan ng unan sabay sumigaw

"LAMPO! LECHE"

"wag kang bitter, kwan. Try mo din kasi landiin yung crush mo diba?" payo ni Seungcheol sabay kindat bago tuluyang umalis ng unit ni Jeonghan.

— ||| —

[ INCOMING CALL. . . ]

Unknown number

ACCEPT | DECLINE

"Hello?"

"ano kamusta?"

"okay na, nasabi ko na gusto mong ipasabi sa kanila."

"That's good."

"Hanggang kelan ka ba hindi magpapakita ha? pa-mysterious ka masyado eh."

"I told you already hyung, wala na akong balak bumalik dyan sa Seoul."

"Kotongan kaya kita dyan, Ji you want? isang taon na tayong magkasabwat sa kagaguhan mo tas di mo pa ako pagbibigyan sa request ko na bumalik ka dito sa Seoul."

"Hyung, Alam mo rason ko kung bakit ayoko na bumalik at nagpapasalamat din ako na hindi mo sinasabi sa kanila kung nasan talaga ako."

"Jihoon, Di ka ba naawa sa Noona mo? It's been a year since you left without saying goodbye, ni hindi ka tumatawag sa kanila."

"Alam na nila kung asan ako, di ko lang talaga sinasabi sayo. Nakita ko na nga din pamangkin ko eh"

"Hay nako, kung ako sayo bumalik ka na—"

"ayoko."

"— tagal ka ng inaantay ni Soonyoung eh."

"......"

"ay sorry, di ko sinasadya hehe"

"....... ewan ko sayo."

"di ka man lang ba nacu-curious kung kamusta na si—"

"I have to go, bye."

[ CALL DISCONNECTED ]

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Where stories live. Discover now