79

699 37 15
                                    

Nang magising si Soonyoung napansin niya ka agad na wala si Jihoon sa tabi niya. Tandang tanda niya lahat ng nangyari kahit lasing ito nung gabing yon.

"Jihoon?" tawag niya kay Jihoon at tsaka tumayo pero agad din napabalik sa higaan ng mapansin niyang wala pa siyang suot na damit.

Sinuot nya muna yung pantalon niya at tsaka lumabas sa may kwarto ni Jihoon.

"Jihoon?" tawag niya pa din dito pero walang Jihoon na sumulpot sa harap niya.

Ngunit napatigil din ito ng maalala nya bigla na ngayon pala ang flight ni Jihoon pabalik ng states.
Napaupo na lang siya sa may Sofa at Napagulo ng buhok niya dahil hindi pa rin niya ito napagilan sa pag-alis.

Mahal niya pa din naman si Jihoon eh, sobrang mahal pero mahal niya din si Soon hye. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman niya.

Yung nangyari sa kanila? Inaamin niyang ginusto niya yun pero iniisip niya din yung magiging reaction ni Soon hye, alam nyang masasaktan ito ng sobra.

"Gising ka na pala." rinig niyang tinig ng isang lalaki na kapapasok lang.

"Jihoon?" medyo nagtataka pang sambit ni Soonyoung dahil ang alam niya umalis na ito.

"Bakit?" walang emosyong tanong nito sa kanya kaya napailing lang siya tsaka lumapit dito.

"A-Akala ko umalis ka n—"

"Nalate ako nagising kaya nahuli ako sa flight ko, so next week na lang ako aalis." sagot niya tsaka pumasok sa kwarto kaya sinundan naman siya ni Soonyoung.

"Hindi ba pwedeng—"

"Yung nangyari sa ating dalawa, kalimutan mo na lang na nangyari yun." pagpuputol ni Jihoon sa sasabihin niya.

"H-Ha? Anong ibig mong sabihin, Ji?" takang tanong ni Soonyoung kaya humarap sa kanya si Jihoon at tsaka bumuntong hininga.

"Mali yung ginawa nating dalawa, May masasaktan ding tao pag nalaman na may nangyari satin. You better not to tell this to your fiancé, pero kung ayaw mo naman magtago ng secret sa fiancé mo then handa akong humarap sa kanya." paliwanag ni Jihoon na wala man lang pinapakitang emosyon sa mukha niya.

"Jihoon? Anong sinasabi mo? bakit kalilimutan ko yun? parang kanina gusto—"

"wag mo ng ituloy please lang, mas lalo ko lang pinagsisisihan na nangyari yun." sabi pa ni Jihoon kaya napangisi na lang si Soonyoung at napasuklay sa buhok niya.

"Umuwi ka na pala, baka hinahanap ka na ng Girlfriend mo."sabi ni Jihoon tsaka pumasok sa banyo niya.

Pagkapasok niya agad siyang napaupo dahil biglang nanghina yung mga tuhod niya, Hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkakaganito, dapat nga maging masaya siya kasi alam niyang mahal pa din siya ni Soonyoung eh.

Kaso alam niya din na mali lahat iyon, mali yung nangyari ng gabing yun, mali lahat ng ginagawa nila, may masasaktan na tao at ayaw ni Jihoon na masaktan si Soon hye ng dahil sa kanya.

Ramdam naman niya kung gaano kamahal ni Soon hye si Soonyoung eh at ramdam niya din na ganun din si Soonyoung sa girlfriend niya. Tanggap na niyang talo siya sa larong to.

"Jihoon, buksan mo to! Mag-usap tayo!" sabi ni Soonyoung habang kinakatok siya sa banyo.

"Umalis ka na, wala na tayong pag-uusapan pa!" sagot naman ni Jihoon at tsaka tumayo na mula sa pagkakaupo nito.

"Jihoon, madami pa tayong pag-uusapan! Please harapin mo naman ako oh?!" sabi pa ni Soonyoung pero nanatili lang sa loob si Jihoon.

"Mag-usap naman tayo, please?!" pakiusap ni Soonyoung habang kinakatok pa din si Jihoon sa banyo.

"Umuwi ka na, Wag ka na din magpapakita sa akin." sagot ni Jihoon na kahit mismong siya nasaktan sa sinabi niya.

Sorry, pero kailangan kong iwasan ka.

"Jihoon naman? Mag-usap na tayo ng harapan oh? Diba sabi ko naman sayo mahal kita? Maniwala ka naman sakin oh." sabi ni Soonyoung.

"Umalis ka na lang, Please!" pakiusap pa din ni Jihoon sa kanya.

Tangina naman, umalis ka na baka hindi ko na mapigilan sarili ko at agawin na kita sa girlfriend mo.

"Kausapin mo muna a—"

"TANGINA UMALIS KA NA LANG KASI!!!" sigaw ni Jihoon.

Nasipa pa nga nya yung pintuan dahilan para medyo mapalayo si Soonyoung.

"IWAN MO NA AKO! PLEASE LANG!!!" dagdag pa ni Jihoon kaya agad na kinuha ni Soonyoung yung damit niya at tsaka umalis ng kwarto.

Nang maramdaman naman na ni Jihoon na wala ang presensya ni Soonyoung sa loob ng kwarto niya, lumabas na din ito sa banyo at tsaka naupo sa may higaan.

"Akala mo naman talaga aalis ako." sulpot ni Soonyoung na lumapit agad sa kanya.

"Umalis ka na lang, please. Pagod ako" sabi ni Jihoon.

Hindi na naman nakinig si Soonyoung nun at naupo lang sa may harap ni Jihoon, Hinawakan nya ang kamay nito at pilit na tinitignan siya sa mata pero iniiwasan lang siya ni Jihoon.

"Aalis ako basta sagutin mo lang yung tanong ko." sabi ni Soonyoung.

"Ano?"

"Mahal mo ba ako?" tanong ni Soonyoung kaya napatingin na sa kanya si Jihoon.

"Sagutin mo lang yan, Pagtapos yun aalis na ako." dagdag pa ni Soonyoung pero hindi sumasagot si Jihoon.

Kaya ngumiti siya para kasi sa kanya, Silence means Yes.

"Silence means Ye—"

"Hindi." pagpuputol ni Jihoon dahilan para mawala ang ngiti sa labi ni Soonyoung.

Oo, Mahal kita.

"Hindi kita mahal." pag-uulit ni Jihoon tsaka tinanggal yung pagkakahawak ni Soonyoung sa kamay niya.

"Nagsagot ko na tanong mo diba? Pwede ka ng umalis." sabi ni Jihoon at tsaka nahiga na sa kama niya pero si Soonyoung nanatiling nakaupo at iniisip pa din yung sinabi ni Jihoon na para bang nagpapaulit ito sa isip niya

"Hindi kita mahal."

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Where stories live. Discover now