78

736 31 31
                                    

"JIHOON!!!! LEE JIHOON!!!" narinig ni Jihoon na sigaw mula sa labas ng unit niya.

Kahit naman na nasa kwarto siya natutulog maririnig niya pa din ito dahil sa lakas ng boses nito.

Napatayo na lang si Jihoon at tsaka tumingin sa may orasan sa gilid para tignan yung oras, bago tuluyang lumabas sa kwarto para pagbuksan yung nagsisisigaw sa labas ng unit niya.

"Gabing-gabi na pero nambubulabog ka pa ng bahay ng iba." inis na saad ni Jihoon ng pagbuksan niya ito ng pinto.

"Sorry na! Nag-aalala lang naman kasi ako eh." sabi naman niya tsaka pumasok sa loob kahit na di pa siya pinapapasok ni Jihoon.

Wala na lang nagawa ang binata dahil wala siyang lakas para pagalitan pa ito kaya nahiga na lang ito sa may sofa sa sala niya.

"promise after kong ipagluto ka, aalis na din ako dito." sabi pa niya pero hindi na siya pinansin ni Jihoon at napapikit na lang ito dahil di niya kinakaya yung sakit ng ulo niya.

"Jihoon?" tawag sa kanya kaya napadilat siya ng kaunti para tignan ito.

"Ang taas ng lagnat mo, dalhin na kaya kita sa ospital ngayon? I'm really worried talaga." sabi niya kaya ngumiti na lang si Jihoon at tsaka hinawakan yung kamay nito.

"Jane, I'm fine okay? konting pahinga lang kailangan ko." sabi ni Jihoon kaya napabuntong hininga na lang siya at tsaka tumayo para ipagpatuloy na yung gagawin niya.

"I'll wake you up na lang kung tapos na ako magluto, okay?" sabi ni Jane kaya tumango na lang ito at tsaka pumikit ulit.

Pumunta naman agad si Jane sa may kusina at inumpisahan ng magluto ng lugaw para kay Jihoon.

Hindi naman kasi siya mapalagay sa kalagayan ni Jihoon kahit na sinabi niyang ayos lang siya, kaya ito ngayon nagluluto siya para kahit papaano nagawa naman siya para kay Jihoon.

Matapos niyang magluto agad niyang sinalin ito sa lagayan at pumunta sa may sala kung saan natutulog si Jihoon.

Gigisingin niya na sana ito ng mapansin niyang malalim na ang tulog nito kaya nagdadalawang isip siya kung gigisingin niya pa ba ito o hindi na.

"Sige na nga, aalis na lang ako. Iiwanan ko na lang ng note to." sambit niya sa kanyang sarili at tsaka naghanap ng papel kung saan pwedeng magsulat, pagkatapos nun kinumutan niya muna si Jihoon bago tuluyang umalis sa may unit niya.

"Atlease kahit papaano mapapalagay yung kalooban ko na magiging okay siya." sabi pa niya habang naglalakad paalis ng may ngiti pa sa labi.

Kilig ang lola mo.

"JIHOON!!! LEE JIHOON!!!" sigaw na naman sa may labas ng unit ni Jihoon kaya napatayo na naman siya ng wala sa oras, at dun niya lang napansin na wala na si Jane sa unit niya at tanging yung malamig na lugaw na may note na katabi ang nasa gilid yung nakita niya,
Kinuha naman niya yung note at tsaka binasa ito.

— •••

Hey Jihoon, Sorry kung umalis ako ng hindi ka man lang ginising.
Mukhang tulog na tulog ka kasi so hindi na kita ginising, kaya itong lugaw na lang iiwan ko make sure na kakainin mo to ha? kahit anong lasa pa niyan pinaghirapan ko pa din yan :<
anyway, magpagaling ka ha? alis na natin bukas eh. See you tomorrow, Jihoon.

— Jane♡

— •••

Napangiti na lang si Jihoon at tsaka tumingin ulit sa orasan para icheck kung anong oras na, nakasanayan niya na kasing tumingin sa oras sa tuwing nagiging siya.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Where stories live. Discover now