25

847 51 2
                                    

"Sure ka ba sa sinasabi mo?" tanong ni Wonwoo kay Jihoon na kasalukuyang nasa unit nila.

Dumiretso kasi ito dito para sabihin sa kanila yung mga hinila niya kung asan talaga si Soonyoung.

"pero ano namang ginagawa ni Soonyoung hyung dun?"  nagtatakang tanong ni Vernon kay Jihoon.

"Di ko din alam." sagot ni Jihoon.

Hanggang ngayon kasi iniisip pa din ni Jihoon yung dahilan kung bakit nasa Ospital si Soonyoung, kung andun nga siya.

"Baka naman nagkakamali ka lang, Ji? imposible namang naka-confine dun si Soonyoung, eh wala namang sakit yun." sabi naman ni Wonwoo kaya napatingin si Jihoon sa kanya.

Sana nga nagkakamali lang ako, Sana nga.

"Di ko alam, nalilito na ako." saad ni Jihoon sabay gulo ng buhok niya.

"Mabuti pa't magpahinga ka muna Ji, Pagod lang siguro yan."

Tumango na lang si Jihoon nun at tsaka nahiga sa may sofa nila Wonwoo, pero di parin mawala sa isip niya yung mga tanong na hindi niya masagot-sagot.

Soonyoung, asan kana ba talaga?

— ||| —

"Mabuti pa't sabihin na natin sa mga kaibigan mo ang totoo" seryosong sambit ng kapatid ni Soonyoung.

"Noona naman—"

"Soonyoung? di ka ba naawa sa ibang mong kaibigan? ha? wala silang kaide-ideya kung nasaan ka, kung anong nangyari sayo,kung bakit ka nawala?!" inis na sabi ng kapatid niya.

"Kung ano ng nangyari sayo. . . Soonyoung, di natin kung anong mangyayari sayo, pero ayaw mo padin sabihin sa kanila yung kalagayan mo ha? Alalang-Alala na sila sayo. . lalo na si Jihoon." dadag pa neto.

"Soorim Noona. . ." tanging nasabi ni Soonyoung at napayuko na lang.

Tama naman kasi yung sinabi ng ate niya eh, hindi nila alam kung anong susunod na mangyari na baka sa susunod mas malala na.

"Pag-iisipan ko muna. . ." saad ni Soonyoung habang nakayuko.

"Soonyoung naman—"

"Please noona. . pagbigyan mo muna ako, hindi madali sakin na sabihin sa kanila na may sakit ako." pagpuputol niya sa sinabi ng ate niya.

"Hindi pa ako handa na sabihin sa kanila." dagdag pa niya.

"Hyung. . ." naiiyak na sabi ni Dokyeom pero isang matamis na ngiti lang ang binigay ni Soonyoung.

"Please, Noona." pagmamakaawa neto sa kapatid niyang hindi na mapigilan na maluha dahil sa kalagayan ng kapatid niya.

"O-Oo na. . matitiis ba kita?"

— ||| —

"Jihoon-ah!" tawag ni Soonyoung kay Jihoon na kasalukuyang busy sa paggawa ng kanta.

"Jihoooonieeeee" pagtawag niyang muli dito kaya napatingin na sa kanya si Jihoon.

"Oh?"

Umiling lang si Soonyoung nun tsaka ngumiti sa kanya kaya natawa na lang si Jihoon at napailing.

"Lakas na naman ng trip mo eh no" aniya Jihoon.

"Kanina ka pa kasi dyan tas di mo ako pinapansin" sabi ni Soonyoung sabay pout pa kaya natawa lalo si Jihoon sa inasal niya.

"umalis ka na nga lang dito, pang-gulo ka e" pang-tataboy ni Jihoon dito pero ngumiti lang si Soonyoung nun at tsaka ginulo buhok ni Jihoon.

"Sorry."

"para saan?" tanong nya kay hoshi pero di ito sumagot.

"huy? para saan kako?"

"sa lahat—"

"JIHOON HYUNG!!!!!!" sigaw ni Hansol kaya agad na nagising si Jihoon at tsaka tinignan si Hansol.

"Ano ba yun? ba't ka sumisigaw??!!!" tanong niya dito.

"We found him."

"Ha? sino?"

"Soonyoung hyung."

"Nahanap na namin siya, Ji." biglang singit ni Wonwoo habang nakatitig kay Jihoon.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Where stories live. Discover now